“Saan nanggaling ito?” Agad iyong kinuha ni Valerie. Nanigas agad ito noong binuksan niya ang kanyang hawak. Papaanong napalitan iyon sa mga pangalan nina Suzie at Lucas?“Noong mga panahong nakararanas ng pagsubok ang Hill Corporation at kinailangan nilang ibenta ang manor… patagong binili ng aking ama ang manor. Hiling niyang tulungan ang mga Hill na malampasan ang kanilang pagsubok. Noong una’y sa akin niya dapat balak ibigay ang manor, ngunit nalaman niyang mayroon na siyang mga apo, kaya’t agad niya itong pinangalan sa mga bata. Isang regalong handog para kina Lucas at Suzie.”Nagpatuloy si Shaun. “Pagkatapos ng lahat ng ito, plano kong pabalikin ang aking lolo’t lola sa manor dahil mas sanay silang nakatira roon. Para naman sa inyo, maaari kayong bumalik kung kailan ninyo gusto. Malaki ang manor, kaya kailangan ng kasama nila lolo at lola.”“Shaun, maaari mo bang itanong sa iyong ama kung kailan siya pwede para kumain kami sa labas?” Emosyonal na nagtanong si Spencer. “Salamat
Pagkababa nila ng tawag ay lumingon sa kanya si Shaun upang sabihin, “Babalik muna ako sa kumpanya. May kailangan pa akong asikasuhin, kaya’t baka abutin ako ng magdamag doon. Bumalik na lang muna kayo ng mga bata sa manor bukas. Mas malaki roon, kaya’t tiyak na mas magugustuhan nila roon.”“Yes, yes! Pwede ba ulit ako sumakay ng kabayo?” Masayang tumingin si Suzie kay Lucas. “Sinasabi ko sa’yo, sobrang laki ng manor! Mayroong playground, lugar para sa mga kabayo, may ilog, at maraming, maraming prutas! Ang saya roon.”Bagama’t hindi pa nakakapunta si Lucas ng Hill Manor, maaamin niyang nasabik ito dahil sa sinabi ng kapatid.“Walang problema kung gusto niyong mamalagi roon, ngunit… hindi pa kami hiwalay ni Wesley.” Nag-aalala pa rin si Catherine sa kanyang sitwasyon. Bagama’t wala siyang pakialam sa kung ano ang tingin sa kanya ng mga tao sa puntong iyon, aaminin niyang hindi pa rin siya kumportable sa kanilang sitwasyon.“Huwag kang mag-alala. Naniniwala akong walang kinalaman si
Nagsimulang sumakit ang ulo ni Catherine.Wala pa nga siyang nagagawa, ngunit baldado na agad ang kanyang mga kanang-kamay. Ang mas malala pa roon, wala pa rin siyang nalalaman tungkol kay Rebecca.Hayaan na nga, haharapin niya na lang ang mga susunod na pangyayari.… Samantala, sa Hill Corporation.Higit isang oras nang naghihintay si Chance sa may pinto.Bigay-todo si Shaun sa kasalukuyan. Matapos bumagsak ng mga Campos, binili niya agad ang Campos Corporation, kaya’t alam na agad ng buong mundo ang kanyang pangalan.Nadapa man siya, sobrang bilis naman niyang nakabangon agad.Nag-iba na ang ihip ng hangin. Buong gabing sunod-sunod ang mga tawag mula sa mga kilalang pangalan sa industriya upang makakuha ng pagkakataong makatipon si Shaun, subalit karamihan sa kanila’y hindi rin sinagot.“Pinapapasok na po kayo ng Eldest Young Master, Mr. Ziegler.” Binuksan ni Hadley ang pinto at nagsalita.“Salamat.” Tungo ni Chance sabay pumasok.Katatapos lamang pirmahan at itabi ni Sha
“Masusunod agad. Aayusin ko na ang lahat.”… Kinaumagahan, natutulog pa rin si Shaun sa lounge ng kanyang opisina nang bigla nitong marinig ang tinig ni Hadley sa labas.“Natutulog pa ang Eldest Young Master…”“Alam ko, hindi ko siya gigisingin.”Nang marinig niya ang napakagandang boses na iyon, marahang bumukas ang pinto. Pumasok si Catherine suot-suot ang kanyang kulay pula na plaid dress. Sa isang balikat lamang ito nakasabit. Singputi ng gatas ang kanyang nakalabas na balikat, tunay na nakaakit. Nakaramdam ng pagliliyab sa kanyang kalooban si Shaun.“Ay, gising ka na pala.” Panandaliang tumigil si Catherine nang magkatagpo ang kanilang mga mata.“Ang aga mo yata?” Inayos ni Shaun ang kanyang bahagyang magulong buhok.“Narito ako upang makita… kung may itinatago ka nanamang magandang babae sa iyong office lounge… Ah.” Pagbibiro ni Catherine.Subalit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad siyang niyakap ng malakas na lalaki. Mararamdamang nag-iinit ang dibdi
“Nagpakamatay?”Tumingin si Shaun sa mga mata ni Catherine. Nakita nito ang pagkagulat sa mga mata ng babae.“Papaano nangyari ‘yun?”“Inuntog niya ang kanyang sarili sa pader.” Mahina ang boses ng pulis. “Matinding pwersa rin ang ginamit niya. Malinaw na ayaw niya nang mabuhay. Namatay siya habang itatakbo siya sa ospital. Balak ko pa sana siyang tanungin upang makakuha pa ng mga lead, ngunit parang malabo na ngayon.”“May mga bumisita ba sa kanya bago siya nagpakamatay?” Pagdidiretso ni Shaun.“Mayroon. Isang babae. Joanne Holt.”Nanahimik si Shaun. Biglang naging malinaw sa kanya ang maraming bagay.“Balak naming tanungin ang babae.” ‘Ika ng pulis.“Sige.”Ibinaba ni Shaun ang kanyang telepono at nanahimik. May simangot sa kanyang mukha.Nagsuot naman ng damit si Catherine. Hindi niya inaasahang mangyayari ang kanyang narinig. “Kung mamamatay siya, mawawala na ang anumang lead na makapagtuturo kay Wesley.”“Kasalanan ko ‘to.” SInglamig ng yelo ang itsura ni Shaun. “Inisip
Napatunganga si Catherine ng sandali. Ng maintindihan niya ang kanyang ibig sabihin, namula siya at kinurot ang kanyang bewang ng malakas. “Bastos ka.”“Aray. Masakit ito. Titigil na ako na asarin ka.” Mabilis na dinikit siya nito sa kanyang braso at hinalikan ang kanyang tenga. “May sasabihin ako sayong balita. Tinalaga ko na si Elle bilang bagong master ng Liona. Sa hinaharap, maaari mo sabihan si Elle na magasikaso ng kahit anong gawain na meron ka. Kung sabagay, si Logan at Austin ay parehong injured at sila ay hindi makabawi sa maikling oras. Sa tingin ko… alam na ni Rebeca ang iyong kaliwa at kanang braso”Si Catherine ay sobrang naantig sa kanyang plano. Ang injury ni Logan at Austin ay pinoproblema niya, kaya ang kilos ni Shaun ay sagot sa kanyang pinaka malaking isyu. “Hindi ko inakala na si Elle ay magiging master ng Liona. Siya ay bata pa din at siya din ay babae…”“Ano ngayon kung babae siya? Huwag mong maliitin ang mga babae. Babae ka, pero mas matalino at mas rasyonal
"Oo. Hindi ako bumili ng kahit anong damit noong nagpunta ako sa Canberra, kaya inisip ko na bumili ng ilan." Naglalabas ng kaakit-akit na ngiti ang kulay asul na mata ni Matthew. "Nagkita tayo sa tamang oras. Ayos lang ba na konsultahin kita?"Sasagot pa lang sana si Catherine nang biglang lumapit ang clerk na may dalang brown na suit. "Miss Jones, ito ba ang suit na sinasabi mo?""Uh… Oo." Tumango si Catherine. "Maaari mo ba ako tulungan makakuha ng may mas malaking sukat?""Siyempre." Tumalikod ang clerk para palitan ito. Bago siya umalis, palihim niyang sinukat si Matthew."Bakit ka niya tinawag na Miss Jones?" Kumurap si Matthew habang nagtataka. "Hindi ba at ang apelyido mo ay Yule?""Pasensya na, ang apelyido ko talaga ay Jones." Ngumiti si Catherine. "Ang pangalan ko ay Catherine Jones.""Carrie… Hindi, Catherine. Sobra ka na. Sinabi ko sa iyo ang totoong pangalan ko at inisip na kaibigan kita, ngunit binigyan mo ako ng pekeng pangalan." May mapait na itsura si Matthew sa
"Hindi ba at sinabi mo na may maganda akong pananaw?" Nagtataka si Catherine. "At saka, may maganda kang pigura, at nasa tamang edad ka. Hindi mo kailangan magsuot ng madilim na kulay palagi. Dapat magsuot ng matingkad na damit ang mga binata."Pagkatalos ay kumuha siya ng mahigit sampung damit nang isahan.Ang mga damit sa tindahan ay bagay sa mga tao na kasing edad ni Matthew. Maaari siya magsuot ng puting vertical striped na damit ng naka pantalon, at maaari rin siya magsuot ng kulay sky blue na plaid shirt ng naka beige cropped na trousers.Kung may nakababata siyang kapatid, tiyak na dadamitan niya ito nang ganito.Gulat siyang pinanood ni Matthew. Ang mga damit na pinili niya ay ibang-iba mula sa karaniwan niyang sinusuot.Gusto niya ang kulay itim, ngunit hindi kumuha si Catherine ng kahit isang bagay na itim para sa kanya."Pasensya na, mukhang naparami ang napili ko. Maaari mo lang bilhin…""Lahat iyan." Naglabas si Matthew ng itim na card.Nagulat si Catherine. Naalal