Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 621 - Kabanata 630

1942 Kabanata

Kabanata 621

Ang lalaking iyon ay talagang ama pala ni Zendaya Stoermer.Bahagyang nagulat si Alex Rockefeller. Ilang saglit siyang nakaramdam ng kaba na para bang makikipagkita siya sa kanyang biyenan. Ngunit hindi nagtagal ay gumaan ang pakiramdam niya... Kamakailan, ang mga tsismis tungkol sa kanila ni Zendaya Stoermer ay laganap sa buong bansa. Bilang isa sa mga karakter na kasama, natural na maraming alam si Alex tungkol dito.Malinaw na narito ang ama ni Zendaya upang tingnan kung karapat-dapat si Alex para sa kanyang anak.“Ikaw pala, Mr. Stoermer. Hmm, ano kaya ang dahilan ng pagbisita mo sa ganitong oras?” Tanong ni Alex habang nakatayo sa harap ng Villa, pinagmamasdan si Kazim Stoermer mula sa itaas hanggang sa ibaba. Ang ugaling pinapakita ni Alex ay tulad ng taong kapantay ni Kazim.Pinagmamasdan din ni Kazim si Alex.Minasid niya si Alex mula ulo hanggang paa tapos bumalik ulit.Pagkatapos noon, bahagyang umiling si Kazim.Bilang normal na tao, walang nakikita si Kazim kay Alex na maar
Magbasa pa

Kabanata 622

Biglang tumawa si Alex Rockefeller. “May binanggit kang maharlikang pagkakakilanlan. Aling maharlikang pagkakakilanlan ang tinutukoy mo? Simula noong unang panahon hanggang sa ginintuang panahon ng Amerika, wala akong natatandaang may emperador na nagngangalang Stoermer,” aniya.“Ang ibig mo bang sabihin ay noong Dark Ages? Teka. Hindi maaaring tama iyon. Charlemagne ang apelyido ng emperador ng Dark Ages, hindi Stoermer. May kilala akong emperador na nagngangalang Rockefeller na nakatala sa kasaysayan. Hehe! Senior, nangangahulugan ito na nanggaling ka sa maharlikang pagkakakilanlan, at napakarangal ng iyong katayuan... Malamang na nagkakahalaga ng higit sa 100 milyong dolyar ang buhay mo!” Sabi ni Walz Fleur.Galit na galit si Kazim Stoermer na gusto niyang umubo ng dugo. “Hmph! Dalawang walang pinag-aralan na hangal! Imposibleng mangatwiran sa inyong dalawa. Wala nang saysay ang magsalita pa. Hijo, tandaan mo na lang ito. Mula ngayon, wala ka nang gagawin sa anak kong si Zendaya. Hi
Magbasa pa

Kabanata 623

Natigilan si Alex Rockefeller nang makita ang magandang katawan ni Lady Dorothy Assex na kasing-perpekto ng isang bulaklak.Walang makapaglalarawan sa kanyang naramdamang pagkadismaya habang papunta rito.Hindi pa niya natikman ang sarili niyang asawa pagkatapos ng halos isang taong pagsasama. Pagkatapos ng diborsiyo, napaisip si Alex kung sinong loko ang makakakuha sa kanya. Isipin pa lang niya ito, sumasakit na ang tiyan niya.Sa kanyang sorpresa, ang mga bagay ay nagbago nang husto.Nagkaroon bigla ng regalo para sa diborsiyo.‘Uhm, hindi tama ito,’ naisip ni Alex.“Ano… Anong ibig sabihin nito?” Pakiramdam ni Alex ay natuyo ang kanyang bibig. Parang nagliliyab ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung saan titingin.“Hindi ba nagrereklamo kang hindi ko ginampanan ang mga tungkulin ko bilang asawa mo? Kasal pa tayo ngayon. Responsibilidad ko ‘to. Bilisan mo. Walang sinuman na hinihintay ang oras,” sabi ni Lady Dorothy.“Hindi... Ito... Ang diborsyo. Tuloy pa ba?” nauutal na sabi
Magbasa pa

Kabanata 624

Hindi pa nakaramdam ng ganito dati si Alex Rockefeller.Ang mas nakakamangha ay ang kanyang paglilinang ay tila nagpapakita rin ng mga pahiwatig ng isang pambihirang tagumpay. Gumalaw ang Force sa kanyang katawan.“Hindi ba naghihinala kang meron akong erectile dysfunction? Gusto ko lang patunayan na wala ako noon,” paliwanag ni Alex.“Hindi, sinusubukan mo akong parusahan! Naglalabas ka ng sama ng loob. Nararamdaman kong ibinubuhos mo ang lahat ng galit na meron ka para sa pamilyang Assex sa akin,” sabi ni Lady Dorothy Assex.Hindi nakaimik si Alex.Niyakap siya ni Lady Dorothy. “Mula ngayon, ako, Lady Dorothy Assex, ang iyong babae mula labas hanggang loob. Walang makapagsasabi na asawa mo lang ako sa titulo lang o hindi ko pinagbigyan ang mga inaasam mo,” sabi niya.“Kung gayon... Pupunta pa ba tayo sa Civil Affairs Bureau?” tanong ni Alex.Ayaw na niyang tumuloy.“Oo, pupunta pa rin tayo! Araw-araw akong pinipilit ng kapatid at nanay ko na hiwalayan ka na. Sige, gagawin ko para mak
Magbasa pa

Kabanata 625

Kasabay nito, sa Unibersidad ng California, si Lady Beatrice Assex ay naging abala buong araw mula nang magsimula ang pasukan. Nakahinga na siya sa wakas. Bilang opisyal ng klase, miyembro ng student council, at pangunahing miyembro ng Female Flute Society ng unibersidad, palagi siyang abala. Hindi lang siya maganda, sikat din siya sa buong campus. May mga taong lumalapit sa kanya para humingi ng tulong para sa lahat ng uri ng mga bagay.Madami siyang gagawin ngayong araw.Hindi lamang siya ang namahala sa oryentasyon, ngunit kinailangan niyang ayusin ang mga club meeting at makipagkita sa kanyang mga kapwa opisyal sa klase. Ngayong matatapos na ang araw ng pag-aaral, sa wakas ay makakapag-relaks na siya.“Beatrice, Beatrice!”Maya-maya pa, maraming tao ang dumating. Sila ay sina Wilson Jordan, Sam Culver, at ilang iba pang binata at dalaga.Ito ang kanilang maliit na grupo. Pero nawala at hindi pa nakabalik si Mona Weiss. Siguro, baka hindi na siya babalik.“Bakit kayo nandito?” tanon
Magbasa pa

Kabanata 626

Nakita ni Lady Beatrice Assex na nakauwi na ang kanyang ate, at may divorce certificate ang nakalapag sa mesa.Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Lady Beatrice nang makita niya ang papel.Kahapon, gumamit ng kutsilyo si Madame Claire Assex at pinilit si Lady Dorothy na makipagdiborsiyo. Kinampihan din ni Lady Beatrice ang kanyang ina noon. At ngayon, bagama’t natuloy na talaga ang diborsiyo, hindi siya masaya. Hindi mabura ni Lady Beatrice sa kanyang isipan ang imahe ni Alex Rockefeller na sadyang sinasaksak ang sariling tiyan.Hindi niya makalimutan ang eksena, ang tingin sa mga mata ni Alex, at kung gaano kaawa-awang tingan ang pag-ubo niya ng dugo.Ang lahat ng ito ay permanenteng nakatatak sa kanyang isipan.Hindi niya malilimutan ang mga larawang iyon sa buhay na ito.Biglang naisip ni Lady Beatrice ang lalaking nakamaskara... Sa ilang kadahilanan, naramdaman niyang magkahalintulad sila ni Alex sa pangyayaring iyon. Si Alex nga kaya ang lalaking nakamaskara?Matapos sumagi ang
Magbasa pa

Kabanata 627

Nang matanggap ni Alex Rockefeller ang tawag na ito, natigilan siya saglit.Sa buong araw na pagsasama nila ni Lady Dorothy Assex ngayon, hindi man lang siya nag-abala sa mga nangyayari sa labas, ganap na walang kaalaman sa pahayag ni Zendaya Stoermer tungkol sa kanyang pagreretiro sa showbiz.“Saan ka pupunta?” tanong ni Alex.“Malayo sa California,” sagot ni Zendaya.Natahimik si Alex.Sa katunayan, likas niyang tinalikuran ang kanyang pagnanais na makipagharutan sa ibang mga babae pagkatapos niyang makipag-ayos kay Lady Dorothy Assex. Kaso, medyo hindi malinaw ang kanyang relasyon kay Zendaya. Pakiramdam niya’y isa iyong pantasayang naganap matapos nagkaroon ng ugnayan ang kanilang mga mental power.Medyo OA na sabihing nahulog na talaga siya kay Zendaya.Sa pagitan nina Zendaya at Lady Dorothy, tiyak na pipiliin niya si Lady Dorothy.Napakarami na nilang pinagdaanan nang magkasama, kabilang ang mga hamon na inilagay sa panganib ang kanilang mga buhay, pati na rin ang magkahalong da
Magbasa pa

Kabanata 628

Napatawa si Alex Rockefeller, “Siyempre, mas maganda ka,” sabi niya.Matikas na umupo si Zendaya Stoermer. “Sa pagkakataong ito, ako ang naging dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng eskandalo. Humihingi ako ng paumanhin. Nagkaroon ba kayo ng hindi pagkaunawaan ng asawa mo pagkatapos noon?”Napabuntong-hininga si Alex. “Naghiwalay na kami ngayon.”Pagkasabi noon, gustong sampalin ulit ni Alex ang sarili.‘Ano ba? Loko ‘tong bibig ko! Bakit ko sinabi ‘yon?’ isip ni Alex.Agad na lumiwanag ang mga mata ni Zendaya, at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Parang nakakita siya ng kislap ng pag-asa... Ayaw niyang palampasin ang nakatakdang pagkakataong ito. Itinadhana silang magsama!Paano niya palalampasin ang pagkakataong ito?“Dahil ba sa akin?” Tumingin siya sa tabi saka mahinang nagtanong.“Hindi naman,” sagot ni Alex.“May mga narinig na ako tungkol sa inyo. Mukhang hindi maganda ang pakikitungo sa’yo ng pamilyang Assex. Narinig kong pinapahirapan ka ng ina ni Lady Dorothy, at ang tingin n
Magbasa pa

Kabanata 629

Aminado, muntik nang mamatay si Chloe Marionette matapos bugbugin ni Heath Accardo.Sa katunayan, personal niyang nasaksihan kung gaano katakot-takot ang mga galaw ni Alex Rockefeller.Dapat ay natuto na siya dahil sa ganoong karanasan, inaalam kung kailan siya aatras at ititigil ang panggugulo kay Alex. Gayunpaman, ang lalaki sa kanyang mga bisig ay hindi ordinaryong tao. Siya si Mr. Coleman, isang miyembro ng isa sa apat na pinakamalaking pamilya ng California!Si Mr. Coleman ay isang makapangyarihang martial artist, at mas matatag siya kaysa sa duwag na iyon, si Heath Accardo. Kagabi, nalaman ni Chloe mula sa isang kaibigan na namatay si Heath sa hindi malamang dahilan.Nararapat na mamatay ang duwag na iyon!Habang kasama si Mr. Coleman dito, walang dahilan para matakot si Chloe!Ang buong pangalan ng lalaki sa mga bisig ni Chloe, si Mr. Coleman, ay Sven Coleman. Agad na lumipad ang kanyang mga mata sa pagitan nina Alex at Zendaya Stoermer.Napansin niyang naka-sombrero at nakamask
Magbasa pa

Kabanata 630

“Huh?!” Agad namang napasigaw ang may-ari ng cruise ship sa pagkagulat. Maging ang mga pisngi niya ay nanginginig sa takot.Ang pamilyang Coleman ay pumapangalawa sa apat na pinakamaimpluwensyang pamilya sa California. Paano magagawang saktan ng isang hamak na may-ari ng cruise ship na tulad niya ang isang taong mula sa ganoong klaseng kinatatayuan? Sapat na ang isang pangungusap para sirain ang kanyang negosyo sa California. Sa katunayan, maaaring hindi na niya masulyapan pa ang kinabukasan.Tumayo ang may-ari at nagmamadaling humingi ng tawad. “Humihingi ako ng paumanhin. Patawarin mo ako! Hindi ko alam na si Mr. Coleman pala ang pumunta rito. Nararapat akong mamatay. Hindi dapat ako nakialam!”“Layas!”Mabilis na tumakbo ang may-ari.Ayaw niya na ngang pangasiwaan pa ang cruise ship.Kalmadong tumingin si Alex Rockefeller kay Chloe Marionette. “Mukhang hindi mo pa rin natututunan ang iyong leksyon. Hindi ba masarap na manatili lang sa bahay? Bakit kailangang mong lumabas, sirain ang
Magbasa pa
PREV
1
...
6162636465
...
195
DMCA.com Protection Status