Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 641 - Kabanata 650

1942 Kabanata

Kabanata 641

Sa sandaling pinagana ni Alex ang Force, ang Chi sa kanyang katawan ay nagising at sumipol na parang kumukulong tubig. Bumukas ang upper energy core, na sinusundan ng gitna at lower energy core. Kumonekta ang tatlong core na parang konstelasyon ng mga bituin.Ang tatlong bulaklak ng sangkatauhan, daigdig at kalawakan ay nagtagpo sa korona ng ulo, habang ang limang Chi ng kanyang puso, atay, pali, baga at bato ay bumalik sa kanyang mas mababang energy core.Ito ang estadong kinaroroonan ni Alex ngayon.Gayunpaman, nagkaroon din ng pagkakaiba.Kasabay nito, ang Chi sa kanyang katawan ay patuloy na namumuo para linisin ang mga dumi sa loob ng kanyang sarili, bumubuo ng mas dalisay na enerhiya na walang kahirap-hirap niyang makokontrol. Ito ay nakaimbak sa lahat ng tatlong bahagi ng kanyang energy core, at ito ay matatawag na espirituwal na kapangyarihan.Matapos maabot ang Spirit Transcendence, ang katawan ay maaaring dahan-dahang makaakit ng esensya na inanod sa pagitan ng langit at lupa
Magbasa pa

Kabanata 642

“Pakiramdam ko peke iyon, malamang. Maraming ganiyang pakulo sa Instagram o anupaman ngayon. Madali lang gumawa ng special effects gamit ang mga ganiyang app.”“Tama. Sobrang dilim rin, at malakas ang bagyo. Ni hindi mo makita nang malinaw ang mukha niya.”Sa katunayan, kitang-kita pa rin ang mukha dahil may tumamang kidlat noong mga oras na iyon. Sandaling naisip ni Beatrice, ‘Bakit medyo kahawig ni Alex ang Storm Terror na ito?’Gayunpaman, umiling siya sa huli. Imposibleng maging siya si Alex!Sa sandaling ito, natagpuan sila ni Wilson Jordan.“Oh, pinapanood mo rin pala ang video na ito, Beatrice!” Noon pa man ay may gusto na si Wilson kay Beatrice, ngunit hindi nito tahasang tinanggap ang mga damdamin niya, at tinatrato lang siya bilang kaibigan. Kaya, kailangan niyang maging pursigido upang ipahayag ang kanyang sarili. “Magagarantiya kong tunay ang video na ito.”“Ano? Totoo ‘to? Paano mo nalaman?”“Hindi pwede? Paanong magagawa ng isang tao na tumalon nang napakataas sa ere? Hin
Magbasa pa

Kabanata 643

Nang marinig ni Claire ang mga salita ng kanyang kapatid, nakaramdam siya ng matinding pagkabalisa.Nang makita niyang bumalik kahapon ang kanyang panganay na anak, si Dorothy, bitbit ang divorce certificate, nasiyahan siya at napalundag sa tuwa. Gayunpaman, hindi nagtagal, nakita niya ang patalastas ng Lush Cosmetics.Noong una, wala siyang masyadong nararamdaman tungkol dito.‘Hindi ba pamapaganda lang naman ‘yan? Ano bang maganda diyan, eh ang dami-daming produktong pampaganda sa mundo. Kahit na nakakuha sila ng sikat na artista para sa kanilang patalastas, nangangahulugan lang iyon na namuhunan sila ng malaking pera. Tone-toneladang mga produkto ang pinaggastusan ng malaking pera sa mga unang yugto, at hindi ba nauwi rin ang mga ito sa pagkadismaya sa huli?Kaya naman, naisip niya, ‘Iyang ewan na si Brittany, nananaginip lang siya nang gising. Sinabi pa niyang tatlong buwan lang ang kailan niya para wasakin ang Rockefeller Group, ngunit malaking kumpanya iyon na may market value na
Magbasa pa

Kabanata 644

Huminto si Claire sa pakikinig kay Sharpay sa kalagitnaan, at sa halip ay nagkalkula sa kanyang isipan.Sina Brittany at Alex, parehong ina at anak, ang mga boss ng Lush Cosmetics sa likod ng eksena. Gaano karaming pera ang maaari nilang kikitain mula rito? Mula sa magaspang na pagtatantya, kahit na kalahati lamang ng pera ang makukuha nila, aabutin iyon ng ilang daang milyong dolyar!‘Kung gayon... Isang pagkakamali ba ang pakikipaghiwalay ni Dorothy sa basurang iyon?’‘Sinabi niyang kaya niyang gawing pinakamayamang babae si Dorothy sa California, totoo kaya iyon?’Nang naisip niya ito, tumaas ang mga balahibo niya.Sa sandaling ito, nakatanggap si Sharpay ng tawag sa phone mula sa kanyang manager. Agad niya itong sinagot. “Manager, may problema ba? Gabi ang shift ko ngayon.”Sinabi ng kabilang linya, “Sharpay, pupunta ang CEO at makikipagkita sa lahat ngayon. Bilisan mo at pumunta ka rito. Puno ang aming mga kamay dahil napakaraming taong nag-aaplay para sa mga membership card sa sa
Magbasa pa

Kabanata 645

Lalong nagulat si Alex. Hindi niya inaasahang darating si Sharpay at magtatrabaho sa kanyang salon, dahil sa simula pa lang, hindi naman niya masyadong kilala itong pinsan ni Dorothy. Mahigit isang daang babae ang nasa harapan niya at hindi niya ito nakilala noong una.Gayunpaman, ngayong sumugod na si Sharpay sa kanya at tinulak siya nang ganito, makumpirma niyang siya nga iyon.Umatras siya ng dalawang hakbang bago siya huminto sa kinatatayuan niya. Inayos niya ang kanyang sarili sa lugar na parang hindi matitinag na bato.Normal na babae lang si Sharpay, bakit siya magpapatinag sa kanya?“Hindi ako nandito para hanapin ka,” walang pakialam na sabi ni Alex.Kinagat ni Sharpay ang kanyang mga ngipin at mabangis na sinabi, “Kung hindi ka pumunta dito para hanapin ako, kung gayon sino pa ang hahanapin mo? Sino pa ang makikilala mo sa lugar na ito? Alam kong hiniwalayan mo na si Dorothy, kaya wala kang trabaho at walang makain, kaya gusto mong magmakaawa sa akin para sa tulungan kang mak
Magbasa pa

Kabanata 646

Agad na tinipon ni Cathy ang isang daang babae at sabay-sabay yumuko kay Alex. “Maligayang pagdating, aming mahal na CEO. Salamat sa iyong pagbisita.”Medyo hindi kumportable ang pakiramdam ni Alex habang sabay-sabay niyang hinaharap ang napakaraming babae. Higit sa lahat, karamihan sa kanila ay may nagniningas na mga titig na puno ng pagiging agresibo na para bang kakainin siya ng buhay.Naramdaman niyang pumasok siya sa mga mundo ng kababaihan.Marahan siyang tumango at nagseryoso ng ekspresyon. “Hello sa inyong lahat!”Ilang saglit lang ay dumating na rin si Hailey.Pamilyar siya sa mga ganitong senaryo, kaya napangiti siya habang ipinapakilala si Alex. “Mga beh, hindi ba palihim ninyong pinag-uusapan kung sino ang amo ninyo? Humingi ako ng pabor sa kanya na pumunta dito para makita kayong lahat. Kumusta naman, napakagwapo niya, hindi ba?”Kasabay nito, nagsigawan ang lahat. “Pogi!”Nilagay ni Hailey ang kamay niya sa likod ng tenga niya. “Hindi ko kayo marinig.”“Sobrang pogi niya!
Magbasa pa

Kabanata 647

“Oo, oo! Syempre kaya ko!” Hustong tumango si Sharpay. Pagkatapos noon, gumawa siya ng desisyon sa kanyang isipan. Mula ngayon, kailangan na niyang sumipsip sa kanya kahit anong mangyari. Hindi lamang siya hindi walang kwentang basura, ngunit palihim din siyang bilyonaryo.Isinasantabi ang City Salon, sapat na ang kasikatan ng Lush Cosmetics para ipakita na maaari siyang magkaroon ng walang hangganang mga tagumpay sa hinaharap.Base sa kasalukuyang bilis ng pag-asenso, hindi magtatagal ay matatalo ni Alex ang Rockefeller Group. Pagdating ng panahon, siya ang magiging pinakamayamang lalaki sa California, o maging sa buong Amerika.Alam ni Sharpay na kailangan niyang gawin ang lahat para akitin siya.Kalabog!Biglang lumuhod si Sharpay kay Alex, niyayakap ang mga hita nito at idinidikit ang buong katawan kay Alex. Napakalandi ng boses niya habang nagmamakaawa. “Alex. Hindi, ang ibig kong sabihin, Mr. Rockefeller. Daddy Rockefeller, Patawarin mo ako, inaamin kong mali na ininsulto kita no
Magbasa pa

Kabanata 648

‘Hindi ba napakababa lang ng naman ng puhunan?’Sabi ni Hailey, “Wala ka talagang alam sa mga babae. Sabihin mo sa akin, ano ang pinakamahalagang bagay sa mayayamang babae? Ang pagkupas ng kanilang kagandahan, sino sa mundong ito ang hindi iingatan ang kanilang hitsura? Tanging kagandahan lamang ang makakahawak sa puso ng mga lalaki. Kung hindi, madadaling kakapit ang mga mayayamang lalaki sa mga panlabas na tukso, mas malala pa sa mga karaniwang lalaki. Kapag tumanda na ang kanilang mga asawang babae, sinong hindi matutukso na lokohin sila?”Ibinaba ni Alex ang ulo at tinignan si Hailey ng ilang segundo.Gayunpaman, naramdaman niya na parang nakatingin siya sa kahanga-hangang tanawin mula sa mataas na lugar: nakakita siya ng bagay na hindi niya dapat nakita.Nahuli pa siya sa akto ni Hailey at tinanong, “Gusto mo ba ang nakikita mo?”“Oo… Hah? Ano?”“Huwag ka nang magpanggap! Tignan mo, kahit ang seryosong lalaking tulad mo ay natutukso sa MILF na katulad ko. Hindi ba’t mas malala kap
Magbasa pa

Kabanata 649

“Ano? Tatlong daang milyong dolyar kada taon? Parang ninakawan mo na rin kami!” gulat na sigaw ni Hailey.Bago sumikat ang Lush Cosmetics, ang buong City Salon ay nagkakahalaga ng tatlong daang milyong dolyar. Nangangahulugan ito na gustong agawin ng Thousand Miles Conglomerate ang bawat gusali ng City Salon kada taon.Tumingin ang blonde na binata kay Hailey, nagpapahiwatig ng pagnanasa sa kanyang mga mata. Kaswal niyang sinabi, “Uy ganda, nabalitaan kong kumita kayo ng limang daan milyong dolyares galing sa mga membership fees sa loob ng isang linggo. Kaya paano naging malaki ang tatlong daang milyong dolyar?”“Kung magbabayad kayo, poprotektahan namin kayo sa hinaharap, at mapayapa kayong kikita ng pera. Kung meron kayong anumang mga problema dito, tawagan ninyo lang kami. Tutulungan kayo agad ng mga miyembro mula sa Thousand Miles Conglomerate.”“Samantala, kung hindi kayo magbabayad, nangangahulugan iyon na sumasalungat kayo sa amin, kaya magiging mga kaaway ninyo kami. Mahirap sa
Magbasa pa

Kabanata 650

“Ano, hindi mo sila matawagan? Gusto mo bang tawagan ko sila para sa’yo?” Sabi ni Alex sabay kuha ng phone niya sa bulsa.Samantala, marahang hinawakan ni Hailey ang kamay ni Alex. “Bro, hindi talaga natin dapat banggain ang Thousand Miles Conglomerate. Kung bugbugin mo ang pamangkin ni Lord Lex, hindi ba magkakagulo talaga mamaya?”Bahagyang napabuntong-hininga si Alex. “Kahit na dumating pa si Lord Lex, siya pa ang yuyuko sa’kin!”‘Ano?’ Napasinghap ang lahat sa pagtataka. ‘Di ba medyo sumosobra na siya?’Agad na tinawagan ni Alex si Lord Lex. “Lord Lex, kasama ko ang pamangkin mo. Gusto niyang isali ang aking City Salon sa inyo at pinapabayad niya kami ng membership fee na tatlong daang milyong dolyar bawat taon. Kung hindi kami magbabayad, sinabi niyang tatlong libo sa iyong mga tauhan ang magpapabagsak sa aming munting salon. Takot na takot ako, kailangan mong gumawa ng paraan, hihintayin ko ang sagot mo ngayon sa phone.”Nagulat si Lord Lex. “Pero wala naman akong pamangkin!”Tan
Magbasa pa
PREV
1
...
6364656667
...
195
DMCA.com Protection Status