Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1781 - Kabanata 1790

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1781 - Kabanata 1790

2346 Kabanata

Kabanata 1781

Pakiramdam ni Catherine ay sasabog na ang ulo niya.Palihim siyang tumingin kay Shaun. Nagpanggap si Shaun na hindi niya ito nakita at naghalukipkip. “Hindi ako personal na umaatake. Kapag trinato ka ni Cathy bilang kapatid, kung gayon ay brother-in-law kita.”Nagulat si Matthew. Kung iisipin niya ang relasyon sa pagitan nina Shaun at Catherine, mukhang ito nga talaga ang kaso.Hindi niya alam kung naghiwalay ulit sina Shaun at Catherine kamakailan lang.“Sino ang brother-in-law mo?” Nagulat si Catherine sa kawalang hiyaan ni Shaun. “Huwag mo kalimutan na nakipaghiwalay na ako sa iyo.”“Nagdesisyon ka mag-isa.” May malungkot na ekspresyon si Shaun. “Cathy, sumosobra na ang mga sinasabi mo. Para sagipin ang kapatid mo, sinakripisyo ko ang sarili ko na lapitan si Hannah para lang ibaba ni Wesley ang depensa niya. Hindi mo nga alam kung gaano ako pinahiya ng pamilyang Mead. Iniisip mo lang na umiwas sa akin. Nakalimutan mo-”“Tama na. Manahimik ka.”Tinakpan ni Catherine ang bibig
Magbasa pa

Kabanata 1782

Biglang nagsalita si Catherine.Natulala si Matthew. Binuksan niya ang bibig niya, at pagkatapos ng ilang saglit, malungkot niyang sinabi, “Pagkatapos niya malaman na ikaw ang tunay niyang anak, nagsisi siya at nakonsensya. Nakita niya si Lucas kahapon at gusto niya ito kilalanin. Gayon pa man, alam niya na kinamumuhian mo siya, kaya hindi siya naglakas loob na magsalita.”“Matthew, hindi ko magagawang kalimutan ang lahat dahil lang naimpluwensyahan siya ng droga. Ayos lang kung tinawag niya lang ako na p*ta sa kainan. Nawala lang ang lahat ng inaasahan ko sa isang nanay. Ang hindi ko mapapatawad ay noong hinayaan niya si Rebecca na saktan si Suzie. Simula sa puntong iyon, alam ko na hindi ko na siya kikilalanin pa bilang nanay ko.”Bang.Ang tunog ng nalaglag na isang bagay ay nagmula sa likuran.Nagulat si Catherine. Pagkatapos niya maramdaman ang kakaibang katahimikan sa ward, tumalikod siya at nakita niyang nakatayo sina Sheryl at Titus sa may pinto. May bag ng mga gamot sa sa
Magbasa pa

Kabanata 1783

Medyo matagal bago kumalma ang emosyon niya. Paos na sinabi ni Sheryl, “Tama ka. Hindi ko maaaring itulak palayo ang responsibilidad dahil lang ako ay drinoga. Ang mga bagay na ginawa ko ay talagang masama. Gayon pa man, noong pumayag ako na dakipin ni Rebecca si Suzie, ipinaalala ko sa kanya na huwag niya sasaktan si Suzie at magpanggap lang para takutin ka. Hindi ko inisip na…”May nagsisising ekspresyon si Sheryl. Sa totoo lang, sobrang tanga niya noong oras na iyon.Sa kabutihang palad, sinagip ni Titus si Suzie. Kung hindi, hindi niya kaya pagbayaran ang mga sala niya kahit mamatay siya.Kumibot ang kilay ni Catherine, ngunit saglit lang iyon. Naging walang interes ulit ang ekspresyon niya. “Ano naman? Mabubura ba ang trauma sa puso ni Suzie? Alam mo ba noong unang beses kitang nakita sa restaurant, nahulaan ko kaagad na ikaw ang nanay ko? Gayon pa man, hindi mo ako nakilala. Ang kawalan ng pag-asa na naramdaman ko ay kasing laki ng inaasahan ko para sa isang nanay.”“Humihing
Magbasa pa

Kabanata 1784

”Gumastos siya ng pera para mabili ang Hill Corporation. Bakit ko kukunin iyon? Hindi pa nga kita napapakasalan eh.” Tumingin si Shaun sa namumulang mata ni Catherine.“...”Walang masabi si Catherine. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Ang ibig niya bang sabihin ay kukunin niya ulit ang Hill Corporation kung kasal sila?Gayon pa man, galit din si Catherine. “Bakit hindi mo kinuha? Ang Hill Corporation ang bunga ng paghihirap mo. Ito ang pagsisikap din ng pamilyang Hill.”Alam niya kung gaano nagsikap si Shaun sa Hill Corporation.Lahat ng ambisyon, pananaw, at pangarap niya ay nasa Hill Corporation.“Cathy, binenta ng aunt at uncle ko ang mga share nila sa legal na paraan. Pati na rin ang ibang shareholder ng kompanya. Kung kukunin ko ulit ang Hill Corporation, hindi pa at katumbas na rin ito ng pagbibigay ni Sheryl sa akin ng daan-daang bilyong US na dolyar para sa wala. Kahit papaano, hindi ko siya nanay. Gayon pa man, mag-iiba na ang mga bagay kung son-in-law na niya ako.”Ng
Magbasa pa

Kabanata 1785

Nanatiling tahimik si Catherine ng ilang saglit. Bigla niyang tinignan si Sheryl. “Maaari ba kita tanungin? May sunog na naganap noong nagpunta ang dad ko para sa isang inspeksyon. Ikaw ba ang nag-ayos noon?”Nanlaki ang mata ni Sheryl sa gulat. “Kailan ito nangyari?”Inobserbahan maigi ni Catherine ang ekspresyon ni Sheryl. Humanap siya ng kahit anong bakas ng pagsisinungaling nito.“Cathy, hindi ang mom mo ang gumawa noon.” Pinutol siya ni TItus, “Si Wesley iyon.”“Paano mo nalaman?” Tinaas ni Catherine ang kilay niya.“Dahil nasa akin si Wesley ngayon. Tinatanong ko siya para malaman ang lahat ng masamang bagay na ginawa niya.” May nakakakilabot na bakas ang mata ni Titus. “Hindi pa ako nakakaranas ng ganoon kalaking pagkatalo sa kamay ng ibang tao. Masyado magaan na parusa sa kanya ang kamatayan.”Galit na sinabi ni Matthew, “Dad, hindi mo siya maaari hayaan magpakamatay. Iwan mo siya na halos buhay pa. Hindi ko pa naibabalik ang kahihiyan na pinagdaanan ko.”“Huwag ka mag-a
Magbasa pa

Kabanata 1786

Patuloy lang ang pagtingin ni Catherine sa labas ng bintana na para bang wala itong narinig.Marahan siyang tiningnan ni Shaun. Tinanong nito si Titus, "Okay lang ba ito sa’yo?""Wala akong magagawa. Walang lalaking hindi makapapansin. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, ngunit napagtanto ko na pinapahirapan ko lang ang sarili ko kapag hindi ko siya nakikita. Ano ang punto? Kung siya ay may anak, eh ‘di hayaan natin. May mga naging girlfriend din naman na ako bago pa naging kami. Hindi na rin ako virgin no’n. Ang importante na lamang ay magkasama kami.”Naging malumanay ang mga kilay ng lalaki habang pinag-uusapan nila ang nakaraan. "Gayunpaman, naroon pa rin ang pagsisisi. Mas maganda kung nakilala ko na lang siya nang mas maaga. Pareho sana naming nasaksigan ang pinakamagagandang panahon naming dalawa."Na-touch si Shaun sa sinabi ng lalaki.Ngumiti si Titus at sinabing, “Siya nga pala, bihira kaming mag-away ni Sheryl. Nito lamang nakarating kami sa Australia noong muntika
Magbasa pa

Kabanata 1787

"Kung hindi mo rin pala kakayanin ang ganitong klaseng kundisyon, naisip mo na ba ang mararamdaman ni Matthew noong kinulong mo siya noon?" Walang kahit katiting na awa sa mga mata ni Catherine. "Ikaw ang nagdala ng lahat ng ito sa iyong sarili."“Lintik ka.” Nang makitang tumanggi itong tulungan siya, napamura si Wesley, "Hindi ko dapat hinarangan ang kutsilyo para sa iyo noong nakaraan. Dapat hinayaan na lang kitang mamatay."“Manahimik ka.” Sinipa ni Shaun si Wesley papunta sa lupa.Napabuntong-hininga si Catherine. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumama. Hindi kailanman aaminin ni Wesley ang kanyang pagkakamali. “Wesley, pumunta ako dito ngayon para linawin ang isang bagay. Noong araw na nahulog si Shaun mula sa hagdan at nawala ang kanyang mga alaala, may ginagawa ba si Sarah? Gusto kong malaman kung saan nagpunta si Sarah.“Tsaka si Sarah ba ang nagbigay ng gamot na binigay kay Sheryl? Kailan ba kayo nagsimulang magkasabwat?""Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."
Magbasa pa

Kabanata 1788

Si Catherine, na nalantad ang mga iniisip, ay nakaramdam ng kakaibang galit dahil sa kahihiyan. “Nag-o-overthink ka lang. Gusto kong mahuli si Sarah dahil sinaktan niya ang kaibigan ko at ang pamilya niya.”"Hindi ako nag-o-overthink." Biglang hinawakan ni Shaun nang mahigpit ang kamay Catherine. "Cathy, gusto mong bawiin ko ang mga alaala ko, pero kung mabawi ko man ang mga iyon, mahal na mahal kita.""Huwag mong masyadong i-flatter ang iyong sarili." Natalo si Catherine sa makapal na mukha ng lalaki. "Kahit na gusto kong mabawi mo ang iyong mga alaala, hindi iyon dahil gusto kong makipagbalikan sa iyo, okay?"“I know, pero wala na tayo, ngunit may pakialam ka pa rin kung maibabalik ko ang mga alaala ko o hindi. Ibig sabihin nag-aalala ka pa rin sa akin." Napangiti si Shaun habang inilalantad ang hilera ng mapuputi niyang ngipin. “Ang tanging alaala na lang na natitira ko ngayon ay ang paulit-ulit mo akong sinamantala noong naliligo ako habang wala pa akong alam noon. Dapat managot
Magbasa pa

Kabanata 1789

"At saka, hindi ikaw ang inabandona. Sa sandaling imulat ko ang aking mga mata pagkatapos mawala ang aking mga alaala, nakita ko ikaw at ikaw lamang. Hindi ko mapigilang mapalapit sa iyo, at wala akong ibang gusto kundi samahan mo ako. Iyon ay dahil kahit nawala ang aking mga alaala, naaalala pa rin ng aking puso na mahal kita."Muling hinalikan ni Shaun si Catherine pagkatapos nitong magsalita.Napabunton- hininga lamang si Catherine sa pagkakataong iyon.Gulong-gulo ang puso niya.Kailangan niyang aminin na wala siyang gaanong pagtutol sa tuwing kaharap niya ang lalaki. Kung hindi, hindi na sana siya muling nakikipagbalikan dito.Habang lumilipad ang isip niya, sinamantala ni Shaun ang pagkakataon upang halikan siya nang malalim. Hinalikan niya ito hanggang sa malagutan si Catherine ng hininga.Tumigil sandali si Shaun nang maramdaman niyang huminto ang paghinga ng babae.Nang bumuti ang pakiramdam nito, hinalikan niya ito ulit nang malalim.Tanging ang paghinga ng isa't isa
Magbasa pa

Kabanata 1790

Umirap si Catherine. Pagkaraan ng ilang sandali, itinaas niya ang kanyang ulo at sinabi habang nakangiti, "Sandali lang tayong hindi nagkita, parang gumaling ka nang humalik, ha?"Natigilan si Shaun. Napangisi ito matapos niyang mapagtantuan ang sinasabi ni Catherine. “Nagseselos ka?”"Hindi," Pagtanggi ni Catherine. Nagpakita siya ng pagwawalang-bahala. "Ngunit medyo nahuhumaling ako sa kalinisan."Saglit siyang tinitigan ni Shaun. Matapos tumawa ay kinurot niya nang bahagya ang pisngi nito. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko pa nahalikan si Hannah dati.""Haha, sinong naloko mo?" Hindi makapaniwala si Catherine.“Cathy, clean freak din ako. Niyakap ko lang si Hannah saglit. Usually, siya pa ang nagsisimula. Gusto niya akong halikan noon, pero iniwasan ko siya. Sa tuwing lalapit ang mapupulang labi niya, naiinis ako. At most, mukha ko lang ang hinalikan niya. Minsan ay naging mas aktibo siya habang kumakain. Lumapit siya para umupo sa hita ko at hinawakan ako. Para maniwala siya na
Magbasa pa
PREV
1
...
177178179180181
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status