All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 731 - Chapter 740

1942 Chapters

Kabanata 731

May dismayadong hitsura sa mukha ang matabang-pandak na matandang lalaki, na tila mas gugustuhin niyang mamatay na lang kaysa mabuhay.Ilang dekada ng pagdurusa, mapait na pagpapakahirap ang nawasak sa pagkakataong iyon, katumbas nito ang pagkawasak ng lahat ng kanyang mga pangarap at lakas ng loob. Nakahiga siya sa sahig, nakatingala sa kisame. Tanging mga desperado, paputol-putol na mga ungol ang nananatili sa kanyang bibig.Wala rin sa mga ito ang sinasabi sa Ingles, kundi Hapones.Lumapit ng ilang hakbang si Alex at hinawakan ang matabang-pandak na matanda. “Waltz, meron akong ilang katanungan kaya kukunin ko muna ang lalaking ‘to. Ikaw na bahala sa iba pang bagay dito! Kung may mangahas na sumalungat sa pagiging CEO mo, patayin mo na lang!”Ikinumpas niya ang kanyang kamay, at ang Stake of Exorcism na nakadikit sa dingding kanina ay bumalik sa kanyang palad na may kasamang whoosh.Hanggang sa mga sandaling ito, saka lang natauhan ang karamihan at napagtantong si Alex pala ang naka
Read more

Kabanata 732

Natigilan si Fabio. “Ano?”Kinindatan ni Waltz si Azure.Agad na tumayo si Azure. “Jerry Johnson, Fabio Dobbs, hindi na kayo miyembro ng Thousand Miles Conglomerate, at hindi na kayo kwalipikadong manatili sa Hell’s Angels para sa meeting. At saka, nagsabwatan pa talaga kayong dalawa para agawin ang shares ng senior management ng Thousand Miles, pati na rin ang pagkidnap sa kanilang mga kapamilya. Hindi mapapatawad ang mga kasalanang ito, at ang mga ito ay haharapin alinsunod sa mga tuntunin at batas sa pamilya ng Thousand Miles.”“Ikaw, lapit!”Agad na umabante ang isang martial artist mula sa Hell’s Angels.Sabi ni Azure na may malamig na tono, “Dalhin mo sila sa interrogation room at putulin mo muna yung sampung daliri nila. Ako na mismo ang magtatanong sa kanila mamaya.”Malakas na iyak ni Fabio, “Azure, Azure! Wala itong kinalaman sa’kin! Wala talaga akong alam sa pagkidnap sa mga kamag-anak ng mga direktor! Ang lahat ng ito ay sariling kagagawan ni Jerry.”“Oh talaga?” Nanlamig a
Read more

Kabanata 733

Paglabas ni Alex sa kwarto, patay na si Kenji Miyagi.Maging ang kaluluwa nito ay naglaho na.Alam ng taong ito ang mga detalye ni Alex at alam din nito na isa siyang cultivator na may ranggong Spirit Transcendence. Para sa kaligtasan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya, malabong palayain siya ni Alex ng buhay.Para naman sa Gokudo Soshiki, muling umangat ang priority nito sa isipan ni Alex.Nang bumalik siya sa inner hall ng Hell’s Angels, kontrolado na ni Waltz ang buong sitwasyon. Si Waltz na ang kinikilalang bagong CEO ng Thousand Miles Conglomerate.Para naman kay Frank, malaki ang posibilidad na susundan niya si Kenji Miyagi.Kung gayon, sino ang nag-alis ng parasitic disease ni Frank?Halata naman yung sagot.Bilang cultivator na may ranggong Spirit Transcendence, hindi dapat mahirap para kay Kenji na puksain ang isang parasitic worm.Makalipas ang kalahating oras, tumawag si Azure.Natagpuan niya na ang mga kamag-anak ng lahat ng mga shareholder.Iyon ay dahil hindi nagpada
Read more

Kabanata 734

Oo na, tumatakas siya!Sa katunayan, nagamot na ni Alex ang mga pinsala ni Alex gamit ang kanyang kapangyarihan kagabi. Pagkatapos ng magdamagang pagpapagaling, hindi na ito seryosong problema.Sabi ni Nathan, “Young Master, pagbalik ko, narinig ko ang balitang winasak ng pamilyang Stoermer ng Michigan ang Hydra Group sa loob lamang ng isang gabi. Halos lahat ng mga negosyo ng Hydra ay napunta sa mga Stoermer! Letse! Young Master, ikaw ang presidente ng SCBA, at bigla na lang nakialam ang pamilyang Stoermer mula sa Michigan at winasak ang mga bunga ng iyong paghihirap. Kalokohan!”“Oh?” Tumango si Alex at sinabing, “Okay lang. Wala naman akong intensyon na kunin ang Hydra Group sa Michigan. Maraming mga nakatagong talento sa Michigan, at ito ang backbone ng ekonomiya sa America. Kung pababagsakin natin ang Hydra Group, baka makuha natin ang atensyon ng ibang tao.”Sabi ni Nathan, “Anong kinakatakutan mo? Young Master, isa kang Grandmaster. Hindi pa nagkakaroon ng isa na mas mababa sa e
Read more

Kabanata 735

Hindi inaasahan ng babae na may maglalakas-loob na kumapit sa kanyang mga kamay ng ganoon.Bumaling kay Alex ang mabangis niyang mukha at nagpumiglas siya. Gayunpaman, ang pagkakahawak ni Alex ay sobrang higpit. Kahit anong lakas pa ang ilabas niya, hindi siya makawala sa pagkakahawak nito.Galit niyang sinabi, “Ikaw unggoy, saang basura ka galing? Lakas ng loob mong lumapit at makialam? Bitawan mo ako, kung hindi, ipinapangako kong hindi mo na mababawi ang kamay na iyan pagkatapos nito, at kaliwang kamay na lang ang magagamit mo para punasan iyang pwet mo sa buong buhay mo.”Tumango si Alex. “Tutuparin ko ang hiling mo.”Bahagya niyang diniinan ang kanyang kamay sa sumunod na sandali, at nabali papunta sa kabilang direksyon ang pulso ng babae.“Ahhhh!” Tumalon ang babae at sumigaw. “Nabali, nabali ang pulso ko!”Nagulat ang mga nanonood sa eksena. Kanina, nag-aalala silang baka labis na mabugbog ng dalawang bodyguard ang binatang tulad ni Alex na nanindigan sa kawalan ng katarungan, a
Read more

Kabanata 736

“Oh!” mahinahong sagot ni Alex.“Oh? Anong ‘oh’ ka diyan? Ngayong alam mo na kung sino ako, bakit hindi ka lumuhod at humingi ng paumanhin sa akin? May death wish ka ba talaga? Hindi ka ba natatakot na lulunurin ka sa ilog kasama yung mga kamag-anak mo?”Sa sandaling ito, nagpakita ng matinding takot ang mga kalapit na nanonood nang marinig nila na ang asawang babae ay isa sa mga kapatiran ni Lord Lex. Tumigil na lang sa panonood ang ilang bahagyang nahihiyang nanonood at agad na umalis sa eksena, sa takot na baka madamay sila.Biglang nanginig si Adrianna sa takot.Natatakot talaga siyang pupuntahan sila ni Lord Lex ng Thousand Miles Conglomerate sa kanilang bahay at papatayin ang kanilang buong pamilya. Kaya naman, dali-dali niyang hinila si Alex at sinabing, “Alex, hindi mo makakayanan ang kahihinatnan kapag binangga mo ang Thousand Miles Conglomerate, buhay mo ang katapat nun! Mas mabuti pang... magmadali ka at humingi ng paumanhin sa kanya!”Nang marinig ang mga salita ni Adrianna
Read more

Kabanata 737

Nagulat ang lahat sa eksena hanggang sa lumaylay ang kanilang mga panga.Dumating si Zane kasama ang dose-dosenang mga tauhan niya na may dalang mga sandata. Akala ng lahat ay katapusan na ni Alex. Kung hindi man papatayin, tatamo siya ng lubos ng pinsala. Sa laking gulat nila, napaluhod si Zane nang kaswal na magsalita si Alex.Ano sa mundo ang sitwasyong ito?Hindi ba ang taong ito ay isang shareholder ng Thousand Miles Conglomerate?Hindi kaya mas bigatin ang background ng binatang ito kaysa sa Thousand Miles Conglomerate?Sa sandaling ito, bukod sa mga nauusisang manonood ngunit nabigla, maging ang mga mata ni Sharpay ay nanlaki... Dati sa City Salon, alam niya lang na may ilang koneksyon si Alex kay Lord Lex ng Thousand Miles. Lubos na magalang si Lord Lex kay Alex, kung tutuusin. Gayunpaman, paano niya malalaman ang tiyak na relasyon sa pagitan nila?Kaya naman, nang dumating si Zane kasama ang napakaraming tao, kinakabahan pa rin siya. Hindi niya akalain na ang kapangyarihan ni
Read more

Kabanata 738

Diretsong sinabi sa kanya ni Alex ang sagot. “Lalaki ang asawa mo… Oh, sa madaling salita, transsexual.”“Ano?”Nagulat ang lahat, at nabaling ang tingin ng lahat sa babae.Medyo kinilabutan si Zane sa sinabi niya, “Mr. Rockefeller, impo... imposible iyon, tama? Ako at siya… madalas naming… ginagawa yun, at normal namana siya. Kung transsexual siya, tiyak na masasabi ko.”Humalakhak si Alex. “Kung hindi propesyonal na inspeksyon ang isasagawa, hindi mo talaga masasabi. Hindi mo ba alam na merong tinatawag na sex reassignment surgery? May kakayahan itong ganap na maging kapareho sa isang babae ang isang lalaki, ngunit ang pagkakaiba lamang ay wala siyang matris, at walang regla, at walang kakayahang magkaanak! Sa kasalukuyang teknolohiyang medikal, ang matris ng isang babae ay hindi pa rin matagumpay na maililipat.”Natigilan si Zane.Kung iisipin, tila naalala niyang hindi kailanman nagkaroon ng regla ang kanyang asawa.Nakakakilabot iyon.Nakita niya ang kakaibang mga tingin ng mga na
Read more

Kabanata 739

Sa totoo lang medyo naiinis si Alex nang makita niya ang mala-nananaginip-nang-gising na ekspresyon sa mukha ni Adrianna.Hindi mabilang ang beses na ininsulto siya nito dati.Ayaw niyang hayaang makinabang ito nang labis sa sitwasyon nang walang dahilan. Nagkakahalaga na ang isang Porsche ng isa o dalawang milyong dolyar, at sobra-sobra na yun para mabayaran ang pagkalugi at sakit na pinagdaanan ng mag-ina.Dahil ibinuka ni Alex ang kanyang bibig, paano magagawang tumutol ni Zane?Dali-dali niyang iniwan ang isang Porsche, pagkatapos ay mabilis na umalis, na parang buhay niya ang nakasalalay sa kanyang pagtakas.Nung kaharap niya si Alex, naramdaman niyang nanganganib ang kanyang buhay sa kabila ng pagiging malayang bansa ang kinatatayuan niya.Napatitig na lang si Adrianna sa Rolls Royce na unti-unting naglaho sa kanyang paningin, nanlulumo. Siyempre hindi siya tanga. Sa pagitan ng Rolls Royce at Porsche, alam niya kung alin ang mas mahal. At ngayon, dahil sa sakim na Alex na iyon, a
Read more

Kabanata 740

Tuluyan nang isinantabi ni Adrianna ang pagkahumaling sa sasakyan. Inikot niya ang kanyang mga mata at sinabing, “Hindi ko talaga napansin iyon dati. May kaya talaga i Alex. Shareholder iyon ng Thousand Miles, at napakadali lang niyang lumuhod sa harap ni Alex! Dahil ba sa takot niya kay Alex? At tinawag pa siya nito ng ‘Mr. Rockefeller’... Anak, dapat mong samantalahin ang pagkakataong ito. Mamaya kapag kumakain siya sa bahay natin, mas mabuting lasingin mo siya, hehehe... Sina Claire at Dorothy, yung pares ng hangal na mag-ina, talagang nagtatapon sila ng diyamante, hoho!”Sa wakas ay nakarating na sila sa bahay ni Adrianna.Isa itong high-rise na komunidad na itinayo sampung taon na ang nakararaan.Hindi malaki ang bahay niya, na may kabuuang 110 metro kuwadrado. Meron itong tatlong kwarto at dalawang sala. Matapos ang huling renobasyon sampung taon na ang nakalipas, marami na sa mga ito ang sira-sira. Diretsong dinala ni Sharpay si Alex sa kanyang kwarto sa ilalim ng pagkukunwari n
Read more
PREV
1
...
7273747576
...
195
DMCA.com Protection Status