Hindi inaasahan ni Alex na makakasalubong niya si Claire dito.Ang inaalala niya ay kung uuwi ba ito o hindi at sasabihin kay Dorothy ang tungkol dito.Si Cheryl naman, nagningning ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ni Claire.‘Hiwalay na sina Alex at Dorothy?’Hindi niya alam ang tungkol dito noon, at nang marinig niya ito, lihim siyang natuwa sa loob. Hindi sila magkasundo ni Dorothy, pagkatapos ng lahat, at pakiramdam niya na ang babaeng tulad ni Dorothy ay hindi karapat-dapat kay Alex. Ang lahat ng pamilyang Assex ay hindi kailanman tinatrato si Alex bilang isang tao, lalo na si Claire, na ngayon ay nakatayo sa harap nila. Ang pinakasariwang alaala niya kay Claire ay kung paano nito ipinagpatuloy ang pagpapahiya kay Alex sa lahat ng posibleng paraan.Kaya, agad niyang sinabi, “Napakarami mong libreng oras mo para mangialam sa iba! Sa tingin mo, magagawa mo na ba ang lahat ng gusto mo ngayon? Noong manugang mo siya noon, alipin ang trato mo sa kanya. Ngayon, hindi mo na siya
Umiyak si Phoebe at sinabing, “Hindi si Colby Withers. Ikaw at yung g*gong iyon na nagngangalang Alex.”“Huwag ka nang umiyak, Phoebe. Ano bang nangyari?”“Muntik... muntik na akong madukot. Cheryl Coney, kaibigan pa ba kita? Alam mong pinilayan ng lokong lalaking iyan yung binti ko, at isa lang yung sapatos ko, pero iniwan mo pa rin ako sa mga kamay ni Colby. Paano kung may gawin siya sa akin?!”“Pasensya na, pasensya na. Babalik na ako.”Bumalik sina Alex at Cheryl, at siyempre, wala na si Phoebe sa steakhouse.Sa wakas, natagpuan nila siya sa isang tulay.Nakaupo siya sa tulay na may asul na guhit na mga hagdang bato, wala na ang parehong sapatos sa kanyang mga paa. May nakabalot sa kaliwang binti niya, at nang tingnan ito nang malapitan, isa itong sanitary napkin.At dumudugo pa rin ito hanggang ngayon.May mga bakas din ng luha sa kanyang magandang mukha.Nang matanaw ni Phoebe sina Cheryl at Alex, likas niyang iniwas ang kanyang mukha, pinapakitang galit pa rin siya.Agad na lumu
“Baby, ikaw ang pinakamagandang babae at pinaka-sentimental na nakapiling ko. Naramdaman ko ang sarap ng first love. Magaling, magaling.”Tumawa ng malakas si Doctor Quinn, niyakap si Carol, gumagala ang mga kamay nito sa buong katawan ni Carol. Sa wakas, ibinuka niya ang kanyang bibig, na puno ng mabahong hininga, at sumandal upang isara ang puwang.Gusto agad itong iwasan ni Carol.Kasabay nito ang kagustuhang sumuka.Gayunpaman, upang manatiling mabuhay at makapaghiganti, tiniis niya ang higit pang kasuklam-suklam na mga bagay bago nito, at kaya na niyang tiisin ang anumang bagay ngayon. Kaya naman, masigasig siyang tumugon at nagkusa na ikinawit ang kanyang braso sa leeg ng matanda.Nang matapos ito, nagsimula siyang umiyak. “Asawa ko, hindi ko akalaing bago ako mamatay, makikilala ko ang isang mabuting lalaking tulad mo. Maaari na akong payapang mamatay nang ganito.”Tinitigan siya ni Doctor Quinn. “Anong ibig mong sabihin mamatay? Sa piling ko, ni hindi mo maiisip ang salitang ka
Ipinatong ni Doctor Quinn ang kanyang kamay kay Carol, lumilitaw ang masamang ngiti sa kanyang mukha. “Seamus Owen, mukhang hindi mo pa rin alam ang sitwasyon mo. Ganap nang winasak ang gitnang energy core mo bago nito, at ang Demon Arts mo ay matagal nang nasira. Akala mo ba mapapagaling kita? Mula sa sandaling nabasag ang iyong energy core, wala ka nang silbi. Sa tingin mo ba ay darating ang iyong master at papatayin ako alang-alang sa walang kwentang taong tulad mo?”“Anong sinabi mo? Pero, hindi ba pinagaling mo ang energy core ni Loui dati?”“Noon iyon, iba ngayon! Nakatanggap lamang ng ilang mga pinsala ang energy core ni Loui sa mga meridian, at hindi iyon nawasak, hindi katulad ng sa’yo. Ganap na nabasag yung sa’yo, kaya walang paraan upang iligtas ka.“Argh—”Sa kasalukuyan, gumulong-gulong si Seamus sa sahig dahil sa matinding sakit, dugo ang kumakalat sa buong espasyo.Gayunpaman, ang kawalan ng pag-asa na naramdaman niya ay higit pa sa dugo sa sahig.Nang malapit nang wakas
“Anong sinabi mo? Maging katulong mo, at tawagin kang ‘master’?!”Nang marinig ni Phoebe ang mga salita ni Alex, inis na inis siya na halos bumaluktot na ang kanyang ilong. “Saan ka ba nakakuha ng ganyang kumpiyansa sa sarili? Hindi mo ba alam kung sino ako? Kung maglalakas-loob akong tawagin kang ganoon, maglalakas-loob ka bang tugunan iyon?”Tulala rin si Cheryl.Hindi naaangkop ang ganitong klaseng biruan!Sabihan ba naman ang anak ng isang mahistrado sa Michigan na tawagin kang ‘master?’ Kapag narinig iyon ng kanyang ama, magiging malaking kaso ang maliit na biro na ito.Pero walang pakialam si Alex. “Bakit naman hindi? Kahit tawagin mo pa akong ‘daddy’, maglalakas-loob pa rin akong sumagot.”“Ano? Gusto mong tawagin kitang... Daddy?”“Naku, napakamasunurin ng anak ko!” Tumawa si Alex.Naramdaman ni Phoebe na umabot sa rurok ang kanyang galit at sumabog.Gayunpaman, sugatan ang kanyang paa. Pagkatayo niya sa sofa, nasagi niya ang sugat niya at napaupo kaagad. Pagkatapos, sinabi niy
Pinunit ni Alex ang gauze sa paa ni Phoebe. “Sige.”Bahagya niyang ipinikit ang kanyang mga mata.Kanina, hindi niya napapansin. Ngayon na malinaw na niyang nakikita sa ilalim ng liwanag, nalaman niyang malambot at maputi pala ang mga binti ni Phoebe. Malamang naka-wax ito, dahil makinis at malinaw ang mga ito. Napakaganda rin ng hugis ng binti nito, at ang pangunahing bagay dito ay ang napakagandang mala-jade na paa nito. Maging ang mga arko ay maganda, bahagyang nakataas ang mga daliri sa paa, na nagpapakita ng perpektong hugis na letrang S.May kulay lila na kyutiks sa mga daliri nito sa paa.Bawat daliri ay payat at bilog, na may iba’t-ibang haba; bawat isa sa mga ito ay namumuong kagandahan sa kanilang sarili.Para itong obra.Bahagyang natigilan si Alex. Ilang paa na ng mga dalaga ang minasahe niya, kasama na si Dorothy doon. Pagdating sa antas ng kagandahan, yung kay Phoebe ang nangunguna. Maliit ito at cute at may bahid ng kaseksihan.Nakakalungkot na hindi siya modelo ng paa!
“May babaeng nagpumilit pumasok? Sino?”Natigilan si Alex, hindi mahulaan kung sino iyon.Maaari kayang mula iyon sa pamilyang Coleman ng Missouri? Nalaman kaya nila na sina Suzaku at Seiryuu ay nagtratrabaho bilang mga tagalinis sa Hell’s Angels at nagsagawa ng rescue?Maaari kayang sila yung dalawa pang babae mula sa Four Great Princesses?Sobrang hinihingal si Azure, at paputol-putol siya minsan habang nagsasalita. “Hindi ko alam, bata pa siya, pero... sobrang galing niya. Hindi namin siya mapapalagan. Sa tingin ko, mas mataas pa siya sa Earth expert.”“Ayos iyan ah? Sige, papunta na ako!”Ibinaba ni Alex ang tawag, hindi man lang naglalaan ng oras para maghugas ng kamay. Agad niyang sinabi kay Cheryl, “Cheryl, may kailangan akong asikasuhin pala. Kailangan ko ng umalis!”“Hah? May nangyari ba? Kailangan mo ba ng tulong?” sagot agad ni Cheryl. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil sa wakas magkakaroon na sana siya ng pagkakataong mapalapit kay Alex, pero matatapos na ang oras ng pag
Hindi niya mapigilang tumahol.Ang problema ay, ngayon, malinaw na ang kanyang isipan.“Hindi ba pinag-aaralan mong tumahol kanina?” tanong ni Cheryl.“Ano? Bakit ko pag-aaralan kung paano... Aw! Aw! Aw! Aw! Aw!”Sa wakas ay naniwala si Phoebe sa kanyang mga sinabi, at mukhang maiiyak na siya. “Paano ako naging ganito?”Sa sandaling sinabi niya iyon, muli siyang bumagsak sa lupa, inuusbong ang kanyang puwit sa hangin at iginigiling ang kanyang likhang-isip na buntot.“Ahh... aw, aw... Ayoko... Ayoko... Aw, aw…”Nag-aalala si Cheryl, pero gusto rin niyang tumawa. Mabilis niyang tinawagan si Alex.Gayunpaman, hindi nito sinagot ang phone.***Sa Hell’s Angels, binubugbog si Azure at isang grupo ng mga mandirigma mula sa Thousand Miles Conglomerate, at halos lahat ay may bali ang mga braso at binti at ngayon ay nasa sahig na.Nagmumula sa kung saan-saan ang mga daing at panaghoy.Isang dalaga na mukhang mga labinlima o labing-anim na taong gulang ay nakatayo sa mesa habang ang kanyang mga