Natigilan si Alex.Tumingin siya kay Xyla at tumawa habang sinasabi, “Niloloko mo ba ako?”Umiling si Xyla. “Siyempre hindi. Seryoso ako.”Pakiramdam pa rin ni Alex ay hindi makatotohanang hayaan ang anak na babae ng pinuno ng mga Stoermer sa Michigan na maging kanyang sekretarya. Bukod sa kaso nila ni Zendaya, hinding-hindi sasang-ayon dito ang kapatid ng pinuno na si Kazim.Gayunpaman, hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga nang makita ang ganap na magkakaibang ugali ng magkapatid na ito kapag magkakasama sila.Umiling si Alex. “Hindi naman ito kailangang desisyunan agad. Pag-usapan natin ‘to sa hinaharap.”Tumango si Xyla at tumingin sa eksena ng lamay. “Hindi nga angkop na pag-usapan iyon ngayon. Natatakot lang akong baka nakahanap ka ng mas magaling.”Biglang kuminang ang mga mata ni Alex. Hindi iyon ang naunang nasa isip niya.Ang engagement banquet sa pagitan nina Zendaya at Tristan ay gaganapin pagkalipas ng tatlong araw. Nilagyan ng droga ni Zendaya ang alak niya dati at pin
Ang kurtina ng buhay para sa makapangyarihang taong ito ay isinara na. Ang natitira ay iniwan para sa kanyang mga inapo, para sabihin ang mga merito at demerito ng kanyang mga kuwento.Si Lord Lex ay may isa pang inaanak na nagngangalang Clay Ember, pero hindi niya ito nagawang kontakin kamakailan. Kaya naman, ito lang siguro ang pinagsisisihan niya sa buhay.“Waltz, hinay-hinay lang. Ganito talaga ang buhay!” Bahagyang nadurog ang puso ni Alex matapos makita ang matamlay na mukha ni Waltz, na may mabibigat at madidilim na bagahe sa ilalim ng mga mata nito.Ibinagsak ni Waltz ang sarili sa pagkayakap ni Alex at humagulgol. “Hindi kinailangang mamatay ni ninong. Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang ako pumunta sa kwarto mo noong gabing iyon…”Nilagay ni Alex ang isang daliri sa labi nito. “Hindi, huwag mong sisihin ang sarili mo. Kung meron man, ako dapat ang sisihin. Pinilit kong sumali sa SCBA Battles. Kung hindi, hindi na natin kinailangang harapin ang napakaraming bagay kinalauna
‘Ano? Hindi ‘to posible!’Nakahilata si Suzaku sa sofa, habang nakasabit sa likod ng sofa ang isa sa mahahaba niyang mga binti. Meron siyang marka ng sampal sa kaliwang pisngi, pero tanging lubos na kawalang-paniwala ang nararamdaman niya ngayon.Ayon sa datos mula sa kanyang pagsisiyasat, walang kakayahan sa martial arts si Alex. Isa lamang itong patapon na mayamang tagapagmana na nakaraos lamang hanggang ngayon dahil umaasa lamang siya sa kanyang asawa nitong nakaraang taon.‘Paano niya nagawang maging napakahusay sa pakikipaglaban?’‘Malamang guni-guni lang ito!’Pilit na binuwelo at sinipa ni Suzaku ang kanyang mahabang binti, inaangat ang kanyang buong katawan na parang bukal. Pagkatapos, tinapakan niya ang likod ng sofa gamit ang kaliwang paa at mabilis na sumugod kay Alex, na para bang isa siyang palaso.Tumanggi siyang paniwalaan ang alinman sa mga ito!Gayunpaman, ang katotohanan ay mas malupit kaysa sa inaakala niya.Isang sampal na naman ang binigay ni Alex sa mukha niya.Sa
Gayunpaman, hindi niya masyadong gusto ang lasa ng alak na ito.Pagkatapos noon, hinawakan niya si Suzaku sa buhok at inangat ang ulo nito. Binaligtad niya ang bote ng alak, ibinubuhos ang natitirang red wine sa buong mukha nito.Malapit nang mabaliw si Suzaku. Hindi siya kailanman nakaranas ng ganito sa buhay niya, lalo na simula nang opisyal siyang naging isa sa Four Great Princesses. Hindi niya kailanmang inakala ang gayong kahihiyan na mangyayari sa kanyang sarili, pero naranasan na niya nga itong lubusan ngayon.Pagkatapos ay nagtanong si Alex, “Sabihin mo sa akin, sinong nagpadala sa’yo dito?”Kinuyom ni Suzaku ang kanyang mga ngipin, hindi umiimik.Dahil dito, narinig ang tunog ng napupunit na tela. Hinawakan ni Alex ang likod ng kanyang shirt at pilit itong pinunit.“Ah!” Sumigaw si Suzaku, “Ikaw… ang bastos mo! Walanghiya ka!”Nakakalokong ngumiti si Alex. “Oh talaga? Hindi mo man lang makayanan ‘to? Kung gayon, ituloy lang natin. Naalala ko, parang meron din akong droga at ca
“Suzaku, kamusta? Patay na ba ang lokong iyon? Medyo hindi maayos yung trabaho mo nitong mga nakaraang araw!”Sa phone, binigyan ni Tristan ng karaniwang leksiyon si Suzaku.Emosyonal ang pakiramdam ni Suzaku. Pagkatapos sulyapan si Alex, sinabi niya, “Master Tristan, pasensya na. Hindi ko na magagawa ‘to para sa’yo!”“Anong sinabi mo? Ulitin mo ang sarili mo!”“Tinawag na ako ng aking master para tulungan siyang magpainit ng kanyang kama, hindi ko siya maaaring suwayin. Master Tristan, ginagawa ko ito para sa ikabubuti mo. Kung hindi, gagawin kang bating ng aking master.”Boom!Sasabog na si Tristan sa galit. Matapos huminto ng ilang sandali, sumigaw siya, “Sabihin mo sa akin kung sino ang Master Rockefeller na iyan, pupuntahan ko siya at papatayin ko siya ngayon mismo!”“Huwag, hindi mo siya matatalo.”“Kag*guhan! Ako si Tristan Coleman ng Missouri, ang pinakabatang ekspertong Earth sa America. Ako ang magiging hari ng Missouri! Paanong hindi ko…”Toot! Toot! Toot!Naputol ang tawag
Gustong-gustong kagatin ni Suzaku si Alex hanggang sa mamatay ito, pero alam niyang nawasak na ang kanyang martial arts. Kahit pa nga hindi nawasak ang kanyang martial arts, hinding-hindi niya magagawang hawakan ang g*gong ito.“Oh nga pala, ipaghanda mo ako ng hapunan at ilagay mo sa hapag kainan. Gusto kong kumain pagkatapos maligo.” paalala ni Alex. “Kapag hindi masarap yung luto, laging nandito yung tableta ko para pumasok sa lalamunan mo. Huwag ka ring magtatangkang tumakas, may nakatagong tracker sa markang isinelyo ko sa’yo. Kahit na tumakas ka pa papunta sa dulo ng mundo, mahahanap pa rin kita.”Pagkatapos, bumalik na siya sa kwarto niya, naghahanda para maligo.Nanginginig sa galit si Suzaku. Masakit ang buong katawan niya, lalo na ang likod niya. Parang nasusunog.Sumasakit na rin ang mga pisngi niya, hindi niya maiwasang mapa-aray sa tuwing sinusubukan niyang hawakan ang mukha niya.Nagmamadali siyang pumunta sa banyo sa unang palapag, tinitigan ang kanyang repleksyon sa sal
Lunok! Lunok!Parang naiiyak si Suzaku. Pinigilan niya ang nasusuklam na pakiramdam at pinilit ang sarili na kainin ang buong mangkok ng seafood noodles na may stocking flavor na kanyang ginawa, hinihigop ang lahat ng sabaw.Binalaan kasi siya ni Alex kanina. Kung hindi niya ito mauubos, hindi lang siya papakainin ang tableta, kundi huhubaran din siya nito at iiwan siyang nakabitin sa tulay.Pakiramdam niya ay hindi puro salita ang g*gong ito.Nang makita ang malupit at mabangis na paraan nito sa paghawak ng mga bagay, maaari talaga nitong gawin ang gayong imoral na mga bagay.Matapos maubos ang noodles, dumighay siya sa pagkabusog.Pakiramdam niya ay napuno ng maasim na baho ng kanyang stocking ang kanyang hininga.“Masarap ba?” Tanong ni Alex habang nakatingin sa kanya.“Oo... Masarap,” tinakpan ni Suzaku ang kanyang bibig habang sumagot siya, sa takot na hindi niya ito matitiis at bigla na lang masuka.Bahagyang umiling si Alex. “Kakaiba yung mga panlasa ng mga Coleman ng Missouri.
Engrande ang manor na ito.Ang matayog na pintuan pa lang sa harap ay nasa pito o walong metro ang taas at dalawampung metro ang lapad.Katok! Katok! Katok!Malakas na kumatok si Tristan sa pinto.Maya-maya pa ay binuksan na ang pinto mula sa loob. Dalawang humihikab na alagad ng pamilyang Coleman ang lumitaw sa bukana. Nang makita nila si Tristan, agad silang nagising, na may paggalang at pag-iingat sa kanilang mga mata. Pareho silang sumigaw, “Maligayang pagdating, Master Tristan!”“Master Tristan, napabalik kayo rito? Hindi ba pumunta kayo sa Michigan?”“Malamang nakakapagod ang biyahe, Master Tristan. May maitutulong ba kami sa’yo?”Medyo mainit ang ulo ni Tristan, marahas niyang isinantabi ang dalawa at malamig na sinabi, “Bakit ba ang pakialamero ninyo? Alis.”Napahinto lang ang dalawang alagad ng mga Coleman na itinulak ni Tristan matapos makaatras ng lima o anim na hakbang. Napatitig sila kay Tristan na nagmamadaling pumasok sa mansyon, pero hindi sila naglakas-loob na mainis k