Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 611 - Kabanata 620

1942 Kabanata

Kabanata 611

“Paano…paano ito naging posible?” Hindi makapaniwala si Maiko Chiba na sa halip ay siya ang papatayin ni Alex Rockefeller.Lamang na siya pagdating sa oras, lokasyon, at bilang ng mga tauhan. Malapit nang mamatay si Alex. Bakit napakalakas pa rin niya?Hindi simpleng tao si Maiko.Isa rin siyang martial artist na may mataas na antas ng kultibasyon!Kahit na ang mandirigmang may ranggong Advanced-Mystic ay walang maitutumbas sa kanya.Dahan-dahang pinihit ni Alex ang kutsilyong nasa kanyang kamay, dahilan para mapasigaw si Maiko sa sakit.“Alam mo ba? Ang pinakaayaw ko ay kapag pinagbabantaan ako ng mga tao gamit ang pamilya ko. Kinidnap mo pa talaga silang tatlo at nilaslas mo ang mukha ng biyenan ko!” Mahinang nagsalita si Alex sa tenga ni Maiko. “Alam mo bang palyado na ang biyenan ko sa bawat aspeto? Sa mukha na nga lang siya bumabawi eh. Kapag nawala iyon sa kanya, paano ko pa siya magagawang tiisin sa hinaharap?”Sa sobrang sakit ni Maiko ay nanginig ang kanyang katawan.Gusto niy
Magbasa pa

Kabanata 612

“Paano iyon naging posible? Diyan kami mismo na-kidnap. Lubhang nasugatan ang aking asawa, at hindi nga namin alam kung buhay pa o patay na siya ngayon. Siguradong maraming dugo sa lupa!” Sabi ni Dorothy Assex.“Wala kaming nakikitang ganiyan. Siguraduhin mo muna bago ka magsabi sa amin ng anumang bagay. Sa totoo lang, hinala ko na baka gumagawa ka lang ng maling ulat. Kung gagawin mo ulit ito, aarestuhin ka namin.”“Ano?”Gayunpaman, ibinaba na ang phone.Nagsimulang mataranta si Dorothy.Agad niyang sinabi na gusto niyang bumalik, ngunit pinigilan siya ni Claire Assex. “Ano pang saysay ng pagbabalik? Hindi ka ba natatakot na pumunta sa ganoong lugar? Gusto mo ba talagang makidnap at halayin ka ng isang dosenang lalaki bago ka sumuko? Jusmiyo. Sobrang sakit ng mukha ko. Bilisan mo at hanapan mo ako ng doktor!” sigaw ni Claire.Saglit na nag-alinlangan si Dorothy. Bigla niyang inihagis ang kanyang pitaka kay Beatrice Assex. “Beatrice, ikaw na muna bahala kay Mom saglit. Kailangan kong
Magbasa pa

Kabanata 613

Nasa harap ito ng ospital at laging may mga taong dumadaan.Narinig na ng ilang dumadaan ang sinabi ni Waltz Fleur kanina, at lahat sila ay natulala.Ang dalawang ito ang pinakamagandang babae na nakita nila.Pinag-awayan talaga nila ang iisang lalaki. Higit sa lahat, sinabi ng isa sa kanila na kaya niyang tanggapin ang kanyang lalaki na magmahal ng ibang babae nang sabay-sabay... Hindi ba magiging dahilan ito para maging loko-loko ang lalaki?Ano problema ng magandang babaeng iyon? Naubos na ba ang mga lalaki sa mundong ito?Nang makita ni Alex Rockefeller kung gaano kalungkot si Dorothy Assex, nakaramdam din siya ng kirot sa kanyang puso. Hinatak niya ang kamay nito. “Sa ibang lugar tayo mag-usap. Sa tingin ko, may mga bagay na kailangan kong ipaalam sa’yo. Kahit anong mangyari, ako ang nagkasala sayo. Anong gusto mo bilang kabayaran? Gagawin ko ang lahat para masiyahan ka,” sabi ni Alex.Parang kahoy na papet si Dorothy habang hinahayaan niya ang sarili na hilahin ni Alex hanggang s
Magbasa pa

Kabanata 614

Bumuka ang bibig ni Dorothy Assex habang tinititigan niya si Alex Rockefeller. Pakiramdam niya ay nanaginip siya.Alam ni Alex na wala siyang masasabi na magiging mas kakumbi-kumbinsi kumpara sa pagpapakita nito gamit ang kanyang sariling aksyon. Malungkot siyang tumingin kay Dorothy. “Ito ang dahilan kung bakit ako nagpupumilit na makipaghiwalay. Kung hindi tayo magdidiborsyo, palagi kang malalagay sa panganib, tulad ng lahat ng nangyari ngayon... Kapag nakidnap o naapi ka ulit, baka hindi kita mailigtas sa bawat pagkakataon. Kapag may nangyari sa’yo, mas gugustuhin kong mamatay,” sabi ni Alex.“Hindi naman sa hindi kita mahal. Ikaw kaya ang pinakaminamahal ko,” dagdag pa niya.Makalipas ang kalahating oras, sa wakas ay tinanggap ni Dorothy ang katotohanan na ang kanyang asawa ay isang martial artist.Ngunit wala siyang masyadong alam tungkol sa mundo ng martial arts.“Ano pa bang tinatago mo sa akin? Kahit na martial artist ka, sigurado akong hindi naman ibig sabihin noon ay kailanga
Magbasa pa

Kabanata 615

Nang marinig ni Claire Assex na sa wakas ay pumayag si Dorothy Assex na makipagdiborsiyo, agad siyang napangiti.Gayunpaman, nang ngumiti si Claire, nagsimula ulit sumakit ang sugat sa kanyang mukha. Masakit siyang napasigaw at sinimulan na naman niyang murahin si Alex Rockefeller. “Loko talaga ang Rockefeller na iyon. Simula nang tumira siya dito, hindi na kailanman nagkaroon ng kapayapaan dito sa bahay. Dumadami ang malas natin araw-araw. Ngayon, nagkaroon pa ako ng peklat sa mukha. Masama talaga ang dinudulot niya. Sinabi ng doktor na imposibleng ganap na gumaling ang mukha ko maliban na lang kung magpapa-opera ako. Gusto kong kainin ang laman ni Alex at inumin ang kanyang dugo kapag iniisip ko lang iyon! Sabihin mo nga sa akin, bakit kasi hindi pwedeng mamatay na lang si Alex?”Hindi na nag-abala pa si Dorothy na makinig kay Claire.Parang gusto niyang sumuka dahil sa lahat ng mga sinabi ni ClaireInilabas ni Dorothy ang bote ng medisina at inilapag ito sa mesa. “Galing kay Alex an
Magbasa pa

Kabanata 616

Gayunpaman, walang pakialam si Fred Goliath. Biniro pa niya si Zendaya Stoermer nang makita siya. “Zendaya! Speaking of. Halika rito. Malaking gulo ang pinasok mo sa pagkakataong ito. Magkano sa tingin mo ang kinakailangan mong bayaran sa kumpanya? Hindi magiging sapat ang pagbebenta mo sa iyong sarili! Kaya naman meron akong ideya. Kung ganap kang huhubad at hihilata sa mesang ito, poprotektahan ka ng kumpanya. Ano sa tingin mo sa suhestyon ko?” tanong ni Fred.“Kalokohan!” Paisa-isang humakbang si Kazim Stoermer habang naglalakad patungo kay Fred.Sa wakas ay pinaalalahanan ni Fred ang kanyang sarili na tumingin kay Kazim. Pagkatapos ay naramdaman niyang hindi siya kumportable sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang patay na tao ang tinititigan nito.“Sino ka? Sinong nagpapasok sa’yo? Labas!” bulalas ni Fred.Nang matapos siya, hinawakan ni Kazim si Fred sa kanyang pulso.“Anak ng! Gurang ka. Bakit mo hinawakan ang kamay ko?” Galit na sigaw ni Fred.Krak!Napakakaunting puwersa l
Magbasa pa

Kabanata 617

Sa gitna ng press conference, halos isang daang mga propesyunal mula sa media ang nanlaki ang mga mata. Itinutok nila ang kanilang mga recording device na may iba’t-ibang haba kay Elena Steves sa entablado, nais i-record ang lahat ng kanyang sinabi.Sa katunayan, nagsimula pa nga ang ilang media platform na iulat ito nang live.Ang mga taong ito ay parang mga gutom na pating na nakakita ng dugo, naiinip na naghihintay ng kanilang pagkakataon upang lasapin ang madugong karne.Masyadong sikat si Zendaya Stoermer. Ngayon na ang kanyang reputasyon ay bumagsak, ito ay isang mahusay na pagkakataon para sa media na ipaglaban ang kanilang sariling bahagi sa merkado. Sinong may pake kung mamamatay o hindi si Zendaya, o kung paano siya mamamatay. Wala naman itong kinalaman sa kanila. Ang mahalaga lang sa kanila ay maisulat nila ang kanilang mga kwento...Kung talagang namatay si Zendaya, mas lalong sisikat ang balita tungkol sa kanya. Baka mas maging sabik pa nga ang mga taong ito.Nang ibuka ni
Magbasa pa

Kabanata 618

Hindi katiis-tiis ang eksenang iyon para kay Elena Steves, masyado itong kahindik-hindik para panoorin.“Haha. Hindi ba si Elena Steves iyan?”“Awit. Mas magaling pa siya kay Candy mula sa Happy Clubhouse.”Ang mga komento ng karamihan ay parang alon nang walang tigil na humahampas kay Elena, dahilan para mahirapa siyang huminga. Nanigas siya sa loob ng kalahating minuto bago tumakbo para patayin ang telebisyon... Gayunpaman, isang security guard ang sumugod at pinigilan siya.Pinosasan pa nga siya nito.Ngayon, ang buhay ng lahat ng mga matataas na executive ng Star Entertainment ay nasa ilalim ng kontrol ni Kazim Stoermer. Ang mga sumunod na utos ni Boris Hansen ay ikinagulat ng buong kumpanya. Samantala, ang pamilyang Stoermer mula sa Michigan ay matagal nang nakapaghanda ng hindi mabilang na mga taktika na sinasadya talagang isagawa.Hindi nagtagal, lumipat ang video sa isa pa.Si Elena pa rin ang tampok sa naturang video.Gayunpaman, iba na ang lalaki dito. Sa pagkakataong ito, si
Magbasa pa

Kabanata 619

Sa puntong ito, walang ibang magagawa si Elena kundi ang lumuhod!Ang nakakahiyang balita tungkol sa kanya ay kumalat na sa publiko. Sa ilang kadahilanan, ang mga malalaking boss sa kanyang kumpanya, lahat ng lalaking nakatabi niya sa kama, ay lumapit at umamin sa mga gawaing iyon. Walang anumang masasabi si Elena mula ngayon na maaring makaligtas sa kanyang imahe.Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, nawala na parang bula ang kanyang kinabukasan sa industriya ng showbiz.Walang sinuman ang kukuha ulit sa kanya para mangontrata sa isang pelikula.Tuluyan siyang ibo-boycott.Kung tatanggi siyang umamin sa kanyang mga gawain, magiging sanhi lamang siya ng pagkawasak ng kanyang sariling pamilya.Bilang isang A-list na artista, may mga paraan si Elena para makakalap ng impormasyon. Kaya naman, nagkaroon siya ng bahagyang ideya tungkol sa pamilyang Stoermer mula sa Michigan dahil dati siyang may kaibigan na ipinanganak sa isang mayamang miyembro ng mga magkakasosyo sa negosyo sa Michigan, na
Magbasa pa

Kabanata 620

Hinila sa tabi ni Carey Stoermer si Zendaya Stoermer na may pagtataka sa mukha. “Zendaya, huwag kang mag-isip nang ganiyan. Maaaring nakamamatay ang mala-impyernong pagsubok na iyon. Isa kang maselan na babae. Paano mo iyon malalampasan?”Lubos na nalungkot ang mukha ni Kazim Stoermer. “Ganoon ba kahalaga sa’yo ang lalaking iyon?” ungol niya.Habang nakakuyom ang mga ngipin, tumango si Zendaya.“Papatayin ko siya!” Galit na sigaw ni Kazim.“Tatlong beses niyang iniligtas ang buhay ko. Gusto mo siyang patayin? Kung ganoon, papatayin ko ang sarili ko ngayon... Tsaka, baka hindi mo pa nga siya mapatay! Nangangamba akong ipapahiya mo lang ang sarili mo o baka ikaw pa ang mamatay,” sabi ni Zendaya.“Kag*guhan!” sigaw ni Kazim.Sa wakas, nagawa ni Carey na pakalmahin si Kazim gamit ang ilang mga salita ng pagpayo. Gayunpaman, nais ni Kazim na makilala kaagad si Alex Rockefeller.“Kasal na siya,” biglang sabi ni Zendaya.Bigla namang natigilan ang mga magulang niya.“May asawa na siya, pero p
Magbasa pa
PREV
1
...
6061626364
...
195
DMCA.com Protection Status