All Chapters of Sukdulan ng Buhay: Chapter 811 - Chapter 820

1942 Chapters

Kabanata 811

Mukhang kagagaling lang ni Hailey sa salon dahil puro itim ang suot niya.Nakasuot siya ng itim na chiffon na palda na napakaikli, sapat lang para matakpan ang kanyang puwet at inilalantad ang buong pares ng mapuputi at makikinis na mga binti. Nakasuot din siya ng itim na takong na may manipis na strap.Sumunod si Alex sa likuran nito, nakatingin sa napakagandang dilag na nasa harapan niya. Medyo malikot ang paraan ng paglalakad niya, na para bang may mga langgam sa pantalon niya, at hindi niya alam kung saan ilalagay ang kanyang mga mata.Pagpasok nila sa villa, tahimik, walang kaluluwa ang nakikita.“Nasaan si Kuya Charles? Wala ba siya sa bahay?” Tanong ni Alex habang hinuhubad ang kanyang sapatos.“May mga business trip siya ngayon. Ni hindi ko nga mahagilap ang anino niya nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin alam kung anong pinagkakaabalahan niya,” sabi ni Hailey, may bahid ng pait sa boses.Ngumiti si Alex at walang sinabi.Nagpapatakbo si Charles ng malaking kumpanya ng real
Read more

Kabanata 812

“Wala naman,” sabi ni Hailey. “Lalaki ka, malakas kang lalaki. Tulungan mo naman akong magbuhat ng kahon! Gusto kong ipabuhat iyon kay Charles, pero madalas siyang wala rito kamakailan, at ilang araw nang nakatambak yung kahon doon.”“Haha, sige, walang problema sa pagbubuhat ng kahon.”Naglakad si Alex patungo sa taas ng hagdan at kinuha ang kahon.Talagang mabigat nga ang kahon, at nasa 66 pounds ang tantiya niya sa timbang nito. Wala lang ito sa kanya, pero sa babaeng tulad ni Hailey, tiyak na hindi niya ito malilipat.“Sobrang bigat nga. Anong nasa loob nito?”“Aparador iyan na binili ko para kay Zoey.”Sa huli, matapos itong iakyat sa ikatlong palapag, awtomatikong bumukas ang mga bakal na gate ng villa, at pumasok ang maliit na kotse.Nagulat si Alex. “Si Kuya Charles ba iyon?”Nanlaki ang mata ni Hailey. “Imposible, pumunta siya sa Block City, at hindi pa siya dapat makakabalik hanggang sa susunod na araw kinabukasan!”“Snap inspection, siguro?” Ungol ni Alex, mahina ang boses.
Read more

Kabanata 813

“Ahhh!!!”Sigaw ni Hailey. Hindi niya akalaing maglalakas-loob si Zack na gumawa ng ganoong bagay.Dati, ginayuma siya, pero sa pagkakataong ito, may kamalayan siya!Pak! Pak!Itinaas niya ang kanyang kamay at sinampal si Zack, sinisipa ito at buong lakas na pilit na tinutulak palayo.Gayunpaman, wala siyang anumang lakas sa kanyang mga braso, at malaking tao si Zack na may higit na lakas kaysa sa kanya, kaya hindi siya makawala kahit anong pilit niya. Tumama sa mukha niya ang hininga ni Zack na amoy alak, at ngumisi ito. “Hailey, huwag ka nang magpumiglas. Walang silbi iyan. Sa totoo lang, uminom ako ng kaunting Viagra bago ako pumunta rito, kaya ikaw lang ang makakaligtas sa’kin ngayon.“Hailey, matagal na kitang gusto. Mula noong araw na pumasok ka sa mga pintuang iyon, pinagpapantasyahan kong sumabak sa gyera kasama ka.“Galingan natin, hanggang sa mamatay tayo nang walang pinagsisisihan!“Ganda, papunta na ako!”Nang matapos si Zack, handa na siyang pagsamantalahan ito.Namutla an
Read more

Kabanata 814

Huminga ng malalim si Hailey saka tumango.Ngumiti si Alex, pagkatapos ay hinampas ng palad ang ulo ni Zack.“Anong gagawin mo sa kanya?” Naguguluhan na tanong ni Hailey.“Heto na,” sabi ni Alex. Pagkatapos, naalala niya si John Rockefeller. Malamang na pareho sa kanya ang magiging wakas ni Zack. Magiging kasing lampa siya ng gulay, ang kanyang kamalayan ay nakatago hanggang sa kanyang kamatayan.At iyon ay maituturing na parusa para sa kanyang mga kasalanan.“Iyan na yun? Anong ibig sabihin niyan?” tanong ni Hailey.“Magiging ganito siya habangbuhay,” sabi ni Alex.Nanlaki ang magagandang mata ni Hailey, at sa sumunod na segundo, bigla niyang niyakap si Alex at hinalikan ito. “Bilang pasasalamat! Walang ibang kahulugan, at hindi mo kailangang mag-alala. Walang makakaalam maliban sa’yo at sa akin.”***Hatinggabi na nang magmaneho si Alex papuntang Michigan.Sa hindi malamang dahilan, nananatili pa rin sa kanyang isipan yung boses at ngiti ni Hailey.Sa wakas ay iniling niya ang kanyan
Read more

Kabanata 815

Kalimutan na ang tungkol sa masalimuot na damdamin ni Zendaya. Mukhang hindi rin nakapag-ipon ng anumang masayang damdamin ang buong pamilya niya—lalo na si Carey, na may mukha ng pait at poot. Ang mga salitang ‘huwag mo akong babanggain’ ay bakas sa kanyang malinaw at maputing noo.Para naman kay Kazim, bakas lang sa mukha niya ang kawalan ng kakayahang gumawa ng anumang tulong.Biglang tumayo si Carey at sinabing, “Patay na ang pamangkin ko. Hindi ko hahayaang tumalon sa apoy yung anak ko. Gusto kong umalis kasama si Zendaya. Walang makakapigil sa akin!”Ang mga salitang ito ay sinabi para kay Kazim, na nasa tabi niya.Tumayo din si Kazim, “Pero, ang ating pamilyang Stoermer...”Nanlaki ang mga mata ni Carey, at galit na galit niyang sinabi, “Wala akong pakialam sa kung ano mang pamilyang Stoermer, ang alam ko lang ay pinanganak ko si Zendaya matapos siyang dalhin sa sinapupunan ko ng sampung buwan. At ngayon, gusto mong isakripisyo ko ang anak ko para ikasal sa gagong iyon? Hindi ak
Read more

Kabanata 816

Karamihan sa kanila ay mga nangungunang sports car na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon.Nagmukha na itong luxury car party.Sa hindi kalayuan, meron ding mahigit isang dosenang nakaparadang helicopter. Ang isa sa kanila ay kakalapag lang, at may grupo ng mga tao ang bumaba mula rito, kasama ang isang matandang lalaki na nakasuot ng tradisyonal na pananamit, pinapangunahan sila.Sa sandaling ito, isang dalaga na may suot na kaunting makeup, na mukhang mga dalawampu’t limang taong gulang, ang humawak sa braso ng matanda at bumulong, “Naku, sobrang magara pala ang pamilyang Stoermer. Napakaraming magagarang sasakyan at helicopter. Sangay lamang sila ng maharlikang pamilya, pero mabigat pala ang timbang nila. Tingnan mo yung parking lot. Mas malaki pa ‘to kaysa sa’ting pamilyang Seay!”Lumalabas na ang grupo na kakababa lang ng helicopter ay mula sa pamilyang Seay ng Alaska.Ang matandang nakasuot ng tradisyonal na pananamit ay ang kasalukuyang pinuno ng pamilyang Seay, si Nelson Seay
Read more

Kabanata 817

Parehong nagulat sina Alex at Anna.Palibhasa’y sigang babae si Anna, agad siyang dumilat at nagtanong, “Bakit? Bakit hindi? Hindi ba tatlong tao ang pwede pumasok gamit ang isang imbitasyon? Isang tao lang ang sinama ko. Bakit hindi mo siya papapasukin?”Malamig na sabi ng gatekeeper, “Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede. Binilin ito sa’min ng aming Master.”Sa sandaling sinabi niya iyon, alam na agad ni Alex.Ama ni Zendaya ang nagbigay ng utos.Walang alam si Anna tungkol sa mga buhol-buhol na meron si Alex sa pamilyang Stoermer at galit na sinabi, “Huwag mong idahilan sa’kin iyan. Mali siguro ang pagkakaintindi mo sa utos na iyon! Sa tingin mo ba hindi ko kilala kung sino ang Master na iyan? Alam mo ba kung sino ako?”Parehong nasa balakang ang magkabilang kamay niya, tuwid at matatag ang kanyang pagkakatayo.Pinikit ng disipulo ang kanyang mga mata at sinabi, “Huwag kang umasta na parang napakataas mo at makapangyarihan ka dito. Sinasalubong ng pamilyang Stoermer ang mga pa
Read more

Kabanata 818

Tumango si Alex bilang pagsang-ayon.Sa pangunguna ni Harvey, buong pagmamalaki niyang sinabi kay Anna ang tungkol sa lahat ng mga bigating naimbitahan dito ngayon, pati na rin kung sino ang dumating mula sa walong maharlikang pamilya. Para bang hindi na siya makapaghintay na maipagmalaki ang lahat ng kanyang nalalaman, hindi lamang para patibayin ang kahalagahan ng kanyang eksistensya sa taong nasa harap niya kundi para magpakitang-gilas din tungkol sa kanyang pamilya.Matagal siyang dumaldal hanggang sa matuyo ang bibig niya bago siya tuluyang lumingon sa likod.Tapos, nagulat siya!Nakita niyang mahigpit na hinahawakan ni Anna ang kamay ni Alex.Pinaggigitnaan ng magkabilang kamay niya ang kamay ni Alex.Mahigpit ding nakakapit ang mga daliri nila.‘P*ta, Ano... Anong nangyayari?’Sa sobrang gulat ni Harvey, nanigas agad ang buong katawan niya. Nanginginig ang kanyang mga labi, at nanlamig ang kanyang mga kamay at paa.Ito... malamang nagpapangap lang sila!Sa byahe nila papunta rit
Read more

Kabanata 819

Ang engagement sa pagitan ng pamilyang Stoermer ng Michigan at ng pamilyang Coleman ng Missouri ay nagdulot ng matinding kaguluhan sa walong maharlikang pamilya. Ang pangunahing bida rito ay halatang hindi si Zendaya, isang taong tinuring nilang hamak na babae na nagbebenta ng mga kanta para kumita.Ang pinagtuunan nila ng pansin ay ang walang katulad, henyong martial artist na si Tristan Coleman.Sa mata ng maraming matataas na pinuno, si Zendaya ay hindi gaanong mahalaga at halos parang langgam lang ang eksistensya.At para mapili ni Tristan si Zendaya, ito ang pinaka-kahanga-hangang biyaya sa buhay ni Zendaya, isa na malamang na naipon niya mula sa nakalipas na walong henerasyon sa pamamagitan ng araw-araw na pagtapak sa tae. Dahil dito, madadamay din ang pamilyang Stoermer ng Michigan sa kanyang swerte.Gayunpaman, sa mga mata ng iba pang karaniwang mga tao, si Tristan ang maswerte, na siyang nakitaan nila ng inggit at poot.Napakasikat na artista ni Zendaya, at malalim ang ugnayan
Read more

Kabanata 820

Naglakad sina Alex at Anna patungo sa madla, magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.Dahil ang piging na ito ay ginanap sa malawak na espasyo, merong golf course sa tabi ng lotus pond. Tama. Sa parke mismo ng tahanan ng pamilyang Stoermer, nagtayo sila ng mini-golf course.Ang galing, ano?Napakamahal ng lupa sa bahaging ito ng Michigan, at ang presyo ng mga kalapit na bahay ay umabot na sa 70 libong dolyar bawat metro kuwadrado. Hindi lamang malawak na paradahan sa pasukan ang meron sa tahanan ng pamilyang Stoermer pero meron ding golf course sa loob. Sa madaling salita, sila ang pinakamayamang landlord sa lahat.Gayunpaman, ang ikinagalit ni Anna ay na—Nilinaw na niya na boyfriend niya si Alex at ikakasal na sila sa susunod na taon, pero panay pa rin ang dikit sa kanila ni Harvey, nagtatanong ng kung anu-ano tungkol kay Alex. Habang naglalakad sila, biglang may dumagdag sa kanilang grupo.Medyo prangka ang ugali ng tigress.Malapit na siyang sumabog, hindi na niya kinaya. Bigla si
Read more
PREV
1
...
8081828384
...
195
DMCA.com Protection Status