Gustong-gustong kagatin ni Suzaku si Alex hanggang sa mamatay ito, pero alam niyang nawasak na ang kanyang martial arts. Kahit pa nga hindi nawasak ang kanyang martial arts, hinding-hindi niya magagawang hawakan ang g*gong ito.“Oh nga pala, ipaghanda mo ako ng hapunan at ilagay mo sa hapag kainan. Gusto kong kumain pagkatapos maligo.” paalala ni Alex. “Kapag hindi masarap yung luto, laging nandito yung tableta ko para pumasok sa lalamunan mo. Huwag ka ring magtatangkang tumakas, may nakatagong tracker sa markang isinelyo ko sa’yo. Kahit na tumakas ka pa papunta sa dulo ng mundo, mahahanap pa rin kita.”Pagkatapos, bumalik na siya sa kwarto niya, naghahanda para maligo.Nanginginig sa galit si Suzaku. Masakit ang buong katawan niya, lalo na ang likod niya. Parang nasusunog.Sumasakit na rin ang mga pisngi niya, hindi niya maiwasang mapa-aray sa tuwing sinusubukan niyang hawakan ang mukha niya.Nagmamadali siyang pumunta sa banyo sa unang palapag, tinitigan ang kanyang repleksyon sa sal
Lunok! Lunok!Parang naiiyak si Suzaku. Pinigilan niya ang nasusuklam na pakiramdam at pinilit ang sarili na kainin ang buong mangkok ng seafood noodles na may stocking flavor na kanyang ginawa, hinihigop ang lahat ng sabaw.Binalaan kasi siya ni Alex kanina. Kung hindi niya ito mauubos, hindi lang siya papakainin ang tableta, kundi huhubaran din siya nito at iiwan siyang nakabitin sa tulay.Pakiramdam niya ay hindi puro salita ang g*gong ito.Nang makita ang malupit at mabangis na paraan nito sa paghawak ng mga bagay, maaari talaga nitong gawin ang gayong imoral na mga bagay.Matapos maubos ang noodles, dumighay siya sa pagkabusog.Pakiramdam niya ay napuno ng maasim na baho ng kanyang stocking ang kanyang hininga.“Masarap ba?” Tanong ni Alex habang nakatingin sa kanya.“Oo... Masarap,” tinakpan ni Suzaku ang kanyang bibig habang sumagot siya, sa takot na hindi niya ito matitiis at bigla na lang masuka.Bahagyang umiling si Alex. “Kakaiba yung mga panlasa ng mga Coleman ng Missouri.
Engrande ang manor na ito.Ang matayog na pintuan pa lang sa harap ay nasa pito o walong metro ang taas at dalawampung metro ang lapad.Katok! Katok! Katok!Malakas na kumatok si Tristan sa pinto.Maya-maya pa ay binuksan na ang pinto mula sa loob. Dalawang humihikab na alagad ng pamilyang Coleman ang lumitaw sa bukana. Nang makita nila si Tristan, agad silang nagising, na may paggalang at pag-iingat sa kanilang mga mata. Pareho silang sumigaw, “Maligayang pagdating, Master Tristan!”“Master Tristan, napabalik kayo rito? Hindi ba pumunta kayo sa Michigan?”“Malamang nakakapagod ang biyahe, Master Tristan. May maitutulong ba kami sa’yo?”Medyo mainit ang ulo ni Tristan, marahas niyang isinantabi ang dalawa at malamig na sinabi, “Bakit ba ang pakialamero ninyo? Alis.”Napahinto lang ang dalawang alagad ng mga Coleman na itinulak ni Tristan matapos makaatras ng lima o anim na hakbang. Napatitig sila kay Tristan na nagmamadaling pumasok sa mansyon, pero hindi sila naglakas-loob na mainis k
Ginanap kinabukasan ang libing ni Lord Lex. Binisita siya ni Alex sa huling pagkakataon, kasama si Suzaku.Nakita na siya nina Waltz, Michelle at ng iba pa dati. Bagama’t medyo nabigla sila, nakapaghanda na ang kanilang mga isipan. Higit sa lahat, si Suzaku ay isa sa Four Great Princesses ng pamilyang Coleman, isang eksistensyang hindi maabot at maaari lamang nilang hangaan siya. Tila nasasabik silang makita siyang sumusunod kay Alex.Nagsimula ang libing alas-siyete ng umaga.Magdalamhati.Cremation.Libing.Nagsimulang umambon sa kalangitan, na para bang nararamdaman nito ang kalungkutan ng grupo ng mga tao. Lalo na si Waltz, na hindi napigilan ang pag-iyak habang nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ni Alex.Nakatayo si Azure sa ulan, naghahalo ang mga patak ng ulan sa mga luha sa kanyang mukha. Pinapangunahan ang buong grupo, yumuko siya sa puntod na puno ng mga bulaklak bilang paggalang.Pagkatapos yumuko, nagsalita siya, “Waltz, Alex, tara na! Kayong lahat, pwede na kayong umuwi
Galit na galit si Azure.Merong hindi bababa sa isang libong tao roon, kasama ang hindi bababa sa tatlong daang mga mandirigma mula sa underworld. Sa sandaling ito, nagbigay ng utos si Azure at ang tatlong daang mandirigma ay umungal habang sumugod sila patungo sa grupo.Ilang sandali lang, isang eksenang nagpagulat sa hindi mabilang na tao ang naganap.Sa pagharap sa grupo ng tatlumpu, ang tatlong daang mandirigma ng Thousand Miles ay parang tatlong taong gulang na mga bata. Nasaktan sila at pinalipad sa ere pagkalapit nila. Napuno ng tunog ng mga nababaling buto ang hangin, tila walang katapusan ito. Labis na natakot ang lahat nang marinig ang tunog.Ilang daang tao ang sunod-sunod na umatras.Gayunpaman, napakarami nilang dumalo sa libing, at napakaliit pa nga ng lugar ng sementeryo. Kaya naman, maraming handog sa harap ng mga libingan ang sinipa sa gitna ng kaguluhan, maging ang mga libingan ay nawasak matapos yurakan.Kung malalaman ito ng mga patay, mapapalabas sila sa kanilang m
“A… Ano?” Nanlaki ang mga mata ni Seiryuu sa pagtataka, higit sa lahat dahil napakalakas ni Alex. Mukhang bata pa ito, pero madali siya nitong nadurog.‘Hindi ba nangangahulugan ito na mas makapangyarihan siya kay Tristan? Kaya pala natalo si Suzaku.’Sa kaibuturan niya, alam na alam niya. Bagama’t sinabi ng publiko na si Tristan ang pinakabatang ekspertong Earth sa America, hindi ito ganap na totoo dahil limitado ito sa loob ng walong maharlikang pamilya. Sa mata ng iba, ang walong maharlikang pamilya ay nakatayo na sa tugatog ng Amerika, at ganito ang naging titulo ni Tristan.Gayunpaman, gaano man siya kahusay, palaging may mas makapangyarihang tao sa paligid.Ang ilan sa kanila ay nagpanatili ng mababang profile at hindi kailanman ipinahayag ang kanilang kapangyarihan.May nakakilala na siyang batang cultivator. Nakamit na nito ang Intermediate-Earth na ranggo sa martial arts sa edad na dalawampu. Kahit na ito ay nasa mas mataas na lugar sa larangan ng martial arts, hindi nito kail
Tila naging hubog dragon ang hangin sa paligid niya habang binabato niya ang kanyang kamao kay Alex.Malamig at uhaw sa dugo ang mga mata ni Seiryuu.Pinagana niya na ang kanyang trump card, ginagamit ang kanyang blood energy para triplehin ang kanyang kapangyarihan. Kung lalabanan siya ni Tristan ngayon, magagawa niyang tapusin ito sa loob ng isang segundo.Ang lalaking ito sa harap niya ay literal na banta sa pamilyang Coleman, kaya naman nagpasya siyang patayin ito kaagad. Ayaw na niya ng gulo sa hinaharap.Gayunpaman, mali siya.Hindi gumalaw kahit isang pulgada si Alex.Boom!Tumama ang suntok ni Seiryuu sa dibdib ni Alex, ngunit agad niyang napansin ang malinaw na dilaw na liwanag na nagmumula sa katawan nito habang tinatablan ng malakas na puwersa ang kanyang kamao.Nang marinig ang bahagyang pagbitak at pananakit ng kanyang mga daliri, alam niya nang nabali ang kanyang mga buto.‘Napakalakas na inner force!’Sa kabila nito, ngumiti siya—worth it ito.Kung kaya niyang patayin an
Nagpatuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan nang walang anumang senyales ng paghina.Habang pauwi, pinaandar ni Alex ang sasakyan kasama si Waltz sa harap at si Michelle sa likod.Sinabi ni Waltz, “Alex, ang mga Coleman ay makapangyarihan na pamilya. Ang apat na prinsesa ay bahagi rin ng kanilang reputasyon. Hindi magiging problema na ikinulong natin ang tatlumpu sa kanilang mga mandirigma at ginamit sila para pagtrabahuhin. Pero ang wasakin ang core ng dalawa sa kanilang mga prinsesa? Nag-aalala akong baka magwala sila.”Tumango si Michelle. “Oo! Kung nahanap nila tayo ngayon, siguradong mahahanap nila tayo sa susunod. Parehong mahina pa rin ang Thousand Miles at ang pamilya ko kumpara sa kanila, kaya kailangan nating mag-ingat.”Tanong ni Alex, “Sinasabi mo bang palayain na lang ang mga prinsesa?”Napailing si Waltz. “Sa tingin ko, huli na para gawin iyan. Hindi mo lang winasak ang kanilang mga core, narinig ko kasi na ang apat na prinsesa ay mga babaeng pagmamay-ari ng pamilyang Cole