Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 671 - Kabanata 680

1942 Kabanata

Kabanata 671

“Alex, nakita mo ba siya?” Sumenyas si Waltz sa babae.Unang nagsalita si Michelle. “Medyo maganda siya. Masasabi kong maihahambing pa sa’yo ang kagandahan niya, Waltz.”Nagtaas ng kilay si Waltz at tinanong si Alex, “Ano sa tingin mo? Sinong mas maganda sa’min?”Ngumiti si Alex at umiling. “Paano siya maikukumpara sa’yo?”Matingkad na ngumiti si Waltz, puno ng saya.Sa hindi inaasahang pagkakataon, parang narinig ni Ange ang sinabi ni Alex at nilapitan niya sila nang may malamig na ekspresyon. Lubos siyang nagtitiwala sa kanyang sarili, dahil ang lahat ng apat na prinsesa ng pamilya Coleman ay napakarilag na mga dilag.Dagdag pa dito, sila ay bihasa sa bawat aspeto, na dahilan para maglabas sila ng aura na mas namumukod-tangi kaysa sa karamihan.Kasama na roon ang kasanayan ni Ange sa pakikipaglaban.Ang apat na prinsesa ay pinili ng pamilyang Coleman sa murang edad at pinilit silang sanayin sa pamamagitan ng maraming mabibigat na pagsubok. Kung ang kanilang hitsura o kakayahan ay hin
Magbasa pa

Kabanata 672

Bumaba ng sasakyan sina Azure at Lex.Tumingin-tingin sila sa paligid para hanapin sina Alex at Waltz sa gitna ng madla. Ngunit ang dalawang iyon ay nakasuot ng sombrero at maskara, kaya hindi iyon madaling gawin.Sa huli, si Alex ang unang nakahanap sa kanila at lumapit.Si Wilson, na nabawasan ng ngipin, ay tumuro kay Lex at sa iba pa. “Tingnan ninyo, iyon ang panginoon ng underworld sa California, si Lord Lex ng Thousand Miles Conglomerate.”Agad namang lumingon si Beatrice sa kanila, maganda kasi ang impresyon niya kay Lord Lex.Ang kanyang bangungot, si Vanya Tyler, ay napilitang dilaan ang mga indiro dahil sa lalaking ito.Inamin niyang ito ay higit sa lahat ay salamat kay Alex, kaya siya ay nagkaroon ng halo-halong damdamin sa kanyang dating bayaw.“Si Lord Lex nga!” Bulong niya.“Sino ba yung mga taong nakamaskara? Isa sa kanila ang nagligtas sa’yo kanina, tama ba?”“Hindi ko alam, pero napakalaki ng boobs ng babaeng iyon sa kaliwa, pambihira. Nakakita lang ako ng ganiyan kalak
Magbasa pa

Kabanata 673

Isa itong matingkad na pulang pamaypay, nakalapag sa banig na ginagamit ng mga nagtitinda sa kalye.Ang nagbebenta ay may edad na lalaki na bandang nasa kwarenta.Kung mangyayari ito ilang araw na ang nakalipas, noong hindi pa nakakamit ni Alex ang Spirit Transcendence, hindi niya makikita kung gaano kaespesyal ang pamaypay na ito. Ngayon ay sigurado na siyang hindi ito karaniwang pamaypay.Meron itong kaunting daloy ng natural essence sa paligid at sa loob nito.Naramdaman lamang ni Alex ang essence pagkatapos makamit ang Spirit Transcendence.Lumapit siya at kinuha ang pamaypay, tinitigan ito nang mabuti.Kawili-wiling karanasan ang hawakan ito habang nagsimula itong makipagsabayan sa spiritual power sa loob ng kanyang katawan.Sa pamamagitan ng pagpapagana ng kanyang spiritual power at pagtutuon nito sa kanyang mga daliri, nakaramdam siya ng labis na pagkagulat. Nagkaroon siya ng saloobin tungkol sa pamaypay.‘Isang spiritual tool!’Ang naturang saloobin ay napuno ng tiyak na imporm
Magbasa pa

Kabanata 674

Sobrang nagulat ang may edad na may-ari ng tindahan.Noong una, naisip niyang ibenta ito nang higit sa isang milyon... hindi niya akalaing mas mataas pa pala ang halaga nito. At sinusubukan niya lang ang kanyang suwerte sa dalawang milyon nang tanungin siya ni Alex.Ang inaasahan niya, tatawad si Alex sa kanya, hindi para tumaas ang presyo hanggang limampung milyon.Hindi naman kasi siya mayaman at nakuha niya ang pamaypay na ito nang hindi sinasadya, gumagastos ng higit sa dalawang libo para mabili ito.Ngayon ay parang maibebenta niya ito sa halagang limampung milyon! Sobra-sobra na ito para makayanan ng puso niya.Tumawa si Waltz. “Awit, baliw ka talaga! Limampung milyon para sa hamak na pamaypay. Iyo na iyan!”Pagkatapos ay kinindatan niya ang may edad na lalaki. “Bossing, natulungan kitang kumita ng kwarenta otso milyon gamit ang tatlong pangungusap. Ibabalik mo ba ang utang na loob dahil tinulungan kitang bayaran ka ng baliw na babaeng ‘to nang mas malaki? Naku, mukhang maganda i
Magbasa pa

Kabanata 675

“Ano?” Nabigla si Ange. Pakiramdam niya ay may kakaiba sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa tuwang-tuwang may edad na may-ari ng tindahan.‘Ay tama!‘Parang scam ‘to.‘Maari kayang nililinlang ako ng may-ari ng tindahan at nitong lalaking nakamaskara? Pero bakit ayaw nila sa limampung milyon? Hindi naman parang may mawawala rin sa’kin. Anong sinusubukan nilang makamit dito?‘Maari kayang... ang tabletang iyon?’Bilang isa sa apat na prinsesa, si Ange ay higit na matalino kaysa sa karamihan. Sa sandaling naisip niya ang daya, hindi niya maiwasang mapangiti sa sarili. ‘Ang galing naman, nagkukutsaba sila para lokohin ako? Gusto kong makita kung hanggang kailan ninyo mapapagpatuloy ang pagpapanggap na ito.’Paulit-ulit pa ring nagpasalamat kay Alex ang may-ari ng tindahan.Sinadya ni Ange na ituro ang tableta sa kamay ni Alex at tinanong, “Anong gamot iyan?”Ibinalik ni Alex ang tableta sa bote at mahinahong sinabi, “Wala ka nang pakialam doon.”Lumingon siya sa may-ari ng tindahan. “Bos
Magbasa pa

Kabanata 676

Gustong-gusto ni Ange na sugurin si Alex at bugbugin ito. Gusto niyang baliin ang lahat ng mga paa’t kamay nito at tabasin ang dila nito bilang babala sa pagiging hangal.Gayunpaman, hindi nararapat na makipag-away sa publiko bago ang labanan.Ang apat na prinsesa ay may pananagutan na pagsilbihan ang mga Coleman at protektahan ang pangalan ng pamilyang iyon hangga’t maaari.Kung makikipag-away siya dito, siguradong marami ang magkakalat ng tsismis tungkol sa insidente.Sa huli, ang tanging magagawa niya ay panoorin silang umalis.Pinadyak ni Ange ang paa niya. “Hmph, mukhang nandito rin siya para sumali sa paligsahan. Kung gayon, sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang iyong mga salita mamayang gabi. Ipapaalam ko sa’yong ipinagbabawal ang mga insulto laban sa mga Coleman. Sinumang mangahas ay dapat mamatay!”Nagpasya siyang agad niyang papatayin si Alex sa entablado ng labanan.***Pagkatapos maglibut-libot sa mga tindahan, wala nang nakitang iba pang espesyal si Alex tulad nung pamayp
Magbasa pa

Kabanata 677

Sa sandaling iyon, nakipagkita na si Alex kay Nathan at sa iba pa.Ayon sa mga patakaran, ang bawat kalahok na yunit ay nangangailangan ng limang kalahok sa kabuuan para makasali sa torneo, saka mapagpapasyahan kung sinong mananalo.Maari lamang mapanalunan ang proyekto ng nangungunang limang nananalo.Kokoronahan muna nila ang kampeon, tapos saka aalamin ang ibang puwesto.Ibang-iba ang labanang ito kumpara sa exchange program kaninang umaga. Iba rin ang venue. Sinadya nilang gumawa ng malaking entablado na kasing laki ng football field para sa labanang ito.Ito ay nakapaloob na lugar na may napakaliwanag na mga ilaw, kaya mukha itong hindi naiiba sa araw.Kinakailangang ipakita ng mga kalahok ang kanilang mga imbitasyon sa pasukan.Gayunpaman, hindi inaasahan ni Alex na makikita rin niya si Beatrice sa pasukan. Sa ilang kadahilanan, nakakuha ng imbitasyon ang grupo ng kanyang mga kaibigan at nakapasok mismo sa venue.Sa tabi nila ay isang binatang madirigma na may ranggong Beginner-R
Magbasa pa

Kabanata 678

Nagsalita si Nathan bago pa man magawa ni Alex. “Hmph, para namang karapat-dapat natin siyang salubungin!”Tinatanaw ni Nathan si Alex bilang isang grandmaster, kaya naisip niyang ang hamak na labanang ito ay larong pambata lang kay Alex. Ito ang dahilan kung bakit naisip niya na ang matandang may ranggong Intermediate-Mystic ay hindi karapat-dapat na salubungin.Sa kasamaang palad, katabi ni Nathan si Lex, at mukha pa nga siyang hamak na kampon ni Lex sa paningin ng iba.Napakababa ng ranggo ni Lex sa SCBA, halos nakaranggo siya sa huling pwesto.Kaya ang mga salita ni Nathan ay ikinagalit ng mga nakarinig sa kanya.May mga nakakakilala pa nga kay Lex. “Hoy Gunther, ayos ka ah? Hindi ka na pala nagpapakita ng respeto kay Lord Bale, ano? Oh, dahil ba magreretiro na siya sa kanyang posisyon bilang presidente ngayon? Napagpasyahan mo na bang kunin ang posisyong iyon?”Bahagyang tumawa si Lex, hindi umiimik.Lalong ikinagalit nila iyon. Naisip nilang nagpapanggap lang na matapang si Lex a
Magbasa pa

Kabanata 679

Napatahimik ang lahat sa mga kinilos at sinabi ni Ange habang nakatitig sila sa kanya, hindi makagalaw sa kinatatayuan.Ang ‘Pamilyang Coleman ng Missouri’ ay lubhang nakakatakot na pangalan.Ngunit may ilang pa ring hindi nasisiyahan dito.‘May napakataas na katayuan at kapangyarihan ang mga Coleman, isang antas ang lamang nila kumpara sa amin. Pero ayaw naman nilang sumali sa SCBA noon!‘Pero narito sila sa SCBA Battles para kunin ang aming pinakamalaking kayamanan, ang Sky Tower? Hindi ba nagiging masyadong bossy naman sila niyan?’Maraming miyembro ng SCBA na dumating para sa Sky Tower ay malapit nang magsuka ng dugo dahil sa galit.Gumastos sila ng maraming enerhiya at pera para kumuha ng mga may karanasan at malalakas na mandirigma para tulungan sila sa labanang ito.Ngunit ang premyo para sa unang puwesto ay inaalis sa harap mismo ng kanilang mga mata, tapos yung iba namang mga premyo ay hindi naman masyadong malaki.‘Kung gayon, ano pang ipinaglalaban namin sa puntong ito?’Dah
Magbasa pa

Kabanata 680

Talagang binigyan niya siya ng headstart ng tatlong atake tulad ng kanyang binanggit.Para siyang may suot na sapatos na may pakpak, mabilis niyang naiwasan ang mga atake ni Clark at sumigaw. “Tapos na ang tatlo mong atake, ako naman.”Sa pagkakataong ito, kinailangan niyang ilabas ang kanyang galit para sadyang takutin ang iba.Pumadyak siya at bumuo ng malaking hukay sa mismong mataas na entablado.Pagkatapos, tumalon siya ng pito hanggang walong metro sa ere at marahas na lumapag pabalik sa entablado.Bam!Kasabay ng malakas na kalabog, dumaong ang mga paa ni Ange sa mga braso ni Clark, na ginamit nito para dumipensa sa atake niya.Ilang sandali lang, naramdaman ni Clark na nadurog ang buong katawan niya sa entablado. Hindi nakayanan ng kanyang mga braso ang atake, nagkapira-piraso ang kanyang mga buto habang ang tunog ng mga krak ay umalingawngaw sa kanyang buong katawan.“Dad!” Sigaw ni Andy, ninanais na magmadaling umakyat sa entablado.Gayunpaman, pinigilan siya ng isang sikat n
Magbasa pa
PREV
1
...
6667686970
...
195
DMCA.com Protection Status