Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1421 - Chapter 1430

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1421 - Chapter 1430

2346 Chapters

Kabanata 1421

“Oo.”Tumango ang assistant. “Pagkatapos tignan ang mga komento sa Internet, napansin ko na maraming tao ang sumusuporta sa pakikipag balikan ni Catherine kay Shaun. Mukhang may masamang reputasyon si Wesley. Mahilig siya manakit ng babae, at pinakasalan niya pa si Catherine gamit ang masamang taktika. Sa ganoon, ang balita sa Internet ay maaaring totoo at peke. Dahil dayuhan tayo, hindi natin masasabi kung ano ang totoo.”“Tama ka. Sa katotohanan, dalawa lang ang posibleng dahilan.”Tinignan ni Matthew ang dokmento na hawak niya. “Maaaring sobrang pangit ng pagkatao ni Wesley o masyadong tuso si Catherine na sinira niya ang reputasyon ng kasalukuyan niyang asawa para ibigay sa kanya ang nararapat. Sa ganoon, iisipin ng publiko na walang mali sa pangangaliwa niya kay Wesley.”Tumango ang assistant at sumang-ayon sa pagsusuri ni Matthew. “Maaaring tunay ang pangalawa. Kahit papaano, sinasabi ni Miss Jones na brutal si Catherine, maging hanggang sa pagpatay ng kanyang biyolohikal na
Read more

Kabanata 1422

”Ano ang sinabi mo?”Nagalit si Sally sa mga sinabi ni Catherine. “P*ta ka, ang kapal ng mukha mong gawin iyon kay Rebecca? Patay ka na ngayon. Hindi ka niya hahayaan makatakas, at ilalagay ka namin sa impyerno.”“Dahil lang sinabi niya iyon?”“Hindi mo nga alam ang pagkatao ni Rebecca ngayon eh. Haha. Kaya ka niya pabagsakin gaya ng pagpisa sa langgam. Kahit na mayroon kang Shaun ay hindi ka nito matutulungan. Kahit na ang prime minister ng Australia ay hindi ka kaya protektahan,” Sigaw ni Sally.“Talaga? Hindi ako makapaghintay.”Ngumisi si Catherine, ngunit sa kaloob-looban niya, siya ay napupuno ng inis.May katotohanan siguro sa mga sinabi ni Sally. Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari.Hindi na tinawag ni Catherine si Jeffery dahil mas manipulative ito kaysa kay Sally. Kahit pa alam niya ang nangyayari, ititikom niya lang ang bibig niya.Hindi tulad niya, sasabihin ito ni Sally kapag siya ay ginagalit.“Haha. Catherine, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mayabang, ng
Read more

Kabanata 1423

Sa parehas na oras, sa Campos Corporation.Habang may pagpupulong ang grupo ng mga ehekutibo, nakaupo si Mason sa gitnang leather na upuan. Nang biglang may pumasok na empleyado mula sa teknikal na departamento. “Hala, Chairman Campos.”“Hindi mo ba nakikita na nagpupulong kami? Ano ang problema mo?” Hinampas ni Charlie ang lamesa nang may naiinis na ekspresyon.“President Campos, kasalukuyan na may press conference ang Hill Corporation…”“Narinig ko ito. Sinusubukan lang tayo kompitensyahin ng Hill Corporation sa pakikipagsapalaran sa industriya ng electric appliances. Kumakagat sila nang hindi nila kaya nguyain.” Suminghal si Charlie. “Kahit gaano pa sila maghirap, ang teknolohiya na makukuha nila ay hindi tayo mahihigitan. At saka, nilabas na natin ang datos ng pinakabagong electrical na produkto natin. Walang negosyo ang gusto makipagtulungan sa Hill Corporation.”“Hindi, President Campos.” Naglabas ng datasheet ang empleyado. “Ito ang pinakabagong modelo ng transformer at X-r
Read more

Kabanata 1424

”Ano?” Nagulat ang mga ehekutibo. “Plano ni Leslie Dam noong una na makipagtulungan sa atin sa paggawa ng pinakamalaking hydroelectric station. Napagkasunduan na noong nag-usap usap noon. Kung makukuha natin ang proyekto na ito, kikita tayo ng hindi bababa sa 400 bilyon na dolyar.” Pilit na ngumiti ang assistant. “Bukod doon, maraming lokal at dayuhan na ospital ang mabilis na kumuha ng X-ray generator na ginawa ng hill Corporation dahil mas mura ito kaysa sa atin. At saka, ang gasots ng produkto nila ay mas abot-kaya. Ang produkto ay naging epektibo pagkatapos nila magsagawa ng pagsubok doon mismo. Ang shares ng Hill Corporation ay umabot na sa daily limit kanina lang, at maraming halaga ng pera ang na-invest sa kanila. Ibig sabihin ay sobrang optimistiko ng publiko sa produkto nila.”“Copycat. Ginaya nila ang produkto na’tin.” Hinampas ni Charlie ang lamesa. “Naiintindihan ko na ngayon. Niloko tayo ng Garson Corporation. Sigurado ako na binigyan nila ang Hill Corpoartion ng mas ma
Read more

Kabanata 1425

Sa Hill Corporation.Pagkatapos kumpletuhin ang interview sa press, inangat ni Shaun ang phone niya, na nagpapakita ng mensahe sa screen.Pagkatapos niya basahin ang mensahe, binura niya ito.“Shaun, kakatapos ko lang kausapin ang presidente ng Raffles Corporation. Gusto nila bumili ng 30,000 na transformers at pumirma sila ng limang taon na kontrata.” Pumasok si Lea nang may masayang itsura.Tinamaan nang husto ang Hill Corporation ngayong taon dahil sa kanya. Kaya naman, sa pagkita na umangat muli ang kompanya ay nasasabik si Lea.“Plano ng Raffles noong una na makipagtulungan sa Campos Corporation. Ngunit ngayon na kinuha natin ang negosyo ng mga Campos, may sama siguro ng loob si Mason,” Sabi ni Shaun habang umuupo siya at sumandal sa upuan.Suminghal si Lea. “Palagi naman nagnanakaw ng gawa ng ibang tao ang Campos Corporation. Ngayon naman, inaani nila kung ano ang tinanim nila. Tinalo natin sila sa sarili nilang laro. Sa pagkakaalam ko, nag-invest ng 500 na bilyong dolyar a
Read more

Kabanata 1426

Matagal na tinitigan ni Shaun si Lea. “Mamaya, maaari kang magpanggap na masama ang iyong pakiramdam upang makapunta kayo sa ospital ng mga Jewell. Doon ka lalagyan ni Chester ng tracker sa iyong katawan.”“Okay.”… Pagtungo ni Lea sa ospital, tumungo naman si Shaun sa villa na kung saan nakatira si Brennan.“Dad, hinanap ka ba ng Campos ngayong araw?”“Ipinadala ni Charlie sa Country Y ang kanyang mga tauhan upang hanapin ako, subalit lingid sa kanyang kaalamang narito pa rin ako sa Canberra.” Sagot ni Brennan habang nagdidilig ng halaman. “Huwag kang mag-alala, maliban sa pagbibigay ng pressure at negatibong imahen sa Garson Corporation, wala ring magagawa ang mga Campos sa akin dahil lamang sa isang kontrata.”Tinabihan ni Shaun ang ama at sinabing, “Napagdesisyunan nilang i-kidnap si mama upang takutin ako. Pumayag siyang magpa-inject ng tracker sa kanyang katawan upang malaman namin ang kanyang kinaroroonan. Kapag nakakuha tayo ng tamang tiyempo, agad natin sila huhulihin.
Read more

Kabanata 1427

“Planado na namin ni mama ang lahat. Matapos siyang ma-kidnap, kailangan niyang mag-isip ng paraan upang akitin si Mason anuman ang mangyari, kaya’t kailangan niyang mamalagi roon ng mga isang buong araw.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao. Pagkatapos ng ilang sandali ay marahan nang tinulak palayo si Catherine. “Kailangan ko siyang bantayan. Kailangang maayos ang lahat upang hindi magsuspetya si Mason.”“Sige.” Sagot ni Catherine. “Babantayan mo munang maigi ang kambal.”“Mm. Pagkatapos ng lahat ng ito, mapayapa nang makakabalik ng preschool sina Suzie at Lucas. Kapag wala na ang Campos sa kanyang likuran, hindi na tayo magugulo ni Wesley gaano pa man siya magmukhang malakas.”Hinaplos ni Shaun ang buhok ni Catherine. “Pagkatapos ni Mason, si Wesley ang ating isusunod.”Pagkasabi ni Shaun ang mga salitang iyon, napabuntong-hininga si Catherine.Kung kapwa maipakukulong sina Mason at Wesley, hindi na siya gaanong matatakot sa pagbabalik ni Rebecca, gaano pa mang kalakas ang k
Read more

Kabanata 1428

“Ano’ng ginagawa ninyo?” Kinabahan si Lea lalo. Nagsimula itong gumalaw-galaw sa abot ng kanyang makakaya.“Manahimik ka na lang diyan.” Sinipa ni Bank si Lea. “Pinadalhan namin ng litrato ang anak mo. Kung gusto ka pa niya makita nang buhay, gawin niya ang anumang sasabihin namin, dahil kung hindi’y papatayin ka namin.”“Si Mason ‘yan. Gusto niya akong gamitin upang takutin si Shaun, ‘no? Nananaginip ata siya. Wala siyang alam kundi gumawa ng kalokohan. Ngayong nakabangon nang muli ang Hill Corporation, ginagamit niya ako upang takutin ang mga Hill. Kahit na mamatay ako, hindi ako papayag na masunod ang kanyang gusto.”Matapos magsalita ni Lea, nangalit ang kayang mga ngipin at iniuntog nito nang malakas ang kanyang ulo sa lapag. Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsimulang magdugo ang kanyang ulo hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay.“P*tang*na.” Pagmumura ni Bank. Agad nitong tinawagan si Mason.“Mga wala kayong kwenta. Ni hindi niyo mabantayan nang maayos ang isang babae.”
Read more

Kabanata 1429

“Maghintay pa tayo nang kaunti. Dahil hindi nila ako nakumbinse, tiyak akong hahanap ng paraan ‘yan upang makausap ang aking lolo. Nahirapan silang dakipin si mama, kaya’t sigurado akong hindi agad nila ito isusuko. Dahil nagpadala ng doktor si Mason, ibig sabihin nito’y hindi niya ito hahayaang mamatay nang basta-basta.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao. “Kapag nagpakita si Mason, sabihan niyo agad ang mga pulis at tumungo kayo roon.”“Ngunit hindi natin alam kung kailan magpapakita si Mason.” Nag-aalala ang itsura ni Hadley....4:00 a.m.Pagdating ng doktor ng mga Campos, kalat na agad ang dugo mula sa noo ni Lea.Pagkatapos ng isang round ng emergency rescue, wala itong nagawa kundi tawagan si Mason. “Director Campos… nilakasan niya ho ang pagtama ng kanyang ulo sa lapag dahil wala na rin ata siyang ganang mabuhay. Kung hindi niyo ho siya ipadadala sa ospital, hindi ho ako kumpiyansang… maigagamot ko siya rito.”“Wala kang kumpiyansa?” Noong una’y tahimik pa sa kabilang
Read more

Kabanata 1430

Nang makarating si Mason sa lugar kung saan dinala ng kanyang mga tauhan si Lea, nakita niya itong nakahiga sa isang kamang gawa sa kahoy. Mayroong malaking bandage ang ulo nito at nakakabit ang isang IV drip sa braso nito. Singputi ng papel ang kutis nito, isang indikasyon na maaari na itong mamatay anumang oras.Muling tumambad sa kanyang isip ang sandaling una silang nagkakilala. Noong mga araw na iyon, suot-suot niya ang isang kulay pulang bestida at tila’y hulog ito ng langit sa angking nitong ganda.“Lea, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay.”Nagmamadaling tumungo si Mason sa gilid ng kama ni Lea at hinawakan niya ito. Sumisigaw siyang nagpatuloy. “Kapag namatay ka, papatayin ko rin si Liam! Hindi ba’t matagal mo na siyang hinahanap? Sinasabi ko sa’yo, alam ko kung nasaan si Liam. Kapag namatay ka rito, papatayin ko rin siya agad!”“Sira…ulo…ka…Mason.” Hirap na hirap si Lea na buksan ang kanyang mga mata. Nagpatuloy lamang ito sa pagpupursige nang marinig niya ang pangalan
Read more
PREV
1
...
141142143144145
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status