Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1741 - Chapter 1750

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1741 - Chapter 1750

2346 Chapters

Kabanata 1741

Napabuntong-hininga si Freya. "Ngayon, ang tanging paraan ay ang alisin si Wesley dahil siya ang palaging pinagmumulan ng mga pondo sa likod ng mga Mead."Nawalan ng kibo si Catherine.Wala nang mas gusto pang paalisin si Wesley kaysa sa kanya.Gayunpaman, ang problema ay patagong tinutulungan ni Sheryl si Wesley.Hindi niya talaga alam kung anong klaseng malas ang mayroon siya upang magkaroon ng ganoong klaseng ina.“Paano nga pala kayo?” Mas nag-alala si Catherine para sa kaibigan. “Magrerebelde rin ‘yang si Gavin.”“Kaya nga eh, tatlong araw na lamang at birthday na ni Gavin. Narinig ko mula kay Rodney na plano niya iyong gawin sa mismong araw na iyon.” Hindi kaaya-aya ang itsura ni Freya. “Nag-aayos din ang mga Snow. Kapag natalo sila, magiging puppet ni Gavin ang ninong ko at lalamuning buo nina Wesley at Gavin ang Snow Corporation."Nanginginig ang anit ni Catherine. Kung mahulog man ang Snow Corporation sa mga kamay ni Wesley, manganganib sila ng kanyang dalawang anak pat
Read more

Kabanata 1742

"Kailangan mo ba ng tulong ko?" Bigla siyang pinutol ni Eliza. “Mukhang nagbago ang sitwasyon sa Canberra. Nabalitaan ko na medyo makapangyarihan na si Wesley ngayon."Saglit na napatulala si Catherine, bahagyang nabigla.Noon pa man ay akala niya ay isang ordinaryong artista lamang si Eliza. Paano niya..."Salamat sa iyong kabaitan, ngunit hindi mo ako matutulungan." Malumanay niyang tinanggihan ang aktres. Maging si Chester ay nag-iisip pa rin kung ano ang gagawin, kaya ano ang magagawa ni Eliza?“Mayroon akong kaibigan na malawak ang koneksyon. Pwede ko siyang pakiusapan na humanap ng makatutulong sa pamilya mong makalagpas ng border kahit na wala kayo dalang passport o visat,” Sabi ni Eliza sa mahinang boses.Natigilan si Catherine at naramdaman ang pagbilis ng kanyang paghinga dahil sa naramdaman niyang excitement. "Talaga?"“Oo,” sabi ni Eliza, “Anuman ang sitwasyon, laging mabuti na iwasan ang mga potensyal na problema.”“Eliza, paano mo nakilala ang ganyang tao? Ang dami
Read more

Kabanata 1743

Kinagabihan.Sa isang elegante at tahimik na restaurant, dahan-dahang pinutol ni Shaun ang steak sa kanyang plato.Maputla ang liwanag na bigay ng crystal lamp sa kanilang ulunan, na binabalangkas ang kanyang guwapo at marangal na mga katangian.Nakasuot ang lalaki ng isang puting damit, at ang kanyang waistcoat ay nakapulupot sa kanyang matibay at patayong pigura. Gwapo at dominante ang kanyang itsura, na parang siya ang pinakamarangal sa lahat.Umupo si Hannah sa kanyang tapat na may nagbabagang mga mata.Marami na siyang nakasamang lalaki, sa loob at labas ng bansa. Gayunpaman, hindi pa siya nakakita ng isang lalaki na kasing ganda ni Shaun kapag nakasuot ng puting damit na may waistcoat.Kailangang mapasakanya ang lalaking iyon."Shaun..." Dahan-dahang lumapit sa kamay ng lalaki ang mga daliri ni Hannah, at ang kanyang kaakit-akit na boses ay puno ng pang-aakit. "Ngayong gabi... Gusto mo bang pumunta sa amin para mag-kape?""Gusto mo ba ng kape o gusto mo akong makatabi sa
Read more

Kabanata 1744

Sinamaan siya ng tingin ni Shaun. "Ano ba ang gusto mong gawin, Hannah? Tapatin mo ako."“Shaun, gusto kitang pormal na ipakilala sa mga magulang ko sa araw na iyon, pero sanay ka at tinutulungan ng tatay ko si Wesley. Natatakot ako na baka hamakin mo ang tatay ko sa sarili niyang birthday party. Huwag kang mag-alala, basta masunurin ka, siguradong hindi kayo sasaktan ng pamilya ko,” Nakangiting sabi ni Hannah.Napayuko si Shaun at ngumiti. "Paano kung tumanggi ako?""Kung gayon ay hindi kita papayagang pumunta sa birthday party ng tatay ko. Sorry.” Hinikayat siya ni Hannah sa pagpapatuloy nito, “Pero Shaun, matalino kang tao. Dapat mong malaman na ang aking ama ay magiging prime minister pagkatapos ng ilang taon. Malaking pakinabang sa iyo ang pagpapakasal sa akin. Sa totoo lang, hindi ko gusto si Wesley. Sa tingin ko mas magaling ka sa kanya."Humalakhak si Shaun at kinurot ang kanyang baba. "Ano pa ba ang masasabi ko?"...Bandang 10:00 p.m., pagkabalik ni Shaun sa Hill Manor,
Read more

Kabanata 1745

Nagbago ang itsura ng security guard, ngunit bago pa siya magawa ng anumang bagay, lumabo ang kanyang paningin at nakaramdam siya ng sakit sa likod ng kanyang ulo. Hindi nagtagal ay nawalan siya ng malay.Hindi nagtagal, isang grupo ng mga kabataan na nakadamit na parang mga punk ang lumapit."Master Charlton, wala nang tao sa loob," Sabi ng isang lalaking may kulot na buhok at may malungkot na tono. "Sa bilis namin, nagawa namin silang patumbahin bago sila makipag-ugnayan sa sinuman."“Magaling.”Binigyan siya ni Elle ng isang mapagpahalagang tingin. Sino ang mag-aakalang ang isang attendant sa isang karaoke bar ay napakahusay? Sa kabutihang palad, nagawa nilang magpabaya ang mga bantay sa loob sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang isang grupo ng mga kabataan."Mayroon talagang mali sa karaoke bar na ito, ngunit masyado itong malaki. Kailangan nating hanapin ang mga secret passages o storage unit bago sumapit ang madaling araw. Maaaring may sapat pa tayong oras, kaya hulihin nin
Read more

Kabanata 1746

”Paano ka pa rin tumatawa?” Medyo walang masabi si Elle. Siguradong ang isang ordinaryong tao ay mababaliw.“Ano ba dapat kong gawin? Umiyak? Ang mga lalaki… ay hindi pwedeng umiyak.” Ang tuyong mga labi ni Matthew ay sobrang hirap na nahila sa isang ngiti. Nakitang malapit nang mawalan ng malay ang lalaki, pwersahan siyang inalog ni Elle.“Hindi ka pwede mawalan ng malay ngayon. Kailangan mong bumalik sa Canberra kasama ako. Halos baliw na ang nanay mo. Tinutulungan niya si Wesley, si Jeffery, at ang asawa ni Jeffrey para kalabanin si Miss Jones at si Eldest Young Master Hill. Ngayon, ang kapangyarihan ni Wesley ay nasa pinakamalakas nito. Intensyon niyang gumawa ng kilos laban kay Prime Minister Snow kasama si Gavin Mead ngayong gabi. Sa oras na maging puppet si Prime Minister, siguradong ito-torture niya hanggang kamatayan si Miss Jones. Kapatid mo siya.” “A-Ano?” Hindi maka-keep up si Matthew at natigilan nang marinig ang mga salita ng babae. “Ang mom ko… Bakit niya…”“Ang mot
Read more

Kabanata 1747

“Matt…”Nagulat si Sheryl at nagmadaling lumapit. Kung hindi niya nakikita ito sa sariling mga mata niya, hindi siya maniniwala na ang gwapo niyang anak ay talagang nagkaganito. Ang mukha ng lalaki ay maputla at mabuto. Agad na hinablot ng babae ang braso ng lalaki, ngunit ang lalaki ay agad na nanginig sa sakit.“Matt, anong nangyari sayo?” Na-overwhelmed si Sheryl. Nang tumingin siya sa baba, nakita niya na dalawang daliri ang nawawala mula sa kamay ng lalaki. Bayolenteng nanginig ang pupils ng babae na halos mabaliw siya. “Nasaan ang mga daliri mo? Sinong nagputol nito? Ikaw ba ang gumawa nito, Titus?”Tinulak niya si Titus sa galit.Ang mukha ni Titus ay nagpakita ng hindi pagkapaniwala.Agad na pinigilan ni Matthew si Sheryl. “Mom, hindi si Dad ang gumawa nito. Si Wesley ang dumakip sakin at pinutol ang mga daliri ko para pagbantaan si Dad.”“Wesley?” Natigilan si Sheryl. Ang ulo niya ay sobrang sumakit na hindi siya naglakas ng loob na mag-isip nang sobrang lalim. “Imposibl
Read more

Kabanata 1748

Anong ginawa niya sa biolohikal niyang anak?Binugbog niya ito at tinawag itong isang p*ta.Sinira niya rin ang Hill Corporation at hinayaan si Rebecca na kidnapin ang apo niya.Naghiganti pa siya sa kamatayan ni Rebecca "Mom, isipin mo. Dati ay sobrang kalmado at talino mo. Bakit ka naging lalong mapagsuspetya kamakailan? Nagsimula ka rin na makipagtalo kay Dad lagi sa kabila ng minsanang pakikipagtalo sa kanya dati. Ito ay dahil nilagyan ni Rebecca ng droga ang mga pagkain mo kamakailan. Alam mo ba kung bakit ka niya binigyan ng droga? Ito ay dahil sabi mo na ang Melbourne ay nagdadala sayo ng diwa ng pagiging pamilyar at nagsimula kang makaalala. Natakot siya na mabalik mo ang mga ala-ala mo, maaalala mo na binigyan mo ang anak mo ng pangalang Catherine, kaya gumamit siya ng droga para pigilan kang gumaling. Gayunpaman, ang droga ay may mabigat na side effects."Sa lalong pakikinig ni Sheryl, mas lalo rin siyang natakot.Tila may malabong alaala siya sa kung anong sinabi ni M
Read more

Kabanata 1749

"Bastos si Wesley. Demonyo siya! Gusto niya maging isang tao na pwede maging diyos ng iba, kaya kapag mas tanyag ang estado ko, mas satisfying ito para sa kanya kapag tinatapak-tapakan niya 'ko at pinapahiya ako. Sabi niya na kayong lahat ay mga b*bong hangal na sumasayaw sa palad ng mga kamay niya. Sa susunod o maya-maya, siya ang magiging pinakamayamang tao sa mundo. Gusto niyang magkaloob ang pamilyang Costner at ang Soromon Island sa mga paa niya."Hindi matiis na mangatog ang katawan ni Matthew.Simula nang bata pa siya, hindi kailanman ay nakaranas siya ng kahihiyan.Kung hindi dahil sa malakas niyang endurance, hindi na siguro siya nakatagal hanggang ngayon.Matalas na lumiit ang pupils ni Sheryl.Ito ay anak niya. Bagaman strikto siya sa lalaki nang pinapalaki niya ito, pinapalo niya lang ang likod ng kamay nito sa tuwing makulit ito.Gayunpaman, talagang nasaktan ang lalaki ng ganito kalala ngayon.Halos mawalan ng balanse si Sheryl.Nitong mga taon, nasa isang mataas
Read more

Kabanata 1750

Sa kwarto, nilagay ni Catherine ang mga damit sa maleta habang inuugoy ni Suzie ang binti niya sa tabi. "Mommy, bakit ka biglang nag-iimpake? Aalis ba tayo?"Sa kabilang tabi, tinitigan siya ni Lucas. "Sobrang saya kapag simple mag-isip.""Bakit pakiramdam ko ay kinukutya mo ako?" Nilagay ni Suzie ang kamay niya sa maliit niyang baiwang."Hindi, nag-iisip ka masyado." Lumingon palayo si Lucas."Miss, andito si Young Master Hill."Bigla siyang nakarinig sa pinto.Natulala si Catherine ng ilang segundo. Bago pa siya makatayo, sina Lucas at Suzie ay mas mabilis sa kanya at nauna lumabas.Nakatayo sa living room sa baba si Shaun, nakasuot ito ng mamahalin at pinasadyang kulay pula na suit. Ang suit ay maingat na plantsado, at ang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya, na pinagmukha siyang walang gana. Tumakbo pababa si Lucas at maingat siyang tinitigan. "Ano ang ginagawa mo rito?"Tumayo si Suzie sa tabi ni Lucas at naghalukipkip. "Hindi ako babalik kasama mo, ngunit kung nandito
Read more
PREV
1
...
173174175176177
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status