Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 821 - Kabanata 830

1942 Kabanata

Kabanata 821

Pumalakpak din si Anna na nasa tabi ni Alex. Kumikislap ang magaganda niyang mga mata nang tumingin kay Tristan.Kinagat ni Alex ang kanyang mga labi at bumulong kay Anna, “May nakita ako sa mga mata mo.”Si Anna, na tumigil sa pagpalakpak, ay tumalikod at nagtanong, “Ano yun?”Sumagot si Alex, “Isang sinag ng liwanag, tulad nang sa kung paano nakita ng matandang baboy ang hari ng mga baboy.”Hindi nakaimik si Anna.Kinuyom niya ang kanyang magagandang ngipin, hinahangad na kagatin ito ng isang beses hanggang sa mamatay. Lakas ng loob nitong tawagin siyang matandang baboy?Maya-maya, umungol siya at sinabing, “Naiintindihan ko na, nagseselos ka! Alex, malamang mahal mo si Zendaya. Ngayong ikakasal na si Zendaya kay Tristan, tiyak na mapait iyang puso mo. Tulad ng maraming lalaking tagahanga ni Zendaya, nakakaramdam ka ng labis na inggit, selos at poot. Lubos mong hinihiling na ikaw na lang sana ang pakakasalan ni Zendaya, tama ba ako?”Umiling si Alex at ngumiti. “Hindi ko kailangang m
Magbasa pa

Kabanata 822

Gusto niyang makita ito. Kapag nangyari iyon, saka lang gagaan ang loob niya, na para bang ililigtas siya nito.Ayaw din naman niyang makita ito. Pinakaligtas para kay Alex kung hindi ito dumating para sa kanya.Gayunpaman, hindi nagtagal, nakita niya si Alex na nakatayo sa tabi ni Anna. Tila may kaakit-akit na puwersa ang dalawang ito. Kahit na nasa malawak na dagat sila ng mga tao, mahahanap pa rin niya siya pagkalipas ng sampung libong taon.Sa dami ng tao, nagtama ang kanilang mga mata.Hindi mapigilang bumagsak ang kanyang mga luha.Binigyan siya ni Alex ng matatag na tingin pero marahan siyang umiling bilang tugon.Malumanay niyang bulong. “Huwag!”Nakaramdam si Alex ng kirot sa kanyang puso. Alam niya ang ibig nitong sabihin.“Hm? Bakit umiiyak si Zendaya? Para nakatingin siya sa akin at may gustong sabihin. Anong gusto niyang sabihin?” Sa wakas ay napagtanto ni Anna na may hindi tama at binulungan niya si Alex sa tabi niya.Napaawang ang labi ni Alex. ‘At ikaw ang babaeng hener
Magbasa pa

Kabanata 823

“Ah!”“Sino ang babaeng iyan?”“Bakit niya pinutol yung kasal? May death wish siguro siya!”Gulat na gulat ang lahat habang nakatitig kay Carey na paakyat ng entablado, nakanganga ang mga bibig.“Mom!” sigaw ni Zendaya habang naluluha.Nang tawagin ni Zendaya ang babae na “Mom”, doon lang napagtanto ng karamihan na ang babaeng duguan ay ang ina pala ng bride. Higit sa lahat, lumitaw ang kanyang ina para itigil ang kasal. Medyo grabe pala ang palabas na ito.Nais ni Zendaya na tumakbo patungo kay Carey ngunit pinipigilan at kontrolado siya, hindi makagalaw.Sumigaw si Conor na nakatayo sa tabi ni Zendaya, “Gard, lapit. Ikaladkad ang baliw na babaeng ito.”Pagkatapos ay ikinumpas niya ang kanyang mga kamao para sa mga panauhin sa ibaba ng entablado at sinabing, “Paumanhin sa inyong lahat. Medyo hindi maayos ang pag-iisip ng babaeng ito. Nagpapahinga lang dapat siya sa bahay pero nakatakas siya. Umaasa ako sa pag-uunawa ninyong lahat!”Umiiyak si Zendaya, “Hindi baliw ang nanay ko.”Gayun
Magbasa pa

Kabanata 824

Ang kanyang cultivation ay nasa kalahating hakbang na patungo sa ranggong Mystic. Malapit niya nang maaabot ang ranggong Earth. Gayunpaman, napatumba siya ngayon ni Kazim. Samantala, hindi man lang gumalaw si Kazim.Inaalalang mabuti ang agarang epekto ng salpukan kanina, bigla niyang napagtanto na naabot na ni Kazim ang ranggong Earth. Nauna ito ng isang hakbang sa kanya, paano iyon naging posible?Galit na galit siya. “Kazim Stoermer, sinusubukan mo bang talikuran kami? Gusto mo bang maitaboy mula sa pamilyang Stoermer?”Matigas ang ekspresyon ni Kazim. Hindi niya sinagot si Conor bagkus ay bumaling siya kay Carey. “Honey, patawad kung hinayaan kitang magdusa! Anuman ang kahihinatnan ngayon, mananatili tayong tatlong magkakasama bilang isang pamilya at sasabak sa labanang ito. Kahit na mamatay tayo, mamamatay tayo bilang isang pamilya!”Tumango si Carey at mapait na ngumiti. “Ganyan dapat ang asawa ko, ang haligi ng tahanan.”Sa puntong iyon, masasabi ng lahat na si Zendaya ay pinipi
Magbasa pa

Kabanata 825

Napatingin ang lahat sa pares ng lalaki at babae na magkayakap sa entablado.Ang bawat isa sa kanila ay napuno ng iba’t-ibang mga saloobin: ang ilan ay nagulat; ang ilan ay madamdamin; ang ilan ay nakipagtsismisan sa iba; may ilan ding natuwa sa kanilang pagdurusa.Nanlaki ang malalaking mata ni Anna, nahihilo ang isipan. Hindi niya akalaing may ganitong klaseng relasyon sina Alex at Zendaya. Naalala niya kung paano pa niya hinawakan ang mga kamay ni Alex bago nito at ginamit ito bilang pansangga. Sinabi niya kay Harvey na boyfriend niya ito at ikakasal na sila sa susunod na taon. Higit sa lahat, isinakripisyo pa niya ang kanyang unang halik sa pamamagitan ng pagbibigay kay Alex ng isa.‘Di ko akalaing kayo na pala ng best friend ko.’‘G*go, bakit hindi mo sinabi sa akin?’‘Paano na ako haharap sa ibang tao sa susunod?’‘Hindi, teka. May susunod pa ba? Nagsusuka ka na ng dugo pagkatapos tanggapin ang atake ng grandmaster. Umakyat ka lang diyan para patayin ang sarili mo, ano?’Maraming
Magbasa pa

Kabanata 826

Itinuon niya ang spiritual power sa kanyang katawan sa isang parte nito.“Dragon Tusk: Seven Deaths!” Bagong bersyon na ito.Boom!Isang malakas na putok ang tumunog habang sumabog ang enerhiya.Napunit ang kamiseta ni Conor. Pagkatapos ng suntok na iyon, nagsimula pa ngang gumawa ng sunod-sunod na kaluskos ang kanang braso niya dahil unti-unti itong nabali.Hanggang sa isang tiyak na sandali, bumigay na ang kanyang buong braso at lumaylay na para bang nawala na parang bula ang mga buto nito.Napahiyaw si Conor.Napahawak siya sa braso niya, namimilipit sa sobrang sakit. Hindi siya makapaniwala sa katotohanang ito.Nagulat din ang lahat ng madla sa ibaba ng entablado.Medyo kilala ng walong maharlikang pamilya ang isa’t-isa. Kahit na ang mga Stoermer ng Michigan ay sangay na pamilya lamang, nasa listahan pa rin ang mga ito sa kanilang mga alalahanin. Alam ng lahat na si Conor Stoermer ang susunod na pinuno ng mga Stoermer at ang antas ng kanyang martial arts ay nasa kalahating hakbang
Magbasa pa

Kabanata 827

Agad namang nagalit si Abel, na nakatayo sa isang tabi, nang marinig ang mga salitang iyon.Ang pagkain ng putik ay sikreto ng kanyang anak na ipinagbabawal na ikalat, iskandalo na hinding-hindi dapat ipaalam sa publiko. Ngayong nalantad na ito sa harap ng daan-daang matataas na klaseng bisita, talagang mawawasak nito ang reputasyon ng anak niya!Galit na sigaw niya, “Kalokohan! Ikaw ‘tong kumakain ng putik. Buong pamilya mo kumakain ng putik. Bwisit kang putik ka, baka gusto mong…”Bago siya makatapos, napagtanto niyang hindi tama ang kalagayan ng anak niya.Masyado siyang pamilyar sa mga matang iyon na puno ng maliliit na bituin.‘Hindi ‘to maganda!’ sigaw niya sa puso niya. ‘Hindi pa tumutunog ang alarm ng phone ko at hindi pa tapos ang timer. Bakit sumusumpong na ulit? Hindi ba isang beses lang kada oras? Halos kalahating oras pa lang!’Alam ni Abel na hindi tama ang sitwasyon. Wala na siyang oras para intindihin si Alex, kaya nagmamadali niyang pinigilan ang kanyang anak.Gayunpam
Magbasa pa

Kabanata 828

Naisip niya, ‘Alex. Hay, Alex. Dahil niligtas mo ako dati, babayaran kita gamit ng buhay ko ngayon.’Umakyat siya sa entablado.Sumigaw si Anna, “Hindi siya miyembro ng kultong satanic. Isa siyang miyembro ng Divine Constabulary!”Ano?Karamihan sa mga matataas na klase ng tao sa Amerika, lalo na ang walong maharlikang pamilya, ay hindi maaaring hindi alam ang tungkol sa Divine Constabulary.Ang Divine Constabulary ay isang opisyal na organisasyon sa America. Ang mga taong tinatanggap sa Divine Constabulary ay hindi maaaring manggaling sa kultong satanic.Gayunpaman, panunuya ng dakilang elder ng mga Coleman, “Kung ganoon, may nakalusot na galing sa kultong satanic papasok sa loob ng Divine Constabulary. Lilinisin ko na lang ang kalat na ito sa ngalan ng Divine Constabulary.”Bilang isang Grandmaster, ang dakilang elder ay hindi nagbigay ng anumang respeto para sa Divine Constabulary.Tapos, kinaway niya yung kamay niya. “Pabagsakin siya!”Pinanghawakan niya ang kanyang sariling pagkak
Magbasa pa

Kabanata 829

“Whoa!”“Jusko po! Ano yung nakita ko?”Isang malakas at mataas na sigaw ang bumasag sa katahimikan ng madla. Parang malandi ang boses. Sa pakikinig lamang sa kanyang boses, tiyak na mag-iisip ang mga hindi nakakakilala sa kanya ng ilang hindi maipaliwanag na mga eksena.Oo, ang boses na iyon ay mula nga kay Angela Seay ng pamilyang Seay!Nanginginig ang katawan niya sa pagkasabik at ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang tanging nakikita niya ay ang imahe ni Alex na nakataas ang braso, kaakit-akit. Pakiramdam niya ay napamahal na siya at muling natagpuan ang pakiramdam ng unang pag-ibig.Hindi lang si Angela ang namangha, marami-rami rin.Pagkatapos, ang pinuno ng pamilyang Seay, si Nelson, ay bumulalas, “Isa siyang tunay na Cultivation Guru! Ang sumamo ng kidlat gamit lamang ng kamay, hindi siya mas mababa kumpara sa master! Mahusay siya sa parehong martial at mystic arts!”Nakatitig sa kanya si Kazim sa tabi ni Alex. Pagkatapos, nilingon niya si Jerome na nanginginig sa lupa matapos t
Magbasa pa

Kabanata 830

‘Takbo!’Wala nang ibang pag-aalinlangan ang matanda. Mabilis niyang ginalaw ang katawan at tumakbo ng kasing bilis ng kidlat patungo sa labasan.Siya ang dakilang elder ng pamilyang Coleman. Siya lang ang Grandmaster sa pamilya at meron siyang malaking responsibilidad bilang pangunahing suporta ng pamilya. Ang kahihiyan sa sarili ay higit na maigi kaysa bawian siya ng buhay. Hangga’t nabubuhay pa siya, ang mga Coleman ng Missouri ay maaari pa ring maging maunlad sa isa pang dalawampung taon.“Tumakas siya!”“Talagang tumakas ang Grandmaster ng mga Coleman dahil sa takot!”Nagkatinginan ang iba sa walong maharlikang pamilya. Nagulat silang lahat pero naisip nila na makatwiran naman ito. Ano pang magagawa niya kung hindi siya tumakbo? Harapin ang sarili niyang kamatayan?Sa sandaling ito, sinulyapan ni Maiko ang mga tao sa ibaba ng entablado at sinabing, “Kayong lahat, panatilihin ninyong mahigpit na kumpidensyal yung insidente ngayong araw. Hindi ko siya patatawarin at papatayin ko siy
Magbasa pa
PREV
1
...
8182838485
...
195
DMCA.com Protection Status