Lahat ng Kabanata ng Sukdulan ng Buhay: Kabanata 791 - Kabanata 800

1942 Kabanata

Kabanata 791

Puwede bang kainin yung haligi?Syempre hindi! Common sense yun!Gayunpaman, ang butil sa energy core ay desididong lamunin yung haligi. Kung hindi ito pahihintulutan ni Alex Rockefeller, lulundag ito na parang makulit na bata na magbibigay ng sakit sa ulo ni Alex.Pero pinagmasdan niyang mabuti ang napakalumang kahoy na haligi sa kanyang harapan. Kulay itim ito may bahid ng dilaw, at marami itong biyak. Sa katunayan, may ilang mantsa pa nga ng langis dito.Ordinaryong haligi lang talaga ‘to.Napagpasyahan ni Alex na hindi na siya titingin sa haligi. Kaya naman, tumalikod na siya at binalak nang umalis.Pero ang butil sa energy core niya ay biglang naglabas ng napakalakas na mental power. Parang tinutusok ng karayom ​​ang utak niya.“Aray!” Napasigaw si Alex sa sakit.Hindi lang nagulat si Xyla Stoermer na nasa tabi niya, nagulat din ang babaeng sales assistant na lumapit sa kanilang dalawa na may dalang tsaa. Nanginig ang kanyang mga kamay, at bumaligtad ang tray na bitbit niya, dahil
Magbasa pa

Kabanata 792

Ito na iyon.Mabilis na kumilos si Alex Rockefeller.Bago bumagsak ang bato sa sahig, inabot niya na at sinunggaban habang nasa ere ito.Hindi malaki ang bato, at kaya niya itong hawakan gamit ang isang kamay.Kasabay ng pagdakma ni Alex sa bato, ang kanyang upper energy core ay nagsimulang gumawa ng malakas na puwersa ng pagsipsip, mabilis na hinihigop ang essence mula sa batong ito.Hindi, hindi lang ito essence.May isa pa nga palang klase ng enerhiya.Pamilyar na pamilyar si Alex sa ganitong klaseng enerhiya. Iyon ay dahil lubos na tumutugma ito sa kanyang sariling katawan. Ito mismo ang Chi energy na may katangian ng kidlat na binago ng kanyang sariling Force. Ang batong ito ay naglalaman ng napakalaking halaga ng enerhiya na may katangian ng kidlat.Isang hindi masusukat na halaga ng essence at enerhiya ang dumaloy sa upper energy core ni Alex.Maging si Alex mismo ay nabigla.Paano nagkaroon ang isang maliit na piraso ng bato ng napakalaking enerhiya?Isa ba ‘tong energy block g
Magbasa pa

Kabanata 793

Hindi nagtagal, naalarma ang manager ng House of Treasures, at sumugod siya para tingnan ang mga bagay-bagay.Nang makita niyang bumagsak nga talaga ang haligi ng kanilang gusali ay natigilan siya sa kanyang kinatatayuan.“Anong nangyayari dito?“Sinong may gawa niyan? Kapal ng mukha niyang gibain ang House of Treasures? Ang lakas ng loob niya!“Sinong gumawa nito? Labas!”Galit na nagtatalon-talon ang manager habang sumisigaw.Sa sandaling iyon, itinuro ng babaeng sales assistant si Alex Rockefeller. “Siya ho. Winasak niya ang haligi sa isang suntok. Medyo baliw ang taong iyan. Kanina, tinanong niya pa ako kung binebenta natin ang haliging ito. Nang sabihin ko sa kanyang hindi, winasak niya yung haligi.”Napatulala ang manager at ilang iba pang kakadating lang nang marinig nila ito.May isang siglo nang pinapatakbo ang negosyo ng House of Treasures. Walang sinuman ang nagnais na bilhin ang load-bearing pillar ng gusali nila.Ano pa kaya ‘to kung hindi pananadyang gumawa ng gulo?Galit
Magbasa pa

Kabanata 794

Matapos gumawa ng paghahambing sa impormasyong nakapaloob sa libro, natitiyak ni Alex Rockefeller na ang bagay na nakuha niya mula sa haligi ay ang espiritu ng Thunderclap Wood. Isa itong napakabihirang bagay. Ang karaniwang Thunderclap Wood ay halos mamamatay na pagkatapos tamaan ng kidlat.Samantala, ang mga espiritung tulad nito ay nangangailangan ng puno na makakatiis ng isang libong taong tinatamaan ng kidlat.Ang buong puno ay maglalaman ng enerhiya na may mga katangian ng kidlat.Pagkatapos nito, ipapanganak ang isang wisp, na siyang magiging espiritu.Sobrang pambihira.Nais ni Alex na maghanap ng higit pang impormasyon na may kaugnayan sa butil, pero wala na siyang mahanap na maaari niyang mapaghahambingan. Sa huli, kinailangan niyang sumuko nang may pag-aatubili.Sa sandaling iyon, nakapili na rin ng ireregalo si Xyla Stoermer.Isa itong napakagandang emerald na pulseras, isang mamahaling alahas sa House of Treasures. 15 milyong dolyar ang ginastos ni Xyla para dito.Gayunpam
Magbasa pa

Kabanata 795

Tiningnan ni Alex Rockefeller ang, sa totoo lang, makalumang lalaking ito. Bakas sa kanyang mga mata ang hindi nasisiyahang ekspresyon.Malamang masyado nang matagal ang taong ito sa pamilyang Stoermer sa Michigan. Talagang naisip niya na, bilang prinsipe, sa iisang tao lang siya mas mababa pero nahihigitan niya ang lahat. Dahil dito, ang paraan ng pananalita niya ay mayabang at may pagkiling kung pakikinggan.“May ginastos na ba akong pera mo para sa sarili ko?” tanong ni Alex.“Magtatanga-tangahan ka pa rin ba? Bata, ganiyan ka ba talaga ka-walanghiya? Hindi ba yung tsekeng binigay ko sa’yo na nagkakahalagang 300 milyong dolyar yung bayad para suma-kabilang buhay ka na?” Galit na sabi ni Kazim Stoermer.Mukhang nagulat si Xyla Stoermer na nasa tabi nila.Medyo nalilito pa rin siya sa sitwasyon.“Ah, iyon pala yung perang tinutukoy mo. Naaalala kong may nagsabi na ang perang iyon ay upang pasalamatan ako sa pagliligtas sa buhay ng kanyang anak nang tatlong beses. Iyon dapat ang magsis
Magbasa pa

Kabanata 796

Pero sa sandaling iyon, isang nanginginig na boses ang narinig. “Alex Rockefeller.”Parang pamilyar ang boses.Meron itong kasabay na himig, at sinamahan pa ng mental power.Nagmula ito kay Zendaya Stoermer.Tumingin si Alex Rockefeller sa direksyon kung saan nanggaling ang boses, at nakita niya si Zendaya na nakasuot ng manipis na manggas na kulay lila. Napakaganda pa rin niya tulad ng dati, ngunit mas payat siya ngayon kaysa sa nakalipas na ilang araw. Kakaiba rin ang laki ng kanyang mga mata.Nakatayo si Xyla Stoermer sa tabi mismo ni Zendaya.Malinaw na palihim na tumungo si Xyla sa kwarto ni Zendaya para isama ito habang nag-uusap sina Alex at Kazim Stoermer.Matapos mapasigaw, hindi na napigilan ni Zendaya ang kanyang mga luha.Gusto niyang sumugod, tumalon sa mga bisig ni Alex, at iiyak ang kanyang buong puso.Pero sa huli, pagkatapos ng ilang hakbang paabante, pinigilan siya ni Kazim.“Xyla, anong ginagawa mo? Sinong nagsabing pwede mo siyang palabasin?” Galit na sigaw ni Kazim
Magbasa pa

Kabanata 797

“Sa tingin mo ba, mas malakas si Tristan Coleman kaysa sa akin?“Sa tingin mo ba. hindi ako kasinggaling ni Tristan?”Habang nakatitig sa kanya si Alex Rockefeller habang tinanong nito ang mga direktang tanong na iyon, natigilan si Zendaya Stoermer saglit. Pagkatapos noon, marahan siyang umiling. “Hindi, hindi iyon. Pwede ba ‘wag mo na akong tanungin ng ganyan? Alam mo namang ikaw lang ang nasa puso ko. Mula noon, magpakailanman.”Inilapit ng kaunti ni Alex ang ulo niya kay Zendaya at tinitigan ang mga labi nito.Napakalapit ng dalawa na nalalanghap na nila ang carbon dioxide mula sa hininga ng isa’t-isa, na siyang may kaunting init pa.“Nagsisinungaling ka eh!” Nakangiting sabi ni Alex.“Hindi kaya.” Dahan-dahang umatras si Zendaya na may natatarantang ekspresyon sa mga mata. Medyo kinakabahan din siya. “Sinusumpa ko.”“Anong silbi ng pagsusumpa? Ninakaw mo ang kainosentehan ko sa cruise noong araw na iyon. Ngayon, ikakasal ka na kay Tristan. Sabihin mo sa’kin, hindi ba pagtataksil an
Magbasa pa

Kabanata 798

“Hindi, kailangan kong puntahan at tingnan sila,” sabi ni Xyla Stoermer.Medyo kinakabahan si Xyla. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga susunod na mangyayari. Kapag nagising na ang kuya niya, tiyak na mapapagalitan siya.Dahil sa pagkabalisa, mabilis na tumakbo pabalik sa kanyang kwarto si Xyla.Bago pa man siya makapasok, may narinig na siyang kakaibang ingay mula sa loob.Tahimik siyang naglakad sa pintuan at pumasok sa kanyang kwarto.Pagkatapos noon, lubos siyang natulala.Sa kama niya, sina Alex Rockefeller at Zendaya Stoermer…‘Diyos ko!’ Tinakpan ni Xyla ang kanyang bibig at nagmamadaling lumabas.Pagkalabas ng kwarto niya, nablangko ang kanyang isipan. Anong dapat niyang gawin? Hindi na birhen si Zendaya, pero kinabukasan ay gaganapin ang engagement niya. Ang pamilyang Coleman ng Missouri ay isang maharlikang pamilya. Papayag kaya ang ipinagmamalaki ng nasabing pamilya, si Tristan Coleman, na pakasalan ang babaeng hindi na birhen?Kapag natuklasan nilang hindi na
Magbasa pa

Kabanata 799

Pugon?Nang marinig ni Alex Rockefeller ang salitang ito, napuno ng galit at kagustuhang pumatay ang kanyang puso.Dahil minana niya ang Ultimate Book of Medicine, paanong hindi niya malalaman kung ano ang isang pugon?Ang ibig sabihin noon ay ang paggamit ng ibang tao bilang pakinabang para sa sariling cultivation.Sa madaling salita, nangangahulugan ito ng pagsipsip ng enerhiya ng ibang tao para palakasin ang sarili.Labis na makasarili ang pamamaraan na ito.Kung talagang gusto ni Tristan Coleman si Zendaya Stoermer, hindi sana magagalit ng ganito si Alex. Pero masama ang balak ni Tristan, at hindi ito kapatawad-tawad.Kapag nakuha na ni Tristan ang Yin energy ni Zendaya sa pamamagitan ng Red Pill nito, magwawakas na ang buhay ni Zendaya. Sa madaling salita, hindi ito masyadong naiiba sa kung paano ipinagbuntis ni Xyla ang demonic wisteria fetus.‘Pero hindi ko pa siya puwedeng patayin!’ naisip ni Alex.May mas bonggang plano si Alex. Nais niyang umasta bilang diyos sa harap ng laha
Magbasa pa

Kabanata 800

Sabik na sabik si Alex Rockefeller.Tulad ng isang batang kakatanggap lang ng laruan, gusto na niyang buksan ito at alamin ang iba’t-ibang paraan kung paano niya ito mapaglalaruan.“Bwis*t ka. Kapal ng mukha mong agawin yung babae ko? Malamang gusto mo nang mamatay, ano? Pinakabatang Earth expert sa America. Tss, gagawin kitang eksperto sa pagkain ng lupa. Kumain ka...ng lupa!” Binigyan ni Alex ng utos si Tristan Coleman.Paniguradong nagising muli ang butil sa energy core, at muling lumitaw ang ginintuang liwanag.Tumayo si Tristan at nagsimulang maghukay sa lupa. Kumuha siya ng isang dakot ng maruruming putik at alikabok bago diretsong sinalpak ang mga ito sa kanyang bibig.Kinakain niya ito hangga’t kaya niya!‘Heh. Kumain ng dumi ang young master ng pamilyang Coleman ng California. Ngayon, uupo sa lupa at kakain ng dumi ang henyo mula sa pamilyang Coleman ng Missouri.’ Naisip ni Alex.Kaagad pagkatapos noon, kinuha ni Alex ang kanyang phone at nagsimulang mag-record ng video ni Tri
Magbasa pa
PREV
1
...
7879808182
...
195
DMCA.com Protection Status