Nag-init ang mata ni Shaun. Nang umangat ang labi niya, binuksan niya ang butones sa harap ng dibdib niya at pinakita ang nakakaakit niyang collarbone. "Good girl, ibibigay ko ang sarili ko sa iyo mamaya pag-uwi natin.""Bastos." Umirap sa kanya si Catherine habang namumula at tinulak siya palayo."Dahil iyon lahat sa iyo." Hinabol siya ni Shaun at hinawakan ang kamay niya.Pagdating nila sa bahay ng pamilyang Hill, dali-dali silang pinalibutan nina Suzie at Lucas. "Scummy dad, Mom, saan kayo nagdate nang patago kagabi? Hmph, iniwan niya kami at nagsama kayo ulit.""Mali ka nang pagkakaintindi. Nasaktan ang granny mo kagabi, kaya nagpunta kami sa ospital para samahan siya," Paliwanag ni Catherine habang tinatapik nang marahan ang ulo ng mga bata."Ano? Nasaktan si granny? Gusto ko magpunta sa ospital para bisitahin si Granny," Balisang sinabi ni Suzie. Gusto niya lumabas kaagad."Saan nasaktan si Granny?" Mas kalmado si Lucas kay Suzie."Ito ay dahil may masamang tao na sumubok
Sabi ni Lucas sa mababang boses, "Niloloko niyo lang kami. Narinig ko na kapag niyayakap ng magulang ang isa't isa kapag natutulog, madali sila magkakaroon ng bagong anak.""Gusto niyo ng bagong anak?" Natigil saglit si Suzie bago namula ang mata niya. "Hindi ba kami sapat ni Lucas? Gusto niyo pa rin ng bagong anak? Hindi ako pumapayag."Hindi komportable sina Catherine at Shaun at wala silang masabi."Lucas, kanino mo iyan narinig? Natutulog lang kami ng mom mo," Paliwanag ni Shaun habang ang dulo ng labi niya ay kumikiboy. "Kayong dalawa bilang third wheeler ay sapat na. Hindi na namin kailangan ng isa pa.""Kailan kami naging third wheeler?" Naguguluhan si Suzie."Ibig sabihin noon ay palagi tayong nasa harap nila." Sabi ni Lucas, "Iniistorbo na'tin ang alone time nila ni Mom.""Sobra na iyan." Nagalit si Suzie. "Hindi ka nga namin kinamuhian noong kinuha mo ang mom namin. Umalis ka na."Gumapang si Suzie palapit at tinulak niya palayo si Shaun, umupo siya kay Catherine at ni
Nasabi na ni Catherine ang tungkol dun kay Chester.Talagang pinaniwalaan niya ito na may hangganan. Gayunpaman, sa loob-looban ng kanyang puso, tinanggihan niyang tanggapin ang katotohanan.Ang rason kung bakit minsan niya tinanggap ito, ibig sabihin nito na siya ang personal na nakahanap ng abogado para mapakulong si Charity at sentensyahan siya.Siya rin ay magiging may kontribusyon sa sanhi ng pagkamatay ni Charity.Mas pipiliin ni Chester na isipin na si Charity ay isang kasuklam-suklam, na masamang babae, at ang sarili lamang nito ang kanyang sisisihin.Karapat dapat ito sa kanya kahit pa namatay siya.Gayunpaman, inamin na ito ngayon mismo ng salarin.Ha, mali si Chester. Malaking pagkakamali ang ginawa niya.“Edi bakit nililipat ni Mason ang sisi kay Charity? Malapit ba siya sa babae?” Matapos ang mahabang oras, namamaos na nagtanong si Chester.“Si Charity… Sa pagiging prangka lang, isa siyang sakripisyo.”Balisang sinabi ni Shaun, “Dahil nang mga araw na ‘yun, sina
Hinagis ni Chester ang kamay niya at nilampaso ang baso sa mesa papunta sa sahig.Ito ay tila ‘yun lang ang paraan para matigil ang nararamdaman niyang pagkainis.… Bumalik si Shaun sa ward ni Lea.Gising na si Lea. Gayunpaman, naglabas siya ng alon ng kawalan ng buhay.“Shaun, sakto ang dating mo. Hindi namin alam kung ano ang problema sa mom mo. Kanina ko pa siya kinakausap, pero hindi pa siya nagsasabi ng kahit isang salita. Sobrang parang hindi siya.” Lumapit si Valerie at bumulong, “Hindi pa rin ba siya makamove on kay Mason mula nang mahuli ito…”“Hindi…” Pinutol siya ni Shaun. Sumulyap siya sa iilang mga tao sa ward at sinabi, “Baka ito ay dahil nalaman niya na si Liam ay anak nila ni Brennan at biolohikal kong kapatid.”“Ano?” Sina Valerie at Spencer ay nagulat. “Hindi ba’t si Liam ay anak nila ni Mason?”Sumimangot si Catherine habang sumusulyap kay Lea. Naunang nalaman ito nila ni Shaun, pero natakot sila na pasasamain ang loob nito ni Lea. Si Mason siguro ang msim
“Saan nanggaling ito?” Agad iyong kinuha ni Valerie. Nanigas agad ito noong binuksan niya ang kanyang hawak. Papaanong napalitan iyon sa mga pangalan nina Suzie at Lucas?“Noong mga panahong nakararanas ng pagsubok ang Hill Corporation at kinailangan nilang ibenta ang manor… patagong binili ng aking ama ang manor. Hiling niyang tulungan ang mga Hill na malampasan ang kanilang pagsubok. Noong una’y sa akin niya dapat balak ibigay ang manor, ngunit nalaman niyang mayroon na siyang mga apo, kaya’t agad niya itong pinangalan sa mga bata. Isang regalong handog para kina Lucas at Suzie.”Nagpatuloy si Shaun. “Pagkatapos ng lahat ng ito, plano kong pabalikin ang aking lolo’t lola sa manor dahil mas sanay silang nakatira roon. Para naman sa inyo, maaari kayong bumalik kung kailan ninyo gusto. Malaki ang manor, kaya kailangan ng kasama nila lolo at lola.”“Shaun, maaari mo bang itanong sa iyong ama kung kailan siya pwede para kumain kami sa labas?” Emosyonal na nagtanong si Spencer. “Salamat
Pagkababa nila ng tawag ay lumingon sa kanya si Shaun upang sabihin, “Babalik muna ako sa kumpanya. May kailangan pa akong asikasuhin, kaya’t baka abutin ako ng magdamag doon. Bumalik na lang muna kayo ng mga bata sa manor bukas. Mas malaki roon, kaya’t tiyak na mas magugustuhan nila roon.”“Yes, yes! Pwede ba ulit ako sumakay ng kabayo?” Masayang tumingin si Suzie kay Lucas. “Sinasabi ko sa’yo, sobrang laki ng manor! Mayroong playground, lugar para sa mga kabayo, may ilog, at maraming, maraming prutas! Ang saya roon.”Bagama’t hindi pa nakakapunta si Lucas ng Hill Manor, maaamin niyang nasabik ito dahil sa sinabi ng kapatid.“Walang problema kung gusto niyong mamalagi roon, ngunit… hindi pa kami hiwalay ni Wesley.” Nag-aalala pa rin si Catherine sa kanyang sitwasyon. Bagama’t wala siyang pakialam sa kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao sa puntong iyon, aaminin niyang hindi pa rin siya kumportable sa kanilang sitwasyon.“Huwag kang mag-alala. Naniniwala akong walang kinalaman si
Nagsimulang sumakit ang ulo ni Catherine.Wala pa nga siyang nagagawa, ngunit baldado na agad ang kanyang mga kanang-kamay. Ang mas malala pa roon, wala pa rin siyang nalalaman tungkol kay Rebecca.Hayaan na nga, haharapin niya na lang ang mga susunod na pangyayari.… Samantala, sa Hill Corporation.Higit isang oras nang naghihintay si Chance sa may pinto.Bigay-todo si Shaun sa kasalukuyan. Matapos bumagsak ng mga Campos, binili niya agad ang Campos Corporation, kaya’t alam na agad ng buong mundo ang kanyang pangalan.Nadapa man siya, sobrang bilis naman niyang nakabangon agad.Nag-iba na ang ihip ng hangin. Buong gabing sunod-sunod ang mga tawag mula sa mga kilalang pangalan sa industriya upang makakuha ng pagkakataong makatipon si Shaun, subalit karamihan sa kanila’y hindi rin sinagot.“Pinapapasok na po kayo ng Eldest Young Master, Mr. Ziegler.” Binuksan ni Hadley ang pinto at nagsalita.“Salamat.” Tungo ni Chance sabay pumasok.Katatapos lamang pirmahan at itabi ni Sha
“Masusunod agad. Aayusin ko na ang lahat.”… Kinaumagahan, natutulog pa rin si Shaun sa lounge ng kanyang opisina nang bigla nitong marinig ang tinig ni Hadley sa labas.“Natutulog pa ang Eldest Young Master…”“Alam ko, hindi ko siya gigisingin.”Nang marinig niya ang napakagandang boses na iyon, marahang bumukas ang pinto. Pumasok si Catherine suot-suot ang kanyang kulay pula na plaid dress. Sa isang balikat lamang ito nakasabit. Singputi ng gatas ang kanyang nakalabas na balikat, tunay na nakaakit. Nakaramdam ng pagliliyab sa kanyang kalooban si Shaun.“Ay, gising ka na pala.” Panandaliang tumigil si Catherine nang magkatagpo ang kanilang mga mata.“Ang aga mo yata?” Inayos ni Shaun ang kanyang bahagyang magulong buhok.“Narito ako upang makita… kung may itinatago ka nanamang magandang babae sa iyong office lounge… Ah.” Pagbibiro ni Catherine.Subalit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad siyang niyakap ng malakas na lalaki. Mararamdamang nag-iinit ang dibdi