Pagkatapos, nakita niyang nahihiyang hinaplos ni Susan ang buhok, at ibinaba ang ulo, bahagyang namumula ang mukha nito.Sapul ba?Sa loob-loob, naisip ni Alex, ‘Ayan, Mom, pinagtaksilan ka nga.’Dahil na-presyur siya sa tanong ni Susan, sa wakas ay pinili ni Alex na sabihin ang tungkol sa kanyang ama. “Nawala siya noong nakaraang taon. May nakakitang naaksidente siya sa sasakyan, at sinabi ng ilan iyon ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nasunog ang kanyang katawan, ngunit nang suriin namin ang kanyang mga abo, ilusyon lang pala iyon. Hindi totoo yung abo dahil pagmamay-ari iyon ng babaeng baboy.”Pakiramdam ni Alex na ang abo ng baboy ay mahalagang impormasyon, na siyang dahilan kung bakit niya ito sinabi nang detalyado.Umaasa siyang nangangahulugan iyon na ang kanyang ama ay buhay pa rin at maaaring makakuha si Susan ng ilang impormasyon mula rito.Namumutla ang mukha ni Susan, puno ng luha, ganap na hindi ito matanggap.Pagkaraan ng ilang sandali, buong kumpiyansa niyang sinabi, “I
Natigilan si Alex pero mabilis siyang nakabalik sa ulirat.Sa kasong iyon, hindi haka-haka yung mga sinabi ni Frank dati. Alam nitong pumunta ang ama ni Alex sa puntod ng tiyuhin ni Nostradamus... Minsan nitong sinabi na nakuha ni William ang Banal na Aklat, at ang libingan na iyon ay maaaring may kaugnayan dito.Ang paglaho ng kanyang ama ay maaaring may kaugnayan din sa puntod.Kung gusto niyang malaman kung patay na ba o buhay pa ang kanyang ama, ang tanging bakas na meron siya ngayon ay ang sinaunang puntod.Tumango siya at sinabing, “Naiintindihan ko na. Sa madaling salita, maaaring may nakitang impormasyon ang kapatid ko sa libingan ni Caesar, at pagkaraan ng ilang buwan, naglaho siya! Kung may nagplano man sa aksidente o hindi, aalamin ko. Iimbestigahan ko ang libingan.”“Hindi, huwag kang pumunta!” Agad siyang pinigilan ni Susan. Umiling siya at sinabing, “Hindi ka pwedeng pumunta roon, napakadelikadong lugar nun. Mismong kapatid mo ay nasaktan. Mamamatay ka kung pumunta ka.”U
Kaya naman, naghanap na lang na madadaanan si Alex para lakarin.Wala namang problema roon.Habang naglalakad ay bigla niyang narinig ang sigaw ng isang babae.Lumingon siya at nakita niya ang isang babaeng nakaluhod sa kalsada, nakayuko ang ulo at natatakpan ng mahabang buhok ang mukha. Nakasuot ito ng plaid dress na may balingkinitan at hubog na mga binti na nakasukbit sa ilalim ng palda nito. Base sa proporsyon nito, hindi siya ganoon kaliit.Lumalabas na ang mataas na takong nito ay naipit sa siwang ng takip ng manhole.Maganda ang mood ni Alex para magpakabait, kaya lumapit siya at nagtanong, “Kailangan mo ba ng tulong?”Hindi iniangat ng babae ang kanyang ulo, abala sa pagtakip sa kanyang bukung-bukong gamit ang kanyang kamay. Para siyang umiiyak habang sinasabi niya, “Na-stuck yung takong ko, pwede mo ba akong tulungan?”“Oo naman. Parang baluktot yung paa mo kaya tanggalin mo muna ang sapatos mo.”“Oh sige, masakit.”Sumulyap ang babae kay Alex, pero nakaluhod na si Alex at ibi
Nakasabit sa mataas na mga sanga ng puno ang sapatos, hindi bababa sa pito o walong metro sa ibabaw ng lupa.Paano iyon makukuha ninoman?Galit na galit ang babaeng doktor. Wala pa siyang nakikilalang lalaking ganito kasahol sa buong buhay niya. Higit sa lahat, na-sprain pa ang kanyang bukung-bukong. Ngayon na ang isa sa kanyang mga sapatos ay nasa puno, at hindi niya ito makukuha, paano siya maglalakad pauwi?“G*go. Sana—Ano? Saan siya pumunta?” Sisigaw na naman ang babaeng doktor. Gayunpaman, napagtanto niya na si Alex Rockefeller, na nauna lang sa kanya sa paglalakad ngayon lang, ay biglang naglaho.Mahabang diretso yung daanan, walang ibang sangang-daan sa kalsada.Paano siya nawala?Nagsitayuan ang buhok ng babaeng doktor. Sa sandaling iyon, may tumatawag sa phone. Talagang ipinakita sa screen ng phone ang pangalan ni Cheryl Coney.“Phoebe, gusto mo bang dumalo sa Triangle River Delta Medical Exchange sa susunod na linggo? Kung gusto mo, isusulat na kita rito,” sabi ni Cheryl.“Oo
Kasabay nito, inilahad ni Zendaya Stoermer ang natatanging patalastas para sa Lush Cosmetics sa kanyang opisyal na Twitter account. Inanunsyo din niya na opisyal na ilulunsad ang produktong pangtanggal ng peklat ng Lush Cosmetics sa susunod na linggo, at ang epekto ng Lush Scar Removal Cream ay mas mahusay kaysa sa lahat ng katulad na produkto nito sa mundo. Peklat man mula sa pagpapaopera, pagkabata, o pagkabuntis, maglalaho ang mga ito nang hindi nag-iiwan ng bakas sa loob ng dalawang linggo.Nang lumabas ang balitang ito, nagwala ang mga tao sa internet.Kapag nag-aanunsyo ng pampaganda, sinong ambassador ang maglalakas-loob na gumawa ng ganoong tahasan at konklusibong pahayag? Sa madaling salita, hindi lamang iyon paghuhukay ng sariling libingan, ngunit mag-aakit din iyon ng pagkamuhi para sa naturang produkto.Kapag binili at ginamit ng mga mamimili ang produkto, at napagtanto na ang produkto ay hindi kasing epektibo gaya ng inaasahan, nakakahiya iyon.Ganoon ba talaga ka-epektibo
Masasabing labis na nalulumbay na ang mood ngayon ni Claire Assex.May lumang kasabihan na ang sinuman ay dapat palaging magdusa para sa sariling mga pagkakamali.Bilang babaeng nahuhumaling sa pera, kamakailan lamang ay nagtagumpay si Claire na itaboy ang kanyang manugang. Pagkatapos noon, napagtanto niyang yumaman na pala ito, kumikita ng higit at mas maraming pera, at ang gayong kaakit-akit na halaga ng pera ay hindi na pala mapupunta sa kanya.Ngunit lahat ng pera na iyon ay dapat na pag-aari niya!Napapaisip siya kung magigising ba siya na tumatawa mula sa kanyang mga panaginip kung meron siyang napakaraming pera.Pero…“Dorothy, nag-uusap ba… kayo ni Alex kamakailan?” tanong ni Claire.“Hiwalay na kami. Bakit pa kami mag-uusap?” Nagtaas ng kilay si Dorothy at sumulyap sa ina habang nagsasalita.“Oh, ano lang kasi... nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi ka na bata, at nakipaghiwalay ka. Ang ibig kong sabihin, kung palagi mo siyang iniisip, puwede mo naman siya puntahan. Hindi na ako
“Nakita ninyo na ba ang pinakabagong opisyal na balita ng Lush Cosmetics? Inaangkin nila na mabubura ang mga puting spot na naiwan pagkatapos gumamit ng ibang tatak ng acne cream. Sino sa tingin ninyo ang tinutukoy nila? Tayo!“Sa buong merkado, ang acne cream lang natin ang makakapagtanggal ng mga acne spot, ngunit nag-iiwan pa rin ito ng maliliit at puting batik. Pero hindi lamang ganap na mabubura ng produkto ng Lush Cosmetics ang mga acne spot, mareresolba din nito ang ating problema. Kaya sino pang gugustuhing bumili ng mga produkto natin?“Isa na ‘tong giyera!” Ang mga salita ni Carol Rockefeller ay nagparamdam sa lahat na para silang nahaharap sa isang digmaan nang walang anumang pulbura.“Anak, may laban ka ba para dito? Tunay na bumabagsak ang negosyo ng pamilyang Rockefeller nitong mga nakaraang panahon. Ang pinakamasaklap, hindi nagkakaisa ang mga shareholder. Naghahanda ang lahat na umatras. Nag-aalala akong ililipat nila ang mga shares na pagmamay-ari nila sa isang partiku
Si Noah Rockefeller ang orihinal na pansamantalang CEO. Dahil anak niya si Carol Rockefeller, hindi problema na ibigay sa anak niya ang posisyon ng CEO.Gayunpaman, walang-wala na si Olivia Banks ngayon. Ang natitira na lang sa kanya ay ang kapangyarihan ng titulo sa Rockefeller Group na naiwan ng kanyang asawa. Ito ay dahil meron pa rin silang 30% ng mga share ng Rockefeller Group. Hinihintay pa rin ni Olivia na magkamalay si John Rockefeller para mabawi nito ang kapangyarihan sa pamilya.Sa mga araw na ito, napansin ni Olivia kung paano nagbago ang ugali ng mga tao sa paligid niya.Dati, ginagalang nila siya. Ngayon, inaapi nila siya sa lahat ng posibleng paraan.Kahit yung mga mula sa nakababatang henerasyon ay nangahas na harapin siya!“Carol, sino ka sa tingin mo? Ang bata-bata mo pa. Anong karapatan mo para maging CEO ng Rockefeller Group? Kung may ipapalit man sa posisyon, ako iyon. Si John ang pinakamalaking shareholder ng Rockefeller Group,” sabi ni Olivia habang nakadilat ang
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l