Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Kabanata 1761 - Kabanata 1770

Lahat ng Kabanata ng Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Kabanata 1761 - Kabanata 1770

2346 Kabanata

Kabanata 1761

Sa biglaang pahayag ni Rodney, nanigas ang katawan ni Wesley sa kabila ng kanyang sarili.Naglaan si Wesley ng maraming taon para planuhin ang lahat bago dumating sa puntong ito. Hindi, hindi maaaring nagkamali ang plano niya.“Wesley, ano ibig niyang sabihin?”Nagpakita si gavin ng hindi natutuwang mukha at naglakad palapit sa lalaki. Ngayon na isang hakbang nalang siya mula sa tagumpay, hindi niya hahayaan pang magkaroon ng kahit anong problema.“Minister Mead, palagay ko sinusubukan niyang magpatagal para ibato tayo sa kaguluhan. Hindi natin kailangan seryosohin ang mga salita niya,” sabi ni Wesley na may malalim, na walang pakialam na boses, “Ang pinakamahalaga ngayon ay kailangan natin magkaroon ng kontrol sa lahat ng nasa pamilyang Snow.”“Huwag ka nang magalala tungkol dito. Nagtalaga na ‘ko ng ilang tao para bantayan ang mga Snows. Kinubkob na siguro sila ng mga tao natin ngayon.”Ibinaling ni Gavin ang malamig niyang titig kay Nathan. “Nathan, ang pamilyang Snow ay nagin
Magbasa pa

Kabanata 1762

Siguro si Gavin ay magkakaroon na ng maraming mga anak na lalaki sa panahong ‘yun.“Kung pinaplano niyang pagbantaan ako gamit si Hannah, pwede siyang mangarap,” Biglang malupit na sinabi ni Gavin.Sumigaw si Madam Mead, “Baliw ka ba? Biolohikal na anak natin siya. Hindi mo siya pwedeng iwan sa mahirap na posisyon.”Si Hannah ay nangangatog ang buong katawan. “Dad, pakiusap iligtas mo ako. Ayaw ko pang mamatay.”“Hannah, kung bibigay ako ngayong araw, wawasakin ni Nathan ang pamilya satin sa susunod.” Walang magawang nagbuntong hininga si Gavin. “Shaun, kaya kitang bigyan ng 200 bilyong dolyar basta’t pakawalan mo lang siya. Sisiguraduhin ko rin na ang pamilyang Hill ay mabubuhay na walang inaalala mula ngayon.”“Hah! Talagang nakakatawa. Sinong makakasiguro na paninindigan mo ang pangako mo?” Pinaliit ni Shaun ang mata niya at ngumiti kay Hannah. “Miss Mead, hindi ba’t sinabihan mo lang ako na maging aso mo?”“Ako…. Ako’y nagbibiro lang.” Ang mga binti ni Hannah ay nangatog sa t
Magbasa pa

Kabanata 1763

Isa sa mga senador na ang apelyido ay Jarman ay agad tumawa at sinabi, “Napakatalino, Prime Minister Snow. Sa totoo lang, alam ko kanina pa na may isa ka pang plano. Sigurado, mayroon nga. Walang mas may kakayanan pa kaysa sayo, Primie Minister Snow. Kailangan ka ng Asutralia para makamit nito ang kataasan. Pinirmahan ni Gavin ang sarili niyang death warrant. Paano pa siya maikukumpara sayo?”Nagpakawala si Nathan ng isang malalim na pagtawa. “Senator Jarman, matalino ka sa pag-arte base sa sitwasyon. Sa kasamaang palad, sa tingin ko narinig kita na tinatawag si Gavin bilang Prime Minister Mead. Sa kasong ‘yun, dapat manatili kang matapart sa kanya. Patumbahin siya…”Kinaway ng lalaki ang kanyang kamay. Pagkatapos, may kumaladkad palayo kay Senator Jarman.“Patawarin mo ako, Prime Minister Snow! Kasalanan ko ito. Hindi ko na it uulitin muli.”Ang kanyang nagdadalamhati na pagmamakaawa ay matagal na narinig sa banquet hall, na nagdulot sa lahat na mamanhid sa takot.Hindi na kailan
Magbasa pa

Kabanata 1764

Natigilan si Wesley. Sa oras na manumbalik ang ulirat niya, ang utak niya ay nabalisa.“Ito ay dahil ang mga taong ‘yun ay nakatanggap na ng piraso ng balita.”Tumawa si Rodney at sinabi, “Ngayong araw, ang buong mundo ay blinacklist at binoboycot ang Golden Corporation. Dagdag pa rito, Si Sheryl mula sa Hill Corporation ay planing kanselahin ang paglipat ng shares kay Jeffery, habang si Wade ay inaresto na kalahating oras pa lamang ang nakalilipas. Oh, oo nga pala, sina Jeffery at Sheryl ay pinagsususpetyahan sa isang malaking fraud. Ang mga pulis ay papunta na para arestuhin sila. Kaya ano pang mayroon ka ngayon? Tanging Golden Corporation nalang na nakikitungo sa local market ang natitira.” Marahan na paalala ni Ryan, “Rodney, bagaman pagmamay-ari ni Gavin ang shares sa Golden Corporation, siya ngayon ay pinagsususpetyahan ng pagrerebelde. Suspetya namin na ang Golden Corporation ay sangkot sa ilang shady dealings. May karapatan kami na patigilin ang operasyon ng kumpanya at i
Magbasa pa

Kabanata 1765

”Sarili mo lang ang sisisihin mo sa pagiging masama at sira ang bait. Kahit ang mahal mo ay kanamumuhian ka.”Walang pakialam na sinabi ni Shaun, “Bumaba ka nang sobra para patayin ang anak ng biolohikal mong kapatid. Paanong hindi siya maghihiganti sayo? Sa kasamaang palad, masyado ka niyang kilala kahit pa sinubukan mo siyang ibalik sa Melbourne. Alam niya nung una pa lang kung kanino mo i-aassign ang mga pinakaimportanteng gawain. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga tao para sundan ka, malaman niya kung saan lagi papunta ang mga confidants mo. Dahil sobrang importante ni Matthew sayo, siguradong hindi mo siya hahayaang mamatay. Hindi na kailangang sabihin pa, madalas mong sinasabihan ang confidants mo na bantayan siya, kaya nalaman namin kung nasaan si Matthew.”“Naiintindihan ko. Ang p*tang ‘yun!”Alam na nawala sa kanyang ang trump card niya, nababaliw na sumigaw si Wesley. “Kung nalaan ko ‘to nang mas maaga, pinatay ko sana ang p*tang ‘yun para ma-reunite siya sa anak niya.”“An
Magbasa pa

Kabanata 1766

Inisip ni Wesley ang sitwasyon.Nabalisa siya kaya sinubukan niya tumakas. Gayon pa man, binaril siya ni Shaun sa binti.Nahulog si Wesley sa sahig. Pagkatapos ay kinaladkad siya palayo ng mga bodyguard ng mga Costner.Habang paalis, ang malakas niyang sigaw ay rinig. May bakas din ng dugo niya sa sahig.Pagkakita sa eksena, lahat ay namanhid dahil sa takot.Hindi nila makakalimutan ang lahat ng ginawa nila para lang mapasaya si Wesley kani-kanina lang.Sa isang iglap, ang mapagmataas na si Wesley ay hinihila palabas ng lugar na parang asong ligaw.Lumuhod si Gavin at yumuko. "P-Prime Minister Snow, kasalanan ko ito. Hindi ko na… ulit ito gagawin. H-hindi ako ganito noon. Ito ay… kagagawan lahat ni Wesley. Pinilit niya ako. Siya ang nagpilit sa akin.""Oo, Prime Minister Snow. Hindi namin alam ng anak ko na nagplano sila magrebelde." Habang tulala, hinila ni Madam Mead si Hannah para lumuhod. Habang umiiyak siya, sumigaw siya, "Inosente kami! Dahil kay Gavin, nadamay kami sa gu
Magbasa pa

Kabanata 1767

Dali-daling kinapitan ni Hannah ang dulo ng pantalon ni Shaun at sinabi niya habang umiiyak, "Shaun, hindi iyon ang ibig sabihin ng dad ko. Pakiusap at huwag mo seryosohin ang sinabi niya.""Sa tingin niyo ba ay tanga ako?" Ngumisi si Shaun ng kaunti. Dahan-dahan siya yumuko at malumanay na sinabi habang nakakakilabot ang titig. "Hindi niyo dapat ako tinakot gamit ang nanay ko. Minister Mead, dahil ikaw ang nagmungkahi noon kanina, hahayaan ko na… mawala ka kasama ang asawa at anak mo.""Hindi… Hindi maaari." Sobrang nagulat si Madam Mead at naiyak siya, habang si Hannah naman ay mahigpit na hinawakan ang dulo ng pantalon ni Shaun. "Huwag mo gawin iyon, Shaun. Maaari kita samahan kahit anong oras. Wala ka ba… nararamdaman para sa akin sa dami ng oras ng pagsasama natin? Alam ko na gusto mo ako."Sa ganoon, ang tingin nina Titus, Matthew, at Sheryl ay napunta kay Shaun. Mayroon silang hindi natutuwang ekspresyon sa mukha.Palihim na ngumiti si Matthew. "Hindi ko masabi."Nagdilim a
Magbasa pa

Kabanata 1768

Simula ngayon, ang buong Canberra ay makakahinga na nang maluwag. Sa parehas na oras, maaari na mabuhay si Nathan nang hindi nag-aalala.Maaari pa siya umasa na mahalal muli sa susunod na apat na taon.Kapag bababa na siya, maaari niyang hayaan ang anak niya, si Ryan, na kunin ang posisyon niya.Ngumiti si Nathan. "Buti na lang may Shaun tayo ngayon. Kung hindi niya nahanap si Matthew at pinigilan si Wesley sa tamang oras, hindi ko na ulit makakaharap si Wesley kahit pa mapigilan ko si Gavin sa pagrebelde. At saka, sa mataas na ambisyon ni Wesley, ayaw ko talaga siya mabuhay."Ang titig ng lahat ay napunta sa matangkad at malaking pigura ni Shaun.Kahit sina Titus at Matthew ay hindi maiwasan humanga kay Shaun.Tinapik ni Nathan ang balikat ni Shaun at patuloy siyang pinuri. "At saka, si Shaun ang nagmungkahi ng plano na ito. Sadyang nilapitan niya si Hannah para isipin ng lahat na wala na siyang ibang pagpipilian kundi lumapit kay Hannah. Isa pang rason ay nagsasaya ang mga Mea
Magbasa pa

Kabanata 1769

Nagliwanag ang mata ni Shaun. Binaba niya ang ulo niya at hinimas ang buhok ni Lucas. "Magaling. Pagbalik natin, ikukwento ko ito kay Mommy mo at sabihin ko sa kanya na purihin ka.""Ahem. Kalimutan mo na. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin," Sagot ni Lucas.Tinignan ni Sheryl si Lucas at hindi siya makapaniwala.Hindi niya alam dati na si Catherine ang anak niya. Ngayon at nalaman na niya ang katotohanan, ngayon niya lang napagtanto na ang maliit na bata sa harap niya ay ang apo niya.Bukod doon, medyo kahawig niya ito at ni Catherine.Namula ang mata ni Sheryl habang tinitignan niya ang bata.Habang iniisip niya lalo ang bagay na ito, mas lalo niya kinamumuhian si Rebecca at ang iba.Dahil sa panghihimasok nila, naging tanga si Sheryl at hindi niya nakilala ang sarili niyang anak at ang mga apo niya.Napupuno siya ng sama ng loob, ngunit hindi siya naglakas loob umabante.Natatakot siya na kamuhian siya ng bata.Tinignan siya ni Matthew. Pagkatapos ay lumingon siya kay Lucas
Magbasa pa

Kabanata 1770

Walang masabi si Rodney.Iniisip niya kung bakit hindi niya napagtanto dati na malandi si Shaun.Ito ba ang tunay na pagkatao ni Shaun pagkatapos niya mawalan ng memorya?"Tara na."Hinawakan ni Shaun ang kamay ni Lucas at pumasok na sila sa kotse Umupo si Lucas sa likod at suminghal dahil halo-halo ang nararamdaman niya. "Hindi ko maitatanggi ang maganda mong intensyon sa paglapit kay Hannah bago ito, ngunit sinukuan ka na ni Mommy.""Wala kang alam sa mga ganitong klaseng bagay. Ito ay usapan ng mga matatanda."Marahan na kinatok ni Shaun ang manibela. "At saka, hindi na importante kung hindi na niya ako mahal. Kaya ko gawin na mahalin niya ulit ako."Sumimangot si Lucas. "Nawalan ka na ng memorya at nakalimutan mo ang relasyon niyo ni Mommy, kaya bakit ba ayaw mo pa rin siya bitawan?""Hey, bilang anak namin, ayaw mo ba na magbati kami ng Mommy mo at magkaroon ng buong pamilya?" Paalala ni Shaun, "Kahit papaano, ako ang dad mo.""Talaga? Muntik ko na makalimutan." Sumingh
Magbasa pa
PREV
1
...
175176177178179
...
235
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status