Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1701 - Chapter 1710

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1701 - Chapter 1710

2346 Chapters

Kabanata 1701

Ang madilim na mga mata ni Shaun ay kimislap na may pagdududa.Naglakad si Rodney papunta sa pinto at kinandado ito bago naglabas ng memory card mula sa bulsa niya at ipinasok ito sa computer.Ilang sandali ang nakalipas, ilang heart-racing images ang lumitaw sa screen ng computer.Natulala si Shaun. Pakiramdam niya ay nakaranas ng matinding pagyanig ang pananaw niya sa mundo.Ang gwapong mukha niya, rin, ay hindi maipaliwanag na naging kasing pula ng isang mansanas sa isang iglap.Hindi niya alam kung anong problema sa kanya. Ang tanging naramdaman niya ay ang nag-aalab niyang mukha at ang bumibilis na tibok ng puso niya.“Kumusta ito?” Pumutak si Rodney. “Pinapakita ko lang sa’yo ‘to dahil bro kita.”“...”12:30 p.m.Personal na nagluto si Catherine ng ilan sa pinakamasasarap niyang putahe.Kamakailan ay hindi na nagsusuka si Freya, at ang gana niya ay partikular nang maganda. Sa ganun, hindi niya mapigilan ang sarili niya na kumuha ng hipon para sa sarili niya. Matapos kai
Read more

Kabanata 1702

Sakto lang ang pagtingala ni Shaun para makita ang paglingon ni Catherine para kausapin si Freya matapos ibigay sa kanya ang isda. Sa maliwanag na sala, ang magandang maliit na mukha ng babae ay nakamamangha, na tila lumabas siya sa isang larawang ipininta. Dahil sa kanyang balat na kasing puti ng niyebe at makapal na maitim na mga kilay, mukha siyang isang paru-paro na nakalabas ang mga pakpak, handang lumipad. Sa sandaling ‘yun, naalala niya ang imaheng nakita niya sa computer, at ang ulo niya ay hindi maipaliwanag na nag-init.Biglang sumigaw si Freya. “Woah! Bakit ka may nosebleed?”Tumungo si Shaun para makakita ng ilang patak ng pulang likido sa mangkok niya. Matapos ay hinawakan niya ang ilong niya gamit ang kamay niya at nataranta.May sakit ba siya?“T*ngina. Halika na, tara na. Sasamahan kita sa banyo para mag-wash up.” Agad siyang ginabayan ni Rodney papunta sa banyo sa baba.Matapos pumasok, kumuha siya ng isang paper towel, binasa ito ng tubig, at pinunasan ang mukh
Read more

Kabanata 1703

“...”Sobrang napahiya si Catherine na hiniling niya na matamaan ng kidlat.Gusto niya lang sumabog.Ang lalaking ito ay nagdedevelop na kasing bilis ng rocket.Tama ‘yan. ‘Yun ang iniisip niya sa oras na ‘yun, ngunit ang isip niya ay nagbago nang mga nakaraang araw. Dagdag pa rito… Ang mga salita niyay ay pinamukha ang babae bilang isang mahalay na tao.Anong ibig sabihin niya na maging babae niya?Nagsalita siya na tila high demand siya.Siya, isang lalaki na paulit ulit nagugulo ang utak? Tsk. Kahit ang babae ay medyo nandiri sa lalaki.“Masyado kang nag-iisip,” Matigas na sabi ni Catherine at sinamaan ng tingin ang lalaki. “So hindi ka mahihinig sakin, huh?”“Cathy, kung nagkusa ka na halikan ako dati ngunit ayaw na maging babae ko, edi isa kang bastos ‘nun.” Hinanda ni Shaun ang sarili niya at sinabi, “Ayon sa criminal legislation ng Australia, magdadala ka ng criminal responsibility kung ang tao ay wala pa sa edad. Dagdag pa rito, ang sabi ng batas ngayon ay, sa usaping
Read more

Kabanata 1704

”Hindi nawala ang memorya mo. Habang kasal tayo, lagi mong tinatawagan ang ex-girlfriend mo, at umasa ka sa kanya at nagtiwala. Siya ang rason bakit tayo nagdivorce. Dahil nagkaroon ka ng mental disorder, kinuha niya ang oportunidad habang ginagamot ka para i-tamper ang memorya sa utak mo. Ang tanging naalala mo ay lahat ng masasamang bagay sa pagitan natin, at dinelete mo ang masasayang mga oras natin na parang computer. Ito ay napakahirap na panahon para sakin. Kalaunan, na-divorce tayo at nagkabalikan, ngunit hindi nagtagal, ganito ang kinalabas mo…”Sobrang nagulat si Shaun na nanatili siyang tahimik ng mahabang panahon.Ang pagiging kumplikado ng nakaraan ang malamang na naggulat sa kanya.Simpleng nakinig siya kay Rodney na nakipag-usap tungkol sa nakaraan, ngunit hindi niya alam na ang rason ng divorce ay sobrang komplikado.Dagdag pa rito, masasabi niya na si Cathy ay sa anumang paraan ay kinainisan siya habang inaalala nito ang istorya.“Cathy… Lagi ba kitang napapagod?”
Read more

Kabanata 1705

Kinagabihan.Bumali-baliktad si Catherine pero hindi makatulog.Bagaman matatag siya nang kinausap si Shaun, nag-alala pa rin siya na i-overthink ng lalaki ang lahat ng katotohanang natutunan nito nitong nakaraang dalawang araw.Dagdag pa rito, medyo hindi siya sanay sa biglang kawalan sa tabi niya.Kinabukasan, nagising siya ng 6:00 a.m. Nang lumabas siya, nakita niya na ang ilaw sa study sa ikalawang palapag ay nakabukas.Lumapit siya at dahan-dahang binuksan ang pinto para makita si Shaun na nakaupo sa mesa habang naka-pajamas, maingat na naglilipat ng pahina sa isang tumpok ng makakapal na dokumento sa mesa.“Anong ginagawa mo?” Malakas na tanong ng babae, natigilan.Sa boses ng babae, lumingon si Shaun. Sa ilalim ng kanyang medyo gusot-gusot na itim na buhok, ang maitim niyang mga mata ay kasing kalmado ng tubig sa bukal. “Tinitignan ko ang ilang impormasyon at dokumento na may kinalaman sa Hill Corporation.”“Saan mo kinuha ang mga ito?”“Pinadala ko ito kay Hadley kagab
Read more

Kabanata 1706

Dati, hindi humihiwalay si Shaun sa kanya, at gusto nito na palagi siya samahan.Heh. Kahit na alam ni Catherine na lalaki si Shaun, nadismaya pa rin siya sa mabilis na paglaki nito.Sa kabutihang palad, malinaw ang pag-iisip niya.Naiintindihan niya na ang nararamdaman ni Shaun para sa kanya ay pag depende, at hindi pagmamahal.Nang pabalik na si Catherine sa pagtatakbo niya, sakto naman na nakita niyang sumakay si Shaun sa itim sa sasakyan at umalis.Nakatitig lang siya dito nang matagal bago siya bumalik sa katinuan niya.… Pagkatapos niya ipadala ang mga bata sa preschool, nagmaneho siya papunta sa Militaire Hospital.Pumasok siya pagkatapos niya iparada ang sasakyan niya at nakita niya si Titus sa pribadong hardin. Nakatalikod ito sa kanya habang may lantang dahon ito sa balikat at naging dahilan para nagmukhang medyo malungkot ang malaking lalaki.“Uncle Titus…” Mahinang tawag ni Catherine.Bumalik si Titus sa katinuan niya. “Bakit ka nandito?”“Tinawagan ko ang assis
Read more

Kabanata 1707

”Gusto mo ba… makita si Sheryl?” Biglang tanong ni Titus.“...Hindi na. Kapag sinilip ko siya, tiyak na pagagalitan niya ako at sasabihin na inaakit ulit kita. Wala naman siyang magandang sasabihin din sa akin.” Umiling si Catherine.“Mukhang… sobrang nadismaya ka sa nanay mo.” Naiintrigang ngumiti si Titus. “Ngunit alam mo ba kung gaano siya kayaman? Maaaring mas mayaman pa siya kaysa sa akin.”“Alam ko. Siya ang may-ari ng Soromon Island, na may maraming oil reserves. Sobrang yaman niya.” Nagkibit balikat si Catherine.Nagulat si Titus. “Dahil alam mo naman, dapat ay maintindihan mo na bilang anak niya, ikaw ang magiging pinakamayaman na babae sa buong mundo sa pagmana lang ng maliit na bahagi ng kayamanan niya.”“Anong punto noon? Kailangan ko pa kumuha ng maraming bodyguard para protektahan ako sa mga naiinggit na tao. Kapag hindi ako nag-ingat, ako ay maaaring mablackmail at madakip.” Nagkibit balikat muli si Catherine at natatawang sinabi, “Hindi naman ako naging kapos sa pe
Read more

Kabanata 1708

Gayon pa man, nang nakita ni Wesley na pumasok si Hannah, mabilis siyang ngumiti. “Ms. Mead, bakit ka nandito?”“Narinig namin na may nangyari sa iyo, kaya inutusan ako ng tatay ko na puntahan ka.” Nilagay ni Hannah ang basket ng prutas sa lamesa at sinabi iyon ng walang ekspresyon.Sa totoo lang, kinamumuhian niya si Wesley. Maaaring elegante siya tignan, ngunit siya ay puno ng panlilinlang. Bilang babae, kahit na nagseselos siya kay Catherine, naiintindihan niya ang nararamdaman ni Catherine. Hindi lalaking-lalaki si Wesley tulad ni Shaun, at ang negosyo niya ay hindi rin kasing galing ng kay Shaun. Sa halip, mas gusto niya tahakin ang maikling daan at manloloko siya.Gayon pa man, sinabi ng tatay niya na kailangan niya ng ahas na tulad ni Wesley para maging taliba. Kung hindi, paano siya magiging prinsesa sa hinaharap?“Pakisabi kay Minister Mead na salamat.” Ngumiti ng kaunti si Wesley. “Maupo ka, Ms. Mead.”Hindi interesadong sagot ni Hannah, “Hindi na kailangan. Nagalit ang
Read more

Kabanata 1709

”Oo. Sabihin mo kay Minister Mead na bigyan pa ako ng konting oras,” Ani ni Wesley sa mababang boses.“Okay. Siya nga pala, sinabi sa akin ng tatay ko na huwag mo iwan mag-isa si Matthew. Kapag mas ginalit mo pa si Titus, mas magiging malupit ang paghihiganti niya. Si Titus ay kilala bilang nakakakilabot at walang puso na tao. Iba siya sa mga ordinaryong tao.” Babala ni Hannah bago umalis.Sa loob ng ward, binaba ni Wesley ang mata niya at tinignan niya ang phone niya.Noong umpisa pa lang, noong ginamit niya ang buhok ni Catherine para mapagpanggap si Rebecca na anak ni Sheryl, nasa mahirap na sitwasyon na siya.Ngayon at malayo na ang narating niya, hindi na siya maaari umatras.Si Sheryl na lang ang tangi niyang pag-asa.… Sa Militaira Hospital.Inaantok si Sheryl pagkatapos siya mabigyan ng iniksyon.Noong patulog na siya, pakiramdam niya ay may humahawak sa buhok niya.“Sheryl, pasensya na. Ayaw ko talaga gawin ito sa iyo… Nasasaktan ako na makita kang ganito… Ngunit wa
Read more

Kabanata 1710

’Titus Costner, sobrang sama mo. Sobrang sama mo.’Naguguluhan ang utak ni Sheryl. Isa lang ang nasa isip niya at iyon ay ang pagtakas niya.Gusto niya makita si Rebecca ng huling beses.Sa sumunod na gabi.Pumasok na ang doktor at ininiksyonan si Sheryl ng pampatulog. Noong inisip ng lahat na matutulog na siya, bigla niyang pinatumba ang doktor at ang mga bodyguard sa pinto. Pagkatapos ay tumalon siya sa bintana at tumakas gamit ang tubo na nakadikit sa pader sa labas.Noong pumunta si Titus doon, ang nakita niya lang ay ang doktor at ang mga bodyguard ni Sheryl na nagsisisi na nakatayo sa labas.“Humihingi ako ng tawad, Mr. Costner. Sobrang galing ni Madam. Kami ay…” Yumuko ang kapitan ng mga bodyguard. Sila ang mga magagaling mula sa pamilyang Snow at inisip nila na ang pagbantay sa isang babae ay madali lang. Hindi nila inaasahan na ang babae na iyon ay makakaalis sa ilalim ng pagbabantay ng limang lalaki.Naging nakakakilabot ang ekspresyon ni Titus, at umigting ang panga n
Read more
PREV
1
...
169170171172173
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status