Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1751 - Chapter 1760

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1751 - Chapter 1760

2346 Chapters

Kabanata 1751

Tinanggap ni Shaun ang sampal nang hindi umiiwas. “Pasensya ka na, Cathy. Kung hindi ko isasama ang mga bata ngayong gabi, hindi ako palalabasin ng pamilyang Mead sa pinto. Huwag ka mag-alala, poprotektahan ko ang mga bata.”“Paano mo sila poprotektahan?” Tumawa nang galit si Catherine. “Bakit ba gusto mo dalhin ang mga bata? Gusto ka nila takutin gamit ang mga bata dahil natatakot sila na gumawa ka ng gulo sa banquet? Shaun, siguro ay hindi mo alam kung ano ang nangyayari, ngunit plano nila magrebelde sa banquet.”“Kung gayon ay… alam mo na.”Tinitigan siya ni Shaun, “Cathy, hindi ko ito itatago sa iyo. May plano rin kami ng pamilyang Snow ngayong gabi. At saka… nasagip ko na si Matthew Costner.”Nanlaki ang mata ni Catherine. Hindi siya makapaniwala. “Paano mo ito nagawa?”"Sonya Lyons." Nilabas ng labi niya ang dalawang salita at naintindihan na ni Catherine ang lahat."Shaun, minaliit kita noon."Nagbuntong hininga siya. Akala niya ay noong nawalan ng memorya si Shaun, hindi
Read more

Kabanata 1752

Ang lalamunan ni Catherine ay sumikip. Tinignan niya si Lucas. "Lucas, magiging delikado mamayang gabi. Sigurado ka ba?""Hindi ako natatakot, Mommy. Ayaw ko magtago sa likod mo palagi. Magmukukha akong walang kwenta," Seryosong sagot ni Lucas.Mapait na ngumiti si Catherine. Ayaw niya talaga bigyan ng mabigat na gawain ang mga anak niya, ngunit determinado na si Lucas. Wala siyang magawa."Cathy, pinapangako ko sa iyo. Siguraduhin ko ang kaligtasan ni Lucas."Tapat na nangako si Shaun.Naguguluhan ang utak ni Catherine. "Papayag ba ang pamilyang Mead kapag isa lang ang sinama mo sa kanila?""Hindi pa ako nababasa ni Hannah, kaya ipagtatanggol niya ako." May ngiti si Shaun nang may pangungutya.Halos walang masabi si Catherine.Gayon pa man, nang tinignan niya ang gwapong mukha nito, medyo naiintindihan niya ang iniisip ni Hannah.Tinanggihan na ni Shaun si Hannah dati, at hindi ito natuwa na hindi niya nakuha si Shaun. At saka, si Shaun ang pinakamagaling na lalaki. Kahit pap
Read more

Kabanata 1753

"Sa tingin mo ba ay ayaw ko? Tumanggi si Catherine. Nakipag-away pa ako sa kanya." Tinignan ni Shaun si Hannah. "Bukod doon, ang babae ba o lalaki ang mas mahalaga?""Tama ka." Mabilis na naintindihan ni Hannah. Ang mas mayaman na tao ay mas pinapahalagahan ang mga anak nilang lalaki.Dahil dinala ni Shaun ang anak niyang lalaki rito, malinaw na pinapakita niyang tapat siya sa pamilyang Mead.Yumuko siya at tinignan si Lucas. "Ano ang pangalan mo?""Lucas Jones," Walang ekspresyon na sagot ni Lucas."Magaling na bata." Ngumisi si Hannah. "Paano kung maging stepmother mo ako sa hinaharap? Huwag ka mag-alala, tatratuhin kita nang maayos."“...”Nagulat si Lucas sa kawalanghiyaan ng babae na ito."Sa tingin ko ay sobrang saya niya na marinig iyon." Hinawakan ni Shaun ang ulo ni Lucas at sinabi iyon sa malambing na itsura.Walang masabi si Lucas, "..."Medyo walang hiya rin ang lalaking ito."Dadalhin ko na kayo sa loob." Hinawakan ni Hannah ang kamay ni Shaun at pumasok. "Maram
Read more

Kabanata 1754

Napatingin si Hannah sa ikalawang baitang at may komplikado ito na itsura."Okay." Nagpanggap si Shaun na hindi niya ito napansin. Pagkatapos niya tumango, yumuko siya at sinabi niya kay Lucas, "Kukuhaan kita ng makakain."Hindi interesado si Lucas sa pagkain ngunit tumango siya.Pagkatapos niya kumain ng seafood, hindi niya maiwasan na isipin na maganda kung kasama niya si Suzie ngayon. Ang matakaw na iyon ay siguradong matutuwa kumain ng mga ganitong bagay .Mukhang kailangan niya mag-uwi ng ilang pagkain pagkatapos ng kaganapan.Noong busog na siya, sinabi ni Hannah kay Shaun, "May maliit na playground sa labas kung saan ang mga anak ng mga bisita ay naglalaro. Uutusan ko ang waiter na dalhin siya doon para maglaro.""Ayos lang na kasama ko siya." Tinignan ni Shaun si Hannah."Kikitain natin ang dad ko mamaya. Maraming makakapangyarihan na tao at aritsta. Hindi madali kung dadalhin mo ang bata. Hayaan mo siya maglaro. Dapat maranasan iyan ng mga batang lalaki. Ang mga malilii
Read more

Kabanata 1755

“Minister Mead, maraming salamat.” Nagpakita si Wesley ng nagpapasalamat na itsura. “Huwag ka mag-alala, hindi rin ako sumusunod sa mga tradisyon. Dahil mukhang gusto ni Miss Mead si Shaun, hahayaan ko siya panatilihin ito.”“Hannah, tignan mo kung gaano mapagbigay si Wesley.” Ngumiti si Gavin kay Hannah. “Sinabi ko na sa iyo ang katotohanan. Hindi na tulad ng dati si Shaun. Sa katayuan niya ngayon, hindi ko siya kukunin kahit bilang taga-linis natin. Paano ako papayag sa kasal niyo? Ngunit dahil gustong-gusto mo siya, wala akong pakialam kung gusto mo siya panatilihin bilang aso.”“Dad…”Nagulat si Hannah.Hindi niya inakala na si Wesley at ang tatay niya ay nagkaroon na ng ganitong ugnayan nang pribado.Balisang tinignan ni Hannah si Shaun.Nanginginig si Shaun sa galit at inalis ang hawak niya. “Kung gayon ay gusto niyong dalhin ko ang mga bata dito dahil gusto niyong gamitin sila bilang panakot kay Catherine.”“Siyempre.” Binigyan siya ng pekeng ngiti ni Wesley. “Sa tingin m
Read more

Kabanata 1756

Alam ni Hannah ang tungkol sa plano ng kanyang pamilya. Oo, magiging anak siya ng susunod na prime minister.Naisip niya kung gaanong kahina si Shaun sa harap ni Wesley. Sa totoo lang, wala siyang silbi.Gusto niya ng mga lalaking malalakas at may mga kakayahan.Gayon sana si Shaun noon, ngunit ngayon..."Hannah, nakalimutan mo na ba ‘yung sinabi mo sa’kin noon?" Nag-aalalan siyang tinitigan ni Shaun. "Sabi mo mahal mo ako."Nang makita ni Hannah ang pag-aalala sa mukha ng lalaki ay bigla siyang nawalan ng interes dito. “Mahal na mahal kita, pero palagi mo akong pinapangunahan. Shaun, maipapangako ko sa iyo na hangga't tatahimik ka lamang at susunod ka sa aki’y masisiguro ko ang iyong kaligtasan sa mga susunod na araw. Payag ka ba ro’n?”“Kung hindi?” Naikuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao."Kung hindi’y ni hindi ka makalalabas nang buhay ngayon." Malupit na tumawa si Gavin. "Mabuti ‘yan. Maaari naming hayaan ang iyong ina na samahan ang aking mga kaibigan sa negosyo."Nanging
Read more

Kabanata 1757

Ngumiti rin si Nathan at nakipagkamay kay Gavin. “Akalain mo nga naman, elementary pa lamang si Hannah noong una tayong nagkakilala. Mabilis lang lumipas ang sampung taon.”"Sang-ayon ho ako sa inyo." Napatingin si Gavin kay Ryan sa likod ni Nathan. “Noon, medyo bata pa ang Ryan mo. Ngayon, lumaki na siya para maging kanang kamay mo.”Mabilis na tumayo si Ryan at magalang na sinabi, “Uncle Gavin, ikaw ang pinaka may kakayahang kanang-kamay ni Dad. Ngayong limampung taong gulang ka na, may espesyal na hiniling si Dad upang may maghanda ng regalo para sa iyo. Tignan mo.”Binuksan niya ang kahon at tumambad ang isang ginseng sa loob. "Ang ginseng na ito ay tatlong daang taong gulang na. Hinimok ni Dad ang kanyang mga taong hanapin ito nang mahabang panahon bago ito tuluyang nakuha. Sinasabing kung mas matanda ang ginseng, mas maaari nitong pahabain ang buhay ng isang tao."“Haha, salamat. Medyo nakaramdam ako ng sakit kamakailan lamang. Prime Minister Snow, masyado kang mahabagin." Ba
Read more

Kabanata 1758

Patuloy ang pag-uusap ng mga tao.Nanatiling nakayuko si Shaun. Bumalik ang tingin ni Hannah sa kanya, at pagkatapos na makaramdam ng kaunting pang-aalipusta sa kanya, nagsimula siyang makaramdam ng pagmamayabang.Namutla sa galit si Rodney at mariin niyang kinagat ang kanyang pisngi.“Itikom mo ang iyong mga bibig!” Napalingon siya sa mga taong nag-uusap. “Kapatid ko si Shaun. Bantayan mo ang inyong mga sinasabi.""Hindi ‘yan gagana." Tumawa si Wesley. "Magiging aso siya. Kung gusto mo siyang maging kapatid, ikaw—"“How dare you?” Malamig siyang pinutol ni Nathan, ang aura na nagmumula sa kanyang katawan ay nagpasindak sa mga tao.Gayunpaman, walang pakialam sina Wesely at Gavin.“Prime Minister Snow, kaibigan ko si President Lyons. Hindi mo siya dapat sinisigawan nang ganyan." Malabo na ngumiti si Gavin na may bahid ng babala sa tono niya.Gulat na napatingin ang mga tao kay Gavin. Gayunpaman, pagkatapos na isipin kung paano nagsimulang gumalaw ang mga bagay sa Canberra noong
Read more

Kabanata 1759

Malamig ang ekspresyon ni Ryan. “Gusto mong lumuhod sa iyo ang isang miyembro ng pamilya Snow? Sinusubukan mo bang magrebelde?"“Haha, hindi ako nagrerebelde, hindi lang ako bilib sa Prime Minister natin. Gusto ko ring matikman ang pakiramdam ng pagiging kontrolado sa bansa.” Ngumiti si Gavin at ngumiti ng nakakaloko.Agad na nanlamig ang mga mata ni Nathan. "Mukhang may ibang layunin ang pagtitipong ito."Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran at naglakad-lakad, nakatingin sa mga bisitang naroroon nang may madilim na tingin.Lahat sila ay mga opisyal niya, ngunit ngayon, sila ay nakatayo sa gilid nang may kaba. Hindi sila umimik kahit isang salita."Haha, hindi totoo yan. Tutal, birthday ko ngayon,” Malakas na sinabi ni Gavin, “To tell you the truth, hindi ko masyadong iniisip ang ginseng na ibinigay mo sa akin. Ibigay mo na lang sa akin ang kapangyarihan na nasa iyong mga kamay. At saka, natikman mo na kung ano ang pakiramdam ng pagiging Prime Minister. Pag-isipa
Read more

Kabanata 1760

"Prime Minister Mead, ang pamilya Jarvis ay handang mag-abuloy ng limampung bilyong dolyar upang suportahan ang iyong administrasyon."“...”Sa isang iglap.Napuno ng pambobola ang banquet hall.Tawa nang tawa si Gavin sa lahat ng papuri. "Well, dahil napakabubuti ninyo, hindi ko kayo dapat pabayaan. Nathan, ibigay mo na ang seal ng pagiging Prime Minister, kung hindi, wala akong magagawa kundi patayin muna ang mga inapo ng iyong pamilya."Sa kanyang utos, itinutok ng mga guwardiya ang kanilang mga baril kina Rodney, Ryan, at sa iba pa."Ikaw... Ikaw..." Napailing si Nathan na parang dahon. Isa-isang nilibot ng kanyang mga mata ang mga bisita sa banquet hall. Sila ang mga taong pinagkakatiwalaan niya noon, ngunit hindi niya inaasahan na lahat sila ay magtataksil sa kanya ngayon.“Bilisan mo,” Babala ni Gavin, na nagsasabing, “O sisimulan ko sa pamangkin mo.”Kinawayan niya ang kamay, agad namang hinawakan ng mga guard si Rodney.“Tumigil ka.” Mabilis na nagtaas ng kamay si Nat
Read more
PREV
1
...
174175176177178
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status