Semua Bab Sukdulan ng Buhay: Bab 751 - Bab 760

1942 Bab

Kabanata 751

“Um…”Napatulala si Waltz. Mga armas at baril ang hilig niya. Ang pamumuno sa shipping company sa ilalim ng Thousand Miles ay ang pinakamahusay na magagawa niya. Ngayong may problema sa presyo ng stock, ano pang magagawa niya? Wala siyang alam tungkol sa pagpapatakbo ng mga stock!“Sinong dapat kong tanungin kapag tinanong mo ako?” Pinandilatan niya ito gamit ang kanyang magagandang mata. “Hindi ba may mga tauhan sa kumpanya na dalubhasa sa mga bagay na tulad nito? Hayaan mo na lang sila yung mag-asikaso diyan, wala akong alam sa stock trading.”Nagmamadaling sinabi ng shareholder, “Wala ‘tong kinalaman sa stock trading.”Sumagot si Waltz, “Kung gayon, tungkol saan iyan?”Natigilan ang shareholder sa tanong niya. Walang tamang sagot sa tanong!Biglang sinabi ni Alex, “Kuhaan mo ako ng laptop, titingnan ko.”Nagulat si Waltz. “Senior, may alam ka tungkol sa stock trading?”Sumagot si Alex, “May dalawang taon akong karanasan diyan.”Pinalakpak ni Waltz ang kanyang mga kamay habang sinabi
Baca selengkapnya

Kabanata 752

Labis niyang hinahangaan ang Snow ng mga Stoermer. Pinag-aralan pa nga niya ang higit sa isang dosenang klasikong kaso ng Snow ng mga Stoermer. Lahat ng mga ito ay kamangha-mangha, pero hindi niya alam kung ang taong iyon ay lalaki o babae.Gayunpaman, sinabi ni Xyla, “Hindi. Hindi mo alam dahil hindi mo naman ako kilala.”“Anong ibig mong sabihin?” Natigilan ang shareholder. “Ah, ibig mong sabihin... ikaw si Snow ng mga Stoermer?”Sumagot si Xyla, “Oo, ako ang Snow ng mga Stoermer mula sa Michigan, si Xyla Stoermer.”Natigilan ang may edad na shareholder, habang nakanganga ang bibig. Matagal siyang hindi nakaimik.Hindi naintindihan nina Alex at Waltz ang tungkol sa kadakilaan ng Snow ng mga Stoermer, pero nang makita nila ang reaksyon ng may edad na shareholder, naiintindihan nila ang isang bagay.Maya-maya, pumasok si Xyla sa marangyang kwarto sa Hell’s Angels. Tinitingnan niya ang data sa laptop habang nagbibigay ng mga utos. Tinawagan pa niya ang mga tauhan mula sa mga Stoermer ng
Baca selengkapnya

Kabanata 753

Pinapangunahan ni Azure Storm ang mga taong sumugod sa villa.Merong dalawampung mandirigma mula sa Thousand Miles.Ang krisis ng Thousand Miles Conglomerate ay mabilis na nalutas nang nasangkot si Xyla para tumulong. Ginamit pa niya ang kapangyarihan ng kanyang pamilya upang ikulong ang mga puwersa sa likod nito, at sinalakay ang kumpanya ng kalaban hanggang sa halos mawasak ito.Pagkatapos, nalaman pa nila ang pinangyarihan ng krimen: ang villa na ito.“Sino kayo? Sinong nagpapasok sa inyo? Magsilabas na kayo ngayon mismo!” Itinuro ng isang assistant na nakatayo sa entrance ang ilong ni Azure habang sumisigaw ito.Krak!Hinawakan ni Azure ang daliri ng assistant at agad itong nabali.Ang assistant ay tauhan ni Tom. Lalong lumago ang negosyo ni Tom nitong mga taon at ang ugali ng kanyang assistant ay malala ring nagbago. Lalo siyang naging mayabang at minamaliit ang iba. Sa sandaling ito, napasigaw siya sa matinding sakit nang talagang nabali ang kanyang daliri. Napamura siya, “Hindi
Baca selengkapnya

Kabanata 754

Pagkatapos noon, binalingan ng tingin ni Azure si Adrian at ang pamilya nito.“Mr. Tyler, Ms. Fernandez at Ms. Tyler, kumusta naman kayo diyan!”Nanginginig ang katawan ni Vanya habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin.Kilala niya si Azure. Sa isang pagkakataon, may nanakit sa kanya at partikular siyang nagtawag ng mga tao mula sa Thousand Miles na tulungan siya. Ang namumuno sa mga tauhan noong panahong iyon ay si Azure. Sa oras na iyon, nakita niya si Azure na binali ang sampung daliri ng kaalitan niya at nakaramdam siya ng sobrang kasiyahan, hanggang sa puntong hinangaan niya ito nang ilang panahon at hinangad pang gawing mas malalim ang kanilang relasyon. Gayunpaman, isa itong pag-ibig na hindi maibabalik. Hindi siya gusto ni Azure.Ngayon, wala siyang kasiyahang nararamadaman. Takot lang ang meron siya.Dug! Dug!Parehong napaluhod sina Adrian at Penelope. “Bro Azure, maawa ka at pagbigyan mo ang buhay namin! Isinusumpa kong aalis na agad ako sa California mula ngayon. Hindi, a
Baca selengkapnya

Kabanata 755

Natigilan si Alex.Tumingin siya kay Xyla at tumawa habang sinasabi, “Niloloko mo ba ako?”Umiling si Xyla. “Siyempre hindi. Seryoso ako.”Pakiramdam pa rin ni Alex ay hindi makatotohanang hayaan ang anak na babae ng pinuno ng mga Stoermer sa Michigan na maging kanyang sekretarya. Bukod sa kaso nila ni Zendaya, hinding-hindi sasang-ayon dito ang kapatid ng pinuno na si Kazim.Gayunpaman, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga nang makita ang ganap na magkakaibang ugali ng magkapatid na ito kapag magkakasama sila.Umiling si Alex. “Hindi naman ito kailangang desisyunan agad. Pag-usapan natin ‘to sa hinaharap.”Tumango si Xyla at tumingin sa eksena ng lamay. “Hindi nga angkop na pag-usapan iyon ngayon. Natatakot lang akong baka nakahanap ka ng mas magaling.”Biglang kuminang ang mga mata ni Alex. Hindi iyon ang naunang nasa isip niya.Ang engagement banquet sa pagitan nina Zendaya at Tristan ay gaganapin pagkalipas ng tatlong araw. Nilagyan ng droga ni Zendaya ang alak niya dati at pin
Baca selengkapnya

Kabanata 756

Ang kurtina ng buhay para sa makapangyarihang taong ito ay isinara na. Ang natitira ay iniwan para sa kanyang mga inapo, para sabihin ang mga merito at demerito ng kanyang mga kuwento.Si Lord Lex ay may isa pang inaanak na nagngangalang Clay Ember, pero hindi niya ito nagawang kontakin kamakailan. Kaya naman, ito lang siguro ang pinagsisisihan niya sa buhay.“Waltz, hinay-hinay lang. Ganito talaga ang buhay!” Bahagyang nadurog ang puso ni Alex matapos makita ang matamlay na mukha ni Waltz, na may mabibigat at madidilim na bagahe sa ilalim ng mga mata nito.Ibinagsak ni Waltz ang sarili sa pagkayakap ni Alex at humagulgol. “Hindi kinailangang mamatay ni ninong. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako pumunta sa kwarto mo noong gabing iyon…”Nilagay ni Alex ang isang daliri sa labi nito. “Hindi, huwag mong sisihin ang sarili mo. Kung meron man, ako dapat ang sisihin. Pinilit kong sumali sa SCBA Battles. Kung hindi, hindi na natin kinailangang harapin ang napakaraming bagay kinalauna
Baca selengkapnya

Kabanata 757

‘Ano? Hindi ‘to posible!’Nakahilata si Suzaku sa sofa, habang nakasabit sa likod ng sofa ang isa sa mahahaba niyang mga binti. Meron siyang marka ng sampal sa kaliwang pisngi, pero tanging lubos na kawalang-paniwala ang nararamdaman niya ngayon.Ayon sa datos mula sa kanyang pagsisiyasat, walang kakayahan sa martial arts si Alex. Isa lamang itong patapon na mayamang tagapagmana na nakaraos lamang hanggang ngayon dahil umaasa lamang siya sa kanyang asawa nitong nakaraang taon.‘Paano niya nagawang maging napakahusay sa pakikipaglaban?’‘Malamang guni-guni lang ito!’Pilit na binuwelo at sinipa ni Suzaku ang kanyang mahabang binti, inaangat ang kanyang buong katawan na parang bukal. Pagkatapos, tinapakan niya ang likod ng sofa gamit ang kaliwang paa at mabilis na sumugod kay Alex, na para bang isa siyang palaso.Tumanggi siyang paniwalaan ang alinman sa mga ito!Gayunpaman, ang katotohanan ay mas malupit kaysa sa inaakala niya.Isang sampal na naman ang binigay ni Alex sa mukha niya.Sa
Baca selengkapnya

Kabanata 758

Gayunpaman, hindi niya masyadong gusto ang lasa ng alak na ito.Pagkatapos noon, hinawakan niya si Suzaku sa buhok at inangat ang ulo nito. Binaligtad niya ang bote ng alak, ibinubuhos ang natitirang red wine sa buong mukha nito.Malapit nang mabaliw si Suzaku. Hindi siya kailanman nakaranas ng ganito sa buhay niya, lalo na simula nang opisyal siyang naging isa sa Four Great Princesses. Hindi niya kailanmang inakala ang gayong kahihiyan na mangyayari sa kanyang sarili, pero naranasan na niya nga itong lubusan ngayon.Pagkatapos ay nagtanong si Alex, “Sabihin mo sa akin, sinong nagpadala sa’yo dito?”Kinuyom ni Suzaku ang kanyang mga ngipin, hindi umiimik.Dahil dito, narinig ang tunog ng napupunit na tela. Hinawakan ni Alex ang likod ng kanyang shirt at pilit itong pinunit.“Ah!” Sumigaw si Suzaku, “Ikaw… ang bastos mo! Walanghiya ka!”Nakakalokong ngumiti si Alex. “Oh talaga? Hindi mo man lang makayanan ‘to? Kung gayon, ituloy lang natin. Naalala ko, parang meron din akong droga at ca
Baca selengkapnya

Kabanata 759

“Suzaku, kamusta? Patay na ba ang lokong iyon? Medyo hindi maayos yung trabaho mo nitong mga nakaraang araw!”Sa phone, binigyan ni Tristan ng karaniwang leksiyon si Suzaku.Emosyonal ang pakiramdam ni Suzaku. Pagkatapos sulyapan si Alex, sinabi niya, “Master Tristan, pasensya na. Hindi ko na magagawa ‘to para sa’yo!”“Anong sinabi mo? Ulitin mo ang sarili mo!”“Tinawag na ako ng aking master para tulungan siyang magpainit ng kanyang kama, hindi ko siya maaaring suwayin. Master Tristan, ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo. Kung hindi, gagawin kang bating ng aking master.”Boom!Sasabog na si Tristan sa galit. Matapos huminto ng ilang sandali, sumigaw siya, “Sabihin mo sa akin kung sino ang Master Rockefeller na iyan, pupuntahan ko siya at papatayin ko siya ngayon mismo!”“Huwag, hindi mo siya matatalo.”“Kag*guhan! Ako si Tristan Coleman ng Missouri, ang pinakabatang ekspertong Earth sa America. Ako ang magiging hari ng Missouri! Paanong hindi ko…”Toot! Toot! Toot!Naputol ang tawag
Baca selengkapnya

Kabanata 760

Gustong-gustong kagatin ni Suzaku si Alex hanggang sa mamatay ito, pero alam niyang nawasak na ang kanyang martial arts. Kahit pa nga hindi nawasak ang kanyang martial arts, hinding-hindi niya magagawang hawakan ang g*gong ito.“Oh nga pala, ipaghanda mo ako ng hapunan at ilagay mo sa hapag kainan. Gusto kong kumain pagkatapos maligo.” paalala ni Alex. “Kapag hindi masarap yung luto, laging nandito yung tableta ko para pumasok sa lalamunan mo. Huwag ka ring magtatangkang tumakas, may nakatagong tracker sa markang isinelyo ko sa’yo. Kahit na tumakas ka pa papunta sa dulo ng mundo, mahahanap pa rin kita.”Pagkatapos, bumalik na siya sa kwarto niya, naghahanda para maligo.Nanginginig sa galit si Suzaku. Masakit ang buong katawan niya, lalo na ang likod niya. Parang nasusunog.Sumasakit na rin ang mga pisngi niya, hindi niya maiwasang mapa-aray sa tuwing sinusubukan niyang hawakan ang mukha niya.Nagmamadali siyang pumunta sa banyo sa unang palapag, tinitigan ang kanyang repleksyon sa sal
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7475767778
...
195
DMCA.com Protection Status