Share

Kabanata 1430

Nang makarating si Mason sa lugar kung saan dinala ng kanyang mga tauhan si Lea, nakita niya itong nakahiga sa isang kamang gawa sa kahoy. Mayroong malaking bandage ang ulo nito at nakakabit ang isang IV drip sa braso nito. Singputi ng papel ang kutis nito, isang indikasyon na maaari na itong mamatay anumang oras.

Muling tumambad sa kanyang isip ang sandaling una silang nagkakilala. Noong mga araw na iyon, suot-suot niya ang isang kulay pulang bestida at tila’y hulog ito ng langit sa angking nitong ganda.

“Lea, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay.”

Nagmamadaling tumungo si Mason sa gilid ng kama ni Lea at hinawakan niya ito. Sumisigaw siyang nagpatuloy. “Kapag namatay ka, papatayin ko rin si Liam! Hindi ba’t matagal mo na siyang hinahanap? Sinasabi ko sa’yo, alam ko kung nasaan si Liam. Kapag namatay ka rito, papatayin ko rin siya agad!”

“Sira…ulo…ka…Mason.” Hirap na hirap si Lea na buksan ang kanyang mga mata. Nagpatuloy lamang ito sa pagpupursige nang marinig niya ang pangalan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status