Home / Urban / Sukdulan ng Buhay / Kabanata 849

Share

Kabanata 849

Author: Evergreen Qin
Si Douglas yung dumating.

Dahil parang hindi pa sapat ang sampal, sinimulan niyang suntukin si Chad hanggang sa mamaga ang mukha nito.

“Luhod!

“Humingi ka ng paumanhin!”

“O babaliin ko iyang dalawang paa mo!”

Tila masiglang-sigla si Douglas habang kumikinang ang mga mata habang walang awa niyang binubugbog ang pamangkin. Sapat na ang kanyang mga suntok para matanggal ang dalawang ngipin ni Chad at dumugo ang ilong nito.

Sinipa sa tuhod si Chad kaya napaluhod siya kahit ayaw niya.

Sapat na ito para takutin si Adrian at ang kanyang buong pamilya.

Ang pamilya ng tatlo ay mga normal na mamamayan lamang—si Adrian ay normal na manggagawa lamang sa tindahan ng hardware.

Nagawa lamang niyang maging pinuno ng kanyang grupo na may suweldong limang libong dolyar bawat buwan, sapat lamang para matustusan ang pamilya sa malaking siyudad sa Michigan.

Si Scarlett naman ay janitor lang sa isang accounting firm kaya mas mababa ang sahod niya.

Ito ang dahilan kung bakit ang dalawa ay karaniwang maingat
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 850

    Sa wakas ay kaswal siyang nagsalita. “Hindi naman talaga ako ininsulto ng hangal mong pamangkin. Pumunta lang siya dito para ligawan ang girlfriend ng kasamahan ko. Sinubukan pa niyang gumamit ng tatlumpu’t walong libong dolyar na kwintas para hamunin yung kasamahan ko, nakakatawa lang.”Dug!Sinipa ni Douglas si Chad sa puwet, dahilan para bumagsak ang mukha nito sa lupa, saka niya ito pinagalitan. “Gago ka! Kinalimutan mo na ba apelyido mo dahil lang sa may katiting na pera ka? Kung hindi lang maagang namatay ang tatay mo, matagal ko nang binali iyaang dalawang binti mo!”Histeryosong umiiyak si Chad habang nakaturo kay Heather. “Uncle, ang babaeng iyan ang unang lumapit sa akin, sabi niya ibebenta niya sa akin yung pamangkin niya... Aba, hindi pa naman ako kasal, kaya sinusubukan ko lang naman maghanap ng magbibigay ng anak sa’kin at tumulong na panatilihin ang aking angkan! Para kay Dad!”Napakunot ang noo ni Chloe sa narinig. “Ibebenta ako sa’yo? Magkano ang tinanggap niya?”Nagsi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 851

    Agad na nagbago ang ekspresyon ni Douglas sa pagkabigla habang nakatitig kay Alex.Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Alex. “Ano? May nasabi ba akong mali?Umiling si Douglas, at nagtatakang tanong. “Ser, paano...paano mo nalaman?”Itinuro ni Alex ang pulseras sa pulso nito. “Pwede na ang mystical tool na iyan, nakakatulong iyan upang mabawi ang ilang Yin energy. Gayunpaman, walang paraan upang alisin ang lahat ng ito. Kaya, Mr Hunter, kailangan mong mag-ingat. Medyo mabigat ang pasanin mo. Kapag mas lalong bumaon ang Yin energy, aabot na ito sa limitasyon, at kapag dumating ang oras na iyon, kahit ang mga diyos ay hindi ka na maililigtas.”Sa sandaling iyon, libu-libong ekspresyon ang dumaan sa mukha ni Douglas.Maya-maya, nagtanong siya nang may buong paggalang sa kanyang tono. “Ser, isa ka ba sa nakatataas ng mahihiwagang nilalang? Maaari mo bang iligtas ang aking anak?”Pagkatapos magsalita ay napaluhod siya na may kasabay na kalabog sa harap ni Alex. Mukha siyang balisa pero k

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 852

    Lubos na nasisiyahan ang mga magulang ni Chloe.Ipinakilala ni Nicholas ang kanyang sarili bilang ikalawang henerasyon ng demolition development sa California. Nagmamay-ari siya ng ilang mga mamahaling mansyon. At kung hindi pa iyon sapat, nakatanggap din siya ng mga performance shares na malamang ay nagkakahalaga ng milyon-milyon o baka bilyon pa nga sa hinaharap.Ang pagkakataong makahanap ng manugang na tulad niya ay isa sa isang milyon. Ano pang mahihiling ng kanyang mga magulang?Narinig lahat ito ni Chad habang nakaluhod sa tabi nila. Tinusok ng kahihiyan ang puso niya nang maalala kung paano niya ipinakita ang kwintas na nagkakahalaga ng tatlumpu’t walong libo at kung paano niya ipinagmayabang na magkakaroon na siya ng anak sa halagang dalawampung libo. Gusto niya nang ibaon ang sarili sa lupa ngayon.Sa wakas ay bumalik na sina Alex at Douglas.Agad namang kinaladkad ni Douglas si Chad at umalis, habang si Alex ay naiwan para ipagdiwang ang kaarawan ni Chloe kasama ang pamilya

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 853

    Bilang karagdagan sa pagiging bihasang tomb raider, si Douglas ay isa ring master sa martial arts. Hindi problema para sa kanya ang paalisin ang lahat ng mga doktor sa isang kwarto.Habang pinagmamasdan ng babaeng doktor si Douglas na sinunod ang utos ni Alex, napuno na siya. Nagsimula siyang sumigaw. “Nasisiraan ka na ba? Anong klase kang ama? Sino ang lalaking iyon? Propesor ka man sa medisina o eksperto sa medisina, hangal ka pa rin. Lumabas ka ngayon din!”Matapos pagalitan si Douglas, dumiretso siya kay Alex.Inilagay na ni Alex ang isang palad sa dibdib ni Susan, sinusumamo ang kanyang spiritual power.Sa mata ng babaeng doktor, isa itong ganap na walang kwentang maniobra.Nanlilisik ang mga mata niya pero hindi niya ginalaw ang kanyang dila. Sinulyapan siya ni Alex at nakita nito ang kanyang makintab na maitim na mga mata ay bumubulusok sa galit at poot. Sa hitsura nito, malamang ay nasa edad bente anyos siya.“Kung magagarantiya mong maililigtas mo ang pasyenteng ito, at pipirm

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 854

    Ang pagkakaiba lang ay ang dugong nakatatak sa loob ay bahagya at mahina, walang gaanong lakas na natitira sa spell. Tumatakbo ang kanyang mga iniisip.‘Talagang tanda nga ito… ng aking ama!‘Kilala ni Susan Hunter ang aking ama?‘Ang master na binanggit ni Douglas ay ang aking ama?’Napatingin si Douglas kay Alex na may hawak na kwintas ng kanyang anak sa isang kamay habang nakatingin sa kawalan. Nang ipapaalala niya rito na gawin ang trabaho nito, napunta ang tingin niya sa monitor ng tibok ng puso at nakita na ito ay unti-unting tumataas, ang mga istatistika ay unti-unting bumubuti.‘Hay salamat, talagang superyor si Master Alex!’Samantala, walang ideya ang mga doktor at nars sa labas kung anong nangyayari kaya tumawag sila ng gard para sumugod sa kwarto.“Buksan ninyo ang pinto, buksan ang pinto!”Nakakabingi ang tunog ng kanilang mga batuta. Masisira na ang pinto.Kumunot ang noo ni Alex. “Douglas, bantayan mo ang pinto at huwag papasukin ang sinuman. Ginagamot ko ang anak mo nga

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 855

    “Will?”Biglang naramdaman ni Alex na namamanhid ang kanyang utak nang may pumasok na nakababahalang ideya sa kanyang isipan.Ang pangalan ng kanyang ama ay William Rockefeller, at ang perlas ay may dugo ng kanyang ama. Pero Will ang tawag ni Susan sa kanya.‘Napagkamalan ba niya akong ama ko?’Mula sa tono ng boses ni Susan, parang hindi lang magkaibigan ang kanilang relasyon.‘Maaari kayang kabit siya ni Dad?‘Kahit si Mom ay walang ideya tungkol dito?’Nagsimula siyang maawa sa kanyang ina, kay Brittany, dahil si Susan ay mukhang isang bata, matalinong dalaga kahit na malapit na siya sa pintuan ng kamatayan ilang sandali lang ang nakalilipas.Napansin ni Susan na nakatayo roon si Alex nang hindi nagsasalita kaya pumikit siya at tumingin ng malapitan. “Oh, ikaw pala…hindi ka si…paumanhin, napagkamalan kitang iba.”Matapos ang ilang saglit, tinanong niya. “Sino ka?”Kakaiba ang boses nito—malalim ngunit malambot, ibang-iba sa boses ni Angela Seay, na parang magkakasakit siya kapag pin

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 856

    “Ugh…”‘Pakiusap, buhay ang pinag-uusapan natin dito, bakit mo iisiping may pagnanasa ako sa ibang lalaki?’Pagkaraan ng maikling sandali, mahina niyang itinanong, “Yung kapatid mo, ayos… ayos lang ba siya? Sabi niya bibisitahin niya ako noong Hunyo, pero halos Oktubre na ngayon. Apat na buwan na ang lumipas.”Medyo nabigla si Alex.Napakalalim ng pag-ibig ng isang babae!Umiling siya at sinabing, “Patawad, hindi siya darating.”“Bakit hindi?” tanong ni Susan.“Kasi...” sabi ni Alex. “Patay na siya.”Napatulala si Susan.Halos agad-agad namutla ang kanyang mukha, at biglang tumaas ang Yin energy sa kanyang katawan, naglulunsad ng kontra-atake laban sa kanyang sarili, na tila lulunukin siya nito ng buo. Nagulat si Alex. Anong klaseng Yin energy iyon, parang may sariling pag-iisip.Dumating na sa ganoong punto ang mga damdamin ni Susan para sa ama ni Alex.Sa sandaling nabalitaan niyang patay na ito, gusto niya nang mamatay kaagad.Mabilis na idiniin ni Alex ang isang palad sa katawan ni

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 857

    Matagal na natigilan ang babaeng doktor sa kinatatayuan bago nagbago nang husto ang kanyang ekspresyon. Pero tinadyak niya ang kanyang paa at malamig na suminghal, “Swerte lang iyan. Bumubuti na ang kondisyon ng pasyente bago pa man nito, at gumana ang emergency treatment na ginawa namin para iligtas siya. Kung hindi dahil doon, sinasabi ko sa’yo, katapusan mo na talaga!”Napangiti si Alex sa pag-iisip na katatawanan ang babaeng doktor na ito. “Bahala ka, kung diyan ka masaya.”Nagngagalit ang mga ngipin ng babaeng doktor. Alam niyang medyo hindi makatwiran ang kanyang mga salita, ngunit bilang natatanging nagtapos sa sikat na unibersidad na paulit-ulit na nagkaroon ng mataas na marka sa ospital, mayabang at mapagmataas siya. Paano niya magagawang aminin na natalo siya sa binatang tulad ni Alex?Hmph, sinuwerte lang iyon.Sobrang sinuwerte.Tumalikod siya at umalis.Nag-iinit siya sa pananatili niya rito, na parang lalagnatin siya.Narinig ng ilang pulis ang sigaw ng babae, at nagtipon

Latest chapter

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status