All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 831 - Chapter 840

1942 Chapters

Kabanata 831

Nagdala talaga si Carey ng upuan at pinaupo roon si Alex. Pagkatapos, masusing minasahe niya ang binti nito, na parang alipin.Napakunot ng noo si Zendaya nang makita ang eksena.Samantala, labis na nalilito si Alex na hindi niya naisip na tanggihan ang alok sa loob ng maikling sandali. Naisip niya sa kanyang puso na si Carey ay isang daang beses na mas mainam kaysa sa kanyang dating biyenang babae, si Claire Assex.Ang isipin si Claire na minamasahe ang kanyang mga binti ay dahilan para kilabutan siya.Samantala, si Anna, na nakatayo sa isang tabi, ay tumingin kay Alex na may kumplikado ngunit hindi maipaliwanag na ekspresyon.Sa madaling salita, iginagalang siya ni Anna tulad ng Diyos at mga demonyo.Sa puso niya, hindi na niya ito kayang tratuhin na parang ordinaryong miyembro ng Divine Constabulary. Nagkaroon pa siya ng pagkamangha na mas malalim kaysa kapag kaharap si Sky Melvis.Kahit na ang lahat ng kredito ng malaking palabas ni Alex ay na kay Maiko, talagang natalo niya si Con
Read more

Kabanata 832

Pagkalipas ng ilang minuto, ang golf course ng mga Stoermer ng Michigan na masigla kanina ay naiwan na may mga bakanteng upuan. Wala na ang lahat.Patay na si Carlos.May kakaibang sakit si Tristan kung saan kumakain siya ng putik.Ang ranggo ng walong maharlikang ng hari ay magkakaroon ng pagbabago sa mga antas ng kapangyarihan sa lalong madaling panahon.Maraming tao ang umuwi para maghanda o ayusin ang kanilang mga estratehiya para sa pagbabago. Walang maliit na bagay sa mga maharlikang pamilya. Lagi silang naglalaban, gumagawa ng mga pakana at niloloko ang isa’t-isa. Sa larangan man ng negosyo o martial arts, palaging magkakaroon ng mahigpit, madugong kompetisyon.Hindi lamang ito isang laban para sa katanyagan at posisyon kundi pati na rin sa mga interes at suwerte.“Dad, Dad, ayos ka lang ba?”Sa sandaling ito, isang boses ang bumasag sa katahimikan.Ang nagsalita ay si Harvey Stoermer. Sa sandaling ito, hawak niya si Carlos at puno ng pighati at galit ang kanyang mukha.Tumayo s
Read more

Kabanata 833

Sa sandaling ito, nakita na lamang niya si Xyla na nakapulupot sa kama, duguan. Mas malala ang sitwasyon nito kaysa kay Carey.Parehong bali ang mga braso at binti niya. Nabali ang pito sa tadyang niya at ang isa ay tumusok pa sa baga.Sa bawat paghinga, matinding sakit ang nararamdaman niya.Ang pinakanakakagalit ay ang kanyang mukha ay inukitan ng dalawang malalaking salita na “Pokpok ako”!Sa sandaling iyon, galit na galit si Alex at sasabog na siya sa galit.“Si Carlos Stoermer ang umukit ng dalawang salitang ito?”Ngayon, naramdaman niyang nararapat lang talaga na pinatay niya si Carlos.Umiling si Kazim at masaklap na sinabi, “Si Harvey Stoermer ang nag-ukit ng mga salitang iyon pero inutusan siya ng matandang g*go, si Carlos Stoermer! Walanghiyang g*go, nakakahiya na siya ang pinuno ng mga Stoermer sa Alaska. Bilang Grandmaster, napansin niyang malusog si Xyla, binanggit pa niyang pinagsasama-samang spiritual essence o kung anupaman si Xyla. Pagkatapos, talagang... talagang sinu
Read more

Kabanata 834

“Mapapa... Mapapagaling mo ako?”“Oo!”Ipinadala ni Alex ang bahagi ng spiritual power na may mga katangian ng pagpapagaling sa katawan ni Xyla para protektahan ang mahahalagang laman-loob.Pagkatapos, naging prangka si Alex sa pamamagitan ng pagsasabing, “Malala talaga yung mga sugat mo. Habang ginagamot kita mamaya, kakailanganing hubarin yung damit mo…”“Lahat?”“Um... yung iba lang naman.” Bumaba ang tingin niya sa gitna ng katawan nito.Agad namang namula si Xyla. Sa kasamaang palad, duguan ang mukha niya at isa itong kakila-kilabot na tanawin. Kahit kasing pula pa ng mansanas ang mukha niya, walang makakaalam.“Gawin... gawin mo yung dapat gawin.”Pagkaraan ng ilang sandali, bumalik muli si Kazim at ang kanyang pamilya. May hawak na masalimuot na kahon si Carey.“Mahal kong manugang, isa itong millennial reishi. Kapaki-pakinabang ba ito?” Ipinasa ito ni Carey kay Alex at kinakabahang nagtanong.Pasimple itong binuksan Alex. Pagkatapos tingnan at amuyin, nabigla siya nang sabihin
Read more

Kabanata 835

Sa bahay ng mga Stoermer ng Michigan, ginagamot pa rin ni Alex si Xyla sa kwarto.Ang babaeng kasing puti ng tupa ay natatakluban ng duguang anting-anting na Zharvakko. Ang mga kakaibang rune mula sa sinaunang mga pamana ay nagtataglay ng mga mahimalang kapangyarihan. May kakayahan ang mga ito na makipag-usap sa Yin at Yang, para humiram ng enerhiya na nasa pagitan ng langit at lupa upang pagalingin ang nasugatang katawan ng babae.Habang hawak ang kulay lila na millennial reishi sa kanyang kamay, dinilaan niya ang kanyang mga labi.Nakakamangha talaga ang bagay na ito!Gusto niya talagang lamunin ito.Isang milenyo na raw ang gulang nito, pero ayon sa kanyang bihasang mga mata, ang aktwal na edad nitong kulay lila na millennial reishi ay maaaring tatlong milenyo na at napanatili pa rin ito sa napakagandang kondisyon. Talagang hindi niya alam kung paano nakuha ng mga Stoermer ang makalangit na kayamanang ito. Isang bagay ang sigurado: Tiyak na kahanga-hanga ang karanasan ng mga maharli
Read more

Kabanata 836

Dumating si Zayn sa oras na ito, wala siyang pakialam sa sitwasyon ng Stoermer ng Michigan. Binugbog at pinatay niya ang sinumang humarang sa kanya. Walang ama ang makatiis na makitang inaapi at inukitan ng mga salita sa mukha ang kanyang pinakamamahal na anak na babae!Naroroon din si Kazim.Gusto niyang palagan ito, ngunit sa huli ay pinatumba siya ni Zayn.Sa wakas, naalala na niya kung bakit siya naparito at tinanong, “Narinig kong… inililigtas ni Master Rockefeller si Xyla, kumusta na siya ngayon?”Saglit na natigilan si Kazim, saka niya lang napagtanto na ang Master Rockefeller na tinutukoy nito ay si Alex Rockefeller.Sa maikling panahong ito, wala siyang ideya na kumalat na parang bagyo sa mga Stoermer ng Michigan ang reputasyon ni Master Rockefeller. Ang lahat ng klase ng mga tsismis tungkol sa kanya ay pumaikot na rin sa loob ng walong maharlikang pamilya.Bagama’t ginamit ni Alex si Maiko para bigyan ng babala ang lahat, hindi ito naging hadlang sa pagpapalitan ng kuro-kuro
Read more

Kabanata 837

“Anong nangyari, Dad?” Agad na tanong ni Kazim matapos mapansin ang kakaibang ekspresyon ni Zayn.Mapait na ngumiti si Zayn. “Alam kong darating ang mga Stoermer ng Alaska, ngunit hindi ko inaasahang darating sila dito nang ganito kabilis. Darating si Weiner Stoermer para sugurin ang mga Stoermer ng Michigan sa loob ng isang oras kasama ang 36 Heavenly Spirits.”Nang marinig ito, lahat maliban kay Alex ay kinilabutan.Pagkatapos, ang iilan sa kanila ay sabay-sabay na napalingon kay Alex.Si Alex lang ang may kapangyarihang bumaling sa ganoong delikadong sitwasyon.Dahan-dahang kinamot ni Alex ang kanyang mga tenga at sinabing, “Ano ang 36 Heavenly Spirits? Ganun ba talaga sila kalakas?”Sabi ni Zayn, “Oo, sobrang makapangyarihan sila. Ang bawat isa sa kanila ay isang madirigmang may ranggong Earth. Bukod dito, ang 36 Heavenly Spirits ay merong battle formation, kapag nagkaisa sila, may kakayahanan silang i-korner at patayin ang kalaban, halos walang limitasyon ang kanilang kapangyariha
Read more

Kabanata 838

Napakagat na lang ulit siya.Pagkatapos, tatlong beses pa ulit.Sa huli, kinailangan niyang ubusin ang buong kulay lila na reishi. Nanginginig ang puso niya sa sakit. Ang gayong malaking tatlong-libong taong gulang na kulay lila na reishi ay maaaring gamitin para gumawa ng mga tabletas na makakaligtas ng maraming buhay, ngunit sinamantala ng magnanakaw na ito ang lahat ng iyon.Ting!Ramdam na ramdam ni Zayn ang masiglang paggalaw ni Chi sa loob ng kanyang katawan habang nanginginig ito.Sa sumunod na sandali, nagpakawala siya ng dagundong. “Oh… Ngayon, ako, si Zayn Stoermer, sa wakas ay naging Grandmaster! Magiging makatarungan ako at hindi susuko, Langit at Lupa ang aking magiging saksi!”Ang aura na lumalabas ay mula sa isang Grandmaster.Binawi ni Alex ang kamay niya.Agad na sumingit si Zendaya at ginamit ang manggas niya para punasan ang pawis ni Alex, parang balisa ang ekspresyon niya. Dumidikit pa nga ang katawan niya kay Alex kung minsan, kaya hindi napipigilan ni Alex na yaka
Read more

Kabanata 839

“Lumabas ka at harapin ang kamatayan mo, Lumabas ka at harapin ang kamatayan mo, Lumabas ka at harapin ang kamatayan mo…”Masyadong malaki ang manor ng mga Stoermer, bukas na pero wala itong hangganan. May maliit pa ngang tulay na may tubig na umaagos sa ilalim, napapaligiran ng mga pekeng bundok.Ang malakas na sigaw ni Weiner ay parang dumadagundong na kulog, na kumakalat ng libu-libong milya. May mga echo pa nga.Hindi lamang ito naririnig ng lahat ng mga Stoermer sa loob ng manor, ngunit kahit sino sa labas ng manor ng Stoermer sa loob ng radius na sampung milya ay makakapansin din sa kanyang boses.Gayunpaman, walang tugon mula sa manor ng mga Stoermer. Tahimik lang, parang walang tao sa loob.“Kuya, tumakas ba ang lahat ng mga Stoermer ng Michigan matapos mabalitaan na darating tayo?” Ang nagsalita ay ang pangalawang anak ng pamilyang Stoermer, si Ivan Stoermer. Siya ay mandirigmang may ranggong Intermediate-Earth.“Malalaman namin kung titingnan natin,” kaswal na sinabi ng ikatl
Read more

Kabanata 840

Marahas na tumadyak si Zayn, agad na gumagawa ng malaking hukay sa lupa. Ang kanyang pigura ay tumaas mula sa lupa at lumukso sa hangin, pagkatapos ay sumugod siya patungo sa grupo ng mga tao na parang bulalakaw.“Grand… Grandmaster!” Nagulat si Weiner, alam na alam niya ang aura na ito.Ito ay dahil palagi nilang nararamdaman ito sa katawan ng kanilang ama, si Carlos Stoermer, pero... naging Grandmaster na pala si Zayn Stoermer. Paano iyon naging posible?“36 Heavenly Spirits! Simulan ang formation!”Gayunpaman, huli na ang lahat.Dahil naging Grandmaster na si Zayn, malapit na siyang pumatay para itatag ang kanyang awtoridad, na siyang magsasakripisyo ng dugo para sa titulong Grandmaster.Boom!Medyo mabagal si Weiner. Sinunggaban siya ni Zayn, na nagpakawala ng inner force, kinukumpas ang palad niya papunta kay Weiner.Nawasak ang buong ulo niya na parang pakwan.Hindi kailanman malalaman ng ninoman ang kadakilaan ng isang Grandmaster maliban kung siya ay magiging isa. Iyon ay isang
Read more
PREV
1
...
8283848586
...
195
DMCA.com Protection Status