Ang babaeng bumaba sa sasakyan ay si Brittany, na medyo matagal nang hindi nakakabalik.Matapos mapagtanto kung sino iyon, halos gusto nang tumakbo palayo at tumakas ni Claire.Napansin ni Brittany ang kaba nito at malamig na ngumiti habang papalapit kay Claire. âBuweno, Ms. Bardot, bakit ka naghihintay sa labas ng bahay ko?âKinuyom ni Claire ang kanyang mga kamao para mag-ipon pa ng lakas ng loob. Ngumiti siya at sinabing, âAy, kumusta, kababalik mo lang, mahal kong balaeââPinutol siya ni Brittany. âTumigil ka nga diyan, hindi na tayo mag-balae, huwag mo akong tawaging ganiyan.âNaiilang na ngumiti si Claire. âOh wag mong sabihin yan. Once na maging balae, always nang balae, di ba?âNagdilim ang ekspresyon ni Brittany. âClaire Bardot, ano bang sinasabi mo? Nakipag-divorce na ang anak ko sa anak mo, so paano pa tayo naging mag-balae? Mukhang kapos ang pamilya namin para maging balae mo! Sabihin mo na lang kung bakit ka nandito. Pero sasabihin ko saâyo na hindi ka welcome dito.âIniin
May tubig sa pool dahil hindi pa ito pina-drain mula nang huli itong ginamit.Tilamsik!Nahulog si Claire Assex sa pool.âTulong! Tulong!ââAhâAray, pinupulikat yung binti koâŠâPanay ang pagsaboy ng tubig ni Claire sa pool habang hindi maiwasang makainom nito.Agad na nagalit si Brittany Rockefeller. âTigilan mo nga âyang pag-iinarte mo. Ano tingin mo saâkin, tanga? Napakababaw ng pool na âyan. Imposibleng malunod ka diyan kahit pinupulikat ka pa!âTumango si Waltz Fleur. âOo nga. Talagang ginawa ng babaeng iyan ang bagay na ngayon ko lang nakita, lahat para lang sa pera! Gayunpaman, ganiyan talaga siya. Dati, pinilit pa niyang makipag-divorce ang senior ko para lang maipakasal si Dorothy Assex kay Spark Rockefeller, ang pinsan ni Alex, ang anak ng salarin na nang-agaw sa Rockefeller Group! Bagay ba iyan na gagawin ng isang matinong tao?âââŠâ Napatulala si Brittany.Hindi pa niya alam ang lahat ng nangyari sa nakaraan!Ngayong narinig na niya ito, sa sobrang galit niya ay halos mapasuk
Medyo nagulat si Dorothy Assex nang makita si Alex Rockefeller na bumaba sa kotse.Lalong nakakagulat nang buhatin ni Alex ang isang basang Claire Assex palabas ng sasakyan.âAnong nangyari?â mahinahong tanong ni Dorothy.Mapait na tumawa si Alex. âBiglang sumugod ang mama mo sa bahay ko. Nagkataon na nasa bahay din ang nanay ko. Nagsimula silang magtalo, at siya... aksidenteng nahulog siya sa pool.ââNandoon siya para pag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal natin ulit, tama ba?â tanong ni Dorothy.âPaano mo nalaman?â tanong ni Alex.âHinulaan ko lang. Iwan mo na siya saâkin. Dapat ka na sigurong umuwi para pagaanin ang loob ng mama mo,â sabi ni Dorothy.âHindi ka galit?â tanong ni Alex.Napabuntong-hininga si Dorothy. âBakit naman ako magagalit? Ginusto niya iyan.âNang ibinigay ni Alex si Claire kay Dorothy, mabilisan niyang pinisil ang boobs ni Dorothy.Dahil dito ay nanliit ang magagandang mga mata ni Dorothy, at tinitigan niya ito saglit.Ikinagulat nila nang magising nga si Claire
Sa bahay, maraming babae ang abala sa pagluluto ng masaganang hapunan.Para naman sa dalagang iyon, si Suzaku, naramdaman ni Alex Rockefeller na dapat pa rin itong manatili sa Hellâs Angels. Nagpasya siyang hayaan sina Waltz Fleur at Azure Storm na disiplinahin ito. Kapag tapos na siya kay Tristan Coleman, iisipin niya kung paano niya ito gagawing kapaki-pakinabang na sidekick mula sa pagiging basura.Samantala, sa bahay ng pamilyang Coleman ng Missouri.Ang pinuno ng pamilya, si Wesley Coleman, ay may kausap sa phone mula sa pamilyang Seay ng Alaska.Si Nelson Seay iyon, ang pinuno ng pamilyang Seay.Ang pamilyang Seay ay isa rin sa walong maharlikang pamilya sa America, at hindi rin sila papatalo pagdating sa kanilang mga kakayahan.Tuwing sampung taon, ang nakababatang henerasyon ng walong maharlikang pamilya ay makikipagkumpitensya sa isaât-isa para matukoy ang ranggo ng kanilang mga komprehensibong kakayahan. Ang huling kumpetisyon ay naganap siyam na taon na ang nakararaan, at pu
Anak ni Abel Coleman si Tristan Coleman. Pagdating ng panahon, mas mararamdaman niya ang pagmamalaki kaysa kay Wesley Coleman.Ang mga nagawa ng anak ay sumasalamin sa tagumpay ng ama. Marahil iyon ang kahulugan ng kasabihan!Sa sandaling iyon, nagmamadaling pumasok si Tristan at isa pang dalaga.Hindi bale na si Tristan, medyo maganda rin ang itsura ng dalagang kasama niya. Isa siya sa pinakamagandang babae sa mundo.Siya si Byakko, isa sa Four Great Princesses.Gayunpaman, tila nababalisa siya.Tumingin sa kanya si Wesley saglit bago kumunot ang noo nito. âTristan, anong nangyari? Bakit parang malungkot kayong dalawa?ââNawawala si Seiryuu,â sabi ni Tristan.âAno?âSina Wesley at Abel, na kanina lang ay tumatawa na parang mga baliw, ay mukhang kinikilabutan na ngayon, na parang nakalunok sila ng langaw.Maya-maya, nanlaki ang mga mata ni Wesley. âPaano siya nawala? Pambihira ang kakayahan ni Seiryuu sa martial arts, at siya ang pinakamagaling sa Four Great Princesses. Kung gagamitin
Sa araw na ito ng Setyembre, banayad ang simoy ng hangin at umaambon.Nagdala ito ng maraming preskong hangin sa Michigan, kung saan mainit at mahalumigmig.Nakaupo si Alex Rockefeller sa harap ng salamin na bintana sa isang cafĂ© habang nakatingin sa mga nagmamadaling naglalakad na dumadaan habang umaambon sa labas.Tila hindi kamahalan ang mga dekorasyon sa maliit na cafĂ©.Bukod sa babaeng waitress na nasa edad trenta at ang babaeng amo, may tatlong babaeng mahahaba ang mga binti na mukhang mga kolehiyala. Bagamaât maganda ang suot nila, walang interes si Alex sa kanila.Ang kanyang isipan ay ganap na nakatuon sa musika na pinapatugtog sa cafe.Ang kanta ay walang iba kundi ang Three Lifetimes ni Zendaya Stoermer.âWendy, tingnan mo nga yung guwapo diyan. Ni minsan hindi siya lumingon sa direksyon natin simula nang pumasok siya. Malamang kagagaling lang niyan sa breakup.ââAnong problema? Natitipuhan mo ba siya? Bakit hindi mo subukang landiin siya? Baka mauwi iyan sa maganda at nakak
Agad na iniabot ni Lucy Quinton ang kanyang kamay para takpan ang bibig ni Mira Sands.âManahimik ka. Mula siya sa pamilyang Stoermer ng Michigan. Bakit kakilala niya yung dukha?â mahinang sabi ni Lucy, na may tonong kinakabahan at takot na takot.Agad namang nanlaki ang mga mata nila Mira at Wendy Jonas sa gulat. Hindi sila nangahas na gumawa ng isa pang tunog.Maya-maya, binuksan ng babae ang pinto ng cafe at pumasok.Nakaupo roon si Alex Rockefeller, hindi kumikibo.Pero, bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya.Totoo, ang taong dumating ay mula sa pamilyang Stoermer ng Michigan, pero hindi siya si Zendaya Stoermer, ang babaeng hinihintay ni Alex. Sa halip, si Xyla Stoermer ito.Nakita na ni Xyla si Alex nung nasa labas pa lang siya ng pinto.Pagkapasok, dumiretso siya sa paglalakad at magalang na binati si Alex. âMr. Rockefeller!âHalos malaglag ang panga ng tatlong babae habang nakatulala, nakanganga.Lalo na si Lucy, na nagsimulang maghinalang baka bulag na siya.Paulit-ulit siya
âAnong ninakaw saâyo ni Zendaya? Ano iyon? Baka hindi pagkakaintindihan lang?â Tanong ni Xyla Stoermer.Sobrang nagulat din talaga siya.Napakalapit ni Xyla kay Zendaya Stoermer. Bagamaât tiyahin siya ni Zendaya, tinuring nila ang isaât-isa na parang magkapatid. Kung tutuusin, magkatabi pa silang natutulog sa iisang kama. Sa madaling salita, kilalang-kilala ni Xyla si Zendaya, na kaya niyang ang bilangin ang mga marka sa katawan ni Zendaya.Buweno, wala naman kasing marka sa katawan si Daya.Sapat na itong patunay na kilalang-kilala ni Xyla si Zendaya. Paano magagawang magnakaw ng anuman ni Zendaya?May pera at kapangyarihan siya. Ano pa bang kulang kay Zendaya?Ang tanging bagay na wala sa kanya ay ang kalayaan sa pakikipag-asawa!âHindi iyon hindi pagkakaintindihan. Alam na alam ko!â Sinabi ni Alex Rockefeller nang may katiyakan.âAno ba kasi talaga yun?â tanong ni Xyla.âEhh⊠Medyo mahirap ipaliwanag, ngunit nag-aalala akong baka may aksidenteng mapatay si Zendaya pagkatapos niyang
âIkaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.ââTatlong daan!âNagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, âHoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!âPagkatapos nito, sumigaw siya, âBrother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!âPak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. âNarito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.âHindi nakaimik si Alex.Naisip niya, âNasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!âSa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, âBrother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.âSabi ni Bunty, âTama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.âSabi ni Martiny, âKailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?âSinabi ni Alex, âKailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.âBam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, âNaalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.âItinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksenaâHinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, âLason âto. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?âNagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.ShingâAng mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, âHuwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.âTumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.âNarinig ninyo ba iyon?â tanong ni Nora.âOh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?â Malaki ang mga mata ni Butcher, kayaât ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.âHala, lagot!â Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, âHindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.âTumango si Alex. âPunta tayo sa entrance. Hanggaât magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.âNaisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
âDivinity, sa pagkakaalala ko!â sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. âSinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?âTumango si Alex. âIyon din ang naisip ko.âNagpatuloy ang Fairy Doctor, âBale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?ââHindi ako sigurado diyan.â Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. âNasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, âAno ang mga iyon?âDinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.âAng mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
âEh anong dapat nating gawin?âSumagot si Alex. âKasing tigas âyan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.âTumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.âAyos âto ahh!ââDi ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!âAng tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.âSaan ang lugar na ito? At ano⊠ang mga batong ito?â tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.âGrabe, ang lamig!â napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. âIto ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.âNagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.âAlex, hayaan mong tulungan kita!ââDragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!âPagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.âMartiny, ito ay...ââIpapaliwanag ko saâyo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!âSa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamayââNawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!ââNine Dragons Ghost Binding Curse, set!ââAlex... atakehin mo na!âItinuon ni Alex ang Chi sa l