Sa Hill Corporation.Pagkatapos kumpletuhin ang interview sa press, inangat ni Shaun ang phone niya, na nagpapakita ng mensahe sa screen.Pagkatapos niya basahin ang mensahe, binura niya ito.“Shaun, kakatapos ko lang kausapin ang presidente ng Raffles Corporation. Gusto nila bumili ng 30,000 na transformers at pumirma sila ng limang taon na kontrata.” Pumasok si Lea nang may masayang itsura.Tinamaan nang husto ang Hill Corporation ngayong taon dahil sa kanya. Kaya naman, sa pagkita na umangat muli ang kompanya ay nasasabik si Lea.“Plano ng Raffles noong una na makipagtulungan sa Campos Corporation. Ngunit ngayon na kinuha natin ang negosyo ng mga Campos, may sama siguro ng loob si Mason,” Sabi ni Shaun habang umuupo siya at sumandal sa upuan.Suminghal si Lea. “Palagi naman nagnanakaw ng gawa ng ibang tao ang Campos Corporation. Ngayon naman, inaani nila kung ano ang tinanim nila. Tinalo natin sila sa sarili nilang laro. Sa pagkakaalam ko, nag-invest ng 500 na bilyong dolyar a
Matagal na tinitigan ni Shaun si Lea. “Mamaya, maaari kang magpanggap na masama ang iyong pakiramdam upang makapunta kayo sa ospital ng mga Jewell. Doon ka lalagyan ni Chester ng tracker sa iyong katawan.”“Okay.”… Pagtungo ni Lea sa ospital, tumungo naman si Shaun sa villa na kung saan nakatira si Brennan.“Dad, hinanap ka ba ng Campos ngayong araw?”“Ipinadala ni Charlie sa Country Y ang kanyang mga tauhan upang hanapin ako, subalit lingid sa kanyang kaalamang narito pa rin ako sa Canberra.” Sagot ni Brennan habang nagdidilig ng halaman. “Huwag kang mag-alala, maliban sa pagbibigay ng pressure at negatibong imahen sa Garson Corporation, wala ring magagawa ang mga Campos sa akin dahil lamang sa isang kontrata.”Tinabihan ni Shaun ang ama at sinabing, “Napagdesisyunan nilang i-kidnap si mama upang takutin ako. Pumayag siyang magpa-inject ng tracker sa kanyang katawan upang malaman namin ang kanyang kinaroroonan. Kapag nakakuha tayo ng tamang tiyempo, agad natin sila huhulihin.
“Planado na namin ni mama ang lahat. Matapos siyang ma-kidnap, kailangan niyang mag-isip ng paraan upang akitin si Mason anuman ang mangyari, kaya’t kailangan niyang mamalagi roon ng mga isang buong araw.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao. Pagkatapos ng ilang sandali ay marahan nang tinulak palayo si Catherine. “Kailangan ko siyang bantayan. Kailangang maayos ang lahat upang hindi magsuspetya si Mason.”“Sige.” Sagot ni Catherine. “Babantayan mo munang maigi ang kambal.”“Mm. Pagkatapos ng lahat ng ito, mapayapa nang makakabalik ng preschool sina Suzie at Lucas. Kapag wala na ang Campos sa kanyang likuran, hindi na tayo magugulo ni Wesley gaano pa man siya magmukhang malakas.”Hinaplos ni Shaun ang buhok ni Catherine. “Pagkatapos ni Mason, si Wesley ang ating isusunod.”Pagkasabi ni Shaun ang mga salitang iyon, napabuntong-hininga si Catherine.Kung kapwa maipakukulong sina Mason at Wesley, hindi na siya gaanong matatakot sa pagbabalik ni Rebecca, gaano pa mang kalakas ang k
“Ano’ng ginagawa ninyo?” Kinabahan si Lea lalo. Nagsimula itong gumalaw-galaw sa abot ng kanyang makakaya.“Manahimik ka na lang diyan.” Sinipa ni Bank si Lea. “Pinadalhan namin ng litrato ang anak mo. Kung gusto ka pa niya makita nang buhay, gawin niya ang anumang sasabihin namin, dahil kung hindi’y papatayin ka namin.”“Si Mason ‘yan. Gusto niya akong gamitin upang takutin si Shaun, ‘no? Nananaginip ata siya. Wala siyang alam kundi gumawa ng kalokohan. Ngayong nakabangon nang muli ang Hill Corporation, ginagamit niya ako upang takutin ang mga Hill. Kahit na mamatay ako, hindi ako papayag na masunod ang kanyang gusto.”Matapos magsalita ni Lea, nangalit ang kayang mga ngipin at iniuntog nito nang malakas ang kanyang ulo sa lapag. Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsimulang magdugo ang kanyang ulo hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay.“P*tang*na.” Pagmumura ni Bank. Agad nitong tinawagan si Mason.“Mga wala kayong kwenta. Ni hindi niyo mabantayan nang maayos ang isang babae.”
“Maghintay pa tayo nang kaunti. Dahil hindi nila ako nakumbinse, tiyak akong hahanap ng paraan ‘yan upang makausap ang aking lolo. Nahirapan silang dakipin si mama, kaya’t sigurado akong hindi agad nila ito isusuko. Dahil nagpadala ng doktor si Mason, ibig sabihin nito’y hindi niya ito hahayaang mamatay nang basta-basta.” Kinuyom ni Shaun ang kanyang mga kamao. “Kapag nagpakita si Mason, sabihan niyo agad ang mga pulis at tumungo kayo roon.”“Ngunit hindi natin alam kung kailan magpapakita si Mason.” Nag-aalala ang itsura ni Hadley....4:00 a.m.Pagdating ng doktor ng mga Campos, kalat na agad ang dugo mula sa noo ni Lea.Pagkatapos ng isang round ng emergency rescue, wala itong nagawa kundi tawagan si Mason. “Director Campos… nilakasan niya ho ang pagtama ng kanyang ulo sa lapag dahil wala na rin ata siyang ganang mabuhay. Kung hindi niyo ho siya ipadadala sa ospital, hindi ho ako kumpiyansang… maigagamot ko siya rito.”“Wala kang kumpiyansa?” Noong una’y tahimik pa sa kabilang
Nang makarating si Mason sa lugar kung saan dinala ng kanyang mga tauhan si Lea, nakita niya itong nakahiga sa isang kamang gawa sa kahoy. Mayroong malaking bandage ang ulo nito at nakakabit ang isang IV drip sa braso nito. Singputi ng papel ang kutis nito, isang indikasyon na maaari na itong mamatay anumang oras.Muling tumambad sa kanyang isip ang sandaling una silang nagkakilala. Noong mga araw na iyon, suot-suot niya ang isang kulay pulang bestida at tila’y hulog ito ng langit sa angking nitong ganda.“Lea, gumising ka. Hindi ka pwedeng mamatay.”Nagmamadaling tumungo si Mason sa gilid ng kama ni Lea at hinawakan niya ito. Sumisigaw siyang nagpatuloy. “Kapag namatay ka, papatayin ko rin si Liam! Hindi ba’t matagal mo na siyang hinahanap? Sinasabi ko sa’yo, alam ko kung nasaan si Liam. Kapag namatay ka rito, papatayin ko rin siya agad!”“Sira…ulo…ka…Mason.” Hirap na hirap si Lea na buksan ang kanyang mga mata. Nagpatuloy lamang ito sa pagpupursige nang marinig niya ang pangalan
Nagulat si Mason. Hindi niya inasahan na kaya pa rin ni Lea mag-analisa ng mga bagay ng sobrang kalmado sa estadong ‘yon.Ha! Kagaya ng inaasahan sa babaeng minsan niyang minahal.Sobrang sama…“Wala nang kwenta ito, Mason. Hindi ko tatawagan ang dad ko. Dagdag pa rito, paralisado na siya. Anong kaya niyang gawin kay Shaun? Si Shaun ang sole decision-maker ng mahabang panahon ng Hill Corporation.” ngumisi si Lea.“Kung hindi mo siya tatawagan, ako na ang gagawa. Ipaparinig ko sa ama mo kung paano marerape ang anak niya.” Talagang nabaliw na si Mason.Kinaway niya ang kamay niya sa mga kidnappers.Agad na lumapit si Bart habang hinihimas nang magkasama ang kanyang mga kamay. Medyo excited pa siya. “President Campos, ayos lang ba talaga?”“Basta huwag mo siyang patayin.” Masamang tumingin si Mason sa eksena.Madiin na kinagat ni Lea ang mga labi niya.Nang sumunggab si Bart sa babae at pinunit pabukas ang mga damit nito, isang sniper gun ang bumaril sa templo ni Bart mula sa lab
Kinuyom ni Brennan ang kanyang kamao. “Mason, makakaalis ka na.”Natigilan si Lea. Nilakihan niya ang mga mata niya at tumingin sa lalaki. “Hindi…”“Ikaw ang biolohikal na ina ni Shaun. Hindi ko pwedeng hayaan na mamatay ka.” Kinaway ni Brennan ang kamay niya. Matapos niyang makipag-eye contact sa mga pulis, tumabi ang mga pulis.Nang ganun ganun lang, dahan dahang umalis si Mason habang hawak si Lea. Matapos, sumakay siya sa sasakyankasama ang dalawang kidnappers na buhay pa.“President Campos, ano nang gagawin natin ngayon?” Ang kidnapper, na nagdadrive, ay galit na sumigaw.“Ang pera at card ko ay nasa villa. Ihatid mo ‘ko roon para kunin ang mga ‘yun,” sabi ni Mason na nagngingitngit ng ngipin.“Mahal mo talaga ang pera na tila buhay mo ito,” sarkastikong sabi ni Lea.“Anong t*nginang alam mo?” Sinampal siya ni Mason sa mukha. “Kung walang pera, wala akong mapupuntahan.”Muntik nang mahimatay si Lea matapos masampal. Gayunpaman, kinuyom niya ang panga niya at tiniis ito.N