Whoosh!Ang mataas na takong na sinipa mula sa paa ni Phoebe ay lumipad nang mataas bago tuluyang bumagsak sa steak ng iba na kakahain pa lang.Tumalsik mula sa plato ang Australian steak, pumapalit ang sapatos sa pwesto nito, dahilan para sumirit ito nang malakas sa mainit na plato.Isang inihaw na leather na sapatos, tostado.Sa kabutihang palad, kahahain pa lang nung steak, at naiwasan ng customer na matalsikan ng mainit na mantika. Kung hindi, tiyak na mapapaso sila nito.Gayunpaman, nadungisan pa rin ang damit ng babae.Galit na galit, sumigaw siya, “Sino iyon?! Kaninong sapatos yung nahulog sa steak ko? Bilisan at umamin ka na! Wala ka bang magandang-asal?!”Natigilan ang lahat ng naroroon!Agad na sumugod ang staff ng steakhouse at tumingin sa paligid, at nalaman na ang nakatayo lang ay si Alex.Gayunpaman…Malinaw na pag-aari ng isang babae ang sapatos na tumilapon.Natigilan din si Cheryl, at hindi niya alam ang gagawin.Para naman kay Phoebe, nakahawak siya sa kanyang mga paa
Isang saloobin lang ang natitira sa kanyang isipan, ‘Pangalawang beses na ‘to! Panagalawang beses na hinagis ng g*gong ‘to yung sapatos ko! Nakakainis siya!’Paniguradong hindi na muli puwedeng suotin ang sapatos.Bahagyang nakaramdam ng pagkailang si Cheryl at sinubukang pakalmahin ang dalawa.Nang makita ang namumula at namamagang bukung-bukong ni Phoebe, maliwanag na malakas ang pagkakasipa sa kanya ni Alex. Dahil alam niyang may kakaibang paraan ng pagpapagaling si Alex para sa mga pinsalang tulad nito, sinabi niya, “Alex, medyo masakit ang binti ni Phoebe. Makakaapekto ito sa kanyang pakikilahok sa Triangle River Delta Medical Exchange Conference sa susunod na araw kinabukasan.”“Anong conference iyon?”“Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit kita inimbitahang kumain ngayong gabi.”Inilibot ni Phoebe ang kanyang mga mata, iniisip kung gaano sila kasaya nag-uusap tungkol sa lahat kanina at hindi siya pinapansin, ngunit wala pa silang nababanggit ni isang bagay tungkol sa pinakamah
Natigilan siya.Nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan niya.“Colby Withers, anong kalokohan iyang pinagsasabi mo? Hindi ba si Cheryl yung gusto mo? Alam ng lahat mula noong kolehiyo kung paano mo siya hinahabol sa loob ng limang taon at kung paano mo siya nagustuhan sa mga taong iyon. Dapat sa kanya mo ipagtapat yung pagmamahal. Bakit ka sa’kin umaamin?”Natigilan din si Cheryl.Hindi ito katulad ng naisip niya.Pero napakabilis niyang nabuhayan ng loob sa pagkamalas ng kanyang kaibigan at sinabi habang nginingitian si Phoebe, “Ikaw na mismo nagsabi ngayon lang, na kung ikaw ay ako, papayag ka. Bilisan mo at sagutin mo na siya!”Sumingit din si Alex, “Tama, kanina lang ipinagmamalaki mo siya, pinupuri siya hanggang langit at kung paanong wala nang mas hihigit sa kanya sa lupa, at siya ay isang daang beses na mas mahusay kaysa sa akin. Napakagandang pagkakataon para sa isang relasyon iyan... hindi mo dapat sayangin, baka tamaan ka ng kidlat kapag binalewala mo!”“Ikaw… ahh…” gal
Tumingin si Colby kay Alex at nakaramdam ng higit na pasasalamat sa kanya kaysa kanina. “Bro, salamat, salamat!” bumulwak siya.Napangiti si Alex. “Huwag kang mag-alala, wala iyon. Nais kong magkaroon kayo ng agarang kasal ni Miss Larsen, at nawa’y magkaanak kayo agad. Sulatan ninyo ako ng tseke sa unang buwan ng bata, ha!”“Siyempre, sigurado. Pangako ko,” nagmamadaling sabi ni Colby. Nang makitang babayaran na ni Alex ang mga pagkain, mabilis niyang sinabing siya na ang bahala.Pagkatapos, hinila ni Alex si Cheryl palabas ng pinto at umalis.“Cheryl? Cheryl, huwag kang umalis!” Sumigaw si Phoebe, ngunit napilayan ang paa niya dahil sa sipa ni Alex, at wala siyang sapatos. Kahit na sinadya ni Colby na harangin ang kanyang dinadaanan o hindi, hindi siya makakalakad kahit na gusto niya.***Pagkatapos nilang lumabas ng steakhouse, hindi talaga umalis si Alex ngunit sa halip ay tumayo sa labas.Alam na alam niya ang ugali ng ilang lalaki, at kahit na nainis siya kay Phoebe, maaaring may
Hindi inaasahan ni Alex na makakasalubong niya si Claire dito.Ang inaalala niya ay kung uuwi ba ito o hindi at sasabihin kay Dorothy ang tungkol dito.Si Cheryl naman, nagningning ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Claire.‘Hiwalay na sina Alex at Dorothy?’Hindi niya alam ang tungkol dito noon, at nang marinig niya ito, lihim siyang natuwa sa loob. Hindi sila magkasundo ni Dorothy, pagkatapos ng lahat, at pakiramdam niya na ang babaeng tulad ni Dorothy ay hindi karapat-dapat kay Alex. Ang lahat ng pamilyang Assex ay hindi kailanman tinatrato si Alex bilang isang tao, lalo na si Claire, na ngayon ay nakatayo sa harap nila. Ang pinakasariwang alaala niya kay Claire ay kung paano nito ipinagpatuloy ang pagpapahiya kay Alex sa lahat ng posibleng paraan.Kaya, agad niyang sinabi, “Napakarami mong libreng oras mo para mangialam sa iba! Sa tingin mo, magagawa mo na ba ang lahat ng gusto mo ngayon? Noong manugang mo siya noon, alipin ang trato mo sa kanya. Ngayon, hindi mo na siya
Umiyak si Phoebe at sinabing, “Hindi si Colby Withers. Ikaw at yung g*gong iyon na nagngangalang Alex.”“Huwag ka nang umiyak, Phoebe. Ano bang nangyari?”“Muntik... muntik na akong madukot. Cheryl Coney, kaibigan pa ba kita? Alam mong pinilayan ng lokong lalaking iyan yung binti ko, at isa lang yung sapatos ko, pero iniwan mo pa rin ako sa mga kamay ni Colby. Paano kung may gawin siya sa akin?!”“Pasensya na, pasensya na. Babalik na ako.”Bumalik sina Alex at Cheryl, at siyempre, wala na si Phoebe sa steakhouse.Sa wakas, natagpuan nila siya sa isang tulay.Nakaupo siya sa tulay na may asul na guhit na mga hagdang bato, wala na ang parehong sapatos sa kanyang mga paa. May nakabalot sa kaliwang binti niya, at nang tingnan ito nang malapitan, isa itong sanitary napkin.At dumudugo pa rin ito hanggang ngayon.May mga bakas din ng luha sa kanyang magandang mukha.Nang matanaw ni Phoebe sina Cheryl at Alex, likas niyang iniwas ang kanyang mukha, pinapakitang galit pa rin siya.Agad na lumu
“Baby, ikaw ang pinakamagandang babae at pinaka-sentimental na nakapiling ko. Naramdaman ko ang sarap ng first love. Magaling, magaling.”Tumawa ng malakas si Doctor Quinn, niyakap si Carol, gumagala ang mga kamay nito sa buong katawan ni Carol. Sa wakas, ibinuka niya ang kanyang bibig, na puno ng mabahong hininga, at sumandal upang isara ang puwang.Gusto agad itong iwasan ni Carol.Kasabay nito ang kagustuhang sumuka.Gayunpaman, upang manatiling mabuhay at makapaghiganti, tiniis niya ang higit pang kasuklam-suklam na mga bagay bago nito, at kaya na niyang tiisin ang anumang bagay ngayon. Kaya naman, masigasig siyang tumugon at nagkusa na ikinawit ang kanyang braso sa leeg ng matanda.Nang matapos ito, nagsimula siyang umiyak. “Asawa ko, hindi ko akalaing bago ako mamatay, makikilala ko ang isang mabuting lalaking tulad mo. Maaari na akong payapang mamatay nang ganito.”Tinitigan siya ni Doctor Quinn. “Anong ibig mong sabihin mamatay? Sa piling ko, ni hindi mo maiisip ang salitang ka
Ipinatong ni Doctor Quinn ang kanyang kamay kay Carol, lumilitaw ang masamang ngiti sa kanyang mukha. “Seamus Owen, mukhang hindi mo pa rin alam ang sitwasyon mo. Ganap nang winasak ang gitnang energy core mo bago nito, at ang Demon Arts mo ay matagal nang nasira. Akala mo ba mapapagaling kita? Mula sa sandaling nabasag ang iyong energy core, wala ka nang silbi. Sa tingin mo ba ay darating ang iyong master at papatayin ako alang-alang sa walang kwentang taong tulad mo?”“Anong sinabi mo? Pero, hindi ba pinagaling mo ang energy core ni Loui dati?”“Noon iyon, iba ngayon! Nakatanggap lamang ng ilang mga pinsala ang energy core ni Loui sa mga meridian, at hindi iyon nawasak, hindi katulad ng sa’yo. Ganap na nabasag yung sa’yo, kaya walang paraan upang iligtas ka.“Argh—”Sa kasalukuyan, gumulong-gulong si Seamus sa sahig dahil sa matinding sakit, dugo ang kumakalat sa buong espasyo.Gayunpaman, ang kawalan ng pag-asa na naramdaman niya ay higit pa sa dugo sa sahig.Nang malapit nang wakas