Share

Kabanata 793

Hindi nagtagal, naalarma ang manager ng House of Treasures, at sumugod siya para tingnan ang mga bagay-bagay.

Nang makita niyang bumagsak nga talaga ang haligi ng kanilang gusali ay natigilan siya sa kanyang kinatatayuan.

“Anong nangyayari dito?

“Sinong may gawa niyan? Kapal ng mukha niyang gibain ang House of Treasures? Ang lakas ng loob niya!

“Sinong gumawa nito? Labas!”

Galit na nagtatalon-talon ang manager habang sumisigaw.

Sa sandaling iyon, itinuro ng babaeng sales assistant si Alex Rockefeller. “Siya ho. Winasak niya ang haligi sa isang suntok. Medyo baliw ang taong iyan. Kanina, tinanong niya pa ako kung binebenta natin ang haliging ito. Nang sabihin ko sa kanyang hindi, winasak niya yung haligi.”

Napatulala ang manager at ilang iba pang kakadating lang nang marinig nila ito.

May isang siglo nang pinapatakbo ang negosyo ng House of Treasures. Walang sinuman ang nagnais na bilhin ang load-bearing pillar ng gusali nila.

Ano pa kaya ‘to kung hindi pananadyang gumawa ng gulo?

Galit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status