Share

Kabanata 1426

Matagal na tinitigan ni Shaun si Lea. “Mamaya, maaari kang magpanggap na masama ang iyong pakiramdam upang makapunta kayo sa ospital ng mga Jewell. Doon ka lalagyan ni Chester ng tracker sa iyong katawan.”

“Okay.”

Pagtungo ni Lea sa ospital, tumungo naman si Shaun sa villa na kung saan nakatira si Brennan.

“Dad, hinanap ka ba ng Campos ngayong araw?”

“Ipinadala ni Charlie sa Country Y ang kanyang mga tauhan upang hanapin ako, subalit lingid sa kanyang kaalamang narito pa rin ako sa Canberra.” Sagot ni Brennan habang nagdidilig ng halaman. “Huwag kang mag-alala, maliban sa pagbibigay ng pressure at negatibong imahen sa Garson Corporation, wala ring magagawa ang mga Campos sa akin dahil lamang sa isang kontrata.”

Tinabihan ni Shaun ang ama at sinabing, “Napagdesisyunan nilang i-kidnap si mama upang takutin ako. Pumayag siyang magpa-inject ng tracker sa kanyang katawan upang malaman namin ang kanyang kinaroroonan. Kapag nakakuha tayo ng tamang tiyempo, agad natin sila huhulihin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status