Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1771 - Chapter 1780

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1771 - Chapter 1780

2346 Chapters

Kabanata 1771

Hindi nakaimik si Catherine. “Suzie, gaya nga ng sabi ko, sobrang delikado. Nakalimutan mo na ba na muntik ka nang mawalan ng buhay noong kinidnap ka dati?"Natahimik si Suzie, ngunit naisip pa rin niya na ito ay isang pinalampas na pagkakataon.Wala pa ring masabi si Catherine. "Lucas, ayos lang na kainin mo iyon, ngunit bakit kailangan mo pang sabihin sa kanya ang tungkol dito?"Matapat na tugon ni Lucas, "Gusto ko lang ipaalam sa kanya na lahat ng kinakain niya dati ay basura kumpara sa masarap na pagkain ngayong gabi."“...”Isang suntok para kay Suzie ang mga sinabi ng kanyang kapatid. Sa sobrang galit niya ay napaiyak ito.Dahil hindi siya nakaimik, agad siyang binuhat ni Shaun at sinabing, “Huwag ka nang umiyak. Galing pang ibang bansa ang chef na magluluto ng mga pagkain ngayon. Nandito pa siguro siya. Pwede ko siyang sabihan na ipagluto ka bukas.""Talaga?" Labis na naantig si Suzie.“Oo naman.” Tumango si Shaun. "Pero hindi ka dapat kumain ng marami."“Mm.” Ngumuso s
Read more

Kabanata 1772

“Dahil niligtas ko si Matthew at sinabi ko kay Sheryl ang totoo. Nasaktuhan lamang na nakansela pa ni Sheryl ang paglilipat ng mga share ng Hill Corporation at tumigil din ang paglaki ng Golden Corporation sa ibang bansa. Malakas lamang ang loob ni Gavin dahil nag-invest siya sa Golden Corporation kaya nakakakuha siya ng maraming pondo mula kay Wesley. Matapos mawala ni Wesley ang Golden Corporation at Hill Corporation, nawaala na ang lahat sa kanya. Dahil dito, wala na ring mapagkukuhanan ng pondo si Gavin. Sa pamamagitan ng pera kaya nakuha nila ang mga tao sa Canberra, ngayong wala na sila, papaano pa sila papanigan ng mga ito?"Sa wakas ay naintindihan na ni Catherine.Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga sa pagiging gahaman ng ilang tao sa mundong ito.Kasabay ng palaisipang iyon, nabigla rin siya sa mga plano ni Shaun.Kung tutuusin, nawalan siya ng alaala, hindi ba? Bago ito, hirap siyang makapag-isip. Napakabilis naman ng naging pagbabago niya.Tinitigan siya nito nang
Read more

Kabanata 1773

Napatingin si Catherine kay Shaun nang may masalimuot na tingin habang kumikislap ang kanyang mga pilikmata.Kaaya-aya pa rin ang lalaking nasa harapan niya pero mas naging masungit siya kumpara noon.Ang gulo ng isip ni Catherine noong mga sandaling iyon.“Shaun, naalala ko na sinabi mo sa akin dati—”"Sinabi mo sa akin na hindi ako nakipag-ugnayan sa sinumang babae at hindi ko alam ang tungkol sa pag-ibig dahil nawala ang aking memorya. Naramdaman mong umaasa ako sa iyo."Pinutol siya ni Shaun, “Tama ka, at sinubukan ko nga. Pero nang lapitan ako ni Hannah, nakita kong nakakadiri siya…”“Ito ay dahil nilapitan mo siya nang may lihim na motibo. At saka, alam mo na sa simula pa lang na masama siya…”"Ngunit noong hinawakan niya ako, wala akong nararamdaman para sa kanya." May nagliliyab sa mga mata ni Shaun. "Gayunpaman, mayroon akong nararamdaman para sa iyo kahit na hawakan lang kita nang kaunti."Masyado siyang prangka.Agad na namula ang mukha ni Catherine.Itinuon ni Sha
Read more

Kabanata 1774

Panandaliang natigilan si Catherine. Pagkatapos ay dinala niya si Joel sa bahay.Ilang saglit na nakatayo roon si Shaun bago ito tumalikod at umalis.…Nang sumulyap si Catherine sa bintana ng villa, wala na sa paningin ang pigura ni Shaun.Saglit itong natulala hanggang sa narinig niya ang boses ni Joel sa kanyang tainga. “Sa totoo lang, napakatalino talaga ni Shaun. Hindi ko inaasahang magagawa niyang ibalik ang mga bagay sa pamamagitan ng pagpapaalis kina Wesley at Hannah habang napakasama ng mga nangyayari. Sa mga kabataan ngayon, siya lang siguro ang tunay kong hinahangaan.“Bagama’t hinahangaan ko siya, hindi ibig sabihin nitong umaasa akong magkabalikan kayong dalawa, Cathy. Napakarami mong pinagdaanang pagdurusa bago ito. Bilang iyong ama, umaasa lang ako na mamuhay ka nang matiwasay kasama ang mga bata. Mula nang magsama kayo ni Shaun, napansin kong mas marami ka pang hirap kaysa saya. Umaasa akong poprotektahan at susuportahan ka ng iyong makakasama sa buhay sa halip na
Read more

Kabanata 1775

Sa sobrang gaan ng kanyang pakiramdam, nahirapang matulog si Catherine noong gabing iyon..Nakatulog lamang siya mga dakong 3:00 a.m. na.Subalit kinaumagahan din nama’y nagising siya dahil sa kanyang mga anak..Iminulat niya ang kanyang mga mata sa pagkatulala, at nakita niya ang isang matangkad at kaakit-akit na pigura sa loob ng kwarto. Nakasuot ito ng puting t-shirt at isang pares ng maong, ang lalaki ay tila nasa rurok ng kanyang kabataan, na tila dalawampung taong gulang pa lamang ito. Mahihirapan ang isang tao na labanan ang kanyang alindog.Matapos niyang titigan nang may halong pagkalito ang lalaki, kinusot ni Catherine ang kanyang mga mata, iniisip na baka hindi pa siya gising.Kahit papaano, pagkatapos niyang ikusot ang kanyang mga mata, nakita pa rin niya ang eksenang sinusuklay ni Shaun ang buhok ni Suzie sa loob ng kanyang kwarto.Napakabihirang makitang masunuring nakaupo si Suzie. Habang may hawak na suklay ay yumuko si Shaun at maingat na tinirintas ang buhok ng
Read more

Kabanata 1776

”Hindi ako pumapagitna sa mga usapin mo. Nagtatanong lang ako.”Lumingon si Shaun at tinuloy ang pagtitirintas sa buhok ni Suzie.Hindi hangal si Suzie. Simpleng nagpanggap siya na tila wala siyang narinig o nakita. Anyway, kahit sino pang maging desisyon ni Mom na makasama, ang katotohanan na si Shaun ang dad niya ay hindi mabubura.Mas mainam na kunin ang oportunidad para gawing alipin itong kanyang ama.“Maganda tignan, tama? Ang Suzie namin ang talagang magiging pinakamagandang maliit na prinsesa kapag pumasok ka sa preschool ngayong araw.” Pinuri ni Shaun si Suzie habang nakangiti. ‘Yun ay nagpasaya kay Suzie.Matapos ‘yun, tinulungan din ni Shaun na magbihis si Suzie.Dinala niya ang dalawang bata sa baba para mag-almusal.Ito’y isang madalang na umaga kapag hindi kailangan ni Catherine na alagaan ang dalawang bata. Matapos tumitig sa kawalan sa isang sandali, siya ay simpleng humiga sa kama at nagpatuloy na matulog.Matapos ang lahat, inaalagaan ni Shaun ang mga bata. B
Read more

Kabanata 1777

Namangha si Catherine. Kailangan niya kilalanin ang galing ng netizens sa pagkuha ng impormasyon.Hindi maraming tao ang nakakaalam na siya ay anak ni Sheryl. Hindi alam kung paano nag-leak ang impormasyon na 'yun.Nasa trending searches pa siya, at may mga tsismis na magiging isa siya sa top five na pinakamayamang tao na kasama roon sa mga pinanganak na may tansong kutsara sa mga bibig nila.Ito ay talagang katawa tawa.Walang intensyon si Catherine na kilalanin si Sheryl bilang ina niya, huwag na banggitin na mamanahin niya ang mga assets ng babae. Ang mga taong 'yun ay siguro nabuburyo na sa mga isipan nila.Nagsimula na siya makaramdam ng pagkagutom. Tumayo siya, nagpalit ng kaswal na mga damit, at bumaba. Ang housekeeper, si Aunty Cally, ay nagdidilig ng mga bulaklak sa balkonahe."Aunty Cally, may almusal pa ba? Medyo nagugutom ako."Tanong ni Catherine habang kinukusot ang mga mata niya."Almusal? Mayroon, pero malamig na lahat ito at halos oras na para sa tanghalian…" B
Read more

Kabanata 1778

Komplikado ang mga nararamdaman ni Catherine. “Shaun, hindi ba sinabi ng dad ko sayo kahapon? Hindi niya gusto na magsama tayo…” “Sinabi niya, pero hindi ang dad mo ang gusto kong makasama. Talagang hindi ako maaapektuhan ng mga salita niya. Dagdag pa rito, pumunta na siya sa kumpanya. Ang negatibong balita tungkol sa pagsiklab ng apoy sa kumpanya ay talagang naapektuhan ang kumpanya niya. Wala siyang oras para magbigay-pansin sakin. Palagay ko kailangan niya magtrabaho ng extra na oras hanggang lumalim ang gabi nitong mga araw.”Malakas ang loob ni Shaun.Hinawakan ni Catherine ang noo niya. Alam niya talaga kung paano sasamantalahin ang sitwasyon. Gayunpaman, totoo na baka walang oras si Joel para bigyan ng pansin si Shaun ngayon.“Pero sinabi ko na sayo nung nakaraan—”“Talagang sapat na malinaw mo itong sinabi. Ito ay saktong dahil masyado itong malinaw na naintindihan ko ang mga isipin ko.” Tumuwad si Shaun at lumapit sa tainga ng babae. Bumulong siya, “Lumapit na ako sa iba
Read more

Kabanata 1779

Nang bumaba si Catherine na bitbit ang handbag niya, isang sinag ng pagkamangha ang nakita sa mga mata ni Shaun.Matagal niya nang alam na ang babae ay maganda, ngunit kasing ganda ito ng isang diwata matapos magbihis ng maayos.Hindi niya alam na ang babae ay magiging sobrang ganda kapag nakahikaw at nakakwintas. Pinatingkad ng mga ito ang payat na leeg ng babae at collarbone, na ginawang delicate at seductive ang mga ito.Sa isang sulyap lang, naramdaman niyang nag-iinit ang katawan niya.Agad na huminga ng malalim si Shaun. Inilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang bulsa nang hindi binabago ang ekspresyon niya. Humakbang siya paabante, at may bahid ng pamamaos sa kanyang boses. “Saan ka pupunta?”Sadyang walang pakialam na sumulyap si Catherine sa lalaki. “Wala ka nang pakialam dito.”Ang pangungusap ng iyon ang nagdulot na walang masabi si Shaun.Agad niyang naalala na sabi ng babae ay maghahanap ito ng bagong katuwang ng umagang ‘yun.‘Hindi niya ginawang manikha ang sar
Read more

Kabanata 1780

Matapos ang lahat, bakit magiging mayabang ka habang nanliligaw ng isang tao?Si Shaun ay naging mataktika.Dahil hindi mapaalis ni Catherine ang lalaki, wala siyang choice kundi i-start ang sasakyan.Matapos magmaneho ng halos kalahating oras, tumigil si Catherine sa tabi ng daan. Bumili siya ng isang bouquet ng carnations at isang basket ng mga prutas.Agad na naintindihan ni Shaun. Agad siyang bumili ng isang set ng parehong mga bagay.Sumulyap si Catherine sa lalaki. “Bakit mo binili ang mga bagay na ‘yun?”“Gagawin ko ang kahit anong gawin mo,” sabi ni Shaun ng may karanasan.Kaya lang siyang hayaan ni Catherine.…Matapos ‘yun, minaneho niya ang sasakyan papunta sa ospital.Nang makarating siya sa pinto ng VIP ward, huminga siya ng malalim at tinulak ang pinto para pumasok. Si Matthew lang at isang caregiver ang nasa ward.Nakaupo siya sa kama, may suot na hospital gown. May nakakabit sa kanya na IV.Ito ang unang beses na nakita ni Catherine si Matthew matapos ang ma
Read more
PREV
1
...
176177178179180
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status