All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 801 - Chapter 810

1942 Chapters

Kabanata 801

Para kay Tristan Coleman, nakakabagabag ba ang pumatay ng isang katulong mula sa pamilyang Stoermer?Ni katiting na sikolohikal na pasanin ay hindi maramdaman.Palibhasa’y nasa ranggo ng Earth Expert, agad niyang winakasan ang malas na lalaki gamit ang kanyang palad, at namatay ito kaagad mismo. Hindi man lang nag-abala si Tristan na iligpit nang maayos yung bangkay, basta-basta lang niya ito sinipa papunta sa lawa.Kaagad pagkatapos noon, nagsimula ulit siyang magsuka.Nagsuka siya hanggang sa maubos ang laman ng tiyan niya, at puro dilaw na laway lang ang lumabas, pero pakiramdam niya ay may mabahong putik pa ring nagmumula sa kanyang tiyan. May bodega ng mga kagamitan sa pagdidilig ng mga bulaklak sa hindi kalayuan, at agad niyang sinugod ito para lumagok ng tubig.Makalipas lang ang sampung minuto ay saka lang niya ganap na nalinisan ang sarili.Pero utang na loob, hindi niya talaga maalala kung bakit siya gagapang sa lupa at kakain ng putik?‘P*ta, masamang espiritu kaya ang may g
Read more

Kabanata 802

Bakas sa mukha ni Tristan ang mayabang na ekspresyon, pero ngiti pa rin ang binigay niya nang marinig iyon. “Salamat sa iyong papuri, Pinunong Stoermer. Panigurado, aalagaan kong mabuti si Zendaya.”“Oo, oo, oo. Sa unang tingin pa lang, nahulog na ang aming Tristan kay Zendaya. Sa hinaharap, tiyak na seseryosohin ang aming pamilyang Coleman, at walang maglalakas-loob na apihin siya!” sabi ni Abel. “Pagdating ng panahon, siya ang magiging mistress ng aming pamilyang Coleman sa Missouri.”Nagkatinginan ang mag-ama, at nagkaintindihan ang kanilang mga mata.Kapag ikinasal na si Zendaya kay Tristan at nag-honeymoon na sila, mababawasan nang husto ang halaga ni Zendaya.Gayunpaman, ang antas ng enerhiya at cultivation ng Zendaya ay mainam.Pinagmasdan nila siya noon gamit ng mga lihim na pamamaraan, at meron siyang masaganang enerhiya sa kanyang katawan. Hindi ganap na masisipsip ni Tristan ang dami ng enerhiya sa loob lamang ng isang gabi, at malamang na tatagal ito ng tatlong buwan bago n
Read more

Kabanata 803

Nom... nom... hmm!Lumuhod si Tristan sa hardin, sinasalpak ang putik sa bibig niya at buong sarap itong kinain. Inangat pa niya ang kanyang ulo at binigyan ang lahat ng nasisiyahang ngiti, na para bang kinakain niya ngayon ang pinakamasarap na pagkain sa mundo.Lahat ng naroroon ay natigilan, hindi nakaimik, na tila nakakita sila ng demonyo.Masyado itong nakakagulat... talagang masyadong nakakagulat.Nakatulala ang lahat, at maging si Abel, ang ama ni Tristan, ay natigilan.Nang tuluyan na siyang nakabalik sa ulirat at sumugod para pigilan ang kanyang anak, maraming putik na ang nalunok ni Tristan.“Tristan! Tristan!”Tinampal ni Abel ang putik mula sa mga kamay ni Tristan. Naaamoy pa nga niya ang tae dahil nagkataong nagpataba ng lupa noong hapong iyon ang hardinero ng pamilyang Stoermer, at gumamit ito ng galing sa septic tank.At ang putik na kinain ni Tristan ay siyang may dagdag na sangkap.“Putangina!” Nandidiri si Abel.Hindi niya alam kung anong klaseng kabaliwan ang tumama s
Read more

Kabanata 804

Napasulyap siya kay Zayn at bahagyang hinawakan ang kamay nito, tila nagsasalita ang mga mata niya. Seryoso ang mukha ni Zayn, at sumulyap siya sa kanya at kumurap ng ilang beses, senyales na maghintay at tingnan muna nila bago pag-usapan ang tungkol dito.Samantala, narinig ni Xyla ang kaguluhan at sumugod.Nang makita niya ang eksenang nadatnan niya, bakas sa mukha niya ang pagkatulala.Naglakad siya papalapit kay Carey at nagtanong na may mahinang boses, “Auntie, anong nangyayari?”Pagkasabi niya noon ay nakita niya si Tristan na malakas na umuungal, “Ahhh, gutom na gutom ako! Ahhh, gutom, gutom na gutom! Hayaan mo akong kumain, umalis ka diyan…”Gayunpaman, hindi nakawala si Tristan sa pagkakahawak ng kanyang tiyuhin.Sa sumunod na sandali, sinimulan niyang saktan ang sarili, binubugbog ang sarili hanggang sa puntong maririnig ang pagkabali ng mga buto mula sa mga suntok na ibinigay niya sa kanyang sarili.Napatulala ang lahat ng nasa eksena, sunod-sunod na lumaylay ang kanilang mg
Read more

Kabanata 805

Sa lotus pond, nakita ng lahat ang isang bangkay.Siya yung katulong mula sa pamilyang Stoermer na dumating kani-kanina lang para tawagin si Tristan.Pero…“Huh? Hindi ba si Caleb iyan?” Napasigaw si Carey at muntik nang mahimatay.Pamangkin niya iyon. Dahil wala itong espesyal na kakayahan, ang katawan nito ay sakitin at mahina mula pagkabata, ang mga buto nito ay marupok rin, at madalas itong magkasakit dahil sa kondisyon nito. Si Carey ang nag-ayos para mabigyan ito ng mga madaling gawain sa pamilyang Stoermer.Ang suweldong kinikita nito sa mga gawaing bahay para sa pamilyang Stoermer ay higit pa rin sa perang kikitain niya sa iba.Sinong mag-aakalang mamamatay siya sa loob ng lotus pond na ito?Mabilis siyang kinuha ng mga taga-pamilyang Stoermer mula sa tubig.Tiningnan ni Zayn ng malapitan, malamig ang mukha habang sinasabing, “May humampas sa kanya sa noo gamit ng palad, at nawasak ang core niya, kaya namatay siya kaagad! Sinng may kagagawan nito? Baka siya rin ang taong nanaki
Read more

Kabanata 806

Halos mapaluhod si Zayn sa lupa dahil sa sobrang pressure.Alam na alam ni Zayn na kung gustuhin man ng pamilyang Coleman mula sa Missouri na labanan ang pamilyang Stoermer sa Michigan, walang saysay para sa kanya na humingi ng tulong sa pamilyang Stoermer sa Alaska. Hindi lalabanan ng mga nito ang pamilyang Coleman para sa kapakanan ni Zendaya.Matapos timbangin ang pros at cons, tumango lang sa kahihiyan ang nagawa ni Zayn.Nang makitang tinatango ng kanyang biyenan ang ulo nito, biglang nanlumo si Carey, at tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.Malamig na sabi ni Xyla kay Tristan, “Bakit mo ba kasi pinatay si Caleb?”May naiinip na hitsura sa kanyang mukha nang sumagot siya, “Nakita niya ang nangyari, kaya pinatay ko siya.”“...”Naningkit ang mga mata ni Xyla.“Dito ba unang nangyari? May nakita ka bang iba?” tanong ni Abel.“Hindi, wala akong maalala,” sagot ni Tristan.Tumingin sa lotus pond ang tiyuhin mula sa pamilyang Coleman, pagkatapos ay bumaling kay Zayn at nagtanong, “
Read more

Kabanata 807

Natigilan si Kazim.Hindi siya makapaniwala!Hindi ba magiging pinagbiyenan na sila?Malapit nang maging pinagbiyenan ang dalawang pamilya. Bakit bubugbugin nila ang kanyang asawa?“Ay... Nagkaroon ba ng hindi pagkakaunawaan? Hindi ka naman siguro sasaktan ng pamilyang Coleman nang walang dahilan? Dahil ba... May nasabi ka bang mali?”“May nasabi ba akong mali?” Tiningnan ni Carey ang kanyang asawa gamit ang mapupula niyang mga mata at tuluyang nagwala, sinusuntok at sinisipa ito. “Tama ka, may nasabi nga akong mali. Pinaslang ng gagong si Tristan yung pamangkin ko. Hindi ko siya dapat pinagalitan. Dapat iniabot ko na rin kanya yung leeg ko at hinayaan siyang patayin ako, at hayaan siyang patayin ang lahat sa sarili kong pamilya, at maligayang hayaan ang anak ko na ipasakal sa pamilya nila!”Hindi naglakas-loob si Kazim na gumanti sa mga iyak at reklamo ng kanyang matamis na asawa.Tapos, natulala na naman siya.“Pinatay si Caleb?”Parehong nagulat si Zendaya. Sinulyapan niya si Xyla,
Read more

Kabanata 808

Galit na sumagot si Joyce, “Carey Stoermer, wala ka sa lugar para pagsalitaan ng ganiyan yung asawa ko!”“Tama na!”Sa wakas ay nagsalita na si Zayn. Tumingin siya kina Kazim at Carey at sinabing, “Alam kong ayaw ninyong gawin ito mula sa kaibuturan ng inyong mga puso, pero ang lahat ay para sa kapakanan ng mas malaking larawan! Kinausap na ako ngayon lang ng tiyuhin ni Tristan tungkol dito. Kakailanganin ni Zendaya na pakasalan si Tristan, o papatayin ng mga Coleman ng Missouri ang mga Stoermer ng Michigan at sapilitan siyang kukunin... Zendaya, alang-alang sa pamilya, nagkasala ako sa’yo!”Tapos, bumuntong hininga siya at sinabi kay Xyla, “Xyla, pakiusapan mo naman si Zendaya.”Pagkasabi niya nun, tumalikod na siya at umalis.Walang liwanag sa mukha niya, blangkong tingin lang.Para naman kay Joyce, ngumiti siya at sinabing, “Hipag, huwag mong masyadong dibdibin. Hindi ba’t pamangkin mo lang naman yun? Hindi naman siya ganoon kaespesyal. Ipinagmamalaking anak ng langit si Tristan. Ka
Read more

Kabanata 809

Si Winston Zeller ay ang punong doktor sa Michigan Premier Hospital at isa ring honorary professor sa Michigan Medical University.Sa lahat ng apatnapung taon niyang pagiging doktor, sari-saring pasyente na ang nakita niya, pero wala pa siyang nakitang ganito kakaiba, sa pasyenteng nasa harapan niya ngayon.Pinagmasdan niya ang paglunok ng lalaki ng lupa na hinukay ni Abel mula sa ibaba.Buong sarap na kinain ng binata ang lupa na parang ito ang pinaka-katakam-takam na pagkain sa mundo.“May mental disorder ba siya?“O may pica ba siya?”Namula ang mukha ni Abel, at tumingin siya kay Winston at nagtanong, “Ano sa tingin mo ang kalagayan ng anak ko?”Umiling si Winston at sinabing, “Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito. Gaano na katagal ang kondisyong ‘to?”Ipinaliwanag ni Abel ang buong sitwasyon, pero siyempre, iniiwan ang impormasyon na may kinalaman sa pagkakakilanlan ng lahat. Para ilihim na sila ang pamilyang Coleman ng Missouri, nagsuot siya at si Jerome ng mga maskara a
Read more

Kabanata 810

“Anong ibig mong sabihin sa ‘natural na pugon’ siya?”“Puwede mong tingnan ito bilang kanyang pagiging supplement. Ang motibo ni Tristan ay kainin siya.”Medyo nanghina si Xyla sa loob. “Hindi ba ikaw ‘tong kumain kay Zendaya? Hindi ka pa rin umaamin?”Umiling si Alex. “Hindi naman sa ganoon. Baliktad kaya! Ako ang kinain! Dati, si Zendaya ang naglagay ng droga sa alak ko at sinamantala ang pagkakataong kainin ako.”“Hah?”“Tanungin mo pa si Zendaya.”Naramdaman ni Alex na dahil si Xyla ay tiyahin ni Zendaya at nakita niya ang buong proseso, hindi na kailangang itago ito. Kailangan din niyang ipagtanggol ang kanyang imahe, kung tutuusin.Harapin natin ang katotohanan. Ang pagsamantalahan pagkatapos painumin ng droga ay isa nang miserableng bagay. Walang anumang dahilan kung bakit siya ang dapat sisihin, na siya ang may kasalanan.Ang pagkabigla ni Xyla ay maaaring ilarawan na parang paparating na ang Mars para tumama sa Earth.Gmuho ang mundo niya sa impormasyong ito. May ginawang gani
Read more
PREV
1
...
7980818283
...
195
DMCA.com Protection Status