Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1811 - Kabanata 1820

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1811 - Kabanata 1820

2346 Kabanata

Kabanata 1811

”Sigurado…”Pinapakita ng ekspresyon ni Freya na naintindihan niya ang punto nito.Habang namumula, gumawa ng palusto si Catherine para umalis kasama ang dalawa niyang anak.Alam ni Freya na magbabakasyon ang matalik niyang kaibigan kasama ang pamilya niya, at tinignan niya ang kisame ng may inggit at nagbuntong hininga.“Anong problema…mo? Gutom ka ba?” Dahan-dahan siyang nilapitan ni Rodney at tinanong habang karga ang bata.Sinamaan siya ng tingin ni Freya. “Magbabakasyon si Cathy sa Country Y kasama ang pamilya niya, ngunit ang tanging magagawa ko lang dito ay humiga. Naiinggit ako. Matagal na ang huli kong bakasyon, lalo na noong nabuntis ako.”“Maaari tayo magbakasyon pagkatapos ng pagka-confine mo.” Kaswal na tinapos ni Rodney ang sinasabi niya, at napagtanto niya na hindi pa siya lumilibot kasama si Freya kahit na matagal na silang kasal. Kahit matulog ng isang gabi sa ibang lugar ay hindi nila nagawa.Sa totoo lang, magandang ideya ang magbakasyon.Nang naisip niya ang
Magbasa pa

Kabanata 1812

Palaging tinatarayan ni Freya si Rodney at tinatrato niya ito nang may pagkamuhi. Gayon pa man, kapag kaharap niya ang bata, isang mapagpasensya at malumanay na ngiti ang napupunta sa mukha niya na para bang nagiging ibang tao siya.Kahit na medyo maputla ang mukha niya, ang pagmumukha niya ay maganda pa rin at nakakaakit. Ang ngiti niya ay para bang nakakatunaw ng niyebe.Nang nakita ni Rodney ang kanyang kakaibang tahimik at malumanay na mukha, hindi siya magawang magambala nito. TInikom niya ang bibig niya at nanahimik.Pag-angat ni Freya ng ulo ay tsaka niya lang napansin na tahimik na nakaupo si Rodney sa tabi niya.Medyo kakaiba ang eksena.“Bakit ka nakaupo dyan? Umalis ka. Magpapa-breastfeed ako.” Tinignan siya nang masama ni Freya.Kumurap si Rodney. “Sige lang. Hindi kita pipigilan.”Walang masabi si Freya.Iniisip niya kung sinasadya ba ni Rodney na manatili rito.Kahit na hindi siya nito pinipigilan, siya ay… nahihiya.Hindi gumagalaw si Rodney. Pagkatapos ay napa
Magbasa pa

Kabanata 1813

Pakiramdam ni Freya ay may isang malaking bomba na sumabog sa ulo niya.Ano ang ibig sabihin ni Rodney?Ito ay para bang marumi ang iniisip niya.“Hindi ko kailangan ang tulong mo kahit gaano pa ako nahihirapan.” Ipinakita ni Freya na galit siya kay Rodney.Ngumuso si Rodney at hindi na nakipagtalo pa sa kanya.Nagising si Dani sa madaling araw para uminom ulit ng gatas. Gayon pa man, ang isang sanggol na tulad niya ay hindi masyado matakaw.May ilang beses na nakatulog si Freya habang pinapakain ang bata dahil sa pagod.Habang hindi pa malinaw ang isip niya, naramdaman niya na may kumuha kay Dani mula sa kanya. Tinulungan din siya ng tao na ito na ayusin ang damit niya.Kahit na gusto niya dumilat, hindi niya ito magawa.Paggising niya kinabukasan, naramdaman niyang uminit ang mukha niya nang bigla niyang naalala ang nangyari noong madaling araw.Tumingin siya sa paligid ng ward, at nakita niyang nag-iisa ang caregiver. Doon lang siya nakahinga ng maluwag. Natulog nang mahim
Magbasa pa

Kabanata 1814

Si Mrs. Lynch, na kakarating lang, ay nakuha ni Wendy nang ganon lang.Pakiramdam ni Freya ay wala na siyang magawa dahil plano niya humingi ng tulong sa nanay niya sa breast pump. Pagod na siya mag-isip.Pagkakita sa bigong ekspresyon ni Freya, kumibot ang labi ni Rodney. Gayon pa man, mas pinili niyang hindi magsalita.Pagkatapos ng tanghalian, nakahiga si Freya sa kama habang naglalaro sa phone niya. Biglang may kamay na kumuha ng phone niya.“Sinabi ng doktor na bawasan mo ang oras sa paggamit ng phone mo habang naka-confine ka. Ito ay makakasama sa iyong mata. Gusto mo ba mabulag?” Itinapon ni Rodney ang phone niya sa upuan. “Ipapaalala ko lang sa’yo na matagal kang gumamit ng phone kaninang umaga.”Naiinis na si Freya na kailangan niya humiga sa kama. Alam niya na matagal siyang nagphone at ito ay masama sa kanya. Kahit na ganoon, nabuwisit siya sa paghihigpit ni Rodney sa kanya. “Huwag mo nga ako pigilan. Kahit na mabulag ako, kasalanan mo iyon. Ikaw ang bumuntis sa akin at
Magbasa pa

Kabanata 1815

Nahihiya si Freya.Hindi siya makapaniwala na… natutulog siya nang ganon.Pagkakita ni Rodney sa sobrang nahihiyang ekspresyon ni Freya, umangat ang dulo ng labi niya. “Wala talaga akong ibang magawa kundi tulungan ka pagkatapos ko makita kung gaano ka kamiserable. Hindi mo ako kailangan pasalamatan dahill tungkulin ko ito bilang asawa mo. gusto ko lang sabihin sa iyo na pinapahalagahan ko ang lahat ng ginagawa mo, wifey.”“...”Nagagalit si Freya.Nanalo si Rodney ngayon.Isinantabi ang katotohanan na siya ay pinagsamantalahan, kailangan pa niya ito pasalamatan.Totoo nga, siya ang orihinal na klase ng g*go.“Mas okay na ba ang nararamdaman mo ngayon?” Tinignan siya ni Rodney habang nakangisi. “Kung hindi pa rin maayos ang nararamdaman mo, handa naman ako na tulungan ka.”“Salamat. Mas gumaan ang pakiramdam ko.”Habang puno ng kahihiyan ang mukha niya, mabilis na tinakpan ni Freya ang mukha niya gamit ang kumot.“Dahil ba nahihiya ka? Hindi ko alam na ang walang hiyang tao
Magbasa pa

Kabanata 1816

Pagkatapos, tumalikod si Chester at naglakad palabas ng ward.Nagkataon lamang na napadaan siya sa ward ni Freya. Marami siyang inaasikaso ng mga araw na iyon.Sa pag-iisip, agad siyang sinundan ni Rodney. Isang pamumula ng hiya ang bumalot sa kanyang gwapong mukha. "Chester, may itatanong ako sa’yo...""Sinusubukan mo bang magtanong kung kailan mo pwedeng makasama sa pagtulog si Freya?" Pumasok si Chester."Uh... Paano mo nalaman?" Napahawak si Rodney sa kanyang ilong sa kahihiyan."Sobrang obvious naman." Napangisi si Chester. "Ngunit sa palagay ko ay labis mong iniisip ang mga bagay sa sandaling ito. Sigurado ka bang hindi ka niya hihiwalayan?"“May anak na kaming dalawa. Bakit niya gagawin iyon? Hindi ako makikipaghiwalay." Kinagat ni Rodney ang kanyang dila at sinulyapan si Chester. “Sagutin mo ako.”"Pagkalipas siguro ng mga dalawang buwan.""Napakatagal naman." Bakas sa mukha ni Rodney ang pagkadismaya.Walang maimik si Chester. “Ganu’n ba? Sa totoo nga niyan, parang hi
Magbasa pa

Kabanata 1817

Nagtatampo si Rodney.Pinuri niya ang kahanga-hangang pigura ni Freya, kaya dapat ay natutuwa ito rito.Bakit siya pa ngayon ang galit na galit?Napakahirap intindihin ang iniisip ng isang babae.Walang ibang binigay sa kanya si Freya noong hapong iyon kundi attitude.Hindi ito nakikisama sa kanya. Nasanay na siya, kaya hindi na ito isinapuso ni Rodney. Nang magsimulang manatili si Mrs. Lynch kasama ni Freya upang alagaan ito at ang kanilang sanggol ay unti-unti niyang naiintindihan kung paano nagkasundo si Freya at ang kanyang ina. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga sa loob-loob niya.Pagkatapos ng hapunan, kumuha si Mrs. Lynch ng isang mangkok ng chicken soup upang iakyat ito sa kanyang anak na babae.Nang maubos ni Freya ang chicken soup, nilibot ni Mrs. Lynch ang kwarto bago ito umupo sa tabi niya. "Natutulog ba kayo ni Rodney sa magkahiwalay na kwarto?""Mom, alam mo naman kung bakit ako nagpakasal kay Rodney, hindi ba?" Kumunot ang noo ni Freya. "Bago ito, nagplano
Magbasa pa

Kabanata 1818

“Mom, sino ba ang anak mo? Sinuhulan ka ba ni Rodney o ano?" Ang mga salita ni Mrs. Lynch ay naging sanhi ng pagkabigla ng mukha ni Freya.“Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi mo ba naisip na may kabuluhan ang aking mga salita?" Tanong ni Mrs Lynch.“... Meron.” Walang nagawa si Freya kundi sumang-ayon nang may pag-aatubili.Napabuntong-hininga si Mrs. Lynch. "Karaniwan na sa mga kabataang tulad mo na makatagpo ng mga masasamang tao. Maaaring hindi mo lubos na kilala ang ilang tao kahit na matagal mo na silang kilala, kaya hindi mo na kailangang kumapit sa kanila. Dapat mong itigil ang pag-iisip na ikaw ay napakatalino at maaari mo siyang maliitin."“Mom, hindi ko siya minamaliit. Dahil siya ang Eldest Young Master ng mga Snow, bakit ko siya pababayaan? Sa halip, naiinggit ako sa kanya na laki siya sa layaw.""Kung hindi mo siya minamaliit, bakit palagi kang sarcastic kapag kausap siya?" Matalim ang mga mata ni Mrs. Lynch. “Kapag nag-away kayong dalawa noong araw ng inyong panganga
Magbasa pa

Kabanata 1819

Biglang napagtanto ni Freya ang kanyang mga kapintasan.Sa katunayan, mayroon siyang isang average na EQ. Hindi rin siya kasing-galing ni Catherine.Pagkaalis ni Mrs. Lynch, nakipag-video call siya kay Catherine sa gitna ng kanyang pagkabalisa.Naka-sikat pa rin ang araw sa langit sa kanyang kinaroroonan. Suot ang kanyang pulang maxi dress, nakaupo si Catherine sa damuhan, umiinom ng red wine at almusal. Sa likod niya ay isang malaking berdeng winery at chateau.Napatulala si Freya. "Damn, saan ang lugar na ‘yan? Bakit pakiramdam ko wala tayo sa iisang planeta? Mukha kang… isang mayamang babae noong Middle Ages. Ang kulang na lang sa'yo ay isang lalaking iniingatan.""Ahem..." Halos mabulunan si Catherine ng kanyang mga salita. "Napaka-exaggerated nito.""Totoo iyon." Hinangaan ni Freya ang kanyang buhay. Hindi niya dapat pina-video call si Catherine dahil ang paghahambing ng kanyang sitwasyon kay Catherine ay magtutulak lamang sa kanya sa kawalan ng pag-asa."Nasa winery ako na
Magbasa pa

Kabanata 1820

Isang matalim na ngiti ang sumilay sa mukha ni Freya. "Well, hindi magandang pilitin ang iyong sarili."“Okay lang,” Nakangiting sagot ni Rodney."Ngunit ayaw kong pilitin ang sarili ko," walang pakialam na sabi ni Freya, "Hindi ko ugali na makihati sa parehong kama sa ibang lalaki. Maaari mong isama si Dani doon. Kapag nagugutom na siya, pwede mo akong hanapin ulit."“Hindi pwede. Hindi matatahimik si Dani maliban kung nasa tabi mo siya dahil sa pabango mo." Hinding-hindi na mapapalabas si Rodney ng kwarto. Ito ay isang pagkakataon para sa kanya upang matulog kasama si Freya nang mas madalas. Tanga na lang ang magpapakawala ng gayong pagkakataon.Nang mapansin ang pagtutol niya, nagtaas ng kilay si Rodney. “Huwag kang mag-alala, hindi kita hahamakin dahil sa kalagayan mo ngayon. Hindi naman ako halimaw. Higit pa rito, sinabi ng doktor na si Dani ay lubhang insecure dahil kapapanganak pa lamang sa kanya. Bago rin sa kanya ang kapaligiran dito, kaya mas mabuting samahan natin siya n
Magbasa pa
PREV
1
...
180181182183184
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status