All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 711 - Chapter 720

1942 Chapters

Kabanata 711

“Bumuti na ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni Waltz Fleur habang kinakabahang nakatingin kay Alex Rockefeller.Tumango si Alex at pinunasan ang katas sa gilid ng bibig niya. “Sobra,” sabi niya.Matapos lunukin ni Alex ang essence ng hugis sanggol na demonic wisteria fetus, manipis na balat na lang ang natira dito.Sina Anna Coleman, Lola Silvan, at ang iba pa ay lahat nanonood. nakatulala sa katahimikan.Agad na bumalik si Xyla Stoermer na may dalang isa pang demonic wisteria fetus. “Mr. Rockefeller, may isa pa dito. Kainin mo na lang din siguro. Sayang kung iiwanan lang. Baka mamaya, may iba pang makinabang dito,” sabi niya.Bago pa makapagsalita si Alex, kinuha na ito ni Waltz at binutasan ito gamit ang kanyang darili bago sinalpak sa bibig ni Alex.Wala nang magawa pa si Alex.Pero napagdesisyunan niyang lunukin ito dahil sira na rin naman ito.Ang dalawang demonic wisteria fetus na kinain niya ay ang dalawa na lang na natitira.Bagama’t maraming babae ang namatay sa isang daan o higi
Read more

Kabanata 712

“Ahh...” Bahagyang nakaawang ang bibig ni Waltz Fleur.Hindi niya alam kung anong sasabihin.Mismong si Waltz ay nasa ranggong Advanced-Mystic na. ‘Hindi mo ba masabi?’ naisip niya.Sa katunayan, partikular na idinisenyo ni Alex Rockefeller ang kanyang paraan ng paglilinang, ang Moon of the Nine Revolutions. Ito ay isang daang beses na mas malakas kaysa sa karaniwang mga pamamaraan ng paglilinang at naglalaman na ng pundasyon ng paglilinang. Iyon ang dahilan kung bakit hindi masabi ni Lola Silvan ang antas ng paglilinang ni Waltz.Kung magtutuos sila, baka hindi pa nga matalo ni Lola Silvan si Waltz.Ang tulalang ekspresyon sa mukha ni Waltz ay dahilan para mapaisip si Lola Silvan na para bang nakatanggap si Waltz ng malaking karangalan kaya hindi siya kaagad makapagbigay ng reaksyon. “Bilisan mo at tawagin mo na akong master mo. Pagkatapos nito, ililigtas ko ang ninong mo para sa’yo. Pababaligtarin ko ang Hydra Group, o kung anumang tawag sa kanila, para sa’yo,” sabi ni Lola Silvan.S
Read more

Kabanata 713

“Anong tinatawa-tawa mo, manang?”Tila napikon si Josiah Whaley matapos siyang pagtawanan.“Manong Whaley, natatawa ako sa kawalanghiyaan mo. Sa tingin mo, pwede mong ipagmayabang ang anumang gusto mo?” Tanong ni Lola Silvan.Tila naninigas ang leeg ni Josiah. “Sinong nagyayabang? Tinatanong ko lang kung nakulong din kayong lahat sa spell formation na ‘to. Bakit hindi natin maabot ang dulo?”“Kaya nga,” sagot ni Lola Silvan.“Buweno, yun lang naman, di ba? Kung wala ako dito para wasakin ang spell, paano mo kami nahanap dito?” tanong ni Josiah.‘Wala ka namang alam sa spell formations, manang. Puwede naman akong magpanggap para makinig ka sa sasabihin ko. Maiiwasan niyan na utus-utusan mo ako dahil lang mas malakas ang paglilinang mo kaysa sa akin,’ naisip ni Josiah.Ngumuso si Lola Silvan at magsasalita na sana nang may dumating na sasakyan sa labas ng Sanctuary Shrine.Ang mga taong dumating ay walang iba kundi sina Preston Bale, Queenie Bell, at dalawang kampon ni Preston.Siyempre,
Read more

Kabanata 714

Nakita ni Josiah Whaley at ng iba pa ang flashlight ng phone na nagniningning sa harapan nila, at bahagya nilang nakita ang halos isang daang babae na nakatayo doon. Nagulat si Josiah sa eksena, napaatras ng ilang hakbang at natumba palabas.Nang itinuon niya ang kanyang tingin sa harapan, napagtanto niyang bumagsak pala siya sa bukana ng Sanctuary Shrine.Nakatayo lang pala sila sa bukana at hindi man lang nakapasok.Samantala, nabigla rin si Preston Bale.Nakatayo siya sa sulok sa loob ng Sanctuary Shrine, handang patumbahin sila isa-isa. Hindi niya inaasahang bigla na lang hindi gumagana ang spell formation.Anong nangyari?Ang kanyang master ang gumawa ng spell formation na ito. Hindi niya alam kung paano ito ayusin!Pagkatapos nun, tumingin siya sa loob. Nalaman niya na halos walumpung buntis na babae, lahat ay dapat na nakahiga sa loob ng mga kabaong, ay naglaho na lahat. Guni-guni lang ba ‘to? Ang problema, saan napunta ang kanilang mga tiyan? Saan napunta ang kanilang mga tiyan
Read more

Kabanata 715

Sina Lou at Hector ay ang mga kampon ni Preston Bale.Nakatayo sa halos dalawang metro ang taas, ang katawan ng parehong malalaking lalaki ay naglabas ng malaking halaga ng enerhiya ng dugo. Sa isang sulyap, masasabi ng isa na sila ay eksperto sa paggamit ng inner force at meron silang mataas na antas ng paglilinang sa martial arts. Pumasok silang dalawa sa Sanctuary Shrine, isa sa bawat gilid. Nang isasara na nila ang pinto, biglang pumasok si Queenie Bell.Buo ang tiwala niya kay Preston Bale.Sinumang magpakita, haharapin na nila ang kanilang katapusan!Bam! Bam!Sinarado ang dalawang pinto na kulay pula.Kasabay nito ang pagbukas ng mga ilaw sa loob. Sa kabuuang siyam na bumbilya, ang interior ay tila kasing liwanag ng araw.Si Waltz Fleur at ang iba pa, na nasanay na sa dilim, ay nahirapang imulat ang kanilang mga mata nang biglaan.Samantala, malinaw na nakikita ni Queenie si Alex. Napasigaw siya sa gulat at napaatras ng dalawang hakbang habang nakaturo sa kanya at nanginginig. “
Read more

Kabanata 716

Kahit na tinanggihan ni Waltz ang kahilingan ni Lola Silvan na maging kanyang disipulo. Parang hindi siya sumuko.Ang galing ng kanyang kakayahan sa claw.Swoosh!Ang limang daliri ng kanyang kanang kamay ay pumulupot at bumuo ng isang kawit, at ang kanyang inner power ay sumambulat mula sa loob, nilalapat sa mukha ni Lou. “Umatras ka. Ako nang bahala sa dalawang bubuwit na ‘to,” sabi niya.Ngunit seryoso niyang minamaliit ang lakas ni Lou at Hector.Hindi dumapo sa mukha ni Lou ang atake ngunit sa kanyang mga balikat sa halip, yung tela lamang ng kanyang damit at ang ibabaw ng kanyang balat ang nadaplusan nang hindi man lang nagdudulot ng anumang malaking pinsala. Para naman kay Hector, marahas siyang umatake mula sa gilid, madali niyang nasipa si Lola Silvan. Ang kanilang mga teknik ay napakaimbi para sa dalawang lalaki na halos anim at kalahating talampakan ang taas.Sa kasamaang palad, si Lola Silvan ay matanda na, at siya ay halos 1.3 talampakan na mas maliit kaysa kay Hector. Dah
Read more

Kabanata 717

Gulat ding napatingin si Anna kay Alex.Gamit lamang ng palad, nasipsip niya ang dalubhasang tulad ni Hector na sampung metro ang layo kanina. Anong klaseng mahiwagang martial arts ito? Masyado itong hindi kapani-paniwala. Kalaban lang ni Anna kanina si Lou, at masasabi niyang kinailangang Advanced-Mystic man lang ang ranggo niya para makapalag.Gayunpaman, basta-basta lang siyang napatay ni Alex, na parang humahampas lang ng langaw.Kaya ba iyon gawin ni Captain Sky?Pinag-isipian niya ito pero alam niyang hindi ito magagawa ni Sky nang kasingdali gaya ng ginawa ni Alex. Matapos patayin ni Alex si Lou, ibinaling niya ang tingin kay Preston at nagtanong, “Patay na ba talaga si Lord Lex?”Pinakitid ni Preston ang kanyang mga mata, sinusulyapan ang bangkay ni Lou.Isang malupit na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. “Nakakawili... nakakawili talaga. Akala ko basura ka, at kanina pa ako dismayado dito. Ngayon, tila may nagawa kang kakaibang teknik sa paglilinang na nagawa mo pang itago an
Read more

Kabanata 718

Ito ang umampon sa kanya, ang lalaking katumbas ng kanyang tunay na ama.Tulad ng isang malaking alon, sumalubong sa kanya ang mga alaala noong kabataan.Siya ang hari ng underworld ng California, at ang kanyang eksistensya ay nagpapahiwatig ng takot sa maraming tao. Sa California, maaari mong pigilan ang pag-iyak ng mga bata sa pagbanggit lamang ng kanyang pangalan. Gayunpaman, ang hindi alam ng karamihan ay sa pribado, si Lord Lex ay mabait na tao. Bihira siyang magalit at palagi niyang sinisigurado na ang iilang inampon niya ay maayos na edukado. Maginoo rin siya sa kanila, hindi niya pinipilit na gawin ang hindi nila gusto.Kadalasan, silang tatlo ang magkukusa na gawin ang gusto nilang gawin.At ngayon, pinagtangkaan ng kanyang tinuturing na ama ang sarili at namatay.Naiisip na ni Waltz ang dahilan kung bakit niya ito ginawa.Hindi mapapawi ang apoy ng galit at hinanakit sa kanyang puso ng mga luhang tumutulo.“Ahh!!!”Napasigaw siya saka sinipa ang katawan ni Hector.Nagkawatak-
Read more

Kabanata 719

Hanggang sa sandali ng kanyang kamatayan, hindi pa rin maintindihan ni Preston kung paanong biglang nagkaroon ng kakayahan si Alex na patayin siya.At napakalaki pa ng agwat sa pagitan nila.Ang marahas na lakas ng kulog na iyon ay bagay na hindi niya kayang labanan. Ang paglilinang ni Preston ay blood magic art, na may epekto na maihahalintulad sa mabangis na hayop. Maaari nitong agad na pasiglahin ang enerhiya ng dugong naipon sa katawan, na nagpapataas ng bilis at lakas nito nang ilang beses.Naisip niya na kung magtatagal ang labanan, mapupunta sa kanya ang tagumpay.Sinong mag-aakalang ang huling atake ni Alex ay magiging sampung beses na mas malakas kaysa kanina? Kung meron si Alex ng ganoong kalakas na kapangyarihan, bakit hindi niya ginamit ang mga ito bago nito? Kung alam lang ni Preston ang tungkol dito, tumakas na siya sa halip. Sa bilis niya, hindi naman imposibleng makatakas pagkatapos ng lahat.Pero ngayon, huli na ang lahat.Bang!Nawalan na ng kakayahan ang katawan ni P
Read more

Kabanata 720

Habang pababa, naging phone ng lahat ang phone ni Aaron.Isa-isang tinawagan ng mga babae ang kani-kanilang mga pamilya.“Mom, ako po ‘to, Rebecca. Buhay pa ako…”“Dad, pwede mo ba akong sunduin? Nandito ako sa…”“Mahal, ako ‘to, si Leslie...”Nang makitang mauubusan na ng baterya ang kanyang phone ay mabilis niyang inilabas ang power bank na kanyang dinala. Masaya niyang hinayaan ang mga taong ito na gamitin ang kanyang phone at kontakin ang kanilang mga pamilya.Habang nagpapakilala ang mga babae, narinig niya ang lahat.Sa kaibuturan niya, napahanga na naman siya kay Preston sa tinaglay nitong lakas ng loob.Maraming mga dalaga dito ay nagmula sa mga bigating pamilya sa Michigan, mula sa pagiging anak hanggang sa manugang. Ang ilan ay mas mataas pang katayuan kaysa sa pamilyang Coleman. Katumbas ito ng pagkakaroon ng maraming pabor mula sa mga malalaking negosyante ngayon!Hinangaan niya si Alex sa kanyang puso.Sa utang na loob ng lahat ng mga babaeng ito, makakapaglakad ba siya sa
Read more
PREV
1
...
7071727374
...
195
DMCA.com Protection Status