Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1791 - Chapter 1800

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1791 - Chapter 1800

2346 Chapters

Kabanata 1791

Pagkatapos lang, tumunog ang phone ni Catherine.Pinindut niya ang answer button, at narinig ang malakas na boses ni Freya. “Catherine Jones, seryoso ka ba? Nagkasundo tayo ng magkita ng 3:30 p.m. Anong oras na ngayon? Ang kapal ng mukha mong paghintayin ang isang bunis na babaeng kagaya ko.”Gulat na tumingin si Catherine sa oras.Lagpas na ng sampung minuto sa itinakdang oras.“Um… Nasa baba na ako ngayon. Nandyan na ako maya-maya.”Matapos ibaba ang phone, agad at madesisyon niyang pinatalikwas ang lintang ‘yun. “Magshoshopping ako kasa si Freya, kaya dapat kang sumulong para sunduin sina Lucas at Suzie. Huwag mo akong sundan.”“...Okay.”Sa totoo lang ay gusto siyang sundan ni Shaun. Medyo masama ang loob niya na parang may third wheel na agad sa pagitan nila. “Edi, dapat bang maghapunan tayo ng magkasama?”“Gusto mo maghapunan ng magkasama at pagsilbihan ko ang maliit na reynang si Suzie? Hindi na, salamat. Ikaw na ang mag-alaga sa kanila. Hayaan mong mag-relax ako ng ilan
Read more

Kabanata 1792

Ngumiti si Freya. “Bukod pa rito, sabi niya ang mga ipapakilala niya raw sayo ay mga lalaking may magandang karakter at mula sa maiimpluwensyang pamilya. Ang mga magulang at matatanda rin nila ay mapagmahal at at magkatugmang magkatuwang.”Awkward na sinabi ni Catherine, “Sa totoo lang… kami ni Shaun… ay halos nagkabalikan na muli.”“Huh?” Tinaasan ni Freya ang boses niya.“Kumalma ka. Huwag mo takutin ang bata sa tiyan mo.” Mabilis siyang pinakalma ni Catherine.“Hindi, sinabi mo sakin nung isang araw na nakipaghiwalay ka na kay Shaun at ang pakikipag-date niya kay Hannah ay walang kinalaman sayo. Gaano katagal na ba ‘yun? Tapos, makikipagbalikan ka ulit sa kanya?”Tumingin si Freya sa babae na may pagkabigo. “Alam kong hindi bukal sa loob ni Shaun ang panliligaw kay Hannah, pero wala ka bang lakas ng loob? Kahit papaano, kailangan mong magtagal pa ng ilang buwan at pahirapan siya ng husto. Hindi pa nakakalipas ang isang araw, at nakikipagbalikan ka na agad sa kanya.”Niyuko ni
Read more

Kabanata 1793

”Tungkol sa ano ang pinag-uusapan niyo?” Talagang hindi sila maintindihan ni Freya. “Naglilihim ba kayo sa likod ko?”“Gumawa ng pabor sa akin si Eliza dati.” Wala sinabing kahit anong specific si Catherine. Naisip niya na mas mainam na hindi ilantad ang taong kilala ni Eliza. “Mag-order na tayo.”Ang pagkain dito ay masarap at espesyal sa sarili nitong paraan.Nakakagulat, ang tatlong mga babae ay mayroong walang tapos na mga topics para pag-usapan, mula sa mga damit hanggang sa tsismis hanggang sa mga kinahihiligan.“Oo nga pala, wala pang mga balita tungkol kay Cindy kamakailan. Na-blacklist ba siya? Nung una ay engaged siya kay Chester, ngunit wala ring mga balita tungkol don,” biglang nagtanong si Freya.Natahimik ang silid, sinuklay ni Eliza ang mahaba niyang buhok. “Hindi ako masyadong sigurado. Hindi pa ulit ako nakakapunta sa kumpanya kamakailan.”“Posibleng ginalit niya si Chester matapos niya i-contact si Rebecca kamakailan,” sabi ni Catherine. “Narinig ko na nabanggit
Read more

Kabanata 1794

”Sige.”Sumang-ayon si Catherine.Matapos umupo ng 20 minuto o higit pa, naunang umalis sina Catherine at Eliza.Sampung minuto pa ang nakalipas mula nang umalis sila saka dumating si Rodney na nakasuot ng puting suit. Ang balat niya ay sobrang kinis, at ang kanyang magagandang mga mata at mga pulang labi ang nagbigay sa kanya ng nakabibighaning presensya. Kasama ng kanyang payat na mga biyas, mukha siyang isang tanyag na prinsipe.Bagaman laging nakikita ni Freya ang mukhang ito, hindi niya pa rin mapigilan na magbuntong hininga.Isa itong lalaki, ngunit mas maganda pa ang itsura nito kaysa sa kanya.Ugh.“Bakit ka mag-isa? Nasaan si Catherine?” Tumingin si Rodney sa silid. Tila malaki ito, at may tatlong mangkok sa mesa. “Dalawa ang kasama mong kumain ngayong gabi? Sino ang ikatlong tao? Freya Lynch, hindi ka kumakain sa labas kasama ang ibang lalaki sa likod ko, ‘di ba?”Inirapan ni Freya ang lalaki. “Gusto ko nga sana, ngunit kasal ako sayo. Anong lalaki ang handa na maghap
Read more

Kabanata 1795

”Rodney Snow, tao ka ba? Talagang wala kang konsensya. Ikaw ang gumawa sa akin nito.” Buntis si Freya, na nangyaring ang panahon na pinakadali siyang mapukaw. Sa sandaling ‘yun, ang mga mata niya ay namumula sa galit, at nawala ang kanyang pangangatwiran.Nagmadali siyang lumapit at hinablot ang mga paper bags. “Wala kang karapatan na ipamigay ang mga bagay na binili ko. Umalis ka sa harapan ko.”Matapos, bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang tiyan, at ang mukha niya ay namutla. Bigla siyang kumapit sa pader sa tabi niya sa sakit at halos matumba.Si Rodney, na nababalot ng galit, ay natakot din. “A-anong problema?” “Alis.” Pinigil ni Freya ang sakit at sinamaan ng tingin ang lalaki. Pagkatapos, may naramdaman siyang may tumutulo.Kahit hindi pa siya nanganganak dati, nagresearch na siya tungkol dito. Sa isang iglap, nataranta siya. “Oh no. Sa tingin ko pumutok na ang panubigan ko.”“‘Yan… ‘Yan ay hindi maaari.” Natulala si Rodney. Ang due date ay isang buwan pa
Read more

Kabanata 1796

Sa susunod na buwan pa dapat manganganak si Freya, ngunit siya ay naglabor na ngayon. Medyo nagdududa si Catherine na ang rason nito ay dahil nagshopping sila kanina.Kung alam niya lang, hindi niya inaya lumabas si Freya ngayon.Nang dinala nila si Freya sa ospital, nakasalubong nila si Jason at ang asawa niya, pati na rin sina Nathan, Heidi, at Ryan.Dinala si Freya sa delivery room. Sa pintuan, rinig ang malakas na pag-iyak mula sa loob.Sumakit ang puso nina Catherine at Eliza sa tunog. Ayos naman si Freya bago sila umalis. Sino ang mag-aakala na makakaranas siya ng gaoon na sakit sa isang iglap?Galit na kinuha ni Wendy ang braso ng anak niya. “Hindi ba at sa susunod na buwan pa siya dapat manganganak? Bakit ito nangyari ngayon?”“Hindi…Hindi ko alam.” Bulong ni Rodney, hindi na siya naglakas loob tignan ang mata ng nanay niya.Kapag nalaman nito na nakaranas ng premature labor si Freya dahil nag-away sila, maaaring gulpihin siya hanggang sa mamatay siya.Sinisi ni Cather
Read more

Kabanata 1797

Nahihiya si Rodney itaas ang ulo niya.Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang dami niyang sinabi na masasamang salita at sumosobra siya sa tuwing kasama niya si Freya.Ayaw niya maging ganito.Nagbuntong hininga si Wendy.Kahit na pinanganak niya ito, siya ay ginulpi, pinagalitan, at pinatalsik pa palabas ng pamilya noon. Bakit ba ganito pa rin siya?Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin niya. “Ano pa ang silbi ng paghingi mo ng tawad sa amin? Dapat ay kay Freya ka humingi ng tawad. Humingi ka ng tawad sa magulang niya at sa anak mo. Ipagdasal mo na maging ligtas ang anak mo, at dapat ka magmakaawa kay Freya na patawarin ka. Pag-isipan mo ito. Nagsama kayo dahil sa bata, ngunit pinilit lang kayo magpakasal dahil sa reputasyon ng pamilyang Snow. Ngayon at isinilang na ang anak mo, mukhang ayaw ka na makasama ni Freya.”Nalungkot nang sobra si Rodney sa mga sinabi niya. “Mom, ngayon at isinilang na ang bata, paano kami maghihiwalay? Hindi ito maganda para sa bata.”“Hah
Read more

Kabanata 1798

”Maging mabuting tatay ka na simula ngayon,” Ani ni Chester. “Hindi madali sa isang babae na manganak. Tratuhin mo siya ng tama.”“Oo.” Tumango si Rodney. “Pakiramdam ko ay iba na akong tao. May responsibilidad na ako ngayon.”Pagkatapos ng mahigit sampung minuto, nilabas si Freya sa delivery room. Ang maliit niyang mukha ay maputla at basa pa ang noo niya. Mukha siyang inaantok at mahina.Lumapit si Rodney, at sumakit ang puso niya nang nakita niya si Freya. Ang labi niya ay gumalaw, at sinabi niya. “Freya… ayos ka lang ba?”Umangat baba ang pilikmata ni Freya ngunit hindi siya nito pinansin.Nalungkot si Rodney.Tinulak ng nars ang kama papunta sa VIP ward at sinabi, “Young Master Snow, paki-buhat ang asawa mo papunta sa kama.”Yumuko si Rodney at naghanda na buhatin si Freya nang bigla siyang tumingin kay Rodney nang may pagkamuhi. “Huwag mo ako hawakan.”Nanigas ang katawan ni Rodney. Maraming tao ang nakatingin, kaya nahihiya siyang bumulong, “Paano ka makakapunta sa kama
Read more

Kabanata 1799

”Sinabi ko ba na naghahanap ako ng ibang pagmamahal?” Umismid si Freya. “Ikaw ang naghinala na maghahapunan ako kasama ang ibang lalaki sa likod mo pagpasok mo ng pinto. Rodney, ang ginawa ko lang ay bumili ng damit na gusto ko. Hindi ko nga ginastos ang pera mo. Anong karapatan mo na ibigay ang mga damit ko sa ibang babae? Hindi ko na kaya. Sobrang kinamumuhian kita.”Ang bawat salitang sinabi niya ay parang martilyo na pumupukpok sa puso ni Rodney.Kung dati ito nangyari, uminit na ang ulo ni Rodney.Gayon pa man, pagkakita niya sa nanghihina nitong itsura pagkatapos manganak, nanatili siyang tahimik.Tinignan ni Jason ang dalawa at naramdaman niya na pumipintig ang ulo niya. “Freya, kakapanganak mo lang. Huwag muna natin ito pag-usapan. Sa tingin ko ay gutom na ang bata…”“Oo, gutom na siguro siya. Kailangan mo siya alagaan.” Dali-daling tinawag ni Wendy ang espesyalista sa lactation at sinabihan ang lahat ng tao na lumabas, pwera kala Catherine at Eliza.“Gusto mo na ba talag
Read more

Kabanata 1800

Lumabas sina Catherine at Eliza.Kinagat ni Rodney ang bala at tinignan sila. “Kumusta siya?”“Inaalagaan niya ang bata,” Ani ni Catherine at lumingon siya kay Eliza. “Mauna ka na. Sasamahan ko si Freya ngayong gabi.”Tumango si Eliza sa kanya at sa pamilyang Snow bago umalis.Si Chester, na nakasandal sa isang pader, ay mabilis na sumunod sa kanya. Ang mata niya ay may nakakakilabot na bakas.Maingat na ngumiti si Rodney kay Catherine. “Hindi mo kailangan manatili. Maaari ka na rin umuwi. Ako ang asawa niya, kaya sasamahan ko siya.”Nakahalukipkip si Catherine at tinignan siya. “Young Master Snow, gusto ko rin ibigay sa iyo ang oportunidad na iyon, ngunit kakapanganak lang ni Freya. Nagagalit siya kapag nakikita ka niya, at hindi mo alam kung kailan dapat itikom ang bibig mo, kaya nag-aalala ako na mainis mo ulit siya. Ayos lang kung ibang oras ito. Gayon pa man, natatakot ako na mahimatay siya mula sa galit ngayon.”“Hindi naman ako ganun ka-ignorante,” Bulong ni Rodney sa kah
Read more
PREV
1
...
178179180181182
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status