Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 771 - Kabanata 780

1942 Kabanata

Kabanata 771

Talagang naglalakad nga si Alex sa bulwagan sa labas ng silid.Gayunpaman, hindi siya nag-iisa,-may dalawang babae sa tabi niya.Ang isa ay si Sharpay samantalang ang isa ay si Hailey.Nalaman ni Hailey na nasa California pa rin si Alex. Nagpasya siyang tawagan ito para ilibre ng tanghalian, kaya napagkasunduan nilang magkita sa salon.Nakangiti si Hailey. “Bro, masyadong effective ang scar removal cream na inimbento mo! Pustahan, magiging mas matagumpay ang produktong ito kaysa sa naunang dalawa. Kakahanap ko lang ng ilang mahuhusay na customer na may mga peklat para subukan ito at naging kapana-panabik na ito online! Nakatanggap ako ng daan-daang mga text mula sa mga taong sinusubukang makuha ang kanilang mga kamay sa produktong iyon!”Alam na ni Alex na matagumpay ang ginawa niyang scar removal cream mula noong huli siyang bumisita. Kaya naman nagpasya siyang magpadala ng ilan sa City Salon.Pero, hindi niya inaasahang magiging ganito kasikat ito.Nagulat siya, sinabi niya, “Ang aka
Magbasa pa

Kabanata 772

Nagdilim ang ekspresyon ni Claire. “Manugang ko iyan.”“Ano?”Nanigas si Eloise, hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. Hindi pa niya nakita si Alex noon, ngunit sapat na ang mga beses na napakinggan niya ang mga pagrereklamo ni Claire para isiping ganap na talunan ito.‘Papaanong naging iisa ang talunang iyon at ang magarang binatang ito?’Bukod dito, marami na siyang narinig na tsismis tungkol kay Alex mula sa iba.Dahil dito, lalo siyang nag-aatubiling paniwalaan ito. Akala niya ay napagkamalan lang ni Claire si Alex, kaya humingi siya ng tawad. “Paumahin, paumanhin. Akala lang ng kaibigan ko, ibang tao ka.”Sinubukan niyang kaladkarin si Claire pabalik sa silid.Gayunpaman, hindi nagpatinag si Claire at marahas na itinulak si Eloise.Dahil sa lakas niya, nawalan ng balanse si Eloise at muntik nang matumba. Kung hindi dahil kay Val, siguradong natisod na siya.Galit na galit si Eloise sa kanyang nito.‘Anong ginagawa ng pambihirang babaeng ‘to? Sinusubukan ko lang siyang tulungan
Magbasa pa

Kabanata 773

Pero ang sumampal sa kanya ay hindi si Alex, kundi si Hailey.Hindi na niya gusto ang babaeng ito mula nang marinig ang tungkol dito. Sa totoo lang, ilang beses niyang ininsulto si Claire sa likod nito.Talagang hindi niya inaasahang napakawalanghiya nito para apihin si Alex kahit pagkatapos ng hiwalayan.‘Isipin mo, gusto talaga ng babaeng ito na agawin ang City Salon mula kay Alex. Buweno, mangarap siya!’Nag-uusok sa galit si Hailey habang sinisigawan si Claire. “Hindi ka na nahiya? Anong iniisip mo? Lakas naman ng loob mong agawin ang City Salon?”Malamig na tinitigan ni Alex si Claire.Kung hindi lang dahil kay Doorthy, kanina pa niya ito sinampal.Wala talaga siyang nakitang ibang babaeng ganito kawalanghiya.Sigaw ni Claire. “Punyeta ka, lakas ng loob mong sampalin—”Pak!Sinampal ulit siya ni Hailey.“Kung maglalakas-loob ka pa ring insultuhin ako, ipapabugbog na kita sa mga security guard. Ayaw mong maniwala sa akin? Subukan mo ako.”Ibinuka ni Claire ang kanyang bibig, pero w
Magbasa pa

Kabanata 774

Natumba sa sahig si Claire dahil sa gulat.Nagulat siya nang marinig ang sinabi ni Hailey. Ang tanging nasa isipan niya ay ang mga salitang ‘100 bilyon’, ‘pinakamayamang babae sa California’ at ‘pinakamayamang babae sa mundo’.Gayunpaman, ang lahat ng mga salitang ito ay panaginip lamang, naglalaho sa harap ng kanyang mga mata.Ibinaon niya ang kanyang kamao sa kanyang dibdib, labis na pinagsisihan ang kanyang ginawa.Si Eloise naman ay gulat na gulat. Hindi niya maiwasang pagalitan si Claire sa loob ng kanyang isipan.‘Ang talino niya dati noong magkaklase pa kami, pero ngayon IQ na lang ng bato ang meron siya.‘Bakit hindi niya gugustuhing magkaroon ng mabuting manugang? Diyos ba ang gusto niyang maging manugang niya o ano?’Gulat at dismayado siya sa parehong pagkakataon.‘Kung manugang pa rin ni Claire si Alex, pwede sanang nakatulong ang pagkakaibigan namin sa aming negosyo para umunlad, pero...’Ilang sandali lang, may napakarilag at nakakaakit na babae ang pumasok sa salon. Para
Magbasa pa

Kabanata 775

Dug.Muling napabagsak si Claire sa sahig. Sa pagkakataong ito, hindi dahil sa pagkabigla o pagkabigo, bagkus ay dahil sa takot.Binulag ng pera ang isipan niya kanina. Gayunpaman, dahil sa malulupit na mga salita ni Waltz, nakabalik siya sa reyalidad.Sa wakas ay napagtanto niya na ang babaeng ito sa kanyang harapan ay ang CEO ng Thousand Miles Conglomerate. Sa isang sabi lang ng babaeng ito, kaya nitong ipalunod ang kanyang buong pamilya.Alam ni Claire na nilunod ng kanyang kasakiman ang kanyang paningin, kung hindi ay hindi niya maiisip na subukang kunin ang alinman sa mga shares ng Thousand Miles Conglomerate.Kahit na magawa niyang kunin ito, hindi na niya magagawang manatiling buhay para magamit ito.Sa sobrang takot niya ay nanginginig ang buong katawan niya. Hindi man lang niya magawang tumayo at humingi ng tawad matapos isipin ang nakatatakot na kahihinatnan ng kanyang mga aksyon.Gayunpaman, hindi niya maintindihan kung paano naging pinakamalaking shareholder ng Thousand Mil
Magbasa pa

Kabanata 776

“Oo!”“Ang galing! Matutuwa si Charles na marinig ito!”Ilang saglit lang ay natapos na nila ang paglilibot.Bagama’t magarbo ang City Salon, hindi karaniwang babae si Waltz. Dahil lumaki siya sa karangyaan, mabilis siyang nawalan ng interes.Tinanong niya si Alex, “Bro, tapos ka na ba sa trabaho dito? Kung oo, alis na tayo. Kailangan lang nating magpakita. Higit sa lahat, kailangan namin na pirmahan mo ang kontrata ng share transfer.”Nalaman ni Alex na inilipat ni Waltz ang shares nina Jerry at Fabio sa kanya mula sa account ni Frank.Wala siyang ginawa sa mga shares ni Lex dahil hindi pa nakakabalik si Clay.Nagpasya silang maghintay hanggang sa bumalik ito para talakayin kung paano ito paghahatian.“Bigyan mo ako ng kalahating oras!”Pumasok ang apat sa opisina ng CEO.Binasa ni Alex ang proposal ni Sharpay, na siyang pinaghirapan nito.Ang kawawang si Sharpay ay nagpaganda para lang makita si Alex. Partikular niyang pinili ang kanyang kasuotan at binili ito gamit ang malaking hala
Magbasa pa

Kabanata 777

Nagulat sila sa sinabi ng kanilang ina.Sigaw ni Beatrice. “Mom, anong nangyari sa’yo? Uminom ka na ba ng gamot mo?”Ang taong pinaka-ayaw na magkabalikan ang dalawa ay si Beatrice.Alam niyang sina Alex at Mask ay iisa, na siyang lalaking nagnakaw ng puso niya. Nanaginip pa nga siyang ginagawa niya ‘iyon’ kasama ito sa maliwanag na gabi sa kagubatan.Nang magising siya, medyo basang-basa talaga ang bandang ibaba niya.Dahil naghiwalay na sina Alex at Dorothy, naisip niyang hindi magiging problema kung makikipag-date siya sa kanya ngayon. Bukod dito, naniniwala siya na hindi pa nagtatalik ang dalawa noong kasal pa sila, kaya hindi siya masisisi ni Dorothy sa gagawin niya.‘Pero gusto ni Mom na magkabalikan sila!‘Hindi ba’t nangangahulugan iyon na wala na akong tsansa?’Sinaway siya ni Claire. “Ikaw ang hindi pa umiinom ng gamot! Sa tingin mo ba baliw ako?”Sabi ni Beatrice, “Bakit mo gustong ipagkasal ulit sila kung hindi ka baliw? Ikaw ‘tong naglagay ng kutsilyo sa leeg mo, pinipilit
Magbasa pa

Kabanata 778

Nasa meeting si Alex nang matanggap niya ang tawag.Katulad ng sinabi ni Waltz, parang meet-and-greet lang ang naturang meeting.Ang mga shareholder, manager at CEO ng mga subsidiary na kumpanya ay naroroon sa malaking meeting hall. Marami ang nakakita kung gaano kataas ang kapangyarihan nina Alex at Waltz, kaya nagpakita sila ng lubos na respeto sa mga ito.Bukod dito, ang ilang mga mandirigma ay bahagyang nanunuya kay Lex dahil wala itong alam sa martial arts.Malamang na hahangaan at sasambahin ng mga mandirigma ang mga malalakas.Dahil walang lakas o kasanayan si Lex, itinayo niya ang business empire na ito sa tulong ng kanyang tatlong inaanak.Gayunpaman, ngayong naging CEO na si Waltz, mas iba ang pakiramdam ng lahat. Bukod dito, ang lalaking kasama ni Waltz ay halos kasing lakas na ng Diyos mismo.Sapat na ang kanilang kapangyarihan para yumuko ang lahat sa kanila.Ilang sandali lang, sinabi ng isang direktor, “Mr. Rockefeller, ikaw na ang presidente ng SCBA ngayon, tama ba? Ang
Magbasa pa

Kabanata 779

Nang papunta si Claire sa Maple Villa, sobra-sobra ang kumpiyansa niya sa sarili.Pinag-aralan niyang mabuti ang relasyon nina Alex at Dorothy.Mula nang magsimula silang mag-date noong kolehiyo hanggang sa nakitira ito sa kanila, naalala niya ang bawat detalye. Ang babaeng ito ay labis na panatiko sa pera, kaya naalala niya ang lahat ng kanyang mga memorya para lang mismo sa pera.Naaalala niya kung paano inalagaan ni Alex si Dorothy noong may sakit ito.Naalala pa niya kung paano minasahe ni Alex ang mga paa ni Dorothy nang makaramdam ito ng pagod.Ang kanyang ekspresyon na puno ng pag-ibig ay tiyak na hindi pagpapanggap.Noon, nakita niya si Alex bilang talunan dahil lamang handa itong gawin ang mga bagay na iyon para sa babae nito. Parang wala siyang pride bilang lalaki, na para bang handa siyang magpaalipin kay Dorothy.Gayunpaman, ibang-iba ang ugali niya sa pagkakataong ito—naisip ni Claire na maaaring ito na ang pinakamalaking trump card niya.‘Imposibleng maka-move on si Alex
Magbasa pa

Kabanata 780

Ang babaeng bumaba sa sasakyan ay si Brittany, na medyo matagal nang hindi nakakabalik.Matapos mapagtanto kung sino iyon, halos gusto nang tumakbo palayo at tumakas ni Claire.Napansin ni Brittany ang kaba nito at malamig na ngumiti habang papalapit kay Claire. “Buweno, Ms. Bardot, bakit ka naghihintay sa labas ng bahay ko?”Kinuyom ni Claire ang kanyang mga kamao para mag-ipon pa ng lakas ng loob. Ngumiti siya at sinabing, “Ay, kumusta, kababalik mo lang, mahal kong balae—”Pinutol siya ni Brittany. “Tumigil ka nga diyan, hindi na tayo mag-balae, huwag mo akong tawaging ganiyan.”Naiilang na ngumiti si Claire. “Oh wag mong sabihin yan. Once na maging balae, always nang balae, di ba?”Nagdilim ang ekspresyon ni Brittany. “Claire Bardot, ano bang sinasabi mo? Nakipag-divorce na ang anak ko sa anak mo, so paano pa tayo naging mag-balae? Mukhang kapos ang pamilya namin para maging balae mo! Sabihin mo na lang kung bakit ka nandito. Pero sasabihin ko sa’yo na hindi ka welcome dito.”Iniin
Magbasa pa
PREV
1
...
7677787980
...
195
DMCA.com Protection Status