All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 691 - Chapter 700

1942 Chapters

Kabanata 691

Malapit nang himatayin si Beatrice.Hindi niya akalaing ganito kawalanghiya si Anton Zach. Sinabihan siya nito na sumama siya sa kanya nang mag-isa, sa kadahilanang para subukan ang kanyang potensyal at kailangan niyang iwasan ang iba dahil ipapakita niya ang kanyang mga lihim na teknik.Sinubukan ni Beatrice ang kanyang makakaya para mag-ingat.Wala pang limang metro ang layo ni Wilson Jordan at ng iba pa sa kanya.Gayunpaman, tinakpan ni Anton ang kanyang bibig habang itinatakas siya sa likod nito. Mabilis ang takbo nito kaya nang magsimulang maghinala si Wilson at ang iba pa ay nakalayo na ang dalawa.Bam!Ibinagsak si Beatrice sa madamong lupa.Lumingon siya sa likod at nakita ang bagay na nagbunsod sa kanya sa kawalan ng pag-asa: isang bangin.Hindi niya magagawang tumakas, maliban kung magpapakamatay siya.“Anton, pakiusap, huwag. Huwag mong gawin sa’kin ‘to, bir... birhen at estudyante pa lang ako...,” desperadong pakiusap ni Beatrice habang tumutulo ang mga luha sa kanyang pisn
Read more

Kabanata 692

Ang katawan ni Anton, na ngayon lang ay nagmamadaling tumakas, ay biglang kusang lumapit kay Alex.Pak!May palad na humampas sa kanya.Namatay si Anton Zach!Bahagyang bumuntong-hininga si Alex, saka siya tumalikod para umalis sa eksena.“Mask! Mask, pakiusap huwag kang umalis! Natatakot ako!” nagmamadaling sigaw ni Beatrice. “Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, saka sugatan ako. Pakiusap, huwag kang umalis. Ha?”Habang nagsasalita siya, pinilit niyang tumayo.Tumakbo siya at sinubukang habulin si Alex.Gayunpaman, sa nangyari kanina, nabubog ang kanyang kamay at tumamo ng pinsala ang kanyang mga binti. Matapos tumakbo ng ilang hakbang, bumagsak siya sa lupa at nagsimulang umiyak.Napahinto si Alex, na nakakailang hakbang pa lang.Lumingon siya at tumingin kay Beatrice. Naisip niya, ‘Grabe, siguro may utang na loob ako sa pamilya nila nung nakaraan kong buhay.’Bumalik siya para tulungan itong makabangon.“Okay ka lang ba?”“Masakit ang mga kamay ko, masakit din ang mga binti ko.” Pin
Read more

Kabanata 693

Natigilan si Alex sa biglaang paghalik nito.Sa kabila ng pagmamahal ni Beatrice sa kanya, wala pa rin siyang naramdamang kasiyahan. Kilalang-kilala niya ang babaeng ito, lalo na ang hindi mabilang na mga sinabi nito sa kanya noong nakaraang taon.Pinalo pa nga siya nito ng medyas sa ulo ng hindi bababa sa sampung beses.Kilalang-kilala niya ang babaeng ito.Kung talagang mahuhulog ang loob ni Alex sa kanya, pakiramdam niya ay iikli ng maraming taon ang kanyang buhay.Hindi niya maiwasang isipin, ‘Kung isisiwalat ko ang aking pagkatao bilang Alex Rockefeller, ang taong gustong-gusto niyang hiwalayan si Dorothy, magmumukha kaya siyang tanga dahil sa pagkabigla?’Pak!Pinalo ni Alex ang hita nito at malamig na sinabi, “Una at huling pagkakataon na ‘to. Kasal at tapat ako sa aking asawa. Kung susubukan mong ulitin ‘yan, iiwan kita dito at hahayaan kitang mahirapan diyan.”Sumakit ang hita ni Beatrice ngunit mas sumakit ang puso niya, na para bang nabuhusan siya ng isang timba ng malamig n
Read more

Kabanata 694

Umaagos sa mga mata at ilong ni Beatrice ang luha at uhog kasabay ng pagturo niya sa bahaging nakagat. “Dito.”Matapos tingnan, napatulala si Alex.Anong dapat niyang gawin?“Bro... mamamatay ba ako?” Sabi ni Beatrice habang umiiyak.Alam ni Alex na hindi niya maaaring maantala ang paggamot pagkatapos tingnan ang sugat. Kung hindi, dadaloy sa dugo at kakalat sa buong katawan ni Beatrice ang kamandag ng ahas, at mauuwi siya sa matinding panganib.Kinuyom niya ang kanyang panga habang sinasabi niya, “May utang nga talaga ako sa’yo sa nakaraan kong buhay.”Dahil dito, tinuon niya ang kanyang spiritual power sa kanyang daliri.Pak! Pak! Pak!Idiniin niya ang kanyang daliri sa ilang pangunahing acupoints sa katawan ni Beatrice para pigilan ang pagdaloy ng kamandag.Pagkatapos nito, sinipsip niya ang kamandag ng ahas.Hindi na maipapaliwanag pa ang proseso.Buweno, natigilan si Beatrice dahil dito. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa lakas ng tibok ng puso niya. Nakita niyang tinanggal ni Al
Read more

Kabanata 695

Papaanong hindi magagalit si Tristan?Si Suzaku, isa sa Four Great Princesses, ay isang panghabambuhay na concubine na pinili ng pamilya. Sa madaling salita, kapag opisyal nang ikinasal si Tristan, si Suzaku ang magiging pampainit niya sa kama.Bagama’t pakakasalan niya si Daya, mas malapit siya kay Suzaku at mas higit ang pananalig niya dito.Mas lalong dedepende si Tristan sa kanya sa hinaharap.Gayunpaman, talagang natalo si Suzaku sa ibang lalaki, at ngayon ay kailangan pa niyang pagsilbihan ito bilang lingkod sa loob ng tatlong taon. Sinong nakakaalam kung gaano karaming mga bagay ang mangyayari sa tatlong taon na iyon? Sinong makakasiguro na birhen pa rin siya pagkatapos noon?Higit sa lahat, ang Prinsesa ng pamilyang Coleman ng Missouri ay maglilingkod sa ibang lalaki, sa isang estranghero.Kung ang ganitong balita ay kumalat sa publiko, hindi ba sila magiging katatawanan?Malamig niyang tinitigan si Ange habang sinasabi, “Bakit ka ba nakipagpustahan ng ganoon? Higit sa lahat, n
Read more

Kabanata 696

“Nakalinis na ako at hinihintay na lang kita. Inayos ko na rin ang buong mood para sa’yo. Ano pang gusto mo?“Lalaki ka ba talaga?” Sa sandaling iyon, mahinang bumulong si Waltz Fleur sa tenga ni Alex Rockefeller.Naramdaman ni Alex ang binti ni Waltz sa kanyang katawan.“Waltz...” sabi ni Alex.“Wala ka nang asawa ngayon. Ano pang kinatatakutan mo?” tanong ni Waltz.“Sa totoo lang, ang kaso kasi-–“Pero bago pa man makapagsalita si Alex, sinunggaban na siya ni Waltz at sinimulan siyang halikan nito.May saysay pa ba ang pumalag sa puntong ito?Buweno, wala nang atrasan.‘Di nagtagal, ang lahat ng pangangatwiran ay nabaon dahil sa ginawa ni Waltz. Si Alex mismo ay hindi na lumalaban kay Waltz. Sa katunayan, pinag-iisipan niyang tanggapin na lang ang damdamin nito para sa kanya. Ngayong si Waltz na ang unang gumawa ng hakbang, ang pagtanggi ay hindi lamang makakasakit sa damdamin nito, kundi pamumukhain din nitong duwag si Alex.Nagsimula na ring gumalaw si Alex.Nanginig ang puso at ka
Read more

Kabanata 697

Matapos marinig ito, agad na gustong sumugod ni Waltz Fleur sa Sanctuary Shrine ng Michigan.Pero hindi niya alam kung nasaan ang Sanctuary Shrine. Bukod dito, wala silang bangkang magagamit para makaalis sa Eastward Island ngayon.“Senior, anong gagawin natin?“Hindi ako papayag na may anumang mangyari sa aking ninong!”Nababahala at nag-aalala si Waltz. Pinalaki siya ni Lord Lex at itinuring niya ito na parang kanyang tunay na ama. Ngayong nasa panganib ang buhay nito, paanong hindi siya mag-aalala?”“Sige, tiyak na ililigtas ko ang ninong mo,” konsuwelo sa kanya ni Alex Rockefeller.“Bakit sila pumili ng lugar na tulad ng Sanctuary Shrine bilang tagpuan? Parang templo yun kung pakinggan. Hindi ba hindi angkop ang lugar na iyon para itago ang mga hostage nila?” Tanong ni Michelle Yowell.Parehong umiling sina Alex at Waltz. Ito rin ang unang beses nilang marinig ang tungkol sa lugar na ito.Para naman kay Nathan Pattingson, halos buong buhay siyang nakatira sa Alaska. Ito ang kanyang
Read more

Kabanata 698

‘Napakayaman niya!” Napaisip si Alex Rockefeller.Hindi nagtagal, tumakbo si Anna Coleman palabas ng kanyang kwarto at tumungo sa helicopter ng kanyang pamilya. Bilang miyembro ng Divine Constabulary, mas matapang pa si Anna kaysa sa mga lalaki. Ang pagpapalipad ng helicopter ay larong pambata lamang para sa kanya.Gayunpaman, pagdating niya sa helipad, tinawag siya ng isang lalaki mula sa likuran.“Anna, gabi na. Saan ka pupunta?”Ang taong sumunod kay Anna ay ang kanyang kapatid na si Aaron Coleman.“Kuya, may kailangan akong asikasuhin. Pwede ka nang matulog ulit!” sabi ni Anna.Gayunpaman, tumanggi si Aaron na hayaan itong makaalis. Sa halip, humarang siya sa dinaraanan nito. “Kakabalik mo lang ngayon. Wala pa ngang limang oras ang lumipas pagkauwi mo, at lalabas ka na ulit? Duda akong hindi maayos na tatakbo ang Divine Constabulary kung wala ka, Anna Coleman! Kung totoo iyon, hindi ka na dapat manatili sa Divine Constabulary. Wala kang kinabukasan doon.”Alam na alam ni Anna ang p
Read more

Kabanata 699

Medyo nagulat din si Waltz Fleur nang pinagmasdan niyang mabuti si Aaron Coleman.Ngunit nanatili siyang kaswal. “Ikaw pala, Mr. Coleman!”May sabik na tingin sa mga mata ni Aaron, at mabilis ang tibok ng kanyang puso.Nang may sasabihin pa sana si Aaron, tinanong siya ni Anna Coleman. “Kuya, magkakilala ba kayong dalawa?”Humalakhak si Aaron. “Matagal ko nang kilala si Madam Fleur. Noong araw–-”Muling may sumabat sa kanyang pananalita. “Kuya, bakit mo siya tinatawag na Madam Fleur? Mga Hapones lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan. Parang nakakatakot pakinggan. Hindi ba parang pinag-tritripan mo siya?” sabi ni Anna.Siyempre, hindi rin nagustuhan ni Waltz na pakinggan ito.Pero magkasosyo lang sila ni Aaron sa negosyo. Wala namang masama kung tatawagin niya si Waltz bilang Madam Fleur. Kaya naman wala siyang sinabi.Si Aaron naman, may crush talaga kay Waltz.Buong California na ang nilakbay ni Aaron, ngunit ang tanging babaeng nakilala niya na makakalaban sa kagandahan at personalid
Read more

Kabanata 700

Paano magagawang hayaan ni Alex Rockefeller na makuha ni Aaron Coleman ang gusto nito?“Tuloy mo lang,” sabi ni Alex kay Anna Coleman.“Talagang napakasama ng aura doon sa Sanctuary Shrine. Ilang taon na ang nakalilipas, sikat na sikat ang lugar na iyon para pagsindihan ng insenso, lalo na nang mabalitaan ng mga tao na maasahan ang Dyosa ng Mayabong doon. Hindi mabilang na kababaihan mula sa mayayamang pamilya ang nagpunta para mag-alay sa Sanctuary Shrine... Pero pagkatapos, nagsimulang mangyari ang mga bagay-bagay. Ang mga babaeng nag-alay sa Sanctuary Shrine bilang kapalit ng pagkamayabong ay dumanas ng matinding pagbabago sa kani-kanilang mga personalidad pagkatapos mabuntis. May ilan pa ngang sadyang lumipat para manirahan sa Sanctuary Shrine. Sa huli, nauwi sa pagkalaglag ang lahat ng sanggol nila. Alam mo ba kung bakit?” Paliwanag ni Anna bago nagtanong.Nagulat si Alex. “Hindi ako makapaniwalang may nangyari palang ganiyan. Bakit?”“Hindi ko rin alam. Hindi lamang sila nagdusa
Read more
PREV
1
...
6869707172
...
195
DMCA.com Protection Status