Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 721 - Kabanata 730

1942 Kabanata

Kabanata 721

Nitong mga nakaraang araw, si Alex ang palaging nasa isip ni Zendaya, at labis niya na itong na-mimiss.Gusto niya talagang tawagan siya, para marinig ang boses nito.Gayunpaman, natatakot din siya sa mga kahihinatnan ng paggawa ng isang bagay na hindi niya kakayanin o ni Alex... Hindi mahalaga kung ang pamilyang Stoermer ng Michigan o ang pamilyang Coleman ng Missouri, pareho silang bahagi ng hari ng mga pamilya ng ginintuang panahon. Ang dalawang pamilya ay hindi mga entidad na maaaring banggain ng karaniwang tao.Bagama’t magaling si Alex sa martial arts, hindi sapat ang kanyang pundasyon.Natatakot siyang kapag nabunyag ang relasyon nila ni Alex, hindi na ito mabubuhay pa para masikatan ng araw.Samakatuwid, kahit na gustong-gusto niya, hindi pa rin siya nangahas na kontakin ito.Sa ngayon, ang marinig ang pangalan ni Alex mula sa mga labi ni Xyla ay sapat na dahilan para halos makalimutan niyang huminga.“Auntie, nauusisa ako sa taong tinatawag mong bayani!” Pinulot niya ang sukla
Magbasa pa

Kabanata 722

Nang lumabas ang balita, nagulat ang buong Michigan.Maging ang mga matataas na opisyal ng Michigan ay ipinadala upang mag-imbestiga.Gayunpaman, ang nakakatanda sa pamilyang Stoermer, si Zayn, ay naglabas ng impormasyon na ang Hydra Group ay naging mapang-api at malupit, na marami silang ginawang masama. Hindi lamang sila bumalangkas ng overlord pact, ngunit gumamit din sila ng mga ilegal na paraan para angkinin ang ibang mga kumpanya, lumilikha ng monopolyo sa industriya na seryosong nagpahina sa mga patakaran ng grupo ng mga negosyo sa Michigan. Kamakailan, tinangka pa nga nilang kunin ang negosyo ng pamilyang Stoermer. Kaya naman, para gumawa ng halimbawa mula dito, pinabagsak na ito ng pamilyang Stoermer sa loob lamang ng isang gabi.Bigla na lang lahat ng mga pagtatanong na ginawa ng mga opisyal ay sunod-sunod na winakasan dahil tumigil na sila sa pagtatanong.Walang sinuman ang nangahas na bastusin ang malaking higante ng Michigan, ang pamilyang Stoermer.Kahit na ang hindi mabi
Magbasa pa

Kabanata 723

“Ako?”Matagal na natigilan si Waltz bago siya tuluyang umiling. “Hindi ko kaya. Sapat na ang isang kumpanya para malunod ako sa trabaho. Wala akong kakayahan na pamahalaan ang buong Thousand Miles Conglomerate.”“Buweno, hindi mo naman sigurong iniisip na ako ang mamumuno, tama? Martial arts lang ang inaral ko para pumatay ng mga kalaban. Wala akong anumang kaalaman sa negosyo. Kung ako ang mamamahala sa Thousand Miles Conglomerate, tiyak na magsasara ‘to sa loob ng tatlong buwan.”Nabulunan si Waltz. “At bilang resulta, hindi ka pa rin nakakatungtong sa ranggong Mystic, habang malapit na akong maging Earth Expert.”Sa sandaling marinig iyon ni Azure, halos gusto niyang sumuka ng dugo.Galit niyang sinulyapan si Alex at lihim na naisip, ‘Nakahanap ka talaga ng mabuting mister. Gusto ko rin ng asawang ganyan... ah, ang ibig kong sabihin, misis... para matamo ko rin ang Earth Expert.’Natahimik si Alex.Ang Thousand Miles Conglomerate ay itinatag ng kanyang ama at pinamahalaan ni Lord L
Magbasa pa

Kabanata 724

Sa sandaling sinabi niya iyon, iniakbay niya ang kanyang braso sa seksing masahista at sinabing, “Halika, samahan mo ang matandang ‘to magrelaks. Pagkatapos kong masiyahan, bibigyan kita ng BMW!”Halatang tuwang-tuwa ang masahista, at bukal sa loob nitong sinunod ang kagustuhan niya.Kasabay nito ang pagtunog ng kanyang phone. Hinugot niya ito, at nang makita niya kung sino ang tumatawag, sinabi niya kay Fabio, “Speaking of, nagparamdam na. Si Azure.”Pagkasabi niyon ay sinagot niya ang tawag. “Pamangkin Azure... napatawag ka sa ganitong oras. Anong maitutulong ko sa’yo?”Diretso sa punto si Azure. “Pumunta ka sa Hell’s Angels para sa meeting.”Ngumuso si Jerry. “Pamangkin Azure, sa tingin mo ba ikaw na ang amo ng Thousand Miles pagkatapos yumao ng iyong tinuturing na ama? Kung iisipin, marunong ka bang mamahala ng negosyo? Kung mapupunta ang Thousand Miles sa iyong mga kamay, mawawalan ng trabaho ang lahat, giniginaw at gutom sa katapusan ng buwan.”Walang pakialam si Azure. “Hindi ak
Magbasa pa

Kabanata 725

Sa lalong madaling panahon, maraming senior executive ng Thousand Miles Conglomerate ang nagtipon sa Hell’s Angels.Puamsok ang lahat para lang madatnan ang big boss, si Jerry Jackson, mapait na umiiyak sa kabaong. Mukhang gusto niya nang sundan si Lord Lex sa kanyang kamatayan. Anong dapat nilang gawin?Tinitingnan ang isa’t-isa, lumuhod din ang mga taong ito.Hindi alintana kung ang mga luha ay totoo o hindi, kailangan pa ring magkunwari kahit papaano.Para naman sa mga taong ito, walang dumating na may kasamang assistant, sekretarya, o gwardiya. Nang makita nilang nakaluhod ang sarili nilang amo, paano nila hindi magagawang gayahin ito?Napakalaki ng venue, at wala pang tatlumpung minuto, napuno na ng mga taong nakaitim ang malaking lugar, nakaluhod lahat.Matapos ang isang buong oras, sa wakas ay binasag ni Azure ang katahimikan. “Ayos. Dumating na ang lahat ng mga direktor at lahat ng iba pa. Pumunta tayo sa inner hall para sa meeting! Mahigpit mapagkumpitensya ang Thousand Miles
Magbasa pa

Kabanata 726

Bang!Sa hindi inaasahang pagkakataon, binuhat ni Jerry ang sarili niyang upuan at buong lakas niya itong ibinalibag sa direktor na kumakausap sa kanya.Sinong mag-aakalang ang tulad ni Jerry ay gagawa ng ganito?Wala!Maging si Alex ay napataas ng kilay sa bahagyang pagkagulat.Agad na duguan at sugatan ang direktor na natamaan sa ulo ng upuan. Umungol siya, “Jerry Johnson, nababaliw ka na ba?! Kapal ng mukha mong batuhan ako ng upuan? Dillan, ipaghiganti mo ako! Hangga’t hindi siya mamamatay, gawin mo ang lahat ng gusto mo.”Si Dillan ang gwardiya ng direktor na ito.Pagkarinig nito ay agad na sinugod ni Dillan si Jerry.Gayunpaman, siya, na nagmamadaling sumugod, ay mabilis na hinarangan ng guwardiya ni Jerry.Krak!Napilipit ang balikat ni Dillan. Kasabay ng tunog ng malutong na kaluskos, nabali ang kanyang braso.Nakalaylay ito sa kakaibang anggulo.Bumagsak si Dillan sa lupa, pawis na pawis habang namimilipit sa sakit, ngunit hindi siya gumawa ng anumang ingay.Tumawa nang malaka
Magbasa pa

Kabanata 727

Dalawang beses na sumulyap si Alex kay Frank, at agad niyang nalaman kung bakit ang lalaking ito ay naglakas-loob na magmadaling pumunta sa Hell’s Angels para magdulot ng kaguluhan.Nawala na kasi ang parasitic disease na nakatanim sa kanyang katawan.‘May nangyari ba sa parasite, o may nagpalabas nun sa kanya?’ Medyo kakaiba ang pakiramdam niya.Gayunpaman, hindi na siya masyadong nag-abala pang pag-isipan ang tungkol dito.Sa kabaligtaran, nadama niya na ang pagpunta ni Frank dito para magdulot ng kaguluhan ay magandang pagkakataon, dahil maaari niyang samantalahin ang kanyang lakas para malabanan ang iba.Pagkatapos noon, nakita niya ang matabang-pandak na lalaki na nasa edad 50 na may taas na wala pang 5.3 talampakan na kasamang pumasok ni Frank sa likuran. Bahagyang umikot ang kanyang mga mata nang maramdaman ang papalapit na panganib.Kasabay nito, tila napansin ng matanda ang titig ni Alex. Nagtaas siya ng kilay at tumingin sa direksyon ni Alex. Nang magtama ang kanilang mga mat
Magbasa pa

Kabanata 728

Aalis na sana ang dalawa, pero umiling si Frank, “Sinong nagsabing pwede kayong umalis? Tinanong mo ba ako?”Naagrabyado na siya bago pa man nito.Sa Valtameri Tower, nasaksihan niyang pinagpapatay ni Alex at winasak ang martial arts ng lahat ng kanyang mga tauhan, at pinalunok pa siya nito ng buhay na parasito... Kailangan niyang ilabas ang parehong dami ng galit para sa dami ng poot at sama ng loob na naramdaman niya noon.“Sir, pera lang po ang habol namin para gawin ang aming trabaho, hindi ninyo naman po kailangang maging ganito, di ba?” sabi ni Denis.Ngumisi si Frank, “Kung wala akong trump card, malamang napatay na ako ninyong dalawa. Wala akong pakialam kung binayaran lang kayo. Nararapat kayong mamatay dahil sa ginawa mong pagtatangka laban sa akin.”Pagkasabi noon, gumalaw muli ang matabang-pandak, matandang lalaki.Isa na namang itim na ilaw ang kumislap.Nagkaroon ng afterimage ng isang bagay na lumiliko sa ere.Dumaan sa leeg ni Denis at gumuhit ng arko ang kakaibang hugi
Magbasa pa

Kabanata 729

“Ahh… Ahh…” Nanginginig ang mga labi ni Jerry kaya hindi siya makapagsalita.Bago pumunta sa Hell’s Angels, puno siya ng kumpiyansa at nadama niyang nasa kanyang palad na ang lahat. Ang isang higanteng kumpanya tulad ng Thousand Miles Conglomerate ay mapupunta na sa kanyang sariling mga kamay. Ang lahat mula sa simula ay naaayon sa kanyang mga plano, at madali siyang makakaupo sa trono ng CEO.Gayunpaman, hindi niya inaasahang magiging ganito ang wakas, iniiwan siya sa isang dilemma.Kung pinirmahan niya ito, ibibigay sa iba ang kanyang equity, at ni hindi na siya magkakaroon ng isa pang pagkakataon na tangkaing isipin ang pagiging CEO sa hinaharap. Mas masahol pa iyon kaysa patayin siya.Gayunpaman…Ang kakila-kilabot na kutsilyo sa ere, na pinagbabantaan ang buhay niya ay kakaiba tulad ng props sa mga kamay ng magician, pero kaya talaga nitong pumatay ng mga tao. Sa sandaling ito, ang itim na itim na kutsilyo ay dahan-dahang umuusog pasulong, tumutusok ang dulo nito sa balat ng kanya
Magbasa pa

Kabanata 730

Ginamit niya ang Stake of Exorcism para pabagsakin ang itim na kutsilyo.‘Ano? Isang mystical tool?!’ Naramdaman ng matabang-pandak na lalaki ang spiritual power na nagmumula sa kahoy, pati na rin ang katotohanan na ang kanyang sariling mystical tool ay nawasak dahil sa salpukan. Agad siyang nabigla nang pilit na hinanap ng kanyang nanlalaking mga mata ang taong gumawa noon. Gayunpaman, bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot sa kanyang utak sa sandaling ito.‘Naku, lagot! Mental powers!’ Agad niyang tinipon ang kanyang sariling mental power para labanan ang atake, ngunit agad niyang napagtanto na ang kanyang sariling mental power ay parang langgam laban sa elepante sa mga mata ng kalaban. Ni hindi niya maipagtanggol ang sarili kahit isang sandali. Sa oras na humupa ang sakit at nang makapag-isip siya nang maayos, may napakalaking puwersa ang sumabog sa sarili niyang energy core.Bang!Nararamdaman niyang tuluyang nawasak na parang pakwan na sinipa yung energy core na buong buhay ni
Magbasa pa
PREV
1
...
7172737475
...
195
DMCA.com Protection Status