Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1801 - Kabanata 1810

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1801 - Kabanata 1810

2346 Kabanata

Kabanata 1801

"Kailan ka bumalik?" Itinaas ni Chester ang salamin sa tungki ng kanyang ilong. "Abala ang ibang mga babae sa paghahanap ng financial backers, ngunit mas magaling ka. Humanap ka na lang ng babae at nakipag-tandem ka pa sa inaanak ng punong ministro. Galing mo naman."“Salamat,” Mahinahong sagot ni Eliza.Parang hindi niya marinig ang sarkastikong tono ng lalaki.Humalakhak si Chester at biglang yumuko para bumulong sa kanyang tainga, “Welcome back, Eliza. Nagkataon lang na medyo nainis ako nitong mga nakaraang araw, kaya may gana akong makipaglaro sa iyo."Walang pakialam na sinulyapan ni Eliza ang lalaki. "Sa kasamaang palad, hindi ako interesado sa iyo."Pagkatapos ay lumayo siya.Tiningnan ni Chester ang kanyang anino sa ilalim ng ilaw ng kalye. Nakasuot ito ng malapad na trench coat na bahagyang nagtatago ng kanyang balot na balot na mga binti. Sa ibaba, suot niya ang isang pares ng puting canvas na sapatos na nagpapakita ng kanyang maselan na bukung-bukong. Ang kanyang mahab
Magbasa pa

Kabanata 1802

"Tamang-tama. Anong ginawa mo kay Freya?" Sinuntok ni Forrest si Rodney habang nagtatanong ito.Napaatras si Rodney ng ilang hakbang hanggang sa tumama siya sa threshold ng pinto. Natigilan ito. Bilang isang Young Master ng mga Snow, bihira siyang bugbugin nang ganon. Matapos maging prime minister ng kanyang tiyuhin, tinitingala siya kahit saan man siya magpunta.Sa kaibuturan niya, galit siya. Gayunpaman, nang harapin ang mga nag-aakusang mata ng mga Lynch, ang galit na iyon ay tila napigilang huwag ilabas."Iyan si... Forrest, kalma." Nagtaas ng kamay si Rodney at nagmamadaling tumingin kay Catherine, ang tanging kalmadong tao sa ward, para humingi ng tulong.Napatingin si Catherine sa washboard sa kanyang kamay at napabuntong-hininga habang lumalapit sa mga magulang ng kanyang kaibigan. "Uncle, Aunty, pakinggan muna natin siya.""Hayaan mo siyang magsalita."Malamig ang boses ni Mr. Lynch. “Rodney Snow, alam kong pambihira ang iyong katayuan, ngunit dapat mong malaman nang hus
Magbasa pa

Kabanata 1803

Pagkaraan ng mahabang pag-iisip, nagsalita si Mr. Lynch bilang haligi ng pamilya. "Pag-uusapan ulit natin ito pagkatapos ng kanyang confinement period ng isang buwan. Tignan natin kung paano ka kumilos.""Dad..." Kinagat ni Freya ang kanyang mga labi.Bagama't maganda ang pag-amin ni Rodney sa kanyang mga pagkakamali, nagulat siya sa pagbili nito ng mall. Ang makita siyang nakaluhod sa washboard ay labis na kasiya-siya, ngunit hindi pa rin niya makalimutan kung gaano siya nagdusa nang ginalit siya nito nang husto.Napabuntong-hininga si Mrs. Lynch. "Ano? Kung maghihiwalay kayo ngayon, maaari siyang mawalan ng pakialam sa kapakanan ng bata. Kailangan mong manatiling gising buong gabi para alagaan ang sanggol habang komportable siyang natutulog sa bahay. Payag ka ba?”Hindi nakaimik si Freya.Hindi, hindi siya papayag.“Knock knock…”Sunod-sunod na katok ang biglang tumunog mula sa pinto.Lumingon ang lahat at nakita lang si Shaun na nakatayo sa pintuan kasama ang kanyang mga pro
Magbasa pa

Kabanata 1804

"Natatakot ako na baka magutom ka, kaya binilhan kita ng pizza at calamari." Kinuha ni Shaun ang mga gamit sa back seat at inilagay sa mga kamay niya.Noong una ay hindi nakaramdam ng gutom si Catherine, ngunit nang maamoy niya ang halimuyak ng pagkain, nagutom tuloy siya.Napangiti siya sa ginawa ni Shaun.Kung iisipin, naramdaman tuloy niya na masyadong madaling masiyahan kung minsan ang mga babae."Ngunit... Natatakot akong ang pagkain nito sa kalagitnaan ng gabi ay makakaapekto sa aking pigura." Naka-pout ang kulay rosas na mga labi ni Catherine sabay hinimas nito ang kanyang tiyan.Yumuko si Shaun at hinalikan siya sa labi. "Kahit tumaba ka, magugustuhan pa rin kita."“Malay mo. Magaling lang kayong mga lalaki sa pagbibigay ng lip service.” Sarap na sarap si Catherine, ngunit mayabang pa rin niya itong inirapan."Kung may pakialam ako roon, hindi ko ito binili para sa iyo," Inosenteng sinabi ni Shaun. “Tsaka... dalawang anak ang isinilang mo para sa akin. Nakagawa ka ng nap
Magbasa pa

Kabanata 1805

Malambot ang kanyang kamay.Hindi naman masakit. Sa halip, parang spoiled na bata ang kilos ng babae.Nanuyo ang lalamunan ni Shaun nang hawakan niya ang pulso ni Catherine. "Magpakabait ka. Gabi na. Huwag mo akong akitin.”“...”Paano niya ito inakit?Tumingala si Catherine at sinalubong ang nagbabagang mga mata ng lalaki. Namula ang mukha nito kaya tinulak niya palayo ang lalaki. “Pervert.”Pagkatapos, hinila niya ang kubrekama at nahiga.Humiga din si Shaun sa tabi niya at inabot ang kubrekama upang iyakap ang mga kanyang mga braso sa baywang ng babae."Umalis ka. Doon ka matulog sa sofa." Tinulak siya ni Catherine palayo.Katatapos lang nilang magkabalikan, kaya parang sobrang lambing niya naman kung hahayaan niya itong matulog agad sa kanyang tabi sa unang araw ng kanilang pagkakabalikan. Kailangan niyang magpumilit kahit isang linggo man lang, kung hindi, bababa ang tingin ni Freya sa kanya."Hindi. Masyadong maikli ang sofa. Hindi ako makakatulog nang maayos…” Kumapit
Magbasa pa

Kabanata 1806

Hindi kailanman ay naisip ni Catherine na magkakaroon siya ng ganitong pangangailangan dati. Kaso sa tuwing nakahaharap niya si Shaun, tila madali siyang nag-iinit.“Shaun Hill, umalis ka…” Tinulak niya at tinanggihan ang lalaki.“Halikan mo ‘ko, Cathy. Sobrang bango mo. Sobrang gusto kita…”Ang namamaos na boses ni Shaun ay narinig sa mga tainga ng babae, nagdudulot na matulala siya.Alam niya na ang mga salita ng lalaki ay hindi mapagkakatiwalaan, ngunit ang boses nito ay laging mayroong magical power.Sa oras na napagtanto niyang nahulog siya sa isang patibong, huli na ang lahat.… 10:00 a.m. na nang ito’y muling natahimik.Sa oras na bumalik ang ulirat ni Catherine, halos mag-break down siya.Gusto niyang tumagal ng isang linggo.Isang araw pa lamang… at nawalan na siyang paninindigan na magtagal.Gusto niyang umiyak habang tinitignan ang lalaki sa tabi niya.“Nagsinungaling ka sakin. Kinamumuhian kita.” Sobrang nagalit siya na kinagat niya ang lalaki sa balikat.Hi
Magbasa pa

Kabanata 1807

"Imposible 'yan." Si Catherine ay biglang sumabog na parang isang barrel ng dinamita. Ang mukha niya ay namula.Paano niya nagawa ang ganitong kalokohan? Talagang hindi maaari 'to.Hindi siya ganun kagutom para rito. Bagaman dati ay unsatisfied siya dahil sa dating kondisyon ng lalaki…Gayunpaman, hindi posible na wala siyang kontrol sa sarili."Kung hindi ka naniniwala sakin, kaya kong mangako…"Itinaas ni Shaun ang kamay niya."Tama na." Pinutol ni Catherine ang pagsasalita ng lalaki at pinigilan ang kanyang galit. "Kahit pa hindi kita tinulak palayo, ito ay dahil tulog ako. Talagang hindi ko alam ang mga kilos ko. Nang magising ako, sinabihan kita na umalis, pero tumanggi ka pa rin."Tinikom ni Shaun ang kanyang maselang mga labi at malalim na tinignan ang mga mata ng babae. "Sa panahong ‘yun, hindi ko na makontrol ang sarili ko. Cathy, sobrang kaakit-akit mo. Isang normal na lalaki lang ako…”Nagngitngit ng ngipin si Catherine. Bagaman siya ay sobrang nanlulumo, medyo nakar
Magbasa pa

Kabanata 1808

Nangilabot ang anit ni Catherine. Hindi niya dapat hinabol ito. “Uh… Gutom ako. Bilisan mo at iabot sa akin ang pasta. Gutom na gutom na ‘ko.”Agad niyang kinuha ang mangkok.“Cathy…” Tumanggi si Shaun na bitawan ang babae at mahigpit na hinawakan ang babae sa mga braso niya. “Sagutin mo ‘ko.”“Shaun, huwag kang sosobra.” Naging mapula ang mukha ni Catherine.“Sagutin mo ‘ko, o kakailanganin kong mag-ensayo muli sayo.” Nilingon ni Shaun ang maliit na ulo ng babae sa kanya.Sobrang nahihiya si Catherine na agad siyang umiwas sa mga mata ng lalaki. “Jeez, sige. Dati ay may sakit ka lang, so anong meron para pagkumparahan?”“Edi saan nanggaling sina Suzie at Lucas? Hindi na siguro ako may sakit sa lahat ng panahon, tama?” Itinaas ni Shaun ang mga kilay niya. Siya ay mukhang hindi susuko hangga’t hindi siya nakakakuha ng sagot.Walang masabi si Catherine. Ito man ay ang dating siya o bago, siya pa rin ‘yun. Anong meron para i-kumpara? Dagdag pa rito, walang hiya ba ang babae?“Sige
Magbasa pa

Kabanata 1809

”Bukas?” Tinaas ni Shaun ang kilay niya. “Una, sasakyan natin ang private jet ng dad kopara bisitahin ang Country Y. Oo nga pala, sinabihan din ako ng dad ko na dalhin sina Suzie at Lucas para bisitahin ang kumpanya niya. Matapos ang lahat, ang dalawang maliliit na batang ‘yun ang magmamana ng kumpanya sa hinaharap.”Walang masabi si Catherine.Sa isang iglap, kumirot ang puso niya para kina Suzie at Lucas. Sobrang bata pa nila, pero sobrang daming tao ang gustong magbigay sa kanila ng ganun kalalaking assets.Una, ito ay ang Hill Corporation, at ngayon ito naman ay ang Garson Corporation. Ang mga ito ay mga multinational corporations na may mga assets na nagkakahalaga ng ilang daang bilyon.Gaano sila kapagod sa hinaharap?“Pwede rin tayo tumira sa kastilyo ng dad ko. Tabi ito ng dagat, na parang kalahating oras na byahe ang layo.” Hinawakan ni Shaun ang kamay ng babae at sinabi, “Pwede rin tayong pumunta sa winery niya para sa wine tasting.”“...”Huminga ng malalim si Catheri
Magbasa pa

Kabanata 1810

”Bakit mo sinasabi ang parehong mga bagay na sinasabi ng mom ko?” Ngumuso si Freya. “Sabi ng mom ko sakin na abusuhin at pahirapan ko siya.”“Tama ang mom mo.”Sumang-ayon si Catherine. “Sa oras ng confinement period mo, hindi mo kailangan mag-alala tungkol sa sa kahit ano. Alagaan mo ang sarili mo, kumain, uminom, at magpahinga. Pinakamainam ay kapag hindi mo kailangan umalis ng kama. Hayaan mong dalhin niya ang pagkain sa bibig mo. Kung may kinamumuhian ka, kailangan mo siya laging pahirapan. Gagawin mo lang madali para sa kanya kapag nakipagdivorce ka ngayon. Kahit papaano, kailangan mo siyang pahirapan bago siya pakawalan. Sa pag-iisip lamang nito ay nagagalit ako. Paano niya nagawang ipamigay ang mga damit na binili mo? Sa tingin niya ba ang pagbibigay sayo ng mall ay sapat na bilang bawi? Ang ilang mga sakit ay hindi nababayaran ng pera.”“Tama ‘yan. ‘Yan mismo ang iniisip ko.”Tila nakahanapsi Freya ng taong sumasang-ayon at sumusuporta sa kanya. Tumango ang ulo ng babae.“
Magbasa pa
PREV
1
...
179180181182183
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status