Galit na galit si Heather. “At sino ka? Sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan? Ako—”Agad na lumundag si Chloe sa kinauupuan niya. “Auntie! Kaibigan ko sila, huwag mo silang bastusin!”Pagkatapos ay niyakap niya ang braso ni Nicholas at ipinakilala siya sa kanyang mga magulang. “Mom, Dad, ipapakilala ko kayo sa boyfriend ko, ang pangalan niya ay Nicholas… Beha Hudson.”Pfft!Napabuga ng tsaa ang mga magulang ni Chloe.“Ano nga ulit yung gitnang pangalan niya?” Nakatitig kay Nicholas ang ama ni Chloe na si Adrien Zea, dilat ang mga mata.Namula ang mga pisngi ni Chloe, alam niyang hindi biniyayaan ang pangalan nito.Nang magpapaliwanag pa lang siya ay natawa na si Chad. “Talagang bagay sa’yo yung pangalan mo! Beha, tama? Mukhang walang sapat na bra ang pamilya mo kaya kinailangan nilang pangalanan ang anak nila ng isa! Sa tingin mo ba nararapat kang maging boyfriend niya, ikaw na kawawang talunan? Napapaisip tuloy ako kung sinong nagbigay sa’yo ng lakas ng loob na pumunta rito. Yung b
Sa totoo lang, nang marinig ni Chloe ang mga salitang ‘Sunshine Co.’, gusto niyang itago ang kanyang mukha dahil sa kahihiyan.Gusto niyang magsalita at sabihin sa kanyang tiyahin na si Alex ang may-ari ng negosyong bibili ng Sunshine Co.Gayunpaman, hindi man lang siya binigyan ni Heather ng pagkakataong magsalita.Sinimulan niyang insultuhin si Alex. “Aling negosyo? May kinalaman ba iyon sa’yo? Maiintindihan mo ba kapag sinabi ko sa’yo? Pakikipag-away, paninigarilyo at paglalaklak lang naman ang alam ninyong masasamang-loob… tama? Wala kayong inatupag kundi makipagkarera at tumambay sa comp shop! Alam ninyo ba kung ano ang acquisition? Hindi pa nga ganoon iyon eh, partnership kasi talaga!“Hindi bale, walang saysay na ipaliwanag sa inyong mga dukha. Mga lumot lang kayo sa balon.”Itinama siya ni Nicholas. “Mali ka. ‘Walang alam tungkol sa dagat ang palaka sa balon’ dapat, gurang.”Napasimangot si Heather. “Lakas ng loob mong itama ako? Naiintindihan mo ba iyang pinagsasabi mo?”Hindi
Maya-maya lang, nag-ring ang phone ni Chad.Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone at napagtantong tawag iyon mula sa kanyang tiyuhin na si Douglas Hunter.Bumagsak ang puso niya sa tiyan.Alam ni Chad na si Douglas ang totoong general manager ng Sunshine Co.. Nagpanggap lang siya sa harap ni Heather kanina.‘Kung tinatawagan ako ni Uncle ngayon, ibig sabihin, tinawagan talaga siya ng lokong ito?’Sinulyapan niya si Nicholas, ngunit hindi siya naglakas-loob na hindi sagutin ang tawag ng kanyang tiyuhin.Pagkatapos mapilitang sagutin, magalang niyang sinabi, “Uncle—”Pagkatapos noon, may malakas at marahas na pagbulyaw ang nagmula sa kabilang linya. “Chad, walang kwenta ka! Anong pinaggagawa mo? May nasaktan ka ba? Mas mabuting lumuhod ka sa harap ni Mr. Hudson at sa mga taong nasa harapan mo at humingi ng tawad para mapag-isipan nilang ulit ang pagbili sa Sunshine Co.! Kung ayaw mo, babaliin ko iyang dalawang paa mo! Alam mong may isa akong salita!”“U-Uncle, nagbi… nagbibiro ka, d
Si Douglas yung dumating.Dahil parang hindi pa sapat ang sampal, sinimulan niyang suntukin si Chad hanggang sa mamaga ang mukha nito.“Luhod!“Humingi ka ng paumanhin!”“O babaliin ko iyang dalawang paa mo!”Tila masiglang-sigla si Douglas habang kumikinang ang mga mata habang walang awa niyang binubugbog ang pamangkin. Sapat na ang kanyang mga suntok para matanggal ang dalawang ngipin ni Chad at dumugo ang ilong nito.Sinipa sa tuhod si Chad kaya napaluhod siya kahit ayaw niya.Sapat na ito para takutin si Adrian at ang kanyang buong pamilya.Ang pamilya ng tatlo ay mga normal na mamamayan lamang—si Adrian ay normal na manggagawa lamang sa tindahan ng hardware.Nagawa lamang niyang maging pinuno ng kanyang grupo na may suweldong limang libong dolyar bawat buwan, sapat lamang para matustusan ang pamilya sa malaking siyudad sa Michigan.Si Scarlett naman ay janitor lang sa isang accounting firm kaya mas mababa ang sahod niya.Ito ang dahilan kung bakit ang dalawa ay karaniwang maingat
Sa wakas ay kaswal siyang nagsalita. “Hindi naman talaga ako ininsulto ng hangal mong pamangkin. Pumunta lang siya dito para ligawan ang girlfriend ng kasamahan ko. Sinubukan pa niyang gumamit ng tatlumpu’t walong libong dolyar na kwintas para hamunin yung kasamahan ko, nakakatawa lang.”Dug!Sinipa ni Douglas si Chad sa puwet, dahilan para bumagsak ang mukha nito sa lupa, saka niya ito pinagalitan. “Gago ka! Kinalimutan mo na ba apelyido mo dahil lang sa may katiting na pera ka? Kung hindi lang maagang namatay ang tatay mo, matagal ko nang binali iyaang dalawang binti mo!”Histeryosong umiiyak si Chad habang nakaturo kay Heather. “Uncle, ang babaeng iyan ang unang lumapit sa akin, sabi niya ibebenta niya sa akin yung pamangkin niya... Aba, hindi pa naman ako kasal, kaya sinusubukan ko lang naman maghanap ng magbibigay ng anak sa’kin at tumulong na panatilihin ang aking angkan! Para kay Dad!”Napakunot ang noo ni Chloe sa narinig. “Ibebenta ako sa’yo? Magkano ang tinanggap niya?”Nagsi
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Douglas sa pagkabigla habang nakatitig kay Alex.Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Alex. “Ano? May nasabi ba akong mali?Umiling si Douglas, at nagtatakang tanong. “Ser, paano...paano mo nalaman?”Itinuro ni Alex ang pulseras sa pulso nito. “Pwede na ang mystical tool na iyan, nakakatulong iyan upang mabawi ang ilang Yin energy. Gayunpaman, walang paraan upang alisin ang lahat ng ito. Kaya, Mr Hunter, kailangan mong mag-ingat. Medyo mabigat ang pasanin mo. Kapag mas lalong bumaon ang Yin energy, aabot na ito sa limitasyon, at kapag dumating ang oras na iyon, kahit ang mga diyos ay hindi ka na maililigtas.”Sa sandaling iyon, libu-libong ekspresyon ang dumaan sa mukha ni Douglas.Maya-maya, nagtanong siya nang may buong paggalang sa kanyang tono. “Ser, isa ka ba sa nakatataas ng mahihiwagang nilalang? Maaari mo bang iligtas ang aking anak?”Pagkatapos magsalita ay napaluhod siya na may kasabay na kalabog sa harap ni Alex. Mukha siyang balisa pero k
Lubos na nasisiyahan ang mga magulang ni Chloe.Ipinakilala ni Nicholas ang kanyang sarili bilang ikalawang henerasyon ng demolition development sa California. Nagmamay-ari siya ng ilang mga mamahaling mansyon. At kung hindi pa iyon sapat, nakatanggap din siya ng mga performance shares na malamang ay nagkakahalaga ng milyon-milyon o baka bilyon pa nga sa hinaharap.Ang pagkakataong makahanap ng manugang na tulad niya ay isa sa isang milyon. Ano pang mahihiling ng kanyang mga magulang?Narinig lahat ito ni Chad habang nakaluhod sa tabi nila. Tinusok ng kahihiyan ang puso niya nang maalala kung paano niya ipinakita ang kwintas na nagkakahalaga ng tatlumpu’t walong libo at kung paano niya ipinagmayabang na magkakaroon na siya ng anak sa halagang dalawampung libo. Gusto niya nang ibaon ang sarili sa lupa ngayon.Sa wakas ay bumalik na sina Alex at Douglas.Agad namang kinaladkad ni Douglas si Chad at umalis, habang si Alex ay naiwan para ipagdiwang ang kaarawan ni Chloe kasama ang pamilya
Bilang karagdagan sa pagiging bihasang tomb raider, si Douglas ay isa ring master sa martial arts. Hindi problema para sa kanya ang paalisin ang lahat ng mga doktor sa isang kwarto.Habang pinagmamasdan ng babaeng doktor si Douglas na sinunod ang utos ni Alex, napuno na siya. Nagsimula siyang sumigaw. “Nasisiraan ka na ba? Anong klase kang ama? Sino ang lalaking iyon? Propesor ka man sa medisina o eksperto sa medisina, hangal ka pa rin. Lumabas ka ngayon din!”Matapos pagalitan si Douglas, dumiretso siya kay Alex.Inilagay na ni Alex ang isang palad sa dibdib ni Susan, sinusumamo ang kanyang spiritual power.Sa mata ng babaeng doktor, isa itong ganap na walang kwentang maniobra.Nanlilisik ang mga mata niya pero hindi niya ginalaw ang kanyang dila. Sinulyapan siya ni Alex at nakita nito ang kanyang makintab na maitim na mga mata ay bumubulusok sa galit at poot. Sa hitsura nito, malamang ay nasa edad bente anyos siya.“Kung magagarantiya mong maililigtas mo ang pasyenteng ito, at pipirm
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l