"Ma, Pa. Gusto ko na po siyang pakasalan." Napatayo sa kinauupuan ang nasabing magulang dahil sa sinabi at hindi makapaniwala ang itsura ng mga ito. "Anak, baka naman nagpapadalos-dalos ka lang ng desisyon mo?" "Ma, bente singko na ako at alam ko na ang ginagawa ko. At isa pa anim na buwan na siyang buntis, alam niyo na naman na nagmamahalan kami kahit alam kong tutol kayo sa relasyon namin. Ma, pa. Mahal na mahal ko po si, Carmela." Hindi nagsalita ang ginang at nanatiling nakatingin na tila ba may iniisip ito. "Bueno, sige papayag kami ng ama mo. Pero saka na 'yang kasal na 'yan kapag nakapanganak na siya. Mas magandang magpakasal kung hindi malaki ang tiyan ng babae na 'yan." "Ma, Carmela ang pangalan niya." "Ok, Carmela. Naiintindihan mo ba ako? Saka na kayo magpapakasal maliwanag ba?" Seryosong wika nito sa anak. "Bakit kailangan pa na manganak siya at doon pa kami magpapakasal? Maaari na naman ngayon at--" "Sinabi ko na at kung mapilit ka baka hindi mo magustuhan ang gag
Magbasa pa