Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 781 - Kabanata 790

1942 Kabanata

Kabanata 781

May tubig sa pool dahil hindi pa ito pina-drain mula nang huli itong ginamit.Tilamsik!Nahulog si Claire Assex sa pool.“Tulong! Tulong!”“Ah—Aray, pinupulikat yung binti ko…”Panay ang pagsaboy ng tubig ni Claire sa pool habang hindi maiwasang makainom nito.Agad na nagalit si Brittany Rockefeller. “Tigilan mo nga ‘yang pag-iinarte mo. Ano tingin mo sa’kin, tanga? Napakababaw ng pool na ‘yan. Imposibleng malunod ka diyan kahit pinupulikat ka pa!”Tumango si Waltz Fleur. “Oo nga. Talagang ginawa ng babaeng iyan ang bagay na ngayon ko lang nakita, lahat para lang sa pera! Gayunpaman, ganiyan talaga siya. Dati, pinilit pa niyang makipag-divorce ang senior ko para lang maipakasal si Dorothy Assex kay Spark Rockefeller, ang pinsan ni Alex, ang anak ng salarin na nang-agaw sa Rockefeller Group! Bagay ba iyan na gagawin ng isang matinong tao?”“…” Napatulala si Brittany.Hindi pa niya alam ang lahat ng nangyari sa nakaraan!Ngayong narinig na niya ito, sa sobrang galit niya ay halos mapasuk
Magbasa pa

Kabanata 782

Medyo nagulat si Dorothy Assex nang makita si Alex Rockefeller na bumaba sa kotse.Lalong nakakagulat nang buhatin ni Alex ang isang basang Claire Assex palabas ng sasakyan.“Anong nangyari?” mahinahong tanong ni Dorothy.Mapait na tumawa si Alex. “Biglang sumugod ang mama mo sa bahay ko. Nagkataon na nasa bahay din ang nanay ko. Nagsimula silang magtalo, at siya... aksidenteng nahulog siya sa pool.”“Nandoon siya para pag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal natin ulit, tama ba?” tanong ni Dorothy.“Paano mo nalaman?” tanong ni Alex.“Hinulaan ko lang. Iwan mo na siya sa’kin. Dapat ka na sigurong umuwi para pagaanin ang loob ng mama mo,” sabi ni Dorothy.“Hindi ka galit?” tanong ni Alex.Napabuntong-hininga si Dorothy. “Bakit naman ako magagalit? Ginusto niya iyan.”Nang ibinigay ni Alex si Claire kay Dorothy, mabilisan niyang pinisil ang boobs ni Dorothy.Dahil dito ay nanliit ang magagandang mga mata ni Dorothy, at tinitigan niya ito saglit.Ikinagulat nila nang magising nga si Claire
Magbasa pa

Kabanata 783

Sa bahay, maraming babae ang abala sa pagluluto ng masaganang hapunan.Para naman sa dalagang iyon, si Suzaku, naramdaman ni Alex Rockefeller na dapat pa rin itong manatili sa Hell’s Angels. Nagpasya siyang hayaan sina Waltz Fleur at Azure Storm na disiplinahin ito. Kapag tapos na siya kay Tristan Coleman, iisipin niya kung paano niya ito gagawing kapaki-pakinabang na sidekick mula sa pagiging basura.Samantala, sa bahay ng pamilyang Coleman ng Missouri.Ang pinuno ng pamilya, si Wesley Coleman, ay may kausap sa phone mula sa pamilyang Seay ng Alaska.Si Nelson Seay iyon, ang pinuno ng pamilyang Seay.Ang pamilyang Seay ay isa rin sa walong maharlikang pamilya sa America, at hindi rin sila papatalo pagdating sa kanilang mga kakayahan.Tuwing sampung taon, ang nakababatang henerasyon ng walong maharlikang pamilya ay makikipagkumpitensya sa isa’t-isa para matukoy ang ranggo ng kanilang mga komprehensibong kakayahan. Ang huling kumpetisyon ay naganap siyam na taon na ang nakararaan, at pu
Magbasa pa

Kabanata 784

Anak ni Abel Coleman si Tristan Coleman. Pagdating ng panahon, mas mararamdaman niya ang pagmamalaki kaysa kay Wesley Coleman.Ang mga nagawa ng anak ay sumasalamin sa tagumpay ng ama. Marahil iyon ang kahulugan ng kasabihan!Sa sandaling iyon, nagmamadaling pumasok si Tristan at isa pang dalaga.Hindi bale na si Tristan, medyo maganda rin ang itsura ng dalagang kasama niya. Isa siya sa pinakamagandang babae sa mundo.Siya si Byakko, isa sa Four Great Princesses.Gayunpaman, tila nababalisa siya.Tumingin sa kanya si Wesley saglit bago kumunot ang noo nito. “Tristan, anong nangyari? Bakit parang malungkot kayong dalawa?”“Nawawala si Seiryuu,” sabi ni Tristan.‘Ano?’Sina Wesley at Abel, na kanina lang ay tumatawa na parang mga baliw, ay mukhang kinikilabutan na ngayon, na parang nakalunok sila ng langaw.Maya-maya, nanlaki ang mga mata ni Wesley. “Paano siya nawala? Pambihira ang kakayahan ni Seiryuu sa martial arts, at siya ang pinakamagaling sa Four Great Princesses. Kung gagamitin
Magbasa pa

Kabanata 785

Sa araw na ito ng Setyembre, banayad ang simoy ng hangin at umaambon.Nagdala ito ng maraming preskong hangin sa Michigan, kung saan mainit at mahalumigmig.Nakaupo si Alex Rockefeller sa harap ng salamin na bintana sa isang café habang nakatingin sa mga nagmamadaling naglalakad na dumadaan habang umaambon sa labas.Tila hindi kamahalan ang mga dekorasyon sa maliit na café.Bukod sa babaeng waitress na nasa edad trenta at ang babaeng amo, may tatlong babaeng mahahaba ang mga binti na mukhang mga kolehiyala. Bagama’t maganda ang suot nila, walang interes si Alex sa kanila.Ang kanyang isipan ay ganap na nakatuon sa musika na pinapatugtog sa cafe.Ang kanta ay walang iba kundi ang Three Lifetimes ni Zendaya Stoermer.“Wendy, tingnan mo nga yung guwapo diyan. Ni minsan hindi siya lumingon sa direksyon natin simula nang pumasok siya. Malamang kagagaling lang niyan sa breakup.”“Anong problema? Natitipuhan mo ba siya? Bakit hindi mo subukang landiin siya? Baka mauwi iyan sa maganda at nakak
Magbasa pa

Kabanata 786

Agad na iniabot ni Lucy Quinton ang kanyang kamay para takpan ang bibig ni Mira Sands.“Manahimik ka. Mula siya sa pamilyang Stoermer ng Michigan. Bakit kakilala niya yung dukha?” mahinang sabi ni Lucy, na may tonong kinakabahan at takot na takot.Agad namang nanlaki ang mga mata nila Mira at Wendy Jonas sa gulat. Hindi sila nangahas na gumawa ng isa pang tunog.Maya-maya, binuksan ng babae ang pinto ng cafe at pumasok.Nakaupo roon si Alex Rockefeller, hindi kumikibo.Pero, bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya.Totoo, ang taong dumating ay mula sa pamilyang Stoermer ng Michigan, pero hindi siya si Zendaya Stoermer, ang babaeng hinihintay ni Alex. Sa halip, si Xyla Stoermer ito.Nakita na ni Xyla si Alex nung nasa labas pa lang siya ng pinto.Pagkapasok, dumiretso siya sa paglalakad at magalang na binati si Alex. “Mr. Rockefeller!”Halos malaglag ang panga ng tatlong babae habang nakatulala, nakanganga.Lalo na si Lucy, na nagsimulang maghinalang baka bulag na siya.Paulit-ulit siya
Magbasa pa

Kabanata 787

“Anong ninakaw sa’yo ni Zendaya? Ano iyon? Baka hindi pagkakaintindihan lang?” Tanong ni Xyla Stoermer.Sobrang nagulat din talaga siya.Napakalapit ni Xyla kay Zendaya Stoermer. Bagama’t tiyahin siya ni Zendaya, tinuring nila ang isa’t-isa na parang magkapatid. Kung tutuusin, magkatabi pa silang natutulog sa iisang kama. Sa madaling salita, kilalang-kilala ni Xyla si Zendaya, na kaya niyang ang bilangin ang mga marka sa katawan ni Zendaya.Buweno, wala naman kasing marka sa katawan si Daya.Sapat na itong patunay na kilalang-kilala ni Xyla si Zendaya. Paano magagawang magnakaw ng anuman ni Zendaya?May pera at kapangyarihan siya. Ano pa bang kulang kay Zendaya?Ang tanging bagay na wala sa kanya ay ang kalayaan sa pakikipag-asawa!“Hindi iyon hindi pagkakaintindihan. Alam na alam ko!” Sinabi ni Alex Rockefeller nang may katiyakan.“Ano ba kasi talaga yun?” tanong ni Xyla.“Ehh… Medyo mahirap ipaliwanag, ngunit nag-aalala akong baka may aksidenteng mapatay si Zendaya pagkatapos niyang
Magbasa pa

Kabanata 788

Sa wakas, napagtanto ni Alex Rockefeller na basang-basa na ang balikat ni Xyla Stoermer.Sa katunayan, nakasuot si Xyla ng chiffon blouse na nagiging transparent kapag nabasa. Kitang-kita ni Alex ang strap ng bra na kulay lila. Habang bumababa ang kanyang tingin sa strap ng bra, nakita niya ang magandang tanawin.Nang hindi niya namamalayan, hinayaan ni Alex ang kanyang tingin na magtagal doon ng dalawang segundo.Halos mapasigaw si Xyla sa gulat nang tumingin siya sa ibaba, itinulak ni Alex ang payong papunta sa gilid niya. “Masakit na puson mo. Bakit hindi ka man lang nag-iingat? Hawakan mo ang payong at ibigay mo sa akin ang kamay mo!” utos ni Alex.Bahagyang natigilan si Xyla.Bago pa siya magkaroon ng anumang reaksyon, hinawakan na ni Alex ang kamay niya. Isang kakaibang spiritual power ang dumaloy sa kanyang mga ugat. Pagkatapos noon, umagos ito hanggang sa kanyang energy core sa bandang puson niya. Bigla niyang naramdaman ang init sa ibabang bahagi ng tiyan niya. Ang sakit sa pu
Magbasa pa

Kabanata 789

Dilat na dilat ang hugis-almond na mga mata ni Xyla Stoermer, at sumambulat ang aristokratikong aura na nabuo niya mula noong bata pa siya. Para siyang may likas na presensya na pumapaligid sa lahat mula sa itaas.Nang makita siya ng dalawang kaibigan ni Joe Sinclair na ganito, sabay silang natigilan saglit.Pinigilan nila ang kanilang sarili sa pagsugod.“Sino ka?” Tanong ng isa sa kanila.Malamig na tumawa si Xyla. “Hindi ninyo man nga lang kilala kung sino ako, pero bakit ang lakas ng loob ninyong sugurin kami sa ngalan ni Joe? Sinong nagbigay sa inyo ng lakas ng loob? Puwede ninyong tanungin sa master ninyo kung sino ako... Kapag ba sinugod ko ang mga pamilya ninyo, maglalakas-loob kaya siyang tulungan kayo?”Medyo nagdududa ang lalaki at medyo nabigla sa sinabi ni Xyla.Malakas at may kumpiyansa siyang nagsalita. Parang hindi siya nagpapanggap.Hindi maiwasan ng lalaki na tumingin kay Joe. “Mr. Sinclair, totoo ba ang sinabi niya? Sino ba talaga siya?”Hinawakan ni Joe ang nabali n
Magbasa pa

Kabanata 790

Anong klaseng lalaki, at anong uri ng pinagmulan ang meron siya upang taglayin ang gayong dakilang kakayahan?Sa sandaling ito, sa wakas ay nakaramdam ng takot si Joe Sinclair.Hindi inaasahan ni Alex Rockefeller na direktang ibubunyag ni Xyla Stoermer ang katotohanang nadakip niya ang mga prinsesa mula sa pamilyang Coleman. Huli na para pigilan ito... Sarili lang niya ang kanyang masisisi dahil hindi niya sinabi kay Xyla na ilihim muna ito.Gayunpaman, ayos lang dahil nasabi naman na niya!Sa puntong ito, walang dahilan para matakot si Alex.Iyon ay dahil tila nalaman na rin naman na ng mga taong minamatahan niya.“Bakit hindi pa kayo umaalis?” sigaw ni Xyla.Nag-alinlangan si Joe ng dalawang segundo bago kumaripas ng takbo.Mabilis ding tumakbo ang dalawa niyang duwag na kaibigan.Nahihiyang tumingin si Xyla kay Alex. “Mr. Rockefeller, talagang ikinalulungkot ko ang problemang naidulot ko sa’yo. Hindi ko inaasahang may makakasalubong akong nakakainis na tao dito.”“Ayos lang. Hindi n
Magbasa pa
PREV
1
...
7778798081
...
195
DMCA.com Protection Status