Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1721 - Chapter 1730

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1721 - Chapter 1730

2346 Chapters

Kabanata 1721

Naghanda ng maraming putahe si Aunty Yasmine noong tanghali na, ngunit hindi pa rin bumabalik si Shaun.“Si Young Master ba ay… walang balak bumalik para sa tanghalian?” Tumingin si Aunty Yasmine kay Catherine.Tumingin si Catherine kay Lea. “Aunty Lea, dahil may seryosong nangyari sa kompanya ngayong araw, hindi ba ito iispin nang sobra ni Shaun…”“Tatawagan ko siya.” Nag-aalala na inilabas ni Lea ang phone niya para tawagan si Shaun.‘Di kalaunan, narinig niya ang malalim na boses ni Shaun. “Mom, anong problema?”“Shaun, narinig ko ang nangyari sa kompanya ngayong araw. Saan ka ba nagpunta pagkatapos mo umalis ng opisina kaninang umaga? Hindi ka ba uuwi para kumain ng tanghalian?” Mahinahon na sinabi ni Lea, “Huwag mo masyado ispin iyan. Ang lolo at lola mo ay hindi na iyan iniisip. Maayos pa rin ang buhay natin kahit wala ang Hill Corporation.”“Mom, nag-iisip ka nang sobra. Simula noong nawalan ako ng memorya, hindi na ganoon kalalim ang nararamdaman ko para sa Hill Corporati
Read more

Kabanata 1722

”Daddy, halika na at mag-agahan.” Sabi ni Suzie habang ngumunguya ng ravioli.Mabilis na inutusan ni Lea si Shaun na may gawin. “Dahil wala ka naman ginagawa, ihatid mo sina Suzie at Lucas sa preschool pagkatapos ng agahan. Kailangan mo maging responsable sa mga anak mo.”Hindi nagsalita si Catherine. Ang ginawa niya lang ay kumain ng lugaw.Pagkatapos siya tignan patagilid, ngumiti si Shaun. “Sige, ihahatid ko sila sa preschool. Ngunit may kailangan ako gawin mamaya, kaya hindi mo na ako kailangan lututan, Aunty Yasmine.”Tanong ni Old Madam Hill, “Ano ba ang pinagkakaabalahan mo? Hindi ba at ang Hill Corporation-”Sumabat si Old Master Hill, “Shaun, hindi ka pa rin ba susmusuko?”“Grandpa, Grandma, pakiusap at huwag niyo na ako pakialaman. Buhay ko ito. Dahil matanda na ako, kailangan ko mag-isip kung paano kumita ng pera. Hindi naman maaaring mamuhay ako dahil sa mga Hill habambuhay.” Umupo si Shaun sa tabi ni Lucas bago siya kumuha ng kutsara at nagsimulang kukmain.Nagpalit
Read more

Kabanata 1723

Nang umalis na si Shaun sa preschool pagkatapos ihatid ang mga bata doon, nakatanggap siya ng tawag mula kay Hannah.Pagkakita sa tumatawag sa kanya, tinignan niya ito nang hindi interesado. Gayon pa man, kalmado niya pa rin sinagot ang tawag sa huli.…Sa gabi.Pagkatapos ng hapunan, bigla na lang nakaramdam si Catherine na wala siyang ginagawa.Noong inaalagaan niya ang mga bata, pinamamahalaan niya pa ang Hudson Corporation, at may oras para makipag-date noon, pakiramdam niya ay parati siyang nauubusan ng oras, Ngayon at nasa preschool na ang mga bata at hindi na niya kailangan magtrabaho o makipag-date, mukhang marami siyang bakanteng orasNang nag-aalangan pa siya tanungin si Freya para mamili, tinawagan siya nito. “Cathy, nasaan ka?”“Nasa manor.”“Nasaan si Shaun?” Dali-daling tanong ni Freya.“Umalis siya kaninang umaga. Siguro ay may inaayos siya.” Kaswal na kumuha si Catherine ng peras sa lamesa at kinagatan ito.“Kalokohan,” Nagalit si Freya. “Alam mo ba kung bakit
Read more

Kabanata 1724

Maaaring may tinatagong motibo si Shaun.Ipinagpatuloy ni Freya, “Hayaan mo na sabihin ko sa iyo na manlilinlang si Minister Mead. Wala naman siyang pakialam kay Shaun. Siguro ay niloloko lang ni Hannah si Shaun, ngunit huwag mo ito sabihin sa kanya. Hayaan mo siya sa babaeng iyon. Tama lang iyon para sa kanya.”“Oh, siya nga pala, bilang kaibigan mo, pinapayuhan kita na umalis ka na sa manor ng pamilyang Hill. Sa kasalukuyang kalokohan ni Shaun, pagtatawanan ka ng ibang tao kapag ipinagpatuloy mo na manatili dyan.”Galit na galit si Freya sa hindi patas na pagtrato kay Catherine.“Mm. Salamat sa paalala, Freya. Nag-aalangan talaga ako bumalik sa bahay ng mga Yule noong una,” Sagot ni Catherine, “Ngunit mukhang hindi ko na kailangan mag-isip pa.”“Cathy, dapat mo tratuhin nang mas maayos ang sarili mo. At saka, marami ka nang nagawa para kay Shaun. Hindi mo kailangan ituon sa kanya ang lahat.”Sa puntong iyon, umaasa si Freya na lalayo na si Catherine kay Shaun sa lalong madaling
Read more

Kabanata 1725

Nagalit si Joel sa loob ng villa, “Tulad ng sinabi ko kanina, hindi na dapat nakipag balikan si Catherine kay Shaun. Mas pipiliin ko pa na maging mag-isa lang siya habambuhay kaysa masaktan ng paulit-ulit.”Nagbuntong hininga ang taga-linis. “Hindi lang swerte si Miss Jones pagdating sa mga relasyon.”Habang may nakabara sa lalamunan niya, kumatok si Catherine sa pinto.Nang nakita ni Joel si Catherine, ang mukha niya ay nanigas ng ilang saglit bago siya lumapit dito habang nakangiti. “Cathy, nagbalik ka na. Bakit hindi mo sa akin pinaalam? Wow. Dala mo pa ang maleta mo. Ayos iyan. Wala rin akong magawa mag-isa rito.”Hindi niya binanggit ang bagay tungkol kay Shaun at Hannah, at naramdaman ni Catherine ang pagmamahal nito.Alam niyang nag-aalala si Joel na baka nahihiya siya o nalulungkot.“Dad, narinig ko na ang lahat ng sinabi mo. Sa totoo lang, nilinaw ko na ito kay Shaun ilang araw ang nakalipas, sinabi ko sa kanya na maaari siya makipagrelasyon sa ibang babae. Nakalimutan n
Read more

Kabanata 1726

Nasa kumpanya si Sherry para sa ginagawang inspeksyon. Bagama’t inspeksyon ang tawag doon, wala naman talaga siyang sinusuri dahil patuloy ang paglala ng sakit ng kanyang ulo.Ipinahayag ni Sally ang kanyang pag-aalala para kay Sheryl. “Sherry, masama ba ulit ang pakiramdam mo? Napakasama naman ni Titus para pahirapan ka nang ganito. Sa tingin ko dapat kang bumalik sa isla at magpagamot sa lalong madaling panahon. Maaari kang bumalik kapag ganap ka nang magaling. Ang iyong kapatid at si Manager Middleton ang magbabantay sa kumpanya.”"Hindi ako aalis hangga't hindi nahahanap si Matthew at napaghiganti ko si Rebecca."Naglalakad na naka-high heels, binilisan ni Sheryl ang lakad pabalik sa kanyang opisina para magpahinga. Nang bumuti ang pakiramdam niya sa pamamagitan ng pagpikit ng kanyang mga mata, pumasok si Jeffery kasama ang isang lalaking eleganteng manamit. Gayunpaman, ang mukha ng lalaki ay bahagyang may galos at maputla. Mukhang kagagaling lang niya sa malubhang karamdaman.
Read more

Kabanata 1727

Pagkatapos magsalita ni Wesley ay nagsimula na silang tumawa nang mapakla ni Jeffery.Matagal niya na ring hinihintay ang araw na iyon.…Sa itaas na opisina.Bago makaalis si Sheryl ng opisina ay pumasok ang kanyang secretary at sinabing, “Chairwoman Jones, gusto ho sana kayong makita ng chairman ng Joule Corporation na si Joel Yule.”“Joel Yule?” Pagkatapos niyang mag-isip ay napagtantuan ni Sheryl na iyon ang lalaking inabandona siya nang higit dalawampung taon.Hindi niya inakalaang sa halip na hahanapin niya ito ay siya mismo ang hahanap sa kanya. “Papasukin mo.”Pagkalipas ng limang minuto, pumasok ang isang lalaking nasa sapat nang edad na nakasuot ng itim na suit. Mukhang nasa 40s na siya, ngunit nanatiling maayos ang kanyang katawan. Bagama't hindi siya kasing tangkad at tikas gaya ni Titus at medyo payat ang pangangatawan, siya ay may mataas na tulay ng ilong at kitang-kitang mga katangian. Mukha pa rin siyang matikas sa kabila ng mga lukot sa ibaba ng kanyang mature n
Read more

Kabanata 1728

Napuno ng matinding poot ang mga mata ni Sheryl.Natigilan si Joel sa sobrang tigas ng ulo ni Sheryl sa pagiging neurotic sa harap niya.Nag-aalala talaga siya na baka magpatayan sina Sheryl at Catherine balang araw."Chairwoman Jones, ito ang... mga buhok ni Catherine."Inilagay ni Joel ang ilang buhok sa kanyang mesa. "Kung hindi ka naniniwala sa akin, maaari mong ipadala ang mga buhok na ito pabalik sa Soromon Island para sa DNA testing. Sila ang iyong mga pinagkakatiwalaang tao, at hindi nila magagawang pekein ang resulta. Tungkol naman kay Rebecca at sa iyong DNA test, maaari ko bang malaman kung ikaw mismo ang gumawa nito?"“Ang anak kong lalaki mismo ang nagpagawa ng DNA Test. Sinasabi mo ba na kahit ang anak ko ay hindi mapagkakatiwalaan?" Hindi naniwala si Sheryl kay Joel."Chairwoman Jones, marahil ang buhok ay totoo, ngunit naisip mo ba na maaaring hindi ito pag-aari ni Rebecca? Napanood mo ba siyang dinukot ito mula sa kanyang ulo gamit ang iyong sariling mga mata?"
Read more

Kabanata 1729

Isang ideya ang pumasok sa isipan ni Sheryl. Noong mga sandaling hahawakan na niya sana ang mga ito, nagsimulang sumakit ang kanyang ulo.Nabitawan niya tuloy ang mga hawak niyang litrato.“Chairwoman Jones.” Laking gulat na sinabi ng kanyang assistant. “Dadalhin na kita sa ospital, okay?”“Huwag na. Pumasok na lang tayo roon at magpahinga.” Kinaway ni Sheryl ang kanyang kamay. Namumutla ang kanyang mukha. Agad siyang binuhat ng assistant at dinala sa lounge. Nakahiga si Sheryl sa kama na bahagyang nakapikit. "Padala niyo sa Soromon Island ‘yong mga buhay, at ipasailalim ninyo sa DNA test."“Sige.” Tungo ng assistant. Sa tagal na nitong namamasukan para kay Sheryl ay pinagkatiwalaan na siya nito.…Matapos ihatid ni Jeffery si Wesley sa parking lot, handa na siyang umakyat sa itaas nang bigla niyang namataan ang isang matikas na lalaki na lumabas sa opisina.Ang mukhang iyon…Nakita niya na ito sa TV noon. Siya ay walang iba kung hindi si Joel Yule.Gayumpaman, ano kaya ang
Read more

Kabanata 1730

Habang nakikinig si Jeffery kay Wesley, lalo siyang natakot.Tunay ngang nakakatakot si Wesley.Hango ito sa isang demonyo.Papatayin na lang din ba siya nito balang araw nang hindi niya namamalayan?“Bakit, natatakot ka na ba?" Nagsimulang tumawa si Wesley. “Uncle Jeffery, simula noong araw na hinanap kita sa kulungan para pakiusapan kang kilalanin mo si Catherine bilang anak mo sa harap ni Sheryl, wala nang balikan. Siya nga pala, dahil baka nagsimula nang maghinala si Sheryl sa iyo, kailangan kong gumawa ng drama sa pagitan nila ni Catherine. Hindi ko hahayaang kilalanin nila ang isa't isa nang ganoon kaaga."“Ano nanaman ang sinusubukan mong gawin?” Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Jeffery.“Gusto kong gatungan ang hidwaan sa pagitan nila.”Pagkatapos nitong magsalita’y ibinaba na ni Wesley ang tawag.Kinilabutan si Jeffery.Pagkatapos ng lahat, plano niyang kumuha ng ilang daang bilyong dolyar at lisanin ang Australia. Wala na siyang pakialam sa Hill Corpo
Read more
PREV
1
...
171172173174175
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status