“Maghintay pa tayo nang kaunti. Dahil hindi nila ako nakumbinse, tiyak akong hahanap ng paraan ‘yan upang makausap ang aking lolo. Nahirapan silang dakipin si mama, kaya’t sigurado akong hindi agad nila ito isusuko. Dahil nagpadala ng doktor si Mason, ibig sabihin nito’y hindi niya ito hahayaang mamatay nang basta-basta.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao. “Kapag nagpakita si Mason, sabihan niyo agad ang mga pulis at tumungo kayo roon.”“Ngunit hindi natin alam kung kailan magpapakita si Mason.” Nag-aalala ang itsura ni Hadley....4:00 a.m.Pagdating ng doktor ng mga Campos, kalat na agad ang dugo mula sa noo ni Lea.Pagkatapos ng isang round ng emergency rescue, wala itong nagawa kundi tawagan si Mason. “Director Campos… nilakasan niya ho ang pagtama ng kanyang ulo sa lapag dahil wala na rin ata siyang ganang mabuhay. Kung hindi niyo ho siya ipadadala sa ospital, hindi ho ako kumpiyansang… maigagamot ko siya rito.”“Wala kang kumpiyansa?” Noong una’y tahimik pa sa kabilang
Nang makarating si Mason sa lugar kung saan dinala ng kanyang mga tauhan si Lea, nakita niya itong nakahiga sa isang kamang gawa sa kahoy. Mayroong malaking bandage ang ulo nito at nakakabit ang isang IV drip sa braso nito. Singputi ng papel ang kutis nito, isang indikasyon na maaari na itong mamatay anumang oras.Muling tumambad sa kanyang isip ang sandaling una silang nagkakilala. Noong mga araw na iyon, suot-suot niya ang isang kulay pulang bestida at tila’y hulog ito ng langit sa angking nitong ganda.“Lea, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay.”Nagmamadaling tumungo si Mason sa gilid ng kama ni Lea at hinawakan niya ito. Sumisigaw siyang nagpatuloy. “Kapag namatay ka, papatayin ko rin si Liam! Hindi ba’t matagal mo na siyang hinahanap? Sinasabi ko sa’yo, alam ko kung nasaan si Liam. Kapag namatay ka rito, papatayin ko rin siya agad!”“Sira…ulo…ka…Mason.” Hirap na hirap si Lea na buksan ang kanyang mga mata. Nagpatuloy lamang ito sa pagpupursige nang marinig niya ang pangalan
Nagulat si Mason. Hindi niya inasahan na kaya pa rin ni Lea mag-analisa ng mga bagay ng sobrang kalmado sa estadong ‘yon.Ha! Kagaya ng inaasahan sa babaeng minsan niyang minahal.Sobrang sama…“Wala nang kwenta ito, Mason. Hindi ko tatawagan ang dad ko. Dagdag pa rito, paralisado na siya. Anong kaya niyang gawin kay Shaun? Si Shaun ang sole decision-maker ng mahabang panahon ng Hill Corporation.” ngumisi si Lea.“Kung hindi mo siya tatawagan, ako na ang gagawa. Ipaparinig ko sa ama mo kung paano marerape ang anak niya.” Talagang nabaliw na si Mason.Kinaway niya ang kamay niya sa mga kidnappers.Agad na lumapit si Bart habang hinihimas nang magkasama ang kanyang mga kamay. Medyo excited pa siya. “President Campos, ayos lang ba talaga?”“Basta huwag mo siyang patayin.” Masamang tumingin si Mason sa eksena.Madiin na kinagat ni Lea ang mga labi niya.Nang sumunggab si Bart sa babae at pinunit pabukas ang mga damit nito, isang sniper gun ang bumaril sa templo ni Bart mula sa lab
Kinuyom ni Brennan ang kanyang kamao. “Mason, makakaalis ka na.”Natigilan si Lea. Nilakihan niya ang mga mata niya at tumingin sa lalaki. “Hindi…”“Ikaw ang biolohikal na ina ni Shaun. Hindi ko pwedeng hayaan na mamatay ka.” Kinaway ni Brennan ang kamay niya. Matapos niyang makipag-eye contact sa mga pulis, tumabi ang mga pulis.Nang ganun ganun lang, dahan dahang umalis si Mason habang hawak si Lea. Matapos, sumakay siya sa sasakyankasama ang dalawang kidnappers na buhay pa.“President Campos, ano nang gagawin natin ngayon?” Ang kidnapper, na nagdadrive, ay galit na sumigaw.“Ang pera at card ko ay nasa villa. Ihatid mo ‘ko roon para kunin ang mga ‘yun,” sabi ni Mason na nagngingitngit ng ngipin.“Mahal mo talaga ang pera na tila buhay mo ito,” sarkastikong sabi ni Lea.“Anong t*nginang alam mo?” Sinampal siya ni Mason sa mukha. “Kung walang pera, wala akong mapupuntahan.”Muntik nang mahimatay si Lea matapos masampal. Gayunpaman, kinuyom niya ang panga niya at tiniis ito.N
Hindi hangal si Mason.Sa isang iglap, naintindihan niya lahat.“Tauhan mo si Chance?”“Mali ka. Dati pa lang tauhan ko na siya.”Humila si Shaun ng upuan at dahan-dahang umupo. Hindi siya nagmamadali. Ang titig niya ay tila nakatingin siya sa isang daga na naghihirap sa bingit ng kamatayan. “Dati, ginamit mo si Yael para nakawin ang data ng microchip ng Hill Corporation. Si Yael ang talagang black sheep ng Liona, at sa mga mata mo, si Chance ay isang lalaki na tatraydorin ang lahat para sa kapakanan ng isang babae. Akala mo na sa pamamagitan ng pagrerecruit kay Yael, si Chance, isang matulis na patalim, ay natural na mahuhulog sa mga kamay mo.”Sampung taong tinago ni Mason ang kanyang karakter. Malakas ang loob niya na lahat ay nasa mga kamay niya. Gayunpaman, sa sandaling ‘yon, nakaramdam siya ng diwa ng pagkataranta na hindi pa niya naramdaman kailanman.“Iniisip mo ba kung bakit si Chance, na sibrang nagmamalasakit sa anak niya, ay babalewalain ang anak niya?”Inangat ni Sh
”Kung gusto mo siyang mabuhay, dapat masunurin kang pumunta sa kulungan at umamin sa bawat krimeng ginawa mo. Pagkatapos, kaaawaan ko ang anak mo. Naririnig mo ba ‘ko?” Bigla biglang inangat ni Shaun si Mason sa anit nito at malamig siyang pinagbantaan sa kanyang tainga.“Okay…” Tumango si Mason sa desperasyon.“Oo nga pala, nakalimutan ko ‘tong sabihin sayo. Hindi ba ang pamangkin mo, si Charlie, na matagal mo nang inaalagaan, ay pumunta sa Country Y para hanapin ang direktor ng Garson Corporation? Natatakot ako… na hindi na siya babalik kailanman,” walang ekspresyon na sinabi ni Shaun.Pinalaki ni Mason ang mga mata niya. Si Charlie ang tagapagmana na pinaghirapan niyang alagaan.Sabi ni Shaun sa malamig, walang pakialam na tono, “Dahil ang nagmamanipula sa likod ng Garson Corporation ay ang dad ko, si Brennan, ang lalaking minsan mong pinapatay nang paulit-ulit sa mga pinadala mong tao overseas.”Nanginig ang mga labi ni Mason na may mantsa ng dugo. Matapos ang isang sandali, n
6:00 a.m.Nang dumating si Shaun sa ospital, nailigtas na si Lea. Sina Catherine at Valerin, na hindi kayang tiisin ang isa’t isa, ay sa wakas hindi nag-away habang kalmadong nakaupo sa ward.Nang pumasok si Shaun, nagmamadaling nagtanong si Valerie, “Nahuli na ba si Mason?”“Oo.”Tumango si Shaun. “Sobrang bilis nangyari ang lahat. Lahat ng nasa pamilyang Campos ay nasa kustodiya ng pulis. Ngayon, hindi lang ang kidnapping ni Mason pero pati ang katotohanan na ang Campos Corporation ay intensyonal na inapi ang mga competitors nila at ninakaw ang data ng microchip ng Hill Corporation ay dahan dahan nang nabubunyag.”“Mabuti ‘yan.” Emosyonal si Valerie. “Dahil ang data ng microchip ay nanakaw, magagawa ba nating kunin ang ownership ng microchip mula sa Landell Group?”“Magiging mahirap ito. Pwedeng hindi makialam ang Landell Group sa pamamagitan ng pagsabi na ang Campos Corporation ang nag-offer ng data sa kanila para maglangis ng favor sa kanila. Pinakamagagawa lang, pwede lang n
Nakaranas din ng pagbagsak ang Hill Corporation sa mga kamay niya, ngunit hindi nagtagal ay bumangon din ito sa kanyang mga kamay.Tinignan ni Spencer si Shaun, na namumula ang mata. Pagkatapos ay tumingin siya kay Catherine, na tahimik sa tabi niya. Sabi niya, “Shaun, samahan mo na umuwi si Miss Jones para magpahinga. Nagtrabaho kayo nang sobra buong gabi. Iwan niyo na ang lugar na ito sa amin ng aunty niyo. Oras na namin para gumawa ng isang bagay para sa pamilyang Hill.”Nag-alinlangan ng saglit si Shaun, ngunit lumapit na si Catherine sa kanya at kinuha ang kamay niya. “Tara na. Umuwi na tayo at magpahinga. Babalik na lang tayo sa gabi.”“Okay.”Dahil nagsalita na si Catherine, umalis na si Shaun kasama siya.“Gigising lang ang mom mo sa gabi. Wala ka magagawa sa pananatili mo rito. Mas mainam na umuwi ka muna at matulog nang saglit. Pagkatapos, magkakaroon ka ng mas maraming enerhiya para pangalagaan ang maraming bagay," Malumanay na paliwanag ni Catherine.Hinawakan ni Shau