Gayon pa man, nang nakita ni Wesley na pumasok si Hannah, mabilis siyang ngumiti. “Ms. Mead, bakit ka nandito?”“Narinig namin na may nangyari sa iyo, kaya inutusan ako ng tatay ko na puntahan ka.” Nilagay ni Hannah ang basket ng prutas sa lamesa at sinabi iyon ng walang ekspresyon.Sa totoo lang, kinamumuhian niya si Wesley. Maaaring elegante siya tignan, ngunit siya ay puno ng panlilinlang. Bilang babae, kahit na nagseselos siya kay Catherine, naiintindihan niya ang nararamdaman ni Catherine. Hindi lalaking-lalaki si Wesley tulad ni Shaun, at ang negosyo niya ay hindi rin kasing galing ng kay Shaun. Sa halip, mas gusto niya tahakin ang maikling daan at manloloko siya.Gayon pa man, sinabi ng tatay niya na kailangan niya ng ahas na tulad ni Wesley para maging taliba. Kung hindi, paano siya magiging prinsesa sa hinaharap?“Pakisabi kay Minister Mead na salamat.” Ngumiti ng kaunti si Wesley. “Maupo ka, Ms. Mead.”Hindi interesadong sagot ni Hannah, “Hindi na kailangan. Nagalit ang
”Oo. Sabihin mo kay Minister Mead na bigyan pa ako ng konting oras,” Ani ni Wesley sa mababang boses.“Okay. Siya nga pala, sinabi sa akin ng tatay ko na huwag mo iwan mag-isa si Matthew. Kapag mas ginalit mo pa si Titus, mas magiging malupit ang paghihiganti niya. Si Titus ay kilala bilang nakakakilabot at walang puso na tao. Iba siya sa mga ordinaryong tao.” Babala ni Hannah bago umalis.Sa loob ng ward, binaba ni Wesley ang mata niya at tinignan niya ang phone niya.Noong umpisa pa lang, noong ginamit niya ang buhok ni Catherine para mapagpanggap si Rebecca na anak ni Sheryl, nasa mahirap na sitwasyon na siya.Ngayon at malayo na ang narating niya, hindi na siya maaari umatras.Si Sheryl na lang ang tangi niyang pag-asa.… Sa Militaira Hospital.Inaantok si Sheryl pagkatapos siya mabigyan ng iniksyon.Noong patulog na siya, pakiramdam niya ay may humahawak sa buhok niya.“Sheryl, pasensya na. Ayaw ko talaga gawin ito sa iyo… Nasasaktan ako na makita kang ganito… Ngunit wa
’Titus Costner, sobrang sama mo. Sobrang sama mo.’Naguguluhan ang utak ni Sheryl. Isa lang ang nasa isip niya at iyon ay ang pagtakas niya.Gusto niya makita si Rebecca ng huling beses.Sa sumunod na gabi.Pumasok na ang doktor at ininiksyonan si Sheryl ng pampatulog. Noong inisip ng lahat na matutulog na siya, bigla niyang pinatumba ang doktor at ang mga bodyguard sa pinto. Pagkatapos ay tumalon siya sa bintana at tumakas gamit ang tubo na nakadikit sa pader sa labas.Noong pumunta si Titus doon, ang nakita niya lang ay ang doktor at ang mga bodyguard ni Sheryl na nagsisisi na nakatayo sa labas.“Humihingi ako ng tawad, Mr. Costner. Sobrang galing ni Madam. Kami ay…” Yumuko ang kapitan ng mga bodyguard. Sila ang mga magagaling mula sa pamilyang Snow at inisip nila na ang pagbantay sa isang babae ay madali lang. Hindi nila inaasahan na ang babae na iyon ay makakaalis sa ilalim ng pagbabantay ng limang lalaki.Naging nakakakilabot ang ekspresyon ni Titus, at umigting ang panga n
“Tumigil ka na, ‘di ba ang gusto mo namang sabihin ay si Catherine ang tunay na anak ni Sheryl, tama ba? Pinatay niyo si Rebecca at sinira ninyo ang pag-iisip ni Sheryl para magaya ni Catherine ang tunay na anak ni Sheryl upang mapasakanya ang mana. Ano ba ang ginawa ni Sheryl para maikasal sa isang napakalupit at tusong lalaking katulad mo, Titus Costner?”Ngumuso si Sally. “Wala talaga akong ideya kung paano kayo nakukulam ni Catherine. Ano ang napakahusay sa kanya? Dahil lang mas bata siya kay Sheryl? Napakataksil mo."Ang salitang 'mas bata' ay parang karayom na biglang tumusok sa sentido ni Sheryl.Maging ang marupok niyang katawan ay nagsimulang manginig."Sherry..." Nag-aalala, gustong hawakan ni Titus ang asawa."Huwag kang lalapit sa akin," Umirap sa kanya si Sheryl na parang bang marumi siya. "Makita lang kita, parang nasusuka ako."Natigilan si Titus sa kanyang kinatatayuan. Sa kabila ng pagiging magaling at malamig na tao sa loob ng maraming taon, labis siyang nasakta
Kasado na kay Sheryl na ipadarama niya ang impyerno kay Catherine.…Sa manor ng mga Hill.Paliliguan na sana ni Catherine ang kanyang dalawang anak nang biglang tumunog ang kanyang phone.Naglakad siya papunta sa balcony dala-dala ang kanyang phone. "Uncle Titus, gabi na ah, napatawag ka? Anong problema?"“Nakatakas si Sheryl.” Paos ang boses ni Titus. “Ang unang pinuntahan niya ay ang funeral parlor. Sinubukan kaming paghiwalayin ni Sally sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya na pinatay ko si Rebecca. Sinabi pa niya na ikinulong ko si Sheryl para sirain ang kanyang pag-iisip sa halip na gamutin ang kanyang sakit, ngunit ang tunay niyang layunin ay…”"Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. Naiintindihan ko lahat." Malungkot ang itsura ni Catherine. Malamang na naisip ni Sheryl na nakikipagrelasyon siya kay Titus.“Huwag mo sana akong masamain. Wala siya sa sarili niya. Dahil yan sa ipinainom sa kanya..."Pilit na ngumiti si Catherine. Hanggang sa mga sandaling iyon ay prinopro
Gayunpaman, nagpigil siya sa pag-iisip na hindi pa rin sapat ang kanyang lakas.“Mm.” Tanong ni Shaun na may malalim na boses, "Anong problema?"“...”Ano ang ibig sabihin noon? Hindi ba pwedeng basta-basta lang siya nitong hahanapin?Nang maingat na pinagmasdan ni Catherine ang kanyang itsura, napansin nitong walang katapusan ang lalim sa kanyang mga mata. Nararamdaman na niya ang pagtaas ng kawalang-interes nito pagkatapos ng dalawang araw.Kumirot ang kanyang puso nang mapagtantuan niya ito. Bigla na lamang niyang naisip na mas gugustuhin niya pang makasama ang dating Shaun kaysa sa anyo nito ngayon.Subalit dahil kasado na ang kanyang isip, wala na siyang magagawa kung manghihinayang lamang siya.“Tinawagan ako ni Uncle Titus, nakatakas daw si Sheryl.”Sinabi ni Catherine kay Shaun ang kanilang pagsusuri sa isyu. "Kung babawiin ni Sheryl ang charge, mahihirapan lang tayo, lalo na kapag napunta kay Jeffery o kay Sheryl ang shares ni Rebeccai."“Alam ko.”Tumango si Shaun,
Habang pinagmamasdan niya si Catherine na umalis, kumunot ang mga kilay ni Shaun.Alam niya na ang kanyang mga sinabi ay maaaring maging masama, na kanyang kinasama ng loob, ngunit wala siyang karapatang magsalita tungkol sa mga relasyon hanggang sa malutas ang issue sa Hill Corporation.Tumawag siya nang makapasok sa kanyang silid, "Elle, kailan ka babalik?"“Bukas ng umaga, Young Master Hill. Nagsisimula na itong mahubog."“Sige.”...Kinabukasan.Gabi na noon.Pagkatapos ng mahabang araw, bumalik si Sonya sa kanyang high-end na duplex na apartment habang nakakaramdam ng pagod.Dahil matatagpuan ang nasabing apartment sa sentro ng kalakalan ng lungsod, talagang kayamanan ang halaga ng bawat pulgada ng lupa. Maraming tao ang lubos na humahanga sa pagmamadali sa lungsod.Gayunpaman, walang nakakaalam sa sakit na dinaranas niya. Pagbalik niya sa apartment, binalot siya ng lumbay.Nang buksan niya ang ilaw, nakita niya ang isang matangkad na pigura na nakaupo sa sala. Napasiga
"Nang nalantad ang kanilang pag-iibigan, nasira ang reputasyon ni Wesley habang si Regina ay ipinadala sa ibang bansa. Sa katunayan, kinailangan ko ng lubos na pagsisikap para ma-trace siya."May tinuro si Shaun kay Sonya gamit ang baba nito. “Panoorin mo pa ‘yung susunod.”Nanginginig na nag-scroll si Sonya. Tampok muli si Regina sa susunod na video. “Ang kotseng minamaneho ni Ethan noong naaksidente siya ay isang high-end na smart car na gawa sa ibang bansa. Mukhang kakilala ni Wesley ang isang top executive ng kumpanya ng sasakyan. Sinamahan ko pa sina Wesley at ang nasabing top executive sa isang kainan sa States noong nakaraang taon. Mayroon akong… Litrato nila rito. Nagkaka-karaoke sila sa isang clubhouse noong mga oras na iyon.”Binuksan ni Sonya ang album. May larawan ni Wesley at isang nakatatandang lalalking dayuhan. Gayunpaman, mahina ang ilaw dahil nasa pribadong silid sila.Nakilala ni Sonya ang dayuhan sa unang tingin.Una nang sinabi ng pulisya na ang aksidente ni E
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging