Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 841 - Kabanata 850

1942 Kabanata

Kabanata 841

Whoosh!Sa sandaling natulala ang isa sa mga mandirigma ng Heavenly Spirits ng Stoermer sa Alaska, nahulog sa kamay ni Zayn ang punyal sa kamay nito.Sa sumunod na segundo, lumipad nang mataas ang malaking ulo nito, habang tumatalsik ang dugo sa ere.Nagkaroon tuloy ng bakante sa pormasyon ng 36 Heavenly Spirits dahil sa pagkamatay ng isa sa kanilang mga kasamahan, kaya naapektuhan din ang formation.“Hmph, ako na papalit doon sa bakante!” Sumigaw si Finn habang sinisipa ang walang ulong bangkay sa tabi, inilalagay ang sarili sa bakanteng posisyon ng 36 Heavenly Spirits para punan ang butas.Pero, may silbi pa ba yun?Sumabog ulit ang pagkanta ni Zendaya sa likuran.“Bakit hindi ako maligo sa apoy at humakbang sa kalangitan, sasalungatin ang kalooban ng Langit na baguhin ang aking kapalaran? Tadhana ko’y akin, malinaw iyon ngunit mahamog kapag pinagsama. Kung sino man ang gustong manghusga ng itim at puti, o tama at mali, kailangan niya muna akong tanungin. Mas gugustuhin kong ipaglaba
Magbasa pa

Kabanata 842

Naligo si Alex sa kwarto ni Zendaya. Talagang nakakapagod ngayong araw. Kanina, napadura siya ng dugo matapos siyang bugbugin ni Carlos at wala man lang siyang panahon para magpalit ng bagong damit.Makakapagpahinga na siya sa wakas.Pero…Bago pa siya matapos maligo, may babaeng nagtulak ng pinto at pumasok sa banyo.Dug!Bago pa niya malinaw na makita yung pumasok sa banyo, may babaeng dire-diretsong pumasok sa malaking Jacuzzi, dahilan para umapaw ang tubig.Sa isang sulyap, hindi lang ito kung sino—si Zendaya Stoermer ‘to.Sige na nga!Bukod sa mahusay na aktres ng mga Stoermer, wala ng ibang tao dito ang makakagawa nun ngayon. Basta, talagang imposibleng maging Xyla Stoermer o Carey Stoermer iyon.“Mahal, hayaan mong… tulungan kitang kuskusin yung likod mo.” Lumusong si Zendaya sa bathtub na puno ng mga bula. Dahil natatakpan ng mga bula ang kanyang katawan, hindi makita ni Alex ang tanawin sa ilalim. Gayunpaman, bahagya niyang naalala na nakita niya ang dampi ng pagkaputi nito ro
Magbasa pa

Kabanata 843

Boom!Sa manor ng mga Coleman sa Missouri, nawasak gamit lamang ng kamay ang antigong mesa. Naging tabla na lang ito ng mga kahoy.Ang lalaking nakawasak nito ay ang dakilang elder ng pamilyang Coleman, si Grandmaster Terrance Coleman.Katatanggap lang niya ng balita tungkol sa pagiging Grandmaster ni Zayn Stoermer.Galit na galit, sumigaw ang matanda, “Maaaring maging Grandmaster ang matandang basurang iyon na si Zayn Stoermer. It doesn’t make any sense, hindi ba nasira ang martial foundation niya noon pa? Paano niya nagawa iyon?”Napakahirap ng araw na ito para sa kanya.Bilang marangal na Grandmaster, gusto niyang manindigan para kay Tristan. Dahil dito, natigilan siya at hindi naglakas-loob na kumilos. Natakot siya, pinapahiya ang sarili.Pagkatapos ng karanasang ito, nauwi si Tristan sa pagiging baliw na kumakain ng putik; Nawasak ng kidlat ang energy core ni Jerome; may pito o walo pang ekslusibong mandirigma ng mga Coleman ang malubhang nasugatan at mahirap pagalingin ang mga pi
Magbasa pa

Kabanata 844

Inaalala ang mga sandaling nakasuot ng maskara ni Alex at nakaharap sa kanya bilang si Mask, napakaamo at maalalahanin nito. Gayunpaman, bakit sobrang suplado nito kapag walang maskara? Ano bang ginawa niyang mali...Buweno, naalaala niyang araw-araw nga pala niyang sinisigawan ito dati.Pero magbabago naman siya!“Naba... Nabasa mo ba yung mga text ko?”“Oo.”“Hah? Eh bakit hindi mo ako sinagot?”“Bakit ako sasagot?”“...”Pakiramdam ni Beatrice ay para siyang tinamaan ng combo na may tatlong magkakasunod na suntok, nadurog ang puso niya habang malinaw na tumulo ang mga luha sa kanyang mukha.Sa kabilang banda, sinabi ni Alex na may malamig na boses, “Beatrice Assex, hindi ko alam kung anong nangyayari sa’yo. Noong bayaw mo pa ako, hindi mo ako tinawag na bayaw kahit minsan. Ngayong nakipaghiwalay na ako sa ate mo, sa tingin mo ba ay pwede tayong maging magkaibigan? O naramdaman ba ng nanay mo na wala nang pag-asa na pakakasalan kong ulit ang ate mo, kaya ipinadala ka niya para lumapi
Magbasa pa

Kabanata 845

Ganap na nabigla si Nicholas. ‘Anong nangyayari?’Medyo nalilito rin si Alex.Matapos tingnan ang binata, napansin nilang malapit nang mag-trenta anyos ito. Mukhang magara ang suit, pero bahagyang nagkulang ito sa hitsura. Masyadong mataas ang hairline nito. Kapag tumaas pa ito ng kaunti, magiging kapareho na nito ang umuurong na hairline ni Zack Carter.Tapos, sabik na sabik siyang ipinakilala ng babaeng katabi niya. “Ate, Bayaw, mayaman ‘tong lalaking ipapakilala ko sa inyo ngayon. Tunay siyang matagumpay na negosyante, lumalakas din ang negosyo ng kanyang pamilya! Nabalitaan kong magsasama sila para maging isang malaking kumpanya, ang kanilang suwerte ay walang hangganan sa hinaharap! Bilang kapatid mo, kahit ako puwedeng umasa sa inyo sa hinaharap!”Bahagya lamang narinig nina Alex at Nicholas ang usapan pero naiintindihan nila ang diwa nito.Ang babaeng iyon ay tiyahin ni Chloe, ang pangalan niya ay Heather Halls.Ang binata na may umuurong na hairline ay si Chad Hunter, si Heathe
Magbasa pa

Kabanata 846

Galit na galit si Heather. “At sino ka? Sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Ako—”Agad na lumundag si Chloe sa kinauupuan niya. “Auntie! Kaibigan ko sila, huwag mo silang bastusin!”Pagkatapos ay niyakap niya ang braso ni Nicholas at ipinakilala siya sa kanyang mga magulang. “Mom, Dad, ipapakilala ko kayo sa boyfriend ko, ang pangalan niya ay Nicholas… Beha Hudson.”Pfft!Napabuga ng tsaa ang mga magulang ni Chloe.“Ano nga ulit yung gitnang pangalan niya?” Nakatitig kay Nicholas ang ama ni Chloe na si Adrien Zea, dilat ang mga mata.Namula ang mga pisngi ni Chloe, alam niyang hindi biniyayaan ang pangalan nito.Nang magpapaliwanag pa lang siya ay natawa na si Chad. “Talagang bagay sa’yo yung pangalan mo! Beha, tama? Mukhang walang sapat na bra ang pamilya mo kaya kinailangan nilang pangalanan ang anak nila ng isa! Sa tingin mo ba nararapat kang maging boyfriend niya, ikaw na kawawang talunan? Napapaisip tuloy ako kung sinong nagbigay sa’yo ng lakas ng loob na pumunta rito. Yung b
Magbasa pa

Kabanata 847

Sa totoo lang, nang marinig ni Chloe ang mga salitang ‘Sunshine Co.’, gusto niyang itago ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan.Gusto niyang magsalita at sabihin sa kanyang tiyahin na si Alex ang may-ari ng negosyong bibili ng Sunshine Co.Gayunpaman, hindi man lang siya binigyan ni Heather ng pagkakataong magsalita.Sinimulan niyang insultuhin si Alex. “Aling negosyo? May kinalaman ba iyon sa’yo? Maiintindihan mo ba kapag sinabi ko sa’yo? Pakikipag-away, paninigarilyo at paglalaklak lang naman ang alam ninyong masasamang-loob… tama? Wala kayong inatupag kundi makipagkarera at tumambay sa comp shop! Alam ninyo ba kung ano ang acquisition? Hindi pa nga ganoon iyon eh, partnership kasi talaga!“Hindi bale, walang saysay na ipaliwanag sa inyong mga dukha. Mga lumot lang kayo sa balon.”Itinama siya ni Nicholas. “Mali ka. ‘Walang alam tungkol sa dagat ang palaka sa balon’ dapat, gurang.”Napasimangot si Heather. “Lakas ng loob mong itama ako? Naiintindihan mo ba iyang pinagsasabi mo?”Hindi
Magbasa pa

Kabanata 848

Maya-maya lang, nag-ring ang phone ni Chad.Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone at napagtantong tawag iyon mula sa kanyang tiyuhin na si Douglas Hunter.Bumagsak ang puso niya sa tiyan.Alam ni Chad na si Douglas ang totoong general manager ng Sunshine Co.. Nagpanggap lang siya sa harap ni Heather kanina.‘Kung tinatawagan ako ni Uncle ngayon, ibig sabihin, tinawagan talaga siya ng lokong ito?’Sinulyapan niya si Nicholas, ngunit hindi siya naglakas-loob na hindi sagutin ang tawag ng kanyang tiyuhin.Pagkatapos mapilitang sagutin, magalang niyang sinabi, “Uncle—”Pagkatapos noon, may malakas at marahas na pagbulyaw ang nagmula sa kabilang linya. “Chad, walang kwenta ka! Anong pinaggagawa mo? May nasaktan ka ba? Mas mabuting lumuhod ka sa harap ni Mr. Hudson at sa mga taong nasa harapan mo at humingi ng tawad para mapag-isipan nilang ulit ang pagbili sa Sunshine Co.! Kung ayaw mo, babaliin ko iyang dalawang paa mo! Alam mong may isa akong salita!”“U-Uncle, nagbi… nagbibiro ka, d
Magbasa pa

Kabanata 849

Si Douglas yung dumating.Dahil parang hindi pa sapat ang sampal, sinimulan niyang suntukin si Chad hanggang sa mamaga ang mukha nito.“Luhod!“Humingi ka ng paumanhin!”“O babaliin ko iyang dalawang paa mo!”Tila masiglang-sigla si Douglas habang kumikinang ang mga mata habang walang awa niyang binubugbog ang pamangkin. Sapat na ang kanyang mga suntok para matanggal ang dalawang ngipin ni Chad at dumugo ang ilong nito.Sinipa sa tuhod si Chad kaya napaluhod siya kahit ayaw niya.Sapat na ito para takutin si Adrian at ang kanyang buong pamilya.Ang pamilya ng tatlo ay mga normal na mamamayan lamang—si Adrian ay normal na manggagawa lamang sa tindahan ng hardware.Nagawa lamang niyang maging pinuno ng kanyang grupo na may suweldong limang libong dolyar bawat buwan, sapat lamang para matustusan ang pamilya sa malaking siyudad sa Michigan.Si Scarlett naman ay janitor lang sa isang accounting firm kaya mas mababa ang sahod niya.Ito ang dahilan kung bakit ang dalawa ay karaniwang maingat
Magbasa pa

Kabanata 850

Sa wakas ay kaswal siyang nagsalita. “Hindi naman talaga ako ininsulto ng hangal mong pamangkin. Pumunta lang siya dito para ligawan ang girlfriend ng kasamahan ko. Sinubukan pa niyang gumamit ng tatlumpu’t walong libong dolyar na kwintas para hamunin yung kasamahan ko, nakakatawa lang.”Dug!Sinipa ni Douglas si Chad sa puwet, dahilan para bumagsak ang mukha nito sa lupa, saka niya ito pinagalitan. “Gago ka! Kinalimutan mo na ba apelyido mo dahil lang sa may katiting na pera ka? Kung hindi lang maagang namatay ang tatay mo, matagal ko nang binali iyaang dalawang binti mo!”Histeryosong umiiyak si Chad habang nakaturo kay Heather. “Uncle, ang babaeng iyan ang unang lumapit sa akin, sabi niya ibebenta niya sa akin yung pamangkin niya... Aba, hindi pa naman ako kasal, kaya sinusubukan ko lang naman maghanap ng magbibigay ng anak sa’kin at tumulong na panatilihin ang aking angkan! Para kay Dad!”Napakunot ang noo ni Chloe sa narinig. “Ibebenta ako sa’yo? Magkano ang tinanggap niya?”Nagsi
Magbasa pa
PREV
1
...
8384858687
...
195
DMCA.com Protection Status