Ginanap kinabukasan ang libing ni Lord Lex. Binisita siya ni Alex sa huling pagkakataon, kasama si Suzaku.Nakita na siya nina Waltz, Michelle at ng iba pa dati. Bagama’t medyo nabigla sila, nakapaghanda na ang kanilang mga isipan. Higit sa lahat, si Suzaku ay isa sa Four Great Princesses ng pamilyang Coleman, isang eksistensyang hindi maabot at maaari lamang nilang hangaan siya. Tila nasasabik silang makita siyang sumusunod kay Alex.Nagsimula ang libing alas-siyete ng umaga.Magdalamhati.Cremation.Libing.Nagsimulang umambon sa kalangitan, na para bang nararamdaman nito ang kalungkutan ng grupo ng mga tao. Lalo na si Waltz, na hindi napigilan ang pag-iyak habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ni Alex.Nakatayo si Azure sa ulan, naghahalo ang mga patak ng ulan sa mga luha sa kanyang mukha. Pinapangunahan ang buong grupo, yumuko siya sa puntod na puno ng mga bulaklak bilang paggalang.Pagkatapos yumuko, nagsalita siya, “Waltz, Alex, tara na! Kayong lahat, pwede na kayong umuwi
Galit na galit si Azure.Merong hindi bababa sa isang libong tao roon, kasama ang hindi bababa sa tatlong daang mga mandirigma mula sa underworld. Sa sandaling ito, nagbigay ng utos si Azure at ang tatlong daang mandirigma ay umungal habang sumugod sila patungo sa grupo.Ilang sandali lang, isang eksenang nagpagulat sa hindi mabilang na tao ang naganap.Sa pagharap sa grupo ng tatlumpu, ang tatlong daang mandirigma ng Thousand Miles ay parang tatlong taong gulang na mga bata. Nasaktan sila at pinalipad sa ere pagkalapit nila. Napuno ng tunog ng mga nababaling buto ang hangin, tila walang katapusan ito. Labis na natakot ang lahat nang marinig ang tunog.Ilang daang tao ang sunod-sunod na umatras.Gayunpaman, napakarami nilang dumalo sa libing, at napakaliit pa nga ng lugar ng sementeryo. Kaya naman, maraming handog sa harap ng mga libingan ang sinipa sa gitna ng kaguluhan, maging ang mga libingan ay nawasak matapos yurakan.Kung malalaman ito ng mga patay, mapapalabas sila sa kanilang m
“A… Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Seiryuu sa pagtataka, higit sa lahat dahil napakalakas ni Alex. Mukhang bata pa ito, pero madali siya nitong nadurog.‘Hindi ba nangangahulugan ito na mas makapangyarihan siya kay Tristan? Kaya pala natalo si Suzaku.’Sa kaibuturan niya, alam na alam niya. Bagama’t sinabi ng publiko na si Tristan ang pinakabatang ekspertong Earth sa America, hindi ito ganap na totoo dahil limitado ito sa loob ng walong maharlikang pamilya. Sa mata ng iba, ang walong maharlikang pamilya ay nakatayo na sa tugatog ng Amerika, at ganito ang naging titulo ni Tristan.Gayunpaman, gaano man siya kahusay, palaging may mas makapangyarihang tao sa paligid.Ang ilan sa kanila ay nagpanatili ng mababang profile at hindi kailanman ipinahayag ang kanilang kapangyarihan.May nakakilala na siyang batang cultivator. Nakamit na nito ang Intermediate-Earth na ranggo sa martial arts sa edad na dalawampu. Kahit na ito ay nasa mas mataas na lugar sa larangan ng martial arts, hindi nito kail
Tila naging hubog dragon ang hangin sa paligid niya habang binabato niya ang kanyang kamao kay Alex.Malamig at uhaw sa dugo ang mga mata ni Seiryuu.Pinagana niya na ang kanyang trump card, ginagamit ang kanyang blood energy para triplehin ang kanyang kapangyarihan. Kung lalabanan siya ni Tristan ngayon, magagawa niyang tapusin ito sa loob ng isang segundo.Ang lalaking ito sa harap niya ay literal na banta sa pamilyang Coleman, kaya naman nagpasya siyang patayin ito kaagad. Ayaw na niya ng gulo sa hinaharap.Gayunpaman, mali siya.Hindi gumalaw kahit isang pulgada si Alex.Boom!Tumama ang suntok ni Seiryuu sa dibdib ni Alex, ngunit agad niyang napansin ang malinaw na dilaw na liwanag na nagmumula sa katawan nito habang tinatablan ng malakas na puwersa ang kanyang kamao.Nang marinig ang bahagyang pagbitak at pananakit ng kanyang mga daliri, alam niya nang nabali ang kanyang mga buto.‘Napakalakas na inner force!’Sa kabila nito, ngumiti siya—worth it ito.Kung kaya niyang patayin an
Nagpatuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan nang walang anumang senyales ng paghina.Habang pauwi, pinaandar ni Alex ang sasakyan kasama si Waltz sa harap at si Michelle sa likod.Sinabi ni Waltz, “Alex, ang mga Coleman ay makapangyarihan na pamilya. Ang apat na prinsesa ay bahagi rin ng kanilang reputasyon. Hindi magiging problema na ikinulong natin ang tatlumpu sa kanilang mga mandirigma at ginamit sila para pagtrabahuhin. Pero ang wasakin ang core ng dalawa sa kanilang mga prinsesa? Nag-aalala akong baka magwala sila.”Tumango si Michelle. “Oo! Kung nahanap nila tayo ngayon, siguradong mahahanap nila tayo sa susunod. Parehong mahina pa rin ang Thousand Miles at ang pamilya ko kumpara sa kanila, kaya kailangan nating mag-ingat.”Tanong ni Alex, “Sinasabi mo bang palayain na lang ang mga prinsesa?”Napailing si Waltz. “Sa tingin ko, huli na para gawin iyan. Hindi mo lang winasak ang kanilang mga core, narinig ko kasi na ang apat na prinsesa ay mga babaeng pagmamay-ari ng pamilyang Cole
Huminto si Alex at sinabing, “Sige, darating ako diyan maya-maya.”Naisip niyang pwede niyang dalhin ang proposal ni Sharpay sa Michigan dahil kailangan niyang pumunta roon sa lalong madaling panahon. Maipapakita niya ito kina Maya at Brittany, na mga henyo sa pamamahala ng negosyo.***Kasabay nito, nakaupo si Claire sa harap ng isang BMW, patungo sa City Salon.Ang nagmamaneho ay isang mayamang babae, si Eloise Parkinton. Dati siyang kaklase ni Claire.Dahil namamahala ang asawa ni Eloise sa isang health and nutrition center, medyo mayaman din sila sa loob ng California.Nalaman niya ang tungkol sa peklat sa mukha ni Claire, kaya gusto niyang dalhin siya sa City Salon para tingnan kung may maitutulong siya.“Claire, ikaw ang pinakamaganda sa ating magkakaklase, kaya hindi ba nakakahinayang kung may peklat ka sa mukha? Hayaan mong sabihin ko sa’yo, ang may-ari ng City Salon ay isang makapangyarihang nilalang! Narinig ko na kahit si Lord Lex ay kailangang yumuko sa kanya! Siguradong ma
Itinuro ni Claire ang bote, halatang gulat pa rin. “Eloise, sigurado ka bang gumaling ang peklat mo sa paggamit nito? Gumamit ka ba ng ibang produkto habang sinubukan mo ‘to?”Hindi lang talaga siya makapaniwala.Likas niyang kinamuhian at tinanggihan gumamit ng mga produkto ng Lush Cosmetics. Pagkatapos ng lahat, pamilya ni Alex ang nasa likod nito.Hindi rin gusto ni Claire si Brittany. Sa katunayan, kinasusuklaman niya ito.Kaya halos imposible na magustuhan niya ang Lush Cosmetics.Nakumbinsi niya ang kanyang sarili na ang Lush Cosmetics ay isang basura, hindi kwalipikadong linya ng mga produkto, na tiyak na magdudulot ng mga problema sa balat kinalaunan. Kaya natitiyak niyang magsasara ang Lush Cosmetics at kinakailangang pasanin ng pamilya ni Alex ang kahihinatnan.Si Eloise naman ay walang ideya sa iniisip niya. Ngumiti siya at sinabing, “Oo naman! 100% akong sigurado! Hindi mo alam kung ilang beses na akong nagpaopera para ipabura ang peklat na ito. Pumunta na ako sa Japan, Kor
Gusto na lang itadyak ni Claire ang kanyang mga paa dahil sa inis.Maaaring nakumbinsi niya ang kanyang sarili na walang espesyal sa Lush Cosmetics, pero iba ang kaso sa City Salon. Higit niya itong ikinagulat.Ang lugar na ito ay mukhang lubhang magara, posibleng mas magara pa ito kaysa sa mga sinaunang kastilyo.Pagpasok niya, pakiramdam niya ay nananaginip siya.Gayunpaman, ang lugar na ito ay pag-aari ni Alex.Sa kabila ng mga salita ni Val, hindi siya naglakas-loob na magbitaw ng salita. Wala siyang pakialam na nainsulto siya bilang walang puso at bulag.Ito ang unang pagkakataon na narinig ito ni Eloise, kaya naging medyo interesado siya. Nakayakap sa braso ni Val, sabi niya, “Teka, talaga? Anong nangyari? Bigyan mo naman kami ng ilang detalye dito!”Meron maraming iba’t-ibang mga bersyon ng kuwentong ito, kaya sinabi ni Val ang sa kanya.Malinaw na ang biyenan ng nasabing kuwento ay sukdulang sinisiraan.Inilarawan siya bilang hangal, mainitin ang ulo at walang pusong maldita.P
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l