Share

Kabanata 899

“May babaeng nagpumilit pumasok? Sino?”

Natigilan si Alex, hindi mahulaan kung sino iyon.

Maaari kayang mula iyon sa pamilyang Coleman ng Missouri? Nalaman kaya nila na sina Suzaku at Seiryuu ay nagtratrabaho bilang mga tagalinis sa Hell’s Angels at nagsagawa ng rescue?

Maaari kayang sila yung dalawa pang babae mula sa Four Great Princesses?

Sobrang hinihingal si Azure, at paputol-putol siya minsan habang nagsasalita. “Hindi ko alam, bata pa siya, pero... sobrang galing niya. Hindi namin siya mapapalagan. Sa tingin ko, mas mataas pa siya sa Earth expert.”

“Ayos iyan ah? Sige, papunta na ako!”

Ibinaba ni Alex ang tawag, hindi man lang naglalaan ng oras para maghugas ng kamay. Agad niyang sinabi kay Cheryl, “Cheryl, may kailangan akong asikasuhin pala. Kailangan ko ng umalis!”

“Hah? May nangyari ba? Kailangan mo ba ng tulong?” sagot agad ni Cheryl. Nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil sa wakas magkakaroon na sana siya ng pagkakataong mapalapit kay Alex, pero matatapos na ang oras ng pag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status