KINABUKASAN, maagang nagising si Vanessa pero wala na si Angelo sa tabi niya. Hindi niya alam kung anong oras ito umalis dahil sa sobrang himbing ng kanyang tulog kagabi. Hindi na rin niya nagawang kumain ng hapunan dahil tuloy-tuloy na ang kanyang mahimbing na pagtulog dahil sa pagod sa ginawa niyang pagliligo sa ilog. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit kumukulo na ang kanyang tiyan dahil sa gutom na nararamdaman.Umalis siya sa ibabaw ng kama at bahagyang kumunot ang noo nang magkita ng isang sticky note na nakadikit sa malaking salamin niya sa kwarto. Kinuha niya 'yon at may sumilay na ngiti sa labi niya nang mabasa ang nakasulat doon. Nakagat niya rin ang labi dahil sa kilig na nararamdaman dahil iyon ang unang beses na ginawa iyon ni Angelo.'Good morning, honey.. How was your sleep? Did you dream of me last night? Dahil ako, lagi kang kasama sa mga panaginip ko. I'm sorry kung di na ako nakapagpaalam bago ako umalis kagabi. Ang himbing kasi ng tulog
Last Updated : 2021-09-13 Read more