All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 681 - Chapter 690

1942 Chapters

Kabanata 681

“Oo, bakit naka-maskara at sombrero ka pa rin sa entablado? Kung talagang hindi mo kayang ipakita sa sinuman ‘yang mukha mo, ano pang ipinaglalaban mo?”“Maaari kayang isa siyang kriminal? O masamang-loob galing sa ibang bansa?”“Tanggalin mo ‘yang maskara mo, kung hindi, wala kang karapatang makipaglaban!”Nagsimulang maghiyawan ang mga tao.Kapag nagsimula ang isa, marami ang sumunod. Malakas na sumigaw ang lahat, hinihiling kay Alex na ipakita ang kanyang mukha. Ang pinakamaingay ay ang mga hindi marunong sa martial arts at pumunta lamang para manood.Dahil nandito lang sila para sa palabas, hindi nila maisasangkot ang kanilang mga sarili sa anumang bagay.Hindi pinansin ni Alex ang mga taong iyon, para bang naging manipis na hangin ang kanilang mga salita.Nilingon niya si Ange. “Kung gusto mong tanggalin ang maskara ko, kailangan mo akong talunin!”Humalakhak si Ange. “Anong kinakatakutan mo? Bakit hindi mo ipinapakita ‘yang mukha mo? May naghahanap ba sa’yo? O nang-agaw ka ng asa
Read more

Kabanata 682

Gayunpaman, may alam siyang ilang impormasyon tungkol sa kanila. “Marahil hindi pa ninyo naririnig ang kasaysayan ng mga Coleman, tama ba? Meron silang maharlikang dugo sa loob ng daan-daang taon, kaya ang kanilang katayuan ay walang katulad. Ang apat na prinsesa ay ang mga tagapagtanggol ng pamilyang Coleman.“Lahat silang apat ay mga bata at magagandang dalaga, na nakalaan upang maging mga kabit para sa mga pinakamatandang anak ng pangunahing pamilya. Sa katotohanan, ang mga kabit na ito ay mas makapangyarihan pa rin kaysa sa kanilang mga aktwal na asawa. Sila ang pinakamahusay sa pinakamahusay. Kung sila ay ipapadala sa ibang mga pamilya, maaari silang ituring na mga diyosa.”Sapat na ang mga salita ni Anton para manlaki ang mga mata ni Beatrice at ng iba pa.Hindi makapaniwala si Hugo at nagtanong, “Ika-21 siglo na ‘to. Tiyak na wala nang mga emperador sa Amerika. Kaya paanong magkakaroon pa rin ng isang malaki at matandang maharlikang pamilya sa bansa natin?”Sabi ni Anton, “Wala
Read more

Kabanata 683

Kring!Pakiramdam ni Ange ay namamanhid ang kanyang buong kanang paa kahit na habang nasa ere. Para siyang tinamaan ng kidlat.Pakiramdam niya ay bakal na tumitimbang ng tone-tonelada ang sinisipa niya. Sobrang sumasakit ang mga daliri ng kanyang mga paa.Si Alex naman ay nakatayo pa rin sa entablado. Hindi siya kumikibo, ni hindi niya inalis ang kanyang kalmadong ekspresyon sa kabila ng mga atakeng natanggap niya..“Hmph! Hindi ako naniniwalang sinanay mo ang ‘yang sarili mo para hindi ka tablan ng mga atake!“Isa pa!“Phoenix Chain Attack!”Bago pa man siya makalapag sa lupa, itinuon niya ang kanyang inner force sa kanyang kanang binti at tinanggal ang pamamanhid nito. Gamit ang katawan ni Alex, inangat niya ang sarili sa hangin at umikot ng 720 degrees sa gitna ng ere.Parang agilang pinupuntirya ang kanyang biktima, muli siyang lumusong patungo kay Alex.Bam! Bam! Bam!Sinipa niya si Alex ng labingwalong beses, sunod-sunod.Bawat sipa ay tumatama sa katawan ni Alex.Kagulat-gulat a
Read more

Kabanata 684

“Paano?” Nakatitig sa kanya ang napakarilag nitong mga mata, hindi makapaniwala.Gayunpaman, tumalsik pabalik ang kanyang katawan dahil sa malakas na puwersa ni Alex.Titilapon na siya palabas ng entablado, nang biglang sumugod si Alex sa bilis ng kidlat at hinawakan ang likod ng kanyang mga damit, at inihagis siya pabalik sa entablado.Kasabay ng tunog ng may napupunit, napansin ni Ange na may lumuwag sa kanyang dibdib.Nagalit siya.‘Pinunit ng kumag na ‘to yung strap ng bra ko!’Bam!Pagkatapos ay pinatumba si Ange, na nagdulot ng isa pang malalim na hukay sa entablado.Kung hindi dahil sa kanyang malakas na inner force, tiyak na naging bangkay na lang siya.Pagkatapos ay nakita niya ang isang itim na bagay na bumagsak mula sa langit, tila magaan ang pagbagsak nito sa kanyang mukha.‘Parang pamilyar ‘to.’Yun yung bra na nahubad sa kanya ngayon lang.Nagulat ang lahat.Marami ang hindi maiwasang mapatingin, halatang naguguluhan.‘Paano yun nahubad?’Namula ang mukha ni Ange habang u
Read more

Kabanata 685

Nataranta ang lahat sa biglaang pagsulpot ng lalaking ito.Lalo silang nataranta nang hilingin niyang makita si Grandmaster Alex.‘Sino si Grandmaster Alex?’Walang nakakaalam.Si Lex naman ay napalingon kay Alex. Mag-isang iniligtas siya ni Alex mula sa masamang espiritu dati, kahit si Jarsurya ay kailangang yumukod sa kanya.Tiyak na tinuturing niya si Alex bilang Grandmaster Alex.‘Maari kayang si Alex ang hinahanap niya?’Nang mapagtantong walang sumasagot sa kanya, naging mas malamig ang ekspresyon ng lalaki at nainip. Napalingon siya kay Ange at Alex sa entablado.Ang kanyang mga mata ay tulad ng kay Kamatayan, dahilan para kilabutan ang lahat.‘Ghostly Chi!’ May naramdaman si Alex na kakaiba sa lalaki.Itong lalaking ito lang siguro ang may ganitong mala-multo na Chi. Nagsisimula nang maghinala si Alex na hindi siya isang buhay at humihingang tao.Pagkatapos ay napagtanto niyang ang taong iyon ay nagsanay sa Demonic Voodoo. Napapaligiran ang lalaking iyon ng napakaraming masasam
Read more

Kabanata 686

Halos lumuwa ang mga mata ni Beatrice mula sa kanyang ulo habang naninigas, hindi makapaniwala. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata at naisip na siguradong nasilaw lang siya. Kung tutuusin, paano mangyayari ang ganitong eksena?Natataranta, tinanong ni Wilson si Anton, “Anton, Ano... Ano ang sitwasyong ito?”Gayunpaman, napatulala rin si Anton dahil hindi pa siya nakakasaksi ng ganitong eksena.Walang sinuman sa eksena ang nangahas na gumalaw.Natahimik ang buong lugar.Nagsalita ulit ang lalaki. “Master Rockefeller, meron kang lakas ng loob na patayin ang aking junior na disipulo, pero bakit hindi ka naglalakas-loob na magpakita? Alam kong nandito ka... Lex Gunther, sino si Lex Gunther? Lumabas ka na! Sa bilang ng tatlo, kapag hindi ka pa rin lumabas, papatay ako ng sampung tao dito. Isa...”Sa sandaling ang salitang “Isa” ay naisigaw, agad na nagsalita ang isa sa mga taga-SCBA.Tinuro niya si Lord Lex. “Siya iyon, siya si Lex Gunther! Lord Lex, hinahanap ka ng lalaking iyon. M
Read more

Kabanata 687

“Ah!!”Nang tamaan ng kidlat ang malaking ulo ng babaeng multo, nagpakawala ito ng nakakatakot na sigaw.Pagkatapos noon ay napunit ang ulo nito.Gayunpaman, hindi pa rin ito namatay.Hindi nagtagal, muling lumitaw ang isang bagong bungo ngunit ang sukat nito ay mas maliit kaysa sa una nang kalahati.Nakatulala pa rin ang lahat.Ang makapagtawag ng kidlat mula sa kalangitan gamit lamang ang mga kamay...tao pa rin ba ang nilalang na ito?Iyon ay bagay na magagawa lamang ng mga diyos!Maging ang kapatid ni Albert ay nagulat.Nanlaki ang mga mata niya sa galit, parang luluwa na ang mga ito. Nakatitig lang siya nang walang magawa habang ang kanyang mapaghiganting demonyong ulo na kanyang nilinang nang buong pagsisikap ay tinamaan ng kidlat ni Alex. Binawasan ng tumamang kidlat ang antas ng paglilinang niya ng kalahati. Nasasaktan siya dahil ang hindi bababa sa tatlong taong pagsusumikap ay walang kabuluhang naglaho.Galit na galit siyang sumigaw, “G*go, kapal ng mukha mong saktan ang bebe
Read more

Kabanata 688

Alam ni Darren na labis niyang minaliit ang kakayahan ni Alex. Hindi lamang niya nabigo na patayin si Alex, ngunit dumanas din siya ng malaking pinsala.Kung hindi siya makakatakas ngayon, hindi na siya magkakaroon ng isa pang pagkakataon para gawin iyon.Marahas niyang pinadyak ang kanyang paa at inangat ang kanyang katawan, tumatakas sa daan na pinanggalingan niya kanina.Sa kasamaang palad, hindi sapat ang kanyang bilis.Matapos makatakbo sa distansiyang wala pang limang metro, isang hakbang lang ay naabutan siya ni Alex at sinipa siya palabas sa mataas na entablado.“Sinabi ko na sa’yo, kung hindi ka paparusahan ng Diyos, ako na lang ang gagawa!”Itinaas niya ang kanyang palad, nababalot ng malakas na kapangyarihan at hinampas ang noo ni Darren.“Aray!”Napasigaw sa takot ang kaluluwa ni Darren, desperadong sinusubukang makatakas, habang umuungal, “Lakas ng loob mong tangkaing patayin ako? Ang lakas ng loob mo! Malapit ka nang mamatay. Isa ako sa mga bantay ng Leviathan Gate. Tiyak
Read more

Kabanata 689

Ilang segundong nagtama ang mga mata nina Alex at Waltz.Matapos timbangin ang mga kalamangan at kahinaan ng posisyon ng presidente ng SCBA, tumango siya. “Sige, ako na ang bahala sa tungkulin ng presidente.”Ito na marahil ang pinaka-kakaibang presidente ng asosasyon mula nang itatag ang SCBA.Ito ay dahil ang lahat ng miyembro ng asosasyon, maliban sa mga nasa panig ni Lord Lex, ay hindi alam ang aktwal na hitsura ng kanilang presidente.Gayunpaman, walang nangahas na tanggalin ang maskara at sombrero ni Alex.Alam na alam nila na bagama’t naging presidente na ng SCBA si Alex, hindi nila inaasahan na magdadala siya ng anumang oportunidad ng negosyo sa asosasyon. Interesado lamang sila sa kanyang kakayahan.Pagkatapos ng lahat, ang isang lalaking may kakayanang tumawag ng makapangyarihang kidlat gamit lamang ang kanyang kamay ay lumampas na sa kanilang kasalukuyang mga inaasahan.Sa katunayan, maihahalintulad ito sa pamumuhunan, gamit ang kapangyarihan at pera bilang kapalit ng relasy
Read more

Kabanata 690

“Fred, ikaw... Talaga? May sakit ka ba talaga?”Hindi mabilang na tao ang tumingin kay Frederick. Ang ilan ay nagulat habang ang iba ay nakiramay sa kanyang miserableng kalagayan.Napabuntong-hininga si Frederick at walang magawang tumango. “President, ang galing mo talaga. Natukoy mo ang aking kalagayan sa isang sulyap lang. Tama, na-diagnose ako na may late-stage na gastric cancer kalahating buwan na ang nakakalipas. Wala nang magagawa pa sa kasalukuyang medikal na teknolohiya. Meron pa akong isang taon, pero matanda na rin naman ako. Kung mamamatay man ako pagdating ng panahon, ganun talaga. Kaya lang, ang aking pamilyang Duncan ay kailangang umasa sa’yo sa hinaharap.”Ang lahat ay nagpakawala ng walang magawang buntong-hininga matapos marinig ang pagkumpirma ng kanyang kalagayan.Mayayamang tao sila, ngunit kalusugan ang pinakamahalagang bagay sa buhay.Anong silbi kung kaya nilang magkaroon ng maraming pera pero maglalaho naman ang kanilang buhay at hindi malalasap ang kanilang ka
Read more
PREV
1
...
6768697071
...
195
DMCA.com Protection Status