Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 661 - Kabanata 670

1942 Kabanata

Kabanata 661

Napakabilis ng pagkamatay ni Lucas, walang nakakita kung paano siya namatay. Kaya naman, walang nakakaalam kung gaano kalala ang kapangyarihan ni Alex.Gayunpaman, ang lalaking ito na nasa edad trenta ay isang bihasang martial artist sa Form-Intention Boxing, pero hinampas lang siya na parang langaw. Higit pa rito, ang kanyang buong core sa paglilinang ay nawasak, sobrang kahindik-hindik na tanawin ito.Lahat ay nabigla.Bling!Pakiramdam nila ay parang may paputok na pinasok sa kanilang mga utak at sumabog, blangko na ang kanilang isipan.Hindi nagtagal, isa pang martial artist na may edad limampu ang kumilos.Ang lalaking ito ay nagngangalang Aesop Woods. Sa katunayan, siya ang tunay na tagasuporta at trump card ni Lord Bale: isang nakatagong master na halos malapit na sa ranggong Earth.Siya ay bihasang mamamatay-tao mula sa organisasyon ng mga hitman. Buong buhay siyang nagsasaliksik ng maraming paraan para pumatay ng mga tao.Higit pa rito, ang taong ito ay nasa kalahating hakbang
Magbasa pa

Kabanata 662

Gayunpaman, naging malamig ang tingin ni Alex habang malakas siyang sumisigaw. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Philip ang matinding sakit sa kanyang ulo, bahagyang lumabo ang kanyang malay. Samantala, ang matalim na spike sa kamay ni Alex ay mabangis na tumama sa kanya.Pfft!Ang tatsulok na matalim na spike ay tumagos sa pulso ni Philip, iniipit ang kanyang kamay sa bilog na mesa, at bumahad agad ang dugo roon.“Ah!”“Iligtas si Lord Bale! Sabay-sabay natin silang patayin!”“Hulihin ang mga babae! Dakipin muna ang dalawang babaeng iyan!”Nagsimulang sumigaw ang mga kampon ni Lord Bale habang ang kalahati sa kanila ay naglabas ng kanilang mga sandata. Ang mga walang armas ay ginamit sa halip ang mga bagay sa paligid nila.Maging si Queenie ay biglang sumugod kay Brittany.Nang makakita ng ganoong eksena, nagpasya si Alex na hindi na niya kailangang tumulong. Ang tanging ginawa niya ay malamig na tinitigan ang mga hamak na kampong iyon.Sa sumunod na sandali ay tumayo na si Maya sa kan
Magbasa pa

Kabanata 663

Galit na galit si Queenie.Talagang ginusto ni Lord Bale na ibigay siya kay Alex na para bang manika lang siya. Higit pa rito, hindi pa para maging asawa siya nito kundi para maging lingkod nito. Paano niya natitiis ang gayong kahihiyan?Dahil inaanak siya ni Lord Bale, parang prinsesa ang presensya niya sa Hydra Group.‘Paano ko matitiisang pagsilbihan ang sinuman?’Ang mas ikinagalit niya ay sinabi pa nga ni Alex na pangit siya at ayaw nito sa kanya!‘Bulag ka ba? Maghanap ka pa sa Hydra Group! Kung makakahanap ka ng mas maganda kaysa sa akin, aaminin ko ang pagkatalo!’Gayunpaman, habang nakaharap sa nangingibabaw na si Alex, maaari lamang siyang umungol sa loob ng kanyang puso at hindi nangahas na ipahayag ang kanyang mga saloobin.Sa kabilang banda, talagang nabigla si Philip, na sinundan ng walang katapusang mapait na ngiti.Itinakda niya ang kanyang puso sa pagkuha ng Lush Cosmetics, ngunit matagal na pala nilang minamatahan ang Sky Tower. ‘Hindi ba parang binaril ko lang ang sa
Magbasa pa

Kabanata 664

Lalo na si Queenie, na tinakpan ang bibig gamit ang dalawang kamay. Pakiramdam niya ay anumang segundo masusuka na siya.“Ano… Ano ‘to? Anong pinakain mo sa’kin?” sigaw ni Philip. Hindi niya alam ang kakila-kilabot na bagay na ito, kaya natakot siya dahil sa puwersa ng kalikasan ng tao.Sinulyapan siya ni Alex at sumagot, “Isang parasitic worm mula sa Canyonland.”“Ano?!” namutla ang mukha ni Lord Bale, nagsimulang manginig ang kanyang buong katawan.Narinig niya na ang tungkol sa mga parasitikong uod sa Canyonland, nasaksihan pa niya ang isa sa kanyang mga kaibigan na nagdusa sa matinding karamdaman dahil sa pagpapahirap ng putakteng uod na ito, mas masahol pa sa kamatayan ang dinanas ng kaibigan niya!Malumanay na ngumiti si Alex nang makita ang ekspresyon nito. “Anong kinakatakutan mo? Hangga’t makikinig ka sa akin at hindi mo ako aabalahin, hindi kikibo ‘yang uod sa katawan mo. Kunyari tinutulungan mo na lang akong alagaan iyan sa tiyan mo sa loob ng ilang araw.Natahimik si Lord B
Magbasa pa

Kabanata 665

“Sino kayong mga tao? Sinong nagsabing pumunta kayo dito?”Hinarang sila ng isang martial artist mula sa Hydra Group sa pasukan.Meron pa ring ilang mga bangkay sa Phoenix Mount Diner na hindi pa naililigpit. Bukod dito, nakabalandra pa rin sa mesa ang ulo ni Aesop Woods. Tapos may ilang tagalabas na tinatangkang pumasok dito ngayon, talagang kamatayan siguro ang hinahanap nila.Agad na naglaho ang pagkabigla ni Tristan, sanay na siyang makakita ng mga ganitong maseselang eksena kung tutuusin.Mahinahon niyang sinabi, “Hinahanap ko si Philip Bale!”“Kalokohan!” Galit na galit ang martial artist. “Sa tingin mo ba ang sinumang tulad mo ay maaaring tawagin si Lord Bale sa kanyang buong pangalan? Lumuhod ka ngayon at sampalin ang iyong sarili ng isang daang beses, kung hindi, patay ka talaga!”Ang martial artist na ito ay medyo napuruhan ni Maya kanina.Ngayong biglang lumitaw ang dalawang taong ito, akala niya mailalabas niya na ang kanyang galit. Kaya naman, naging lubhang malupit siya s
Magbasa pa

Kabanata 666

Sabi ni Queenie, “Si Lex Gunther ng Thousand Miles Conglomerate mula sa California! Pilit niyang kinuha ang Sky Tower. Kung hindi pumayag ang ninong ko, papahirapan siya ng parasitic disease sa loob ng katawan ng ninong ko!”“Parasitic disease?” Kumunot ang noo ni Tristan at bumaling kay Lord Bale. “Nadale ka na ng parasitic disease mula sa Canyonland?”Malungkot na tumango si Philip.Sumagot si Tristan, “Hayaan mong tingnan ko!”Hinawakan ni Tristan ang pulso ni Philip at ipinasok ang maliit, malakas na daloy ng inner force kay Philip. Mabilis itong tumalbog sa katawan ni Lord Bale. Maya-maya pa ay may naramdaman siya.Dahil sa nangingibabaw na daloy ng inner force na tumatalbog sa loob niya, ang mga meridian ni Lord Bale sa kanyang buong katawan ay nakaramdam ng labis na sakit at pagrereklamo.Gayunpaman, hindi siya nangahas na sumigaw sa harap ni Tristan o magpakita ng anumang pag-suway sa kanyang mukha.“Totoo, may nasa loob ng katawan mo.” sabi ni Tristan.“Hindi ko akalaing may a
Magbasa pa

Kabanata 667

Siyempre, ayaw talagang magpakasal ni Zendaya. Kumikirot ang puso niya sa tuwing naiisip niya si Alex.Kung pwede lang, mas gugustuhin niyang magpakamatay kasama si Alex alang-alang sa kanilang pagmamahalan.“Kalokohan!” Sigaw ni Percy habang malakas niyang hinampas ang mesa.Nasira ang maliit na piraso ng higanteng umiikot na tray sa mesa na kasya ang pagkain para sa limampung tao pagkahampas nito, bumaligtad rin ang ilan sa mga pinggan.Galit na galit siya!Ang kagustuhan ni Tristan na pakasalan si Zendaya ay biyayang natanggap ng mga Stoermer pagkalipas ng walong habangbuhay.‘Iyan ay swerteng napakabihira lang mangyari.’‘Pero ayaw niyang magpakasal?’‘Baliw na siguro siya!’Pinagpawisan ng malamig ang lahat ng naroroon nang makita nila ang galit ng matanda. Nagmamadaling hinila ni Kazim ang kanyang anak, sinasabihan itong humingi ng tawad sa kanya.Sabi ni Kazim, “Dad, hindi ibig sabihin ni Zendaya na ayaw niyang magpakasal, gusto lang niyang magpakumbaba. Mukhang gustong-gusto ni
Magbasa pa

Kabanata 668

Sabi ni Carey, “Oh anak, bakit ba baliw na baliw ka sa kanya? May pamilya ang Rockefeller na iyon, gusto mo bang maging homewrecker? At saka, maraming beses na mas magaling si Tristan kaysa sa lalaking iyon. Pagsisisihan mo iyon sa natitirang bahagi ng buhay mo kung talagang palalampasin mo ang pagkakataong ito! Tama ang tiyuhin mo, hindi natin kayang bastusin ang mga Coleman ng Missouri. Kung talagang hindi mo kayang pakawalan ang lalaking iyon, mas dahilan iyon para talagang tanggapin mo ang kasal na ito. Titiyakin nito na hindi siya malalagay sa anumang panganib. Kalimutan mo na lang siya, okay?”Walang magawang tumango si Zendaya, matagal niya nang napagtantuan iyon.Maaaring may mahusay na kasanayan sa pakikipaglaban si Alex, pero parang hinangad niya na ring mamatay kung lalabanan niya ang pamilyang Stoermer at pamilyang Coleman!Kung hindi, hindi pipilitin ni Zendaya ang kanyang sarili kay Alex at tatakbo pauwi ng bahay pagkatapos.Kasabay nito, kasalukuyang tinutulungan ni Alex
Magbasa pa

Kabanata 669

Medyo natulala si Alex nang makita si Beatrice.Hindi niya inaasahang makikita niya ito sa ganoong lugar.‘Papunta kaya siya sa Eastward Island? Pero anong nakakaaliw sa lugar na iyon?’Maya-maya lang, napansin niya ang ilang binata at dalaga sa tabi ni Beatrice. Nakita na niya ang dalawa sa kanila dati, kaya naalala niya pa rin na mga kaklase sila ni Beatrice... Pagkatapos ay binigyan niya ng pansin ang kanilang pag-uusap, para lang napagtanto na bumiyahe talaga sila para sa SCBA Battles.‘Jusmeyo marimar!’ Nagulat si Alex.Mapalad na ipinaghanda sila ni Brittany ng mga sombrero at maskara para sa kanila. Kaya naman, walang makakakilala sa kanya pagkatapos magsuot ng disguise. Maging sina Waltz at Michelle ay nakasuot ng parehong mga maskara at cap, kaya hindi nila kailangang mag-alala na mamumukhaan sila ni Beatrice.“Alex, hindi ba hipag mo ‘yan? Bakit siya nandito?” Tumagilid si Michelle at bumulong sa tenga ni Alex.Sabi ni Alex, “Huwag mo siyang intindihin, laki sa layaw ‘yan at
Magbasa pa

Kabanata 670

Gayunpaman, tila hindi siya pinapansin ng mga tao sa barko, na parang walang kinalaman sa kanila ang bagay na iyon at sinubukan pa nilang idistansya ang kanilang sarili mula dito.Higit sa lahat, ang matipunong lalaking ito ay mukhang masyadong makapangyarihan sa isang sulyap!Napabuntong-hininga si Alex at tinulak si Waltz gamit ang kanyang tuhod.Napasulyap si Waltz sa kanya at kinagat ang gilid ng labi niya dahil sa inis. Tumayo siya at naglakad paabante.“Gagamit ka ba ng banyo o hindi? Umalis ka na kung hindi!” Sabi ni Waltz sa matipunong lalaki, halatang naiinis.Maaaring si Beatrice ang dating hipag ni Alex, ngunit ang makita ang lalaking ito na kumakaladkad ng dalaga sa banyo para lang pagsamantalahan ito ay labis na kinasuklaman ni Waltz. Ayaw na ayaw ng mga babae sa mga ganitong klase ng manyak na lalaki.‘Dapat siyang mamatay!’Sa kabila nito, walang ideya ang lalaki na patungo na siya sa panganib.Nakasombrero at maskara si Waltz, ang nakikita lang ng lalaki ay ang malamig
Magbasa pa
PREV
1
...
6566676869
...
195
DMCA.com Protection Status